[quote][quote=jechel.eonni;#240793;1342684586]waaaaaaaaaaaaaaaaaaa
i want the revenge
excited much for the next story
UPDATE ! UPDATE ! UPDATE ![/quote]
haha. eto na po. sorry late UD. sira computer ko.
[quote=JaChriz;#243505;1342775465]What's the revenge Update na ..grrr can't wait it[/quote]
thanks.
[quote=Veelnerable;#243635;1342781826]Nice.[/quote]
thank you.
[quote=secretstar635;#262810;1343895190]update!..nakatawa ..grabeh si NATHAN,,,,omg![/quote]
hahaha! thanks. xD[/quote]
[b]Chapter 4: The Very Least Girl Who Will Fall In Love With The Casanova.[/b]
[quote]*Nathan's POV*
"Two tickets. Final Destination 5." I told the cinema ticket booth cashier.
"240 pesos po." sagot naman ng cashier.
I handed her the money then took the tickets. Tapos hinila ko na si ugly stick papunta sa cinema 5. Manunuod kaming final destination 5. I can't wait to see the expression of ugly stick habang nanunuod kami. For sure, matatakot to! Bwahahaha! Tapos, yayakapin nya ako! Oooh! I can't wait to see what she will do! Makakaganti na ako neto!
Umupo kami sa may malapit sa screen. Yung kapag may nakakatakot na lilitaw, unang-una si ugly stick sa pagrereact.
Nung nagkaroon na ng premonition si Nicholas d'Agosto sa mangyayari sa kanila, tumayo ako. "Bibili lang akong pagkain." I told ugly stick.
She shrugged. Tapos iniwan ko na. Pumunta ako sa ibang lugar kung saan di nya ako makikita pero makikita ko sya. Papanuorin ko muna kung paano matakot si ugly stick bago ako bumili ng pagkain. Wahahaha!
Nasa may part na kung san nakakadiri na ng konti yung nangyayri sa mga cast pero di yun pinapanuod ko. Si ugly stick pinapanuod ko! Hehe. Kaya lang, ba't ganon? Badtrip, di man ata sya natakot dun sa nakakadiring part! Di man nga ata nagreact eh! Ah, hindi. Hindi. Ano lang yun. Tinatago lang nya yung takot nya. Wala kasi sya mayayakap eh. Hehe.
Lumabas na muna ako ng cine para bumili ng pagkain namin. Tapos, pag medyo nakakatakot na yung nakapalabas, lalabas na lang ako uli para matakot sya lalo. Niahahaha.
Bumili ako ng popcorn and iced tea. Yung malaki nalang binili ko. Pero di ko naman ise-share kay ugly stick. Ano akala nyo. Bibigyan ko sya? Asa!
Nandun na sa may part na na-"cheat" na daw nung mga bida yung death nung nakabalik ako sa upuan namin ni ugly stick. Ok. Pinapanuod ko si ugly stick pero WALA PARIN SYANG REACTION SA MGA NAKAKATAKOT AT NAKAKADIRI NA PARTS! Argggh!!! Nauna pa akong nagulat sa kanya nung namatay yung girl na malabo yung mata! Nakaakinis tong ugly stick na to!
"Punta lang ako CR!" I groaned. Naiinis na ako at nadidiri! Dapat pala di nalang namin pinanuod tong final destination 5!
Paglabas ko ulit ng cine, may sumalubong sa akin. Yung babae kanina. si ms. slutty b1tch. Stalker ko ata to eh. "Hi again handsome. Have you ditched the girl? I'll forgive you for telling me that I'm a lousy kisser. Alam ko naman sinabi mo yun kasi kasama mo yung b1tch na yun."
I snorted. "I don't have any interest on you. Leave me alone because I'm in a very bad mood right now!"
She caressed my face. Dmn. Ang kulit din nito eh! "I'll cheer you up. Come on."
"Fck! Leave me alone b1tch!" I yelled. Hindi ba to makaintindi?!
