Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

  2012-05-17 03:49:02

mister.whize
 Whize Fiction
mister.whize's display avatar
» n00b
FTalk Level: zero
3
2
2014-07-02

The Chance (One-Shot Story)

[align=center][img]http://i995.photobucket.com/albums/af74/zheaisthria/TheChance.jpg[/img][/align] [i] I've been in love with this girl for a long time but my feelings are seem to be still a secret though I have told her twice. After a long time, I have the strength to talk to her again... [/i] Minsan lang naman siya mag-online, at madalang ko lang din siyang maabutan or even makausap in person. Magka-iba kasi kami ng department. Architecture ako while she's from Accounting. Nakilala ko siya during the campus event when nagkaroon ng department collision. Parang campus festival din. Clan ang tawag sa group nang pinagsasama-samang course at naging ka-clan ko siya. [i][b]*Flashback*[/b] "Paabot naman ng scissors" sabi ko sa katabi kong babae" "Ito po oh" binigay niya naman. Gumagawa kami ngayon ng confetti. Syempre, need ang patience dito kasi kailangan talagang maging confetti ito. "Saang department ka pala?" may pagkamadaldal kasi ako kaya nagtanong na ako. "Accounting po." "Section mo?" nagpatuloy pa rin kami sa paggugupit. Kumuha siya ng another metalic paper strip "A101-A po." "Ahh." Ano ba naman itong kausap ko? "Robot ka ba?" "Huh?" napatigil siya at nilingon ako, lumingon din naman ako. "Robot? Ako po?" Napalakas pala ang sabi ko "Ahh. Narinig mo yun? Kasi naman, isang tanong, isang sagot ka." napakamot tuloy ako sa ulo. "Ahh..." sabay tumawa siya na kinabigla ko "Robot! Hahaha. Di naman po. Ganun lang po talaga ako. Pasensya na po huh." Natuwa naman ako kasi akala ko na-offend ko siya. "Hindi ayos lang sige, pagpatuloy nalang natin ang usapan. Di ba Claine ang name mo?" "Opo at ikaw naman po si kuya Kyle. Lagi po kasi nilang binabanggit yung name mo nung na-miss mo yung mga meetings before kaya na-memorize na po namin." "Grabe naman yun." nagtawanan nalang kaming dalawa. [b]*end of flashback*[/b] [/i] Hindi siya yung unang naging ka-close ko sa clan, nakakusap ko naman yung classmates ko na irregular lang, pero natutuwa kasi ako sa kanya. Wala lang, masarap kausap. One time, napagod lang ako magsalita at nanahimik, nilapitan naman niya ako. [i] [b]*Flashback*[/b] May tumapik bigla sa akin "Ui, kuya." she smiled. "Wag ka nang malungkot dyan. Wag mo damdamin yun. Ayos lang yun." "Grabe naman." napangiti nalang ako. Hindi ko alam kung pinagtri-pan niya ako or wala lang siyang magawa. Naupo naman siya sa tabi ko "Sige na nga kuya, tatabihan na kita para di ka na emo dito." sabay tumawa ulit siya. "Gusto mo po?" inalok niya ko ng kinakain niyang sandwich. "Hindi, sige. Kumain na rin ako eh. Thank you." Tumango siya "Ahh, sige po." may mga umupo na rin sa tabi niya at tabi ko, ka-department niya. "Hayan kuya, marami ka nang kasama. Kapag may problema ka sabihin mo lang sa amin. Willing naman kaming makinig eh." Tumawa nalang ako. "Sige, sa susunod sasabihin ko sa'yo huh." [b]*end of flashback*[/b][/i] Kaya naman nung nag-open ako ng Facebook account ko ay sinearch ko agad yung account niya, hindi naman mahirap hanapin kasi name niya yung gamit niya. Claine Lercilla. Siya ang unang in-add ko sa clan. Siya kasi ang unang pumasok sa isip ko kasi siya ng parang pinaka-close ko sa kanila. Hindi niya pa rin ina-accept yung request ko nun. Di niya siguro ako nakilala. First name ko lang kasi ang gamit ko, full name ko ay Simon Kyle Aguilar. In-accept na rin nung iba yung requests ko. [i]*Flashback* The next time na nag-online ko, yun na nakita ko yung notification. She accepted my request. Sakto naman na online siya kaya, nakipag-chat ako. Simon Kyle: [b]Claine[/b] Matagal-tagal din akong naghintay sa reply niya, akala ko nga hindi ako papansinin. Claine Lercilla: [b]Hello po kuya.