Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

Luckily Unfortunate [One Shot]

#1  2012-11-30 21:29:40

JAZZ
 Check Username
JAZZ's display avatar
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
In need of sleep & pizza
PANDORAs BOX
Edolas
465
44
2016-06-12

Luckily Unfortunate [One Shot]

[align=center][url=http://cosmopic.com/842v6884w320h480-lucover-jpg-image.html][img=320x480]http://img842.imageshack.us/img842/6884/lucover.jpg[/img][/url][/align] [b]"Do you Eliza take Keith to be your lawfully wedded husband?"[/b] [b]"Do I?"[/b] Napasapo na lang ako ng noo. Kahit saan talaga dinadala ni Ate ang kabaliwan niya. Sa mismong kasal pa niya pinalaganap! [b]"Umayos ka nga Eliza!"[/b] [b]"Yes sir Keith!"[/b] Nagsalute pa ang ate ko. Tinago ko ang mukha ko gamit ng panyo ko, nakakahiya siya! Nagtatawanan na ang mga bisita pati na ang pari. [b]"I do."[/b] [b]"Do you Keith take Eliza to be your lawfully wedded wife?"[/b] [b]"Ano pa nga ba, I do!"[/b] [b]"Ayoko na! Parang napipilitan ka!"[/b] Mistulang magwawalk out na sana si Ate Eliza pero hinila siya ni Kuya Keith at hinalikan. [b]"And you're now kissing the bride!"[/b] Marami naman ang tumayo na at pumalakpak pero ako tumayo na para lumabas ng simbahan. Masakit sa tuwing nakakakita ako ng mga magkasintahan na masaya, naiingit kasi ako. [b]"Dale, bakit ka umalis sa loob?"[/b] [b]"Nakakahiya kasi si Ate."[/b] Tumawa naman si Isa, pinsan ni Kuya Keith. Ako nga pala si Dale kapatid ni Ate Eliza. Isang mahirap mapaniwala, mahirap kumbinsihin. [b]"Pakibigay na lang kay Ate, regalo ko sa kanya. Una na ako."[/b] [b]"Hospital nanaman ba?"[/b] Nginitian ko si Isa at pumara ng taxi. Ayoko na nagsasaya ako sa party ni Ate habang siya nandoon na walang kasama. [b]"Kyaaaaa! Huwag ka dumaan diyan!"[/b] Kakababa ko ng taxi at papasok ako ng hospital pero may babae na nakahospital gown na humila sa akin sa kabilang side ng entrance at doon dumaan. [b]"Ayan, safe ka na! ^-^v"[/b] Tinignan ko siya ng nagtataka tapos tinignan ko ulit ang dadaanan ko sana kanina, wala namang butas o kung ano man. Anong trip nitong tao na 'to? Dapat hindi medical hospital ang lugar nito dapat mental hospital. [b]"Safe? Mula saan?"[/b] [b]"Sa malas! May dumaan kasi na itim na pusa sa dadaanan mo sana. You're safe!"[/b] Lalo naman akong naniwala sa conclusion ko na dapat nasa mental siya at hindi dito. [b]"Miss, sure ka ba na dito ka? Mukha kasing dapat sa mental ka."[/b] Ngumisi siya at inayos ang side bangs niya. Maganda naman siya pero baliw. Nagaaksaya lang ako ng oras ko dito kaya naglakad na lang ako papunta sa kuwarto niya. [b]"Wala man lang thank you! I saved you from bad luck!"[/b] Napalingon ako sa sigaw ng babae. Nakita ko siya na binelatan ako at mabigat ang mga yabag kung saan man siya papunta. Baliw talaga, parang si ate pero mas malala siya. [b]"Hey baby."[/b] Lumapit ako at hinalikan ang noo ng babaeng minamahal ko na nakahiga ngayon at hindi pa gumigising. May tumor siya sa utak at kumalat na daw, nakacoma siya at 10% na lang ang chance niya mabuhay pero naniniwala ako na magigising siya kahit sabihin pa nilang 1% na lang. Siya si Adi, girlfriend ko at first anniversary namin bukas makalawa. Nacoma siya noong mismong araw ng 10th monthsary namin. [b]"Gumising ka na, para macelebrate natin ang anniversary natin. Nagpareserve na ako sa paborito natin na restau at napagipunan ko na 'yung gusto mo na gitara. Gising na para mabili na natin, alam ko magagalit ka kung hindi ikaw unang makakahawak."[/b] [b]"Dale, bakit nandito ka anak? Diba kasal ng ate mo ngayon?"[/b] [b]"Opo tita pero dito na lang muna ako. Ang pangit naman po na nagsasaya ako habang si Adi nandito na nakahiga."[/b] Nginitian ako ni tita, mama ni Adi. Lumapit siya sa akin at yinakap ako. Naramdaman ko na may pumatak na luha sa long sleeves ko. [b]"Dale maraming salamat sa lubos mo na pagmamahal sa anak ko. Nagpapasalamat ako na kahit na mawala na siya ngayon naranasan niya magmahal at mahalin ng lalaking minamahal niya."[/b] [b]"Hindi po siya mawawala. Babalik siya, babalikan ka niya tita, babalikan niya ako."[/b] Malamig ko na sabi kay tita. Bakit ba parang sumusuko na sila? Bakit ba parang ako na lang ang umaasa na babalik pa siya? Bakit ba parang lahat sila naghahanda na kung aalis man siya? Hindi siya aalis, marami pa kaming hindi nagagawa. Pagbili nga ng gitara hindi pa namin nagagawa kaya hindi pa siya puwedeng mawala. [b]"Dale! Let's go!"[/b] Napabangon ako sa higa ko sa sofa. Nakatulog nanaman ako dito sa sala sa sobrang pagod na umakyat sa kuwarto ko. Maghapon kasi ako sa hospital kahapon. Today's Sunday and my family usually goes together to church. With that, I rush to the bathroom and took a quick bath then quickly change to something presentable. [b]"Sorry."[/b] [b]"We understand iho. Let's go."[/b] Mama at papa ko lang kasama ko ngayon. Siyempre honeymoon stage ang ate ko. Dumating na kami sa simbahan at mukhang napaaga kami. Bigla naman akong hinila ni mama at pinakilala. [b]"This is my son, Dale. Dale this is your tita Christy, my batchmate in highschool."[/b] [b]"Nice meeting you tita Christy."[/b] I slightly bow my head and gave her a smile. Napansin ko naman ang isang lalaki na pinapagalitan ang isang babae sa likod ni tita Christy. [b]"Oh sorry. Sobrang protective kasi si Rio kay Rishi. Nakakahiya naman na nakita niyo pa silang ganyan."[/b] Tinawag niya ang dalawang anak niya. Familiar 'yung babae. Right! She's the weird girl from the hospital but she really looks like a lady right now unlike in the hospital, she looks like a kid. [b]"Waaaah! 'Yung masungit na kuya!"[/b] Napataas naman ako ng kilay. Masungit? Hindi ko naman siya sinungitan, tinawag ko lang siya na baliw which is true. [b]"Rishi, umayos ka nga. Mapagod ka nanaman! Act like a lady."[/b] Sabi naman ng kuya niya siguro na si Rio. Huminga naman ng malalim itong si Rishi at ngumiti sa akin. Parang hindi siya, iba pala kapag 'act as a lady' na. [b]"I'm very sorry for my sister's behavior. She's really childish. By the way, I'm Rio."[/b] [b]"You even called me crazy in the hospital. I'm Rishi."[/b] [b]"It's because of your crazy beliefs. I'm Dale."[/b] Matapos ang pagpapakilala portion pumili na kami ng mauupuan. At sa kasamaang palad katabi ko si Bashi (Baliw + Rishi). Fine, ako na korni. [b]"Peace be with you."[/b] Nagbeso naman ako kay mama at papa, pati na din si tita Christy pero si Rio siyempre nagtanguan na lang kami. Tinignan ko si Rishi, tatanguan ko lang ba o beso din? [b]"Urm...peace be with you."[/b] Sabi niya at nagtiptoe para mahalikan ako sa pisngi. Nabigla naman ako sa ginawa niya. Kaya tumingin na lang ako sa ibang direksyon. [b]"Peace be with you din."[/b] 'Yan na lang ang nasabi ko. Minsan nagsasagi kamay namin kapag nagkaupo, siko naman namin kapag nakaluhod. Ewan ko ba parang may malakas na negative force at bigla ko na lang linalayo ang kamay at siko ko sa kanya. Biglang hinawakan ni mama ang kamay ko, ama namin na pala. Nagdalawang isip ako na hawakan ang kamay ni Rishi pero ayoko naman na isipin niya na naiilang ako sa kanya, naiilang nga ba ako? [b]"Ama namin lang 'to."[/b] Pilit kasi niya na tinatanggal ang kamay na hawak ko kaya binulong ko sa kanya 'yun at napatigil naman siya. Bibitawan ko na sana 'yung kamay niya pero hinigpitan niya ang hawak hanggang sa matapos ang misa. [b]"Sorry."