The girl looks taken aback pero wala akong pakielam. I walked away irritatedly. Naiinis talaga ako. Before kami manuod ni ugly stick ng cine, kumain na kami sa isang mamahaling restaurant. Pero pinapanuod lang ako non ni ugly stick. Tinitignan nya lang ako. Yung tingin na nakakainsulto. Kaya ayun, nagpaka-gentleman ako sa kanya coz I'm really planning to sweep her off her feet pero wala! Nakakainis! Dun pumasok yung idea na manuod kamo ng nakakatakot. Gusto kong mawala yung tingin nya sa akin na nakakainsulto ata and maging dependent sya sa akin dahil sa takot.
"Nathaniel Marty Miguel!" someone yelled behind me. I bet si ugly stick yon. I ignored her and tuloy tuloy ako sa paglalakad.
Ugly stick huh? Di naman talaga sya payat eh. Nung kasing elementary kami, ang daming may crush sa kanya. Nakakainis yun! Ba't ba ang daming nagkakagusto sa kanya non? Ang payat payat nya kaya non! Pero crush pa rin sya ng mga kaklase namin kaya simula non, lagi ko na sya iniinis ng ugly stick and pinapaiyak. Tapos pag may lumalapit sa kanya na, inaaway ko. Ako lang nakakalapit sa kanya non!
I sighed. Kaya siguro galit na galit sa akin si ugly stick. Hindi naman talaga masama ugali ko o ano pero...
Ayokong may ibang lumalapit sa kanya maliban sa akin. Ay, meron nga palang isa pang lumalapit sa kanya. Pero balita ko, nung nag-graduate kaming elementary, nag-migrate yung pamilya nun sa ibang bansa. So nawalan sila ng communication ni ugly stick. See? Mismong tadhana na ang tumulong sa akin. Not that I care about that guy.
Matagal ko na rin pala syang di tinatawag sa name nya. Ewan ko. Naooverwhelm ako pag naiisip kong tawagin syang Gianna kaya di ko ginagawa.
Nakakainis talaga sya!!!
"Oi handsome idiot!" tawag ulit ni ugly stick sa akin. Binatukan pa ako nung nahabol ako!
"Ano ba! Lagi mo akong binabatukan ah!" I yelled out of irritation. Totoo naman kasi eh!
"Kung di ka ba naman kasi engot, iiwan mo pala ako kung di pa ako sumunod sayo!" she yelled back. Napapatitig ako sa kanya. Mas gusto ko tong ugly stick na to kaysa dun sa ugly stick kanina na tahimik. "Halika na nga! Walang kwenta ka mag-date!" she added. Aba't mang-iinsulto pa! At wala akong kwentang mag-date?! "Ako nalang magde-date sayo. Mga pointers sa totoong date. Kasi ang boring mo."
Boring?!
"Oi ugly st--"
"First. WAG KANG PLASTIC. MAGPAKATOTOO KA PAG NAKIPAG-DATE KA!" she cut me off. But instead na sigawan ko sya, napatitig lang ako sa kanya. Magpakatotoo?
"What do you mean?" I asked. Parang pinatatamaan kasi ako eh.
"What I mean is," she flipped her hair. May paflip-flip pa ng hair tong babaeng to. "Be yourself. Duhh. At dahil your way of dating sucks, you'll follow my way of dating. So, tara na."
"Saan?"
"Sa Sweet Smile Cafe. Gusto kong ice cream eh." she answered.
Sweet Smile Cafe? Saan naman yun?
Hinayaan ko na lang syang hilahin ako. Pero di ko expect na lalabas kami ng mall. Pero yun nga nangyari.
"Saan sasakyan mo? Hinatid lang ako ni lolo kaya wala akong dala." she asked.
This time, I held her hand and ako naman ang nanghila sa kanya.
***
"Alam mo handsome idiot, hindi dahil gwapo ka eh madali lang makipag-date." ugly stick said. Tapos, sumubo sya ng isang spoonful ng ice cream nya. "Dapat, you know how to have some fun. Wag kang boring. Yan ang second lesson mo. Ubusin mo na yang chocolate mousse mo tapos magjo-joy ride tayo."
