Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

Online Love *NEW*:)

You are viewing a post by jenipengpeng. View all 6 posts in Online Love *NEW*:).

  2012-06-25 20:18:33

jenipengpeng
 Marie Jenifer Labao
jenipengpeng's display avatar
» FTalker
FTalk Level: zero
Tropang Kalye 09
Baliuag, Bulacan
190
10
2015-11-13

Online Love *NEW*:)

[b]CHAPTER 1: The start of friendship[/b] I was in my high school that time uso and friendster kaya halos lahat na ata ng teenagers, hindi lang sa campus namin kundi pati sa buong Pilipinas ay meron nito. Out ka at manang kapag wala kang social life. At siguro dala ng sobrang kabataan ko nung mga panahon na un eh mahilig akong mag-accept ng mga friend request ng mga taong hindi ko naman talaga kakilala sa personal. Ako yung tipo ng babaeng nakakapeke ang itsura sa mga pictures kasi sabi nila may pagka-photogenic daw ako. Kaya maraming nagsasabi na mga online friend ko sa friendster na maganda daw ako especially mga lalaki. Karamihan din sa kanila ay nag-aatempt na manligaw at nagpapahiwatig ng pagkagusto pero ako hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila una, hindi pa naman kasi talaga nila ako nakikita sa personal maaaring marealize nila na pangit pala talaga ako at mapahiya pa ako, pangalawa, hindi naman din kasi nila alam ang tunay kong ugali dahil hindi naman nila ako nakakasama, at huli, sa layo ng mga lugar nila alam kung hindi nila ako mapupuntahan. Pero hindi ko gawaing mambasted naniniwala kasi ako na kailangan binibigyan ang mga lalaki ng chance para ipakitang sincere sila sayo at mahal ka talaga nila and I believe na kayang mong mahalin ang taong kahit sa hinagap mo ay hindi mo naisip na kaya mo palang mahalin. Lalo na kong nakikita mong mahal ka talaga niya. Ako ang madalas na puntahan ng mga taong nasasawi sa pag-ibig o mga babaeng nagkakaproblema sa kanilang mga relationships at hinihingan ng mga advices kahit na wala pa naman talaga akong experience pagdating sa mga ganon. NBSB kumbaga until I reached a point in my teenage life na nacurious ako at tinanong ang sarili ko "how does it feel to be in a relationship?". And YES! Nakipag-boyfriend ako pero sa text lang kasi bawal pa akong mag-boyfriend talaga. Naisip ko din kasi na wala namang magagawa sakin ang mga lalaki na yun kasi hindi naman kami nagkikita. Dun ko din naranasan mag- two, three, four, minsan five timer pa nga eh. And not to mention may mga nagpapahiwatig pa sa friendster at isa na siya, si Lawrence Olazo. [spoiler]@pawws- para sayo ang update ko. dahil kaisa isa kitang reader haha. :D[/spoiler]

You are viewing a post by jenipengpeng. View all 6 posts in Online Love *NEW*:).

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 07:50

[ 11 queries - 0.008 second ]
Privacy Policy