[/b] Simon Kyle:[b] Hello :)[/b] Claine Lercilla: [b]Yes po?[/b] Simon Kyle: [b]Wala lang. Hmm. Naka-add ka na ba sa clan page?[/b] Claine Lercilla: [b]Clan page po? Not yet po?[/b] Simon Kyle: [b]Ganun ba? Sige, add kita.[/b] Claine Lercilla: [b]Okay po. Thank you.[/b] Simon Kyle: [b]:)[/b] In-add ko na siya sa group page ng clan namin. Claine Lercilla: [b]Okay na po.[/b] Simon Kyle: [b]Ang galang mo naman. :)[/b] Claine Lercilla: [b]Bakit naman po?[/b] Simon Kyle: [b]'Po' ka kasi ng 'po'. Di naman ako ganun katanda ah. Magkasing-edad lang tayo.[/b] Claine Lercilla: [b]Ahh. Hindi naman. Sige nga nga, iiwasan ko na mag-'po' pero mas matanda ka pa rin sa akin kuya. XD[/b] Simon Kyle: [b]Sabi mo eh. :)[/b] [b]*end of flashback*[/b] [/i] Akala ko nun, nakakatuwa lang talaga siya like nung iba naming ka-clan. Masaya kasi ang samahan namin kaya hindi ko agad napansin na mas nagiging masaya pala ako dahil sa kanya. Kaya hindi ko naiwasan ng mapaisip. Ang cute niya talaga. [i][b]*Flashback* [/b] "Claine, patawag naman yung mga kasama mo sa department para makapag-start na tayo." Tumayo siya "Ahh. Sige po." Dali-dali naman siyang tumakbo. Nasa kabilang pinto ako nun kaya nakikita ko siyang tumakbo ng maya-maya ay... *boogsshhh!!* Nagmadali ako papunta sa kanya. "Ui, ayos ka lang?" "Hahaha. Ayos lang po ako." "Takbo ka kasi ng takbo, ayan tuloy nadulas ka." Tinulungan ko siyang tumayo "Hindi ko naman kasi alam na madulas pala. Wala kasing sign eh." sabay ngumiti siya. "Salamat po." "Wala yun, wag ka na tumakbo." "Huh? Kuya!" hinawakan niya bigla yung kamay ko. "May sugat ka?" Hindi ko naramdaman yun ah "Ayos lang yan." hinawi ko nalang yun kamay ko. Nasugatan pala ako dun sa nabasag na salamin kanina. "Eh? Hindi po ah. Wait lang po." Biglang may kinuha siya sa pocket niya. "Akin na po yun kamay mo." "Hayaan mo na lang" She tsked "Aye, ang kulit." inangat niya ulit yung kamay ko at pinunasan yung dugo sa palad ko. "Kuya, ang sugat hindi pinagwa-walang bahala. Dapat dyan, ginagamot para hindi lumalala." pagkatapos ay hinipan niya ito at nilagyan ng band-aid "Hayan kuya, for protection lang yan from infection pero dapat pumunta ka ng clinic para malinis yan." "Ahh, sige. Thank you." She smiled "Sige, punta na ako sa building namin." sabay takbo. "Ui, wag ka tumakbo!" sigaw ko. Huminto siya at naglakad. Lumingon naman siya "Opo!!" "Ang cute niya..." napabulong ako. [b]*end of flashback*[/b] [/i] Hanggang sa tumagal ng tumagal yung samahan namin. Close naman siya sa lahat eh, nakakatuwa siya. Masayahin, maasikaso din. Hindi pala kwento pero kahit boring na yung usapan nakikinig pa rin siya. Nakiki-jamming and nakikisakay nalang sa trip ng iba. And that makes me fall for her deeper. [i][b]*Flashback*[/b] "Ito na naman ang laro eh." sabi ni Claine. "Wala na bang iba?" Sumagot naman yung ka-department niya "Eh bottled water lang ang meron tayo kaya spin the bottle ang trip namin ngayon." "Bahala kayo" matipid niyang sagot. "Lahat kasali huh, pati ikaw kuya Kyle." Napaturo naman ako sa sarili ko "Ako? Hala, di ako kasali dyan." Tumawa naman sila "Kuya, kasali ka po. Wala ka nang magagawa." "No choice tayo kuya eh. Pagbigyan ang mga bata." sagot naman ni Claine sabay tawa. Nag-start nang mag-ikot nang bote. Kung kani-kanino tumapat pero ang tanong pare-parehas langa. As usual... "O, kay kuya Kyle tumapat." sabi ni Janice ng Accounting Department. "So kuya, sino crush mo sa clan?" lahat sila nakatingin sa akin. Lumingon muna ako pa-ikot, syempre kasama sa nilingon ko si Claine "Wala naman." "Weh?" pang-aasar nila "Di pwedeng wala" dagdag ni Rica. "Kahit nagagandahan lang or nacu-cutan?" "Hmm..." Biglan namang nag-salita si Claine "Oo nga kuya, unfair. Sila sinagot nila tapos ikaw hindi. Maniwala kami! Hahaha!" "Oo nga kuya." second the motion ng nakararami. "Hmm. Sige na nga." tumingon ako kay Claine na may hinahanap ata sa bag niya "Si... Hmm.. Si Claine." Nanahimik naman sila sabay angat niya ng ulo "O ano? Sino na?" "Hahaha! Ikaw daw Claine!" asar nung isa naming kasama. "Grabe naman. Wala lang masagot si kuya eh." tumawa nalang siya. "Hindi nga, ikaw nga." sabi ko sa kanya. Bakit hindi siya naniniwala? Ngumiti lang siya "sabi mo po eh." [b]*end of flashback*[/b] [/i] Yun yung time na una kong sinabi sa kanya pero para lang kasing joke sa kanya kasi nga we're in the middle of the game they called 'spin the bottle'. Hindi ko nalang dinamdam yun. Hindi naman siya nailang sa akin kasi nga siguro akala niya, palusot ko lang yun which is not. Totoo yung sinabi ko nung araw na yun. Dinaan ko nalang sa actions. Sabi nga nila, actions speak louder than voice. [i] [b]*Flashback*[/b] "Ako nalang magdadala niyan" sabay kuha nung boxes na kahit hindi ganun kabigat ay inako ko na. "Hala kuya, magaan naman yan eh. Kaya ko naman po eh." tanggi niya. "Ako nalang po." Nagpatuloy lang ako sa paglalakad "Hindi sige, sabay na ako sa'yo. Tapos kain tayo sa cafeteria tutal lunch break naman eh." "Sige na nga po." [b] *end of flashback*[/b][/i] One time, naging over-protective na din ako sa kanya na naging dahilan na mahalata ng iba. [i] [b]*Flashback*[/b] Sa labas kami ngayon naka-duty, nag-aayos ng kung anu-ano at nagbebenta. Medyo mainit din ang sikat ang araw, maingay at yung iba naman naglalaro. Bigla namang nawala sa paningin ko itong si Claine kaya hinanap ko kung saan-saan. Hanggang sa nakita ko siyang naglalakad sa may gilid ng field. Pinagtinda pala siya ng hotdog sandwiches sa mga nanonood ng game. Nakakatuwa talaga siyang panoorin, hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap kasi may kanya kanya kaming nakatokang gawain. Napansin ko namang patungo sa kanya ang direksyon ng bola. "Claine!" I called pero hindi niya na rin narinig kaya... *toogssh* Nalalag yung dala-dala niyang basket. "Huh? Kuya Kyle?" Hawak ko ang braso niya "Okay ka lang ba?" "Ahh... o-o-opo." "Pare..." lumapit sa amin yung isang player. "Pasensya na pare huh." "Di ayos lang." sabay hinatak ko na pabalik ng booth si Claine. Tahimik lang kaming dalawa. Nag-aayos ng paninda at gamit. "Kuya oh, tubig, Salamat po kanina huh." tinaggap ko naman pero binaba ko rin sa table. "Kuya, masakit po ba? Maupo ka muna." "Ayos lang ako." hindi ko pa rin siya pinapansin. Inagaw niya yung ginagawa ko "Ako na po dyan, maupo ka nalang po muna." "Ano ba? Ang kulit mo huh!" napataas ako ng boses kaya napatigil at napatahimik siya. "Alis muna ako." Alam kong mali ang nagawa ko. Kasalanan ko ba kung nag-aalala ako ng masyado sa kanya? Kasi naman, kung saan-saan kasi siya pumupunta. Tapos di pa tumitingin sa paligid. Paano nalang kung siya yung natamaan ng bola? Naku naman! "Kuya Kyle" napalingon naman ako "Can we talk?" Si Rica. "Ayos lang. Tungkol saan?" naupo siya sa tabi ko. Ka-classmate siya ni Claine at ka-clan ko din. "About kay Claine" napalingon naman ako sa kanya. Di kaya? "Yes kuya! Hahaha. May gusto ka kay Claine eh." "Paano mo nalaman?" "Nahalata ko. Pinag-mamatyagan ko kasi kayo eh. Bago pa man din nung 'spin the bottle'." hindi nalang ako sumagot. "Pagpatuloy mo lang yan kuya, pag-pasensyahan mo na rin siya kasi may pagka-slow din yun eh. Wala rin kasi siyang interest or panahon sa ganyan eh." "Grabe naman..." Tumayo na siya "Basta kuya, nakakatuwa kayong tignan." umalis siya ng tumatawa. [b] *end of flashback*[/b][/i] Nung natapos yung event, minsan nalang kami magkita. Kanya-kanyang classes na. Minsan kapag nagkakasalubong sa daan, simpleng ngitian at batian nalang o kaya naman ay may konting usapan kapag may oras. Pero hindi na katulad ng dati na mahabaang bonding. Pero maswerte na ako nang isang araw, walang klase kaya nagkayayaan. Since kaparehas ko siya ng isang subject at wala kaming professor eh sabay-sabay kaming kumain. Pito kaming magkakasama, ibang building kasi yung iba. Kain at usap lang naman ang ginawa namin. Kwentuhan about sa class at iba pa. [i][b]*Flashback*[/b] Nung umuwi na kami, sumabay ako sa kanya. Kahit iba yung way ng daan ko. Dinahilaan ko naman na pupunta ako sa bahay ng classmate ko sa parehong daan. "Kamusta naman?" panimula ko. "Parang hindi magkausap kanina kuya huh. Ito hindi na buhay" sarcastic niyang sagot "Joke lang po." "May sasabihin pala ako sa'yo." oo! maglalakas ako ng loob. Nagpatuloy lang siya "Ano po yun?" "Kaso baka ma-ilang ka..." Tumawa siya at nagsabing "Bakit naman po ako mai-ilang?" Nanahimik lang ako panandali at umimik "May gusto kasi ako sayo." Hindi siya agad nag-react at biglang tumawa "Hahaha! Kuya." biglang tumigil "Lilipas din yan." Tumigil ako sa paglalakad, hinawakan siya sa braso at nilingon "Paano kung hindi?" Tumingin siya sa akin pero hindi ko mabasa ang mga mata niya "marami dyan kuya." bigla lang siyang tumawa. [b]*end of flashback*[/b][/i] That was the second time I told her. Siguro nga maraming beses ko nang pinapaalam sa kanya pero wala naman siyang reaction. Gaya nga ng sinabi niya, hindi siya maiilang. Pero parang ako ang naiilang. Hindi ko nalang pinapahalata sa kanya pero ang hirap kasi eh. Tapos bigla nalang nagsilabasan ang mga balita, marami pa palang nagkakagusto sa kanya. Mayroon ding ka-classmate ko. [i] [b]*Flashback*[/b] Nasa gitna kami ng illustration activity na required ipasa mamayang nine o'clock in the evening. Kahit nagru-rush kami kasi four hours nalang yung natitira, may daldalan pa ring halo. "Eh pare, sino nga ba yung sinasabi mong crush mo na crush din nung ka-clan mo dati na taga-CoE department?" "Ahh yung crush din ni Julius... si Claine yun..." Hindi ko naman sinasadyang marinig ang usapan eh, sadyang malakas ang boses nila eh. "Si Yuri Clane Lercilla. Yung natamaan ng bola? Crush ko din kaya yun. Binigyan ako ng bottled water nun eh" lumingon naman sa akin si Mark "Di ba niligtas mo siya para hindi siya matatamaan ng bola." Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa sketching ko. [b]*end of flashback*[/b][/i] Mas lumala pa yung situation nang ako pa talaga ang nilapitan ni Patrick. Siya yung classmate ko na may gusto din kay Claine. Alam naman niya eh. Alam na halos ng buong clan. [i] [b]*Flashback*[/b] "Ano? Sabihin ko na kaya? Di ka naman magagalit di ba?" "Bahala ka. Nasa sa iyo yan. Hindi naman ako magagalit eh" pero ang totoo niyan, kahit masama, parang ang sarap upakan ng taong ito. [b]*end of flashback*[/b][/i] Masakit na kahit alam niya na may gusto ako sa kanya eh parang wala lang sa kanya. Parang sa isip niya ay biro biro lang. Hindi niya ba alam na sincere ako? Hindi pa ba obvious? Lalong sumasakit nang ma-witness ko pa... [i] [b]*Flashback* [/b] "Claine..." tumingin muna si Patrick sa akin "Sabihin ko na ba?" "Gusto mo ako na eh" pagbibiro ko pero deep inside gusto kong sabihin na 'huwag na!' Napakamot ng ulo si Claine. Obvious na walang alam "Ano po ba yun?" "Ano kasi Claine... May gusto kasi ako sa'yo. Pwede bang manligaw?" mabilis niyang sabi. Nag-pretend nalang akong hindi nakikinig at hindi nasasaktan. "Ahh... kuya..." hinawakan niya si Patrick sa braso at pumunta sila sa di kalayuaang lugar. Nakikita ko pa sila pero hindi ko sila naririrnig. Nakita ko nalang silang parehong ngumiti at bumalik. [b]*end of flashback*[/b][/i] Wala na akong magawa, madalas ko silang nakikita na magkasama, nag-uusap, kumakain at nagtatawanan. I used to be the guy to be at her side, laughing and talking. Hindi nga ako torpe pero mabagal naman. I even become selfish, selfish for my own sake. Mas pinili ko pang ibigay siya sa iba. What can I do? She's not even mine and will never be. Simula nung araw na yun, ako nalang yung umiiwas. I don't know if she haven't notice it or she doesn't really care. Iniwasan ko na siya sa mga hang-outs ng clan. Even sa Facebook. Kung dati-dati, una akong mag-cha-chat sa kanya kahit hindi importante, hindi ko na ginagawa. Baka nga masaya na siya. Ayoko nang manghimasok pa. I rather see her smiling with him even it cause me dying inside. I will let her go... though it kills me knowing that I'm supposed to be the one to call her 'mine'. I... almost... have her. "Pare..." si Patrick. Masakit, hindi ba halata? "Pwede ba tayong mag-usap?" Tumanggi naman ako "May gagawin pa ako eh." "Sandali lang ito." "Sige." pumunta kami sa may labas ng room at dun nag-usap. "Tungkol saan ba?" "Tungkol kay Claine." Sabi ko na nga ba eh "What's with her? Di ba ayos na kayo? Okay na kayo di ba?" "Kami, oo. Kayo, hindi. Iniiwasan mo siya?" "Ano bang tanong yan?" "Hindi ako nagtatanong, ang sabi ko, iniiwasan mo siya. You're ignoring and avoiding Claine. Bakit?" "Hindi ko siya iniiwasan no. Marami lang talagang gawain ngayon. At isa pa, di ba nililigawan mo siya. bakit---" Napakunot siya ng noo "Huh? Anong nililigawan? Hindi niya ba sinabi sa iyo?" Buti nalang nag-online siya. Sabi kasi nila, online naman siya kaso nag-i-invisible daw siya. Ayoko naman siyang kausapin ng ganun. Chat na nga lang eh. Three months ko ata siyang hindi kinakausap. Sasagot kaya ito Simon Kyle: [b]Claine :)[/b] Maya-maya lang ay nag-offline siya. Nag-send lang ulit ako nang message. Simon Kyle: [b]Ui. :) Claine.[/b] Pero wala pa ring sagot. Naghintay pa rin ako at hindi naman ako nabigo. Claine Lercilla: [b]Hey kuya![/b] Simon Kyle: [b]Hello. Kamusta?[/b] Claine Lercilla: [b]Okay naman po.[/b] Simon Kyle: [b]Tagal natin di nakakapag-chat huh.[/b] Claine Lercilla: [b]Oo nga po eh. Busy ka masyado eh. XD[/b] Simon Kyle: [b]Di naman. Anyways, libre ka bukas di ba?[/b] Claine Lercilla:[b] Libre agad? Di ba pwedeng 'libre ka ba bukas?'. XD Opo. Why po?[/b] Simon Kyle: [b]Treat kita. Na-miss ko na rin kwentuhan natin eh. May sasabihin din ako sa'yo eh.[/b] Claine Lercilla: [b]Treat? Sige na nga. Sisingilin na kita kasi dati ako nanlibre sa'yo.[/b] Simon Kyle:[b] Sige. Sure na yan huh. Wag mo akong iindyanin huh. Bawal tokis.[/b] Claine Lercilla: [b]Opo. XD[/b] Matagal akong nag-ipon ng lakas ng loob para dito. On this third time, I hope she will not treat this just a joke. Hindi ko alam kung makakaya ko pang ulit-ulitin kapag inisip niya pang nagbibiro lang ako. At the specified place and time, she came. Sabi ko na eh, maaga na naman siyang dumating eh, thirty minutes before the call time. I'm just here, staring the beautiful scenery. My beautiful scenery. Two minutes before the time ay lumapit na ako sa kanya. "Ui, kanina ka pa ba dito?" kahit alam kong oo, thrity minutes ka nang naghihintay. "Hindi naman po. Kakadating ko lang po." Napangiti ako. "Ang alam ko mas maaga ka ng thirthy minutes eh." "Huh?" napaka-slow niya talaga pero nung natauhan siya "Eh! Kuya, pinaghintay mo ako tapos nandito ka na pala." "Natutuwa nga ako sa'yo eh." Tumawa nalang din siya "So, saan po tayo pupunta?" "Ako? Sa puso mo. Ikaw? Sana sa puso ko nalang" pasensya na kung sa cheesy lines ko dinadaan. "Naku kuya! Nice joke ka na naman. Tara na nga." "Teka!" [i][b]*Flashback*[/b] "Hindi siya pumayag pare. Sabi niya, may nag-confess daw sa kanya before two times na daw yun eh. Kaya yung chance na hinihingi ko ay may nagmamay-ari na. Ang swerte nga nung lalaking yun eh." [b]*end of flashback*[/b] [/i] Parang walang tao sa paligid. Yan ang nasa isip ko. At nag lakas na ako ng loob. "Gusto talaga kita Claine. Maniwala ka na sana. I've been loving you. Akala ko pumayag kang magpaligaw kay Patrick. Masakit. Gusto kong umiwas kaso mahirap." I added. "For the third time, I want to say it... I love you." She smiled "I think the third time is not a joke anymore." "Ano?" "Ikaw kasi kuya Kyle ang tagal mo. I'm supposed to give away the 'chance'." "Ui, umayos ka huh. Akin lang yung chance na yun. Akin lang." "Hmm..." nagsimula siyang maglakad that makes me worry. Buti nalang nawakan ko siya sa kamay. "Akin lang yung chance." para akong bata. "Hmmm..." "Tell me that the chance is mine or else hahalikan kita." Pero matinag siya at nagsimula ulit maglakad kaya hinatak ko ulit siya. I was surprised when she kissed me. "The chance is only yours" she smiled. "Yours only." Hindi ko mapigilang hindi sumigaw sa saya. "I love You, Claine." "I love you too." Muntikan ko pang sayangin yung pagkakataon, buti nalang hindi madaling mamigay ng 'chance' ang girlfriend ko. I'm telling you, those people you think that don't exist anymore, they still exist. At least one there is. And she's Yuri Claine Lercilla. [i]The one who love for the first and the last time.[/i] [b] The Chance written by [i]mrwhize[/i] Copyright © 2012 mrwhize. All Rights Reserved.[/b] No part of this story either text or photo may be reproduced, copied, modified, or by any means, without indicated permission in writing from the author.

You are viewing a post by mister.whize. View all 7 posts in The Chance (One-Shot Story).

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 18:52

[ 11 queries - 0.009 second ]
Privacy Policy