I nodded then binilisan ko pagkain sa chocolate mousse ko. Masarap yung chocolate mousse dito ah. Sino kaya yung chef dito? Pwede kaya paturo pano gawin to? Hehe. Papatanong ko nga kay ugly stick. Ka-close nya yung mga employees dito eh. Madalas daw sila nung barkada nya dito.
"Pwede ba handsome idiot. Kumain ka nga ng maayos." sabi bigla ni ugly stick tapos lumapit sa akin at pinunasan yung dulo ng nose ko. Nadulilng pa ako sa kakapanuod ng kamay nya. "Halika nga dito. Ba't may napuntang mousse sa ilong mo? Pati ba naman ilong mo, kumakain? Hahaha,"
Binaba ko tingin ko. "Wag ka nga,"
"Loko handome idiot. Ngayon ka pa ata nahiya! HAHAHA!" she teased.
Tumayo ako bigla. "Oi hindi ako nahihiya no!"
"OO na. Cool ka lang. Umupo ka nga." she laughed.
Naupo ako. Then I turned to her and watched her. Si ugly stick naman tuloy tuloy sa pagsasalita.
"Dapat pag nakikipag date ka, confident ka. Pero di ko sinasabi na magpahangin ka lagi. Yung average lang. Teka, tapos ka na ba kumain?"
I nodded.
"O tara na! lakad tayo saglit tapos joyride tayo. Punta tayo saglit sa park sa tabi nung school dun." sabi nya sa akin tapos hinila ako. Napapadalas ang paghila sa akin ni ugly stick ah.
"O Mizuki, alis na kami. Psabi kay Ethan, wala syang kupas. Sarap parin ng desserts na gawa nya." paalam nya dun sa isang waitress tapos lumabas na kami.
**
"Alam mo handsome idiot, nakakainis ka," sabi bigla ni ugly stick. Nasa may park kami. Yung tinutukoy nya kanina.
I scowled. "Ako?? Nakakainis? Adik ka? Naka-high ka? Naka-drugs ka? Kanina pa ako nananahimk."
"Yun na nga eh." she pouted. "Usually inaaway mo ako."
Oo nga no. Di ko sya inaway this day. Nainis ako, oo. Pero di ko sya inaway.
"But I'm happy kasi hindi ka nakikipag-flirt sa iba habang kasama mo ako." she laughed. "Like kanina. Inaway-away mo pa si ms. slutty b1tch. Idol ko yun! Haha. Biruin mo. Ikaw? The prince casanova? Hindi pinansin yung isang babaeng nakikipagflirt sa kanya? End of the world na ba?[b] HAHAHA!"[/b]
"Ano bang masama kung di ko sila papansinin. I told you. I'm getting tired of being a casanova. That's why I agreed to marry you." I told her.
She stared at me, "Hindi dahil sa mamanahin mo kay lolo?"
I rolled my eyes. "As if naman hindi ibibigay sa akin yun ni tanda,"
She was quiet for a while. Then, nung nagsalita sya, medyo serious na. "I really hate you handsome idiot."
Bakit nanaman?!?
"Sinira mo yung elementary life ko. Kung hindi pa ako nagmakaawa kay lolo, baka pati high school life ko, sinira mo. Why do you despise me so much?"
Despise? Why do I despise her so much? Yes, I despise her. Bakit ba sya lang ang unaffected sa akin? Ba't ba hindi nya ako hinahabol? Tell me, bakit sya yung parang pinakahuling babaeng hahabulin ako and mahuhulog sa akin?
Dmn. I think I just sounded like a gay!
[i]Why do you despise me so much?[/i]
You won't understand it. You [i]can't[/i] understand it.
I stood up. Then ran. Iniwan ko sya. She can never understand why I teased her. Why I hate when all those stupid guys confess to her. Because, even I do not understand.
[i]All I know is, she's the very least girl who will fall inlove with a stupid casanova like me.[/i][/quote]