[/b] Sabi niya na nakayuko at binitawan ang kamay ko. [b]"Ano ba kasing pumasok sa baliw na isip mo?"[/b] [b]"I felt the familiar feeling when I touched your hand. The feeling I had with a person I choose to leave."[/b] She smiled at me and walk towards her family and I was left, dumbfounded, having no clue of what she just said. [b][i]JUNE 13, FRIDAY[/i][/b] Good morning! Happy 1st anniversary to me and my baby Adi. Bumangon naman agad at naligo at etc para makapunta na agad sa hospital. Dumaan muna ako sa isang cake shop at bumili ng blue na balloon since paborito niya 'to. [i]~Baby don't ignore the call! Answer it! Now baby, now!~[/i] Natigilan ako sa pagsakay sa kotse ko. That's my ringtone for her number. [b][i]"Hello?"[/i][/b] [b][i]"Baby, happy 1st anniversary."[/i][/b] [b][i]"Happy 1st anniversary Adi. I love you."[/i][/b] [b][i]"I love you more. Hurry here, please?"[/i][/b] [b][i]"Be there in a few minutes."[/i][/b] Sabi ko na nga ba gigising siya. Ang saya dahil mismo pa namin na anniversary siya gumising. Makakacelebrate kami kahit na sa loob ng hospital lang. Tumakbo ako sa loob ng hospital na hindi matanggal tanggal ang ngiti sa labi ko pero nang matanaw ko na ang kuwarto niya para akong nanghina. Si tita umiiyak. [b]"Dale, wala na siya."[/b] Nabagsak ko ang dala ko na cake at nabitan ang balloon na hawak hawak ko. Hindi, joke lang siguro ni tita. Tumawag lng siya kanina. Tumawa ako ng bahagya. [b]"Tita, huwag magbiro ng ganyan. Tumawag siya kanina sa akin. Tita papasok na ako."[/b] [b]"Nahuli ka na Dale. Nagising siya kanina at tinanong ang date. Agad ka niya tinawagan at binati pero pagkababa ng pagkababa niya ng telepono pumikit na siya."[/b] Napahigpit ang hawak ko sa door knob at nagunahan na bumagsak ang luha ko. Nahuli na ako? Hindi ko man lang nakita ulit 'yung mata niya na mulat. Hindi ko man lang siya nakita na ngumiti kahit saglit lang. Bakit Po ninyo pinagkait 'yun? Naging mabuti naman akong anak, bakit? Araw-araw ako pumupunta sa Iyo para gisingin siya para makita ko ulit 'yung ngiti niya para marinig ulit boses niya. Ginising Niyo nga siya at pinarinig ang boses niya pero bakit hindi Niyo man lang hinayaan na makita ko siya na mulat? [b]"Fvcksht Adi! Bakit di mo ko hinintay?!"[/b] Napasuntok na lang ako sa pader at napaupo habang binaon ang mukha ko sa mga tuhod ko. Lumakas ang hagulgol ni tita. Adi naman, bakit ganito? Sa mismong araw pa naman natin. Bakit hindi na lang sa ibang araw? Bakit ngayon pa. Kahit sana naman napagsaluhan natin 'yung cake na binili ko diba? [b]"Dale... Tahan na."[/b] Napaangat ako ng ulo ko. Nakita ko si Rishi na hawak 'yung asul na balloon. [b]"Naniniwala ka sa malas diba? Friday the 13th ngayon at alam mo, nagkandamalas malas nga."[/b] Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Gustong gusto ko magwala pero hindi sa harapan ni tita, hindi sa harapan ni Rishi. Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Hindi ko alam gagawin ko. Parang gusto ko na sumunod pero paano naman sina mama, si papa, si ate. May pusa ba na itim na dumaan sa dinaanan ko kanina? Hindi naman ako nakabasag ng salamin, bakit ba ang malas?! [b]"Dale sa akin mapupunta ang puso ni Adi."[/b] Napatigil ako sa paglalakad, plano ko na kasi umuwi at magkulong sa kuwarto para makontrol ko ang sarili ko. [b]"Pakiingatan ang puso niya Rishi. Puso 'yan ng babae na mahal na mahal ko e. Hindi mo man sabihin ang sakit mo ngayon alam ko na malala na 'yan. Masaya ako na matutulungan ka ni Adi. Sana hindi siya magsisi sa pagbigay ng puso niya sa iyo."[/b] Ngumiti ako ng pilit sa kanya at itianuloy na ang pag-alis. Huminga ako ng malalim at tumingin sa taas para mapigilan ang luha ko sa pagdaloy sa mga pisngi ko. Ano pa ba masasabi ko? Kundi ang sakit! Ang sakit fvcksht! Gusto ko na hugutin ang puso ko para hindi na maramdaman 'yung sakit. [b][i]5 years later, June 13[/i][/b] [b]"So pool diyan? Dito siguro magandang ilagay 'yung bar."[/b] Engineer na naganap si Kramer Llana. Limang taon na umalis sa bansa para makalimutan ang unang babae na minahal niya. Nagbalik na siya para kumawala sa nakaraan niya at magsimula ng panibago at mukhang maganda naman ang usad ng panibagong simula ko. [b]"Engineer Llana! Pinapatawag po kayo ng chairman."[/b] Tumango ako at sinunod na lang ang secretary ni chairman. Sa totoo lang, hindi ko pa nakita itong chairman nila e halos magiisang buwan na akong nagtratrabaho sa kanila. [b]"Dale, musta na?"[/b] Napabatok naman ako sa taong nangamusta sa akin na tinatawag nila na chairman. [b]"Walang hiya ka Rio! Ikaw lang pala ang chairman di ka pa nagpakilala!"[/b] Tumawa naman siya at umupo sa sofa sa loob ng opisina niya. Hanep! Big time talaga ito. Resort niya pala ang ginagawa ko. [b]"Para may thrill. Musta naman ang balikbayan?"[/b] [b]"Nandito ba si Rishi?"[/b] [b]"Kapatid ko lang pala habol mo sa akin pare! Nasa green house siya."[/b] Nginitian ko lang siya at umalis na patungo sa green house. Hindi niyo na itatanong. Sinundan ako ni Rishi sa states noon. Siya ang tumulong sa akin na magsimula ulit kaso nga lang kinailangan niya umuwi agad dahil kinailangan niya umattend ng kasal ng kuya niya. [b]"Ops! Tatlong taon din na malas 'yan."[/b] Muntikan na kasi mabitawan ni Rishi ang vase na hawak niya pagkapasok ko ng greenhouse buti na lang at nahawakan ko ang kamay niya. [b]"Tha-Thank you."[/b] Binawi niya agad ang mga kamay niya at linagay na ang vase sa tuktok ng isang table doon. Tinalikuran ako ni Rishi at papunta sana sa kung ano man na bulaklak na 'yun. Yinakap ko siya mula sa likod. [b]"I miss you Rishi..."[/b] [b]"Dale bitiw nga parang bata!"[/b] [b]"Nagmature ka na?"[/b] Kinurot niya ako dahilan na napakalas ako sa yakap ko sa kanya. Tumawa naman ako habang hinahabol niya ako kasama ng parang tinidor niya. Nakakatawa nga itsura niya, para paring bata. Hinawakan ko ang kamay niya na hawak hawak 'yung parang tinidor. Baka kasi mapagod pa siya, mapasama pa sa kanya. May sakit siya sa puso kaya kinailangan niya ang puso ni Adi, sabi ng mga doctor okay na daw siya pero ayoko ulit mawalan kaya magiging mas maingat ako ngayon. [b]"Sa kada malas may suwerte na darating. At ikaw 'yung suwerte na natanggap ko Rishi noong nagkandamalas malas ang buhay ko. Are you willing to spend the rest of your life with me?"[/b] Nanlaki ang mga mata niya at namula ang buong mukha niya. Napangiti naman ako sa reaksyon niya, I'll take that as a yes. I lean forward and start kissing my future wife. She drop the thing she was holding and let her arms crawl to wrap it on my neck as I wrap mine in her waist. Typical kissing scene? But no matter how typical it is, it's the person you are kissing that matters. Guess, I'm luckily unfortunate to have this girl for we will live happily in love ever ever forever after. [b]*FIN*[/b] [b]NOTE:[/b] Actually side story ito ng ginagawa ko na series pero ayoko munang ipost kasi baka hindi ko matapos kaya mga one shot muna! Naiintindihan naman kahit hindi pa nababasa 'yung series ^-^v At huwag magtaka sa (c)CrazedLunashtic - ako po 'yan sa wattpad :D Sana may magbasa at magcomment. HAHA :lol2:

Principe Azheef[?] likes this topic.

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 11:51

[ 13 queries - 0.010 second ]
Privacy Policy