Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

"Medyas" a Love story

#1  2012-06-20 02:35:18

clets_simple
 
clets_simple's display avatar
» FTalker
FTalk Level: zero
Zamboanga City
185
9
2013-07-16
Website

"Medyas" a Love story

Chapter 1-5 [spoiler]Chapter 1 The Beginning Joshua "Josh, padating na ang bride mo. Relax lang dude ha. Congrats." sabi sakin ni Cyrus, ang bestfriend ko nung highschool. "Ang ganda niya Sai, ano? Matagal kong pinangarap yan." sagot ko naman sakanya. Tinitigan namin pareho ang mapapangasawa kong naglalakad sa gitna ng altar na papalapit sa akin. Ang ganda niya. Buong buhay ko, siya lang ang nakita ng mga mata at puso ko. Sa wakas, matutupad na ang pinapangarap ko simula pa nung fourth year highschool. At nakarating na ang bride ko sa aking harapan. Inalok ko ang aking kaliwang kamay upang alalayan siya papuntang altar. "Ang gwapo mo ngaun daddy." nakangiting sinabi ni Chloe sakin na nakasuot ng napakagandang wedding dress. Bago pa man niya maiabot ang kamay niya sa aking kamay... Eeeeeeeeeeeeenggggkkkkkshhhhh. "Ano ba yan?!" sabi ng mga tao sa loob ng bus. Bigla nalang akong nagising sa aking mahimbing na pagkakatulog nang mauntog ako dahil sa napakalakas na brake na pinakawalan ng drayber ng bus. Panaginip nanaman!? sabi ko sa sarili ko. Hanggang panaginip na nga lang hindi parin matuloy-tuloy. Sumilip ako sa bintana upang tignan kung nasaan na ba ako. "***! Lumagpas nanaman ako!" sabi ko nang makita kong lagpas na pala ako sa bababaan ko. Walang pinagbago. Lagi parin akong lumalagpas. Si Chloe kase eh! Bumaba ako at dali-daling naglakad ng mahigit 30 metro ang layo mula sa binabaan ko hanggang sa university. Dalawang taon na ang lumipas simula ng grumaduate ako sa highschool. Matapos ang graduation ay wala na akong nabalitaan kina Chloe at Cyrus basta ang alam ko lang masaya na sila. Lumipat kami ng bahay at nagpalit narin naman ako ng sim card kaya naman hindi na nila ako makokontak. Pero kahit ganun, hindi parin nawala sa isip ko si Chloe. Para bang isang multo na ayaw akong tantanan. Kahit anong gawin ko hindi ko siya makalimutan, ung picture niya sa kisame ng kwarto ko andun parin. Ung medyas niyang kerokerropi sinasabit ko yun tuwing christmas, nagbabakasakaling lumabas siya dun paggising ko. Para akong ewan na umaasa sa wala. Marami narin naman akong naexperience nitong college pero mahirap parin talagang kalimutan ang mga nangyari nung fourth year highschool dahil yun ang pinakamasayang taon na naranasan ko, nang makilala ko ang babaeng hanggang ngayo'y nagpapatibok ng puso ko. Minsan nga naisip kong baka merong gayuma ung medyas ni Chloe kasi kahit hindi na kami nagkikita at nagkakausap ay mahal ko parin siya. Mabuhay ang mga tanga! Sa wakas, sa hinaba-haba ng nilakad ko ay malapit na ako sa classroom. "Hi Papa Josh!" bati sakin ni Mariel, ex ko nung 2nd sem nung 1st year college ako. Nginitian ko lang siya dahil nagmamadali na ako. Ilang sandali pa habang naglalakad ako, nakasalubong ko naman ang isa ko pang ex. "Joshuaaa!" bati naman sakin ni Liz, ex ko naman nung 1st sem nung 1st year college ako. Ngiti lang rin ang sinagot ko sakanya. "Ang mga ex ko nagkalat parang mga virus." sabi ko sa sarili ko. Naka-siyam akong girlfriends simula nung first year college. Walang seryoso dahil pare-pareho lang naman sila ng purpose. Ang idisplay ako sa mga kaibigan nila. Kumbaga trip-trip lang ang lahat, basta nalang may masabi silang boyfriend nila. Nang makarating na ako ng classroom ay pumasok ako kaagad. Lagot nanaman ako kay Kalbo, ang professor namin sa napakaboring na subject, ang Kasaysayan. "Mr. Garcia, late ka nanaman. Puro L nalang ang nakalagay sa record mo sakin." sabi ni Sir Argos. "Sir, gwapo niyo ngayon ah." pambobola ko sakanya at dumiretso na ako sa upuan ko. "Bakit late ka nanaman?" nag-aalalang tanong ng seatmate ko. Nung unang taon ko sa college, aminado ko, ginagawa ko lang laro ang mga bagay-bagay lalong-lalo na ang relationship kaya nga sa napakaikling panahon nakasiyam agad ako. Hanggang sa merong isang tao na nagparealize sakin na mali pala ang ginagawa ko. Ewan ko ba kung bakit pero simula nang mapansin ko siya si Chloe ang nakikita ko sakanya, hindi rin naman nagtagal ay naging mag-bestfriend kami. Binigyan niya ako ng halaga, atensyon, at pagmamahal na humantong sa puntong hindi ko na kayang tumbasan. "Uy best, tinatanong kita bakit late ka nanaman?" muling niyang tanong. "Lumagpas nanaman ako best eh." sagot ko sakanya habang nakangiting napapakamot ng ulo. Siya nga pala si Ana, ang bestfriend ko. Paano nga ba kami nagkakilala? Ms. Yu meets Mr. Bernal Nagring na ang bell at pumasok na nga ang teacher namin, mukha siyang masungit. "Good morning class. I'm Miss Rodriguez, your adviser for this school year." bungad na pananalita ng aming teacher. Hindi naman pala siya masungit akala ko lang un dahil sa ambience ng kanyang ichura ang totoo ay masayahin siyang tao. At nagsimula na nga ang tinatawag na "Introduce Yourself" portion namin. Pagkakataon ko na toh para makilala kung sino si first crush ko, siyempre eh di todo pagaabang ako sa pagsasalita niya. Ay teka, teka... siya na magsasalita. "Good Morning everyone. Sa mga hindi pa nakakakilala sakin...*sabay tingin at ngiti kay Chloe na kasalukuyan namang todo titig sakanya, kaya naman ng makita ni Chloe na tinignan siya ng kanyang first crush ay agad nitong ibinaling ang tingin sa kanyang desk kung saan siya'y nagkunyaring may tinitignan doon*...Ako nga pala si Cyrus Nathan Bernal, wag kayong mahiyang lapitan ako pag may kailangan kayo. " Ano ba naman yan, bitin. Akala ko pa naman babanggitin niya kung saan siya nakatira. Hindi rin maipagkakailang madaming humahanga sa Cyrus ko dahil habang nagsasalita siya ay nakikinig ang halos lahat ng mga kaklase kong babae. Teka, sino tong susunod na magsasalita? Matakpan nga ang tenga ko. "Hello classmates! Alam ko miss niyo ko. Kilala niyo na ako eh? Magpapakilala pa ba ako? Ay, sige na nga para dun sa babaeng nakaheadband na butterfly na nagtakip ng tenga, kunyari pa siya eh noh? ... *sabay kantyaw ng buong klase sa kanilang dalawa* ... Ako nga pala si Joshua Marion Garcia mas kilala bilang campus crush " Hay nako! Ang hangin talaga nitong lalaking toh, lagi nalang pa-cute! Pero infairness, hindi ko siya masisising bansagan ang sarili niyang campus crush. Pero duh?! Sobrang yabang! Mas gwapo parin para sakin si Cyrus ko at ang bait pa, sobra. Marami rami naring classmate ko ang nagpakilala at... hala! ako na pala. "Good morning sa lahat. Ako nga pala si Chloe Yu. I'm from makati pero nilipat ako dito sa Cavite coz my mom needs to work abroad. Nice meeting you all." "Uy Joshua! Baka matunaw!" biglang kantyaw ng isa naming kaklase at sumabay na ang lahat sa pangangantyaw sa amin, eto namang si Joshua ngiti lang ng ngiti. Excuse me, kahit anong pangangantyaw gawin niyo kay Cyrus talaga ako. Nang matapos ang "Introduce Yourself" portion namin, naglaro kami ng isang game kung saan kailangan hubarin ng mga babae ang kanilang mga sapatos at isang medyas habang nakablindfold ang mga lalaki at pagkatapos hubarin ay sila naman ang ibblindfold at ang mga lalaki'y pipili ng sapatos at hahanapin ang may-ari nito at isusuot sakanya. Makikita nila ang may-ari sa pamamagitan ng kapares na medyas. Sana si Cyrus ang makakuha ng sapatos ko. Ayan na, nakalagay na ang sapatos ko. At tinanggal ko na nga ang aking blindfold. Laking gulat ko ng makitang si Cyrus nga ang nakakuha ng sapatos ko! Hindi ko alam ang gagawin, parang tumigil ang oras ng makita ko siyang nakangiti sa harap ko. Teka, asan ang isang medyas ko? Kaya agad ko siyang tinanong... "Ahmm, Cyrus... Asan ang isang medyas ko?" "Wala akong medyas na nakita sa sapatos mo, ikaw nalang kasi ang walang suot na sapatos kaya inisip kong sayo ang sapatos na hawak ko. " sagot sakin ni Cyrus. Dahil sa sinabi niyang hindi niya alam kung nasaan, hindi ko na inalala pa ang medyas ko at umuwi akong isang medyas lang ang suot. Asan nga kaya ang medyas ko? Bahala na nga. Lumipas ang mga araw hindi ko parin nakikita ang medyas ko, at heto nanaman panibagong gamit ko nanaman ang nawawals, ang bag ko. Ano ba naman yan, lagi nalang akong nawawalan ng gamit. Wala na ngang laman pinagkainteresan pa ang bag ko. Nako ano ba yan! "Chloe..." "Please, wag ka munang magulo. Hinahanap ko pa ang bag ko eh." sagot ko sa tumawag sa akin. "Ah kase..." "Sabi nang..." sagot ko sakanya, laking gulat ko ng pagharap ko si Cyrus ang aking nakita at hawak-hawak niya ang bag ko. "Oh bat nasayo yan?" ang nagtatakang tanong ko. "Kukunin ko kasi ung walis dun sa likod ng pinto tapos nakita ko ung bag mo. Bakit dun mo naman nilalagay ung bag mo?" sagot ni Cyrus sa akin. Ano ba naman tong lalaking toh, ginagawa akong ewan. Bakit ko naman dun ilalagay ung gamit ko diba. "Ay, hindi ko yan dun nilagay. May nagtago, may nantitrip ata sakin dito."sagot ko sakanya. "Hayaan mo, malalaman din natin kung sino ang nagtago ng bag mo. Akong bahala. Nadumihan tuloy bag mo oh." *sabay pagpag ni Cyrus sa bag ni Chloe* Hindi na ako nakapagsalita dahil sobrang kinikilig ako sa lalaking ito. Magulo, sobrang lakas ang kabog ng dibdib ko. "Oh eto na bag mo oh, mag-ingat ka na sa susunod ha madaming loko loko dito." sabay abot sakin ni Cyrus ng bag ko. "Salamat. Ingat ka din ha." ayan na lamang ang tanging naisagot ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hanggang sa makauwi ay hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Sobrang bait niya, minsan nalang makakita ng lalaking gwapo na mabait pa. Sana maging close kami. Kinabukasan, nalaman kong si Joshua pala ang nagtago ng bag ko at ayun nga, kinotongan nanaman siya ni Cyrus. Matapos ang insidenteng yun, naging malapit nga kami ni Cyrus at lalo rin naman akong hindi tinantanan ng pagtatago ng aking bag at pang-aasar ni Joshua. Bakit ba kasi hindi mapaghiwalay itong magbest friend na ito? Hindi ko tuloy masolo si Cyrus. Kalagitnaan ng First Quarter ng may bumisitang dalaga sa aming klase. Mukha siyang dating estudyante ng eskwelahan namin dahil agad agad siyang sinalubong ng aking mga kaklase at halos lahat sila binabanggit ang pangalan ni Cyrus sa tuwing siya ay babatiin. Sino kaya siya? Sino siya sa buhay ni Cyrus? Chapter 2 ended Chapter 3 Peer Pressure Tulad ng inaasahan ko, mabilis lumipas ang oras at ngayon may pasok nanaman. Umpisa na ng college life ko. Umpisa na ng buhay na wala akong Chloe na iniinis. Hanggang kailan kaya mananatili si Kuloy sa isip ko? Mga kinse minutos bago mag-time ay nasa university na ako. Mabuti na lang at nakinig ako dun sa tour guide namin kaya alam ko na kung saan ako pupunta, kung hindi baka naligaw na ako. Ang hindi ko nalang alam ay kung saang room ako pupunta. Habang naglalakad ay kinuha ko ang registration form ko sa pouch bag para tignan kung saang room ang una kong klase. Hindi ko namalayan na may kasalubong akong tao kaya nagkabanggaan kami. "Sorry hindi ko sinaaaa--" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko na si Miss puwing pala ang nabangga ko. Patay siya nanaman, sa isip-isip ko. Mga ilang segundo bago siya magreact. Nginitian niya ako ng bahagya na para bang nagsasabing Ok lang at matapos nun ay pumasok siya sa room na malapit doon. Hindi ko inaasahan ang reaksyon niyang yun ah. Akala ko susungitan nanaman niya ko. Bago ako mag-umpisang maglakad uli ay may napansin akong isang kerokeroppi na keychain sa sahig. Baka kay Miss puwing ito? Ibabalik ko sana ang keychain kaya lang pagtingin ko sa relo ay limang minuto nalang ang natitira sakin at mag-ta-time na. Kaya napagpasiyahan kong ilagay nalang muna ito sa bag ko. Kerokeroppi, naalala ko nanaman si Chloe. Hay. Napailing nalang ako at napangiti. Nagsimula akong maglakad uli. Matapos kong makuha ang registration form ko tinignan ko agad kung saan ang room ko. Lumagpas na pala ako ng dalawang room kaya bumalik ako at pumasok sa room na nakalagay sa registration form ko. Direcho upo na ako sa upuang malapit sa pinto dahil andun na ang professor namin. Seryoso akong nakikinig sa pagdidiscuss ng professor ko ng syllabus. Matapos niya ito idiscuss ay pinatayo niya kami dahil aayusin na daw ang aming sitting arrangement. Ang korny, college na may sitting arrangement pa, sabi ko sa isip ko. "Gamboa. Dun ka." sabi ng professor namin sabay turo sa isang upuan. Habang hinihintay kong matawag ang pangalan ko, natulala ako nang makita ko ang huling tinawag. Tae! Si Miss puwing nanaman! "Garcia. Sit next to her." pagtawag sakin ng professor. Lalo akong nanlumo ng malaman kong siya ang makakatabi ko. Ayoko sa mataray, ayoko sa masungit, patay na! Hindi ko alam kung ano bang meron ang babaeng toh at sa tuwing nakikita ko siya pakiramdam ko katapusan na ng mundo! Pero sabagay, hindi naman niya ako sinungitan kanina nang mabangga ko siya kaya hindi narin siguro masamang makipagkaibigan sakanya. Palihim ko siyang tinignan para makita kung mukha bang badtrip o hindi. Wow nakangiti siya sa akin, bati na siguro kami? Gumaan na ang loob ko at nginitian ko rin siya. "Timothy! Sayang hindi tayo tabi." sabi ni Miss puwing. Nawala ang ngiti ko at napatingin sa likod ko. "Oo nga eh! Hindi bale magkalapit naman." sabi ng lalaki habang papaupo sa upuan niya. Napahiya ako, akala ko ako ang nginitian niya. Dahil sa nangyaring yun, napatungo nalang ako at kunyari may hinahanap sa pouch ko. Nakita ko ang kerokeroppi na nalaglag kanina kaya naman nagpasya akong isauli na iyon. "Uhm, Miss puwing." pagtawag ko sakanya. "Ana.. Ana Gamboa." sagot niya habang iniabot ang kamay niya at nakangiti. "Joshua Garcia." sagot ko naman at nakipagkamay. "Siya naman si Timothy." pagpapakilala niya sa lalaking nginingitian niya kanina. "Hi Timothy. I'm Joshua." sabi ko at iniabot ang kamay ko. "Nice to meet you tol." pakikipagkamay ni Timothy na pansin ko ang sobrang pagkangiti. "Hala Timmy, nawawala ung keychain na binigay mo!" sabi ni Ana habang hinahalungkat ang bag niya. Kinuha ko ang kerokeroppi na keychain sa bag ko at ipinakita kay Ana. "Ito ba ung hinahanap mo? Nakita ko kasi kanina pagkatapos kita mabangga." tanong ko sakanya. "Ayan nga! Thanks ha. Thank you thank you talaga." sagot ni Ana. "Sir malabo po mata ko!" pang-aagaw eksenang sigaw naman ng isa naming classmate. "Ganun ba? Sige makipagpalitan ka nalang kay... Uhm, kay Mr. Garcia." sabi ng professor. "Sir bakit sakanya?" pagtatanong ni Timothy. "Yaan na, nice to meet you both." bulong ko kina Ana at Timothy habang papatayo sa upuan ko. Pagkaupo ko naman sa nilipatan kong upuan ay agad naman akong kinausap ng katabi ko. "Hi, I'm Liz." pakikipagkilala niya. "I'm Joshua." sabi ko sabay ngiti. "Lumandi ka nanaman sis. Haha!" sabi ng babae kay Liz na nakaupo sa tapat niya. "Nakipagkilala lang kaya." nangingiting sagot ni Liz kay babae. "Joshua sama ka naman samin after this class oh? Dadalhin ka namin sa heaven ng tropa ko. Hahaha." sabi ni Liz sa akin na may kasama pang kakaibang ngiti. Sinagot ko naman ng isang nakakalokong ngiti si Liz. Natapos na nga ang first class namin at inaya na ako ni Liz na sumama sakanila. Pagkatayo ko ng upuan, sa hindi malamang kadahilanan ay napatingin ako kay Miss puwing at nakatingin rin siya sakin na para bang may gustong sabihin. Hinawakan naman ni Liz ang kamay ko. "Tara Joshua. Mag-eenjoy ka promise!" sabi niya habang hinihila ako palabas ng room. "Makakatanggi pa ba ako sa grasya? Este makakatanggi pa ba ko? Eh hila-hila mo na ako." pagbibiro kong sagot sakanya. Kasama ko ang tropa ni Liz na sina Mariel, Dina, at Luis na isang brokeback. Kasama rin namin ang boyfriend ni Dina at ang barkada nito. Sa mga oras na iyon, ang gaan ng pakiramdam ko, hindi ko na naiisip si Chloe. Sana ito na ang paraan para makalimutan siya nang mabigyan ko naman ng oras ang sarili kong ienjoy ang buhay. "Papa Josh, ok lang ba sayo magcutting?" tanong sakin ni Liz. Nagulat naman ako sa tanong na yun dahil sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakakapagcutting. Ewan ko pero nakaramdam ako ng excitement at challenge ng mga oras na iyon. "Ok na ok! First day palang naman eh." sagot ko kay Liz. "Paano guys? Go daw sabi ni Papa Joshua ko!" sabi ni Liz at nagkantyawan ang grupo. Sumakay kami sa kotse ng boyfriend ni Dina at wala akong kaideideya kung saan kami pupunta. Masaya ang road trip namin, ang iingay nila at ang kukulit. Pakiramdam ko hindi ako left-out sa grupong ito. Ilang minuto lang ay nakarating narin kami sa pinuntahan namin. "Andito na tayo sa Heaven Eleven Bar. I uber miss this place." sabi ni Luis pagkababa ng kotse. "Ang landi mong bakla ka. Kagabi lang nandito tayo noh!" pabirong sabi ni Mariel sakanya. Sa bar pala kami pupunta, since highschool never pa akong uminom. Napakaconservative kasi ng environment ko kaya hindi ako exposed sa mga ganyang klaseng activities. Pumasok kami sa loob. umupo sa table at nag-order na sila. "Ilang bote ba ang kaya mong patumbahin Papa Josh?" tanong ni Liz sakin. "Magbobowling ba tayo?" pabiro kong tanong kay Liz. "Hahaha. Loko ka ah. Ilang bote ng beer kako ang kaya mong inumin?" sagot niya. "Hindi ako nainom Liz eh." nahihiyang sagot ko sakanya. "Good boy naman pala yang si papa Josh mo Liz." sabat ni Luis. "Really? Hindi ka nainom? Try mo uminom gagaan ang pakiramdam mo. Inumin mo toh." sabi ni Liz habang iniaabot ang isang shot glass na may lamang alak. Kinuha ko naman ang shot glass at bago ko pa man ito inumin ay nag-isip muna ako kung tama ba itong gagawin ko. Siguro naman walang masama dahil isang beses lang naman toh. Huminga ako ng malalim at ininom ko ng straight ang alak na nasa shot glass. Matapos nito ay iniabot ni Liz sakin ang isang baso habang nagkakantyawan ang mga kasama namin. "Josh, ito chaser." sabi ni Liz. Kinuha ko naman ang basong iyon at ininom ko. Red horse ang laman ng basong iyon. Parang wala lang pala ang pag-inom ng alak. Pakiramdam ko umiinom lang ako ng tubig. Ewan ko pero parang naadik agad ako. "Oh kamusta naman ang experience mo sa pag-inom? Ayos diba?" tanong ni Liz. "Parang tubig lang ah. Wala bang harder diyan?" pagbibiro ko. "A...a...a... Hinay hinay lang baka magsuka suka ka naman diyan mamaya! Hahaha." sabi ng isang barkada ng boyfriend ni Dina, si Ed. "Pagnalasing si Papa Josh, ako ang mag-uuwi sakanya ha!" sabi ni Luis. "Ang bakla bakla mo talaga! Baka gahasain mo lang si Joshua noh! Hahaha." sabi naman ni Dina. "Bruha nga yang Luis na yan, ako kaya ang nagdala kay Josh dito kaya ako rin ang mag-uuwi in case!" sabi ni Liz. "Hahaha. Mga loko kayo ah. Makakauwi naman ako mag-isa." pagsabat ko sa usapan nila. "Goodluck sayo." sabi ni Liz na nangingiti pa. Tuloy-tuloy ang inuman namin with matching videoke pa. Kanta dito, kanta doon. Mabilis lumipas ang oras at nakakaanim na bote kami ng Emperador at isang case ng red horse. Aminado akong medyo hilo-hilo na ako ng oras na iyon. Pakiramdam ko hindi na ako makakatayo ng maayos. Hilong-hilo na talaga ako. Hindi ko na kaya........ Nagising nalang ako na hindi ko alam kung nasaan ako. Ang sakit ng ulo ko at wala na akong maalala kung ano ang nangyari kagabi. Bigla nalang pumasok sa isip ko ang pag-uusap nila Liz, Luis at Dina. Hindi kaya na kina Luis ako?! Nagulat ako ng makita kong may katabi pala ako sa kama, nakatakip siya ng kumot at dahan-dahan ko itong inalis. Chapter 4 'together again''.. Together Again? Laking gulat ko ng makita ko si Liz na mahimbing na natutulog. At siyempre medyo naging masaya narin dahil hindi si Luis ang nag-uwi sa akin. Pero... May pasok pa kami! Anong oras na ba? Anong oras ba klase namin ngayong araw na toh? Agad akong bumangon at hinanap ang pouch bag ko at tinignan agad ang schedule namin. Nawala ang kaba ko ng makita kong 1 pa pala ang klase namin at 6 palang ng umaga. "Gising ka na pala Josh. Lasing na lasing ka kagabi ah." pagbibiro ni Liz. Nagising ko ata siya dahil sa pagpapanic na ginawa ko. Hindi ko alam pero pumasok nalang sa utak ko ang isang bagay, "Liz, may nangyari ba?" pagtatanong ko sakanya ng direcho. "Ha? Sira! Lasinggera ko pero hindi ako pokpok noh! Hahaha." natatawa niyang sagot. "Loko lang. Hindi ka na mabiro. Nga pala, nasaan tayo?" muling tanong ko. "Andito ka sa bahay namin at paniguradong andun na sa labas ng pinto ng kwarto ang tatay ko at dala-dala na ang shotgun niya." sagot niya sakin. "Ano?! Wala namang ganyanan Liz." natatakot kong sinabi sakanya. Takte, disgrasya agad toh kung nagkataon! "Hahaha. Nakakatawa naman reaksyon mo. Ako lang mag-isa dito sa bahay noh. Dadalhin ba kita dito kung andito parents ko?! Hello?!" panloloko ni Liz sakin. "Buti naman." sagot ko at nakahinga na ako ng maluwag. "Anong breakfast gusto mo? Ipagluluto nalang kita." pag-aalok niya habang nabangon sa kama. "Wag na. Sa bahay na ako mag-aalmusal. Uuwi na ako baka nag-aalala na nanay ko sakin eh. At tsaka ang baho baho ko na oh." sagot ko habang papuntang cr. "Ay ganun. Sige, hatid nalang kita sa sakayan. Teka antayin mo ko mag-ayos lang rin ako saglit." sabi niya. "Ok na Liz. Wag na. Kahiya eh." sagot ko naman. "Oh sige, ikaw bahala. Basta pagnaligaw ka wag mo akong sisisihin ah." sabi niya uli. "Ay, oo nga noh? Hindi ko pala alam tong lugar. Hahaha. Sige na nga samahan mo na ako. Thank you ah." sagot ko uli sakanya. Sinamahan nga ako ni Liz sa sakayan at habang nasa byahe ay natulog muna ako. Isang oras din akong nagbyahe at sa wakas ay nakarating na ako sa bahay. Naabutan ko namang nagwawalis sa labas ang nanay ko. "Ang aga naman ng uwian niyo anak." pambungad na bati sakin ng nanay ko na halata ang pagtatampo. Niyakap ko siya bilang paglalambing. "Aba't amoy alak ka Joshua. Kailan ka pa natuto uminom?" medyo wala sa mood niyang sinabi. "Ngayon lang toh ma. Nagbonding lang kami kahapon ng mga bagong classmate ko." pagpapalusot ko habang naglalambing parin sa nanay ko. "Oh xa, xa. May magagawa pa ba ko? Pumasok ka na dun sa loob at mag-almusal." sagot niya sakin. "Bait talaga ng nanay ko." pambobola ko na may kasama pang kiss sa pisngi. Kumain ako, umidlip ng kaunti, at pumasok na uli sa school. Sa pagkakataong ito, katabi ko na talaga sina Miss puwing at Timothy. "Uy Joshua, bakit absent ka sa klase natin ng hapon?" pagtatanong ni Ana. "Inaya kasi ako nina Liz ng inuman eh. Ano ginawa niyo?" tanong ko naman sakanya. "Ah ganun ba, wala nagdiscuss lang ng syllabus." sagot niya sakin. "Ang boring naman pala nun, buti nalang umabsent ako." sabi ko sakanya. "Joshua, sino kasabay mo maglunch mamaya?" tanong ni Timothy sakin. "Samin ka sasabay mamaya diba Joshua?" pagsabat naman ni Liz. At ganun nga ang nangyari. Sina Liz nanaman ang kasama ko at nagcutting nanaman kami. Ganito ang naging takbo ng first sem sa buhay first year college ko. Hindi lilipas ang isang linggo na wala akong klaseng hindi inatendan. Kung hindi naman absent pumapasok naman sa klase ng nakainom. Ayos diba? Pero may advantage din naman pala ang mga pinaggagagawa ko dahil hindi ko namamalayang lumilipas ang isang araw na hindi pumapasok sa isip ko si Chloe. Basta ang alam ko nalang ngayon ay masaya ako at nag-eenjoy ako sa ganitong klaseng lifestyle kahit magkandalecheleche na ang pag-aaral ko. Hindi rin naman nagtagal, naging kami ni Liz pero alam naming pareho na laro-laro lang yun kaya wala ring pinatunguhan. Bukod sakanya ay naging girlfriend ko din ang iba pa niyang kabarkada. Ang dating makulit na Joshua ay unti-unting naging pasaway, basagulero, sira-ulong Joshua na. Semestral break na at kuhanan na ng grades ngayon. Pumunta akong school at kinuha ang grades ko, ano pa bang aasahan ko sa grades ko? Kundi mga pasang-awa. Matapos kong makuha ang grades ay inuman nanaman kami ng tropa, what's new? Sa kalagitnaan ng pag-iinuman namin ay may nagtext. joshua! nkuha m n grades m? Sender: Ana(puwing) Si Ana nanaman pala. Madalas niya akong tinetext kesyo bakit hindi ako pumasok, nasan na ako, nainom nanaman ba ako, basta andami niyang tanong daig pa ang nanay ko. Minsan nga hindi ko nalang nirereplyan. Medyo may tama na ako ng oras na yun, kaya hindi ko na alam masyado ang mga pinaggagagawa ko. Nireplyan ko si Ana. alam mo ang kulit kulit mo.. tnong k ng tnong! gf b kta? o bka nmn gsto m ring mging gf ko? Oo, alam kong ayan ang nireply ko pero hindi ko alam na magagawa kong makapagreply ng ganyan. Ilang minuto lang ay nagreply na si Ana. ang sama ng ugali m! ngaalala n nga sau ung tao tpos ayn p ssbihin m! cge magpariwara k! bhla k s buhay m! Sender: Ana(puwing) Nagreply parin ako sa text niya. tlgang bhla ako! Matapos nun ay hindi na nagreply si Ana at ako naman ay patuloy na naghahappy-happy kasama ng tropa. Umuwi nanaman akong medyo may tama. Marahil napapansin na ng magulang ko ang malaking pinagbago ko kaya naman ng gabing iyon nagulat ako ng kausapin ako ng nanay ko. "Nak, binigay na ba ang grades niyo?" tanong sakin ng nanay ko. "Hindi pa nay eh" pagsisinungaling ko sakanya. Naramdaman ko ng oras na iyon ang kaba. "Malapit na ulit ang enrollment ah, bakit hindi pa binibigay ang grades niyo nak?" medyo may pagdududang tanong niya. "Eh sa wala pa nga eh! Ano bang magagawa ko?! Eh di kayo ang pumunta sa school ng malaman niyo!" pasigaw kong sagot sa nanay ko sabay akyat sa kwarto. Sa kauna-unahang pagkakataon nasigawan ko ang magulang ko. Dala ba ito ng pagkalasing? Ewan ko. Pagkapasok ko sa kwarto ay direcho higa na ako sa kama at natulog ni hindi ko man lang naisip kung ano ang naramdaman ng nanay ko pagkatapos nun. Pagkagising ko parang kakaiba ang naramdaman ko. Weird. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Papa na papasok ng pinto at si Mama naman na paakyat sa hagdan. "Umalis kayo Pa?" pagtatanong ko sa tatay ko. "Pumunta kaming ospital ni mama, nahirapan daw siyang huminga kanina eh." sagot niya. "Ma, ok ka na?" tanong ko kay mama. Ngunit hindi sumagot si mama at direcho pasok ng kanyang kwarto. Bigla ko nalang naalala ang nangyari kagabi, may naramdaman akong kurot sa dibdib na isang senyales ng pagkaguilty. Lumipas pa ang ilang araw na hindi ako pinapansin ni nanay, ramdam na ramdam ko ang pagkasama ng loob niya. Akala ko dahil dito ay manunumbalik na ang dating Joshua ngunit hindi na ata mangyayari un. Mabilis lumipas ang sembreak at ngayon ay second sem na, patuloy parin ako sa pag-inom at pagsira ng buhay ko. Hindi narin naman ako kinakausap ni Ana simula ng mag2nd sem, sinubukan kong humingi ng tawad sakanya ngunit ganun ba talaga kasama ang ginawa ko para hindi niya ako pansinin? Bakit nga ba ako apektado kay Ana? Hindi naman ako interesado sakanya. Nagcelebrate ako ng christmas at new year siyempre kasama ng tropa. Habang buhay na nga lang bang magiging ganito ang takbo ng buhay ko? Hindi bale na atleast nakakalimutan ko ang mga bagay na dapat kong makalimutan. Sa pagpasok ng bagong taon lalong naging malala ang bisyo ko. Ako na mismo ang nag-aaya sa tropa na huwag pumasok. Hindi narin siguro nakapagtatakang nakakuha ako ng failing grade sa dalawang subject. Tulad ng kinasanayan, isang gabi ay pumunta kami sa isang bar na nadiskubre ng isa kong kabarkada. Inom dito, inom doon. Yosi dito, yosi doon. Ngunit may hindi ako inaasahang mangyari ng gabing iyon. Nang marinig ko ang pangalan ng taong naging dahilan kung bakit ako nagkaganito... "Chloe!" malakas na sigaw ng isang babae sa bar. ..Chapter 5 ''I love you... Chloe.. I love you... Chloe "Chloe!" malakas na sigaw ng isang babae sa bar. Nang marinig ko ang pangalang iyon ay naghalong kaba at saya ang aking naramdam. Agad akong tumayo mula sa aking kinauupuan at hinanap kung saan nanggaling ang sigaw ngunit masyadong maraming tao kaya naman hindi ko nahanap. Napagpasyahan kong libutin nalang ang buong bar at hanapin si Chloe. Sa aking paghahanap sakanya ay biglang nagring ang cellphone ko. Pa Calling... Patay natawag si erpats. Nireject ko ang tawag ng tatay ko dahil lowbat narin ang cellphone ko. Ilang sandali pa ay tumawag uli ang tatay ko at sinagot ko na ito. "Yes pa, napatawag ka?" ang sagot ko. Dahil sa ingay sa bar at hina ng signal ay hindi ko maintindihan ang sinasabi ng tatay ko kaya naglakad ako papalabas ng bar ngunit bago pa man ako makalabas ay namatay na ang cellphone ko. Ipinagpatuloy ko nalang ang paghahanap kay Chloe. Nakailang ikot rin siguro ako sa bar ngunit wala akong nakita ni-anino ni Chloe. Sa pagkadismaya ko ay nagpaalam na ako sa tropa at nagpasyang umalis. Sumakay ako ng jeep ng wala akong eksaktong pupuntahan, hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon. Nasisiraan na ata ako ng ulo. Dinala ako ng aking mga paa sa isang convenience store at doon ko ipinagpatuloy ang pagpapakalasing ko. Uminom lang ako mag-isa na parang tanga habang iniisip si Chloe, kung ano ang nararamdaman ko para sakanya. Mahilo-hilo na ako at may tama na nang may isang babae ang kumausap sakin. "Joshua, ikaw ba yan?" tanong sakin ng babae. Tinignan ko siya at tila nabuhayan ako ng loob dahil sa gulat. Tumayo ako at niyakap ko siya. "Ikaw ba yan? Sa wakas nagkita tayo ulit!" ang sabi ko sakanya. "Ha? Akala mo ba bati na tayo?" sagot niya at inalis ang pagkakayakap. "Ay, pasensya ka na kung niyakap kita. Nag-away ba tayo? Hindi naman diba?" masaya kong tanong sakanya. "Aba kapal. Matapos mo kong away-awayin diyan." sabi niya sakin. "Ito naman, matagal na yun ah. Hindi mo parin pala yun makalimutan. Tara lakad lakad tayo sa labas." pag-aaya ko. Sinamahan niya ako at naglakad-lakad kaming dalawa kahit medyo hilo ako. Hindi talaga ako makapaniwalang kasama ko na siya ulit. "Lasing ka ba?" tanong niya habang naglalakad kami. "Hindi ah." pagsisinungaling ko naman sakanya. Tumigil kami at umupo sa isang bench. Ilang minuto lang ay inihiga ko ang aking ulo sakanyang hita. Tinignan ko lang siya at di ko namalayang nakatulog na pala ako. Mga ilang minuto lang siguro akong nakatulog sa kandungan niya at nagising narin ako. Inayos ko ang upo ko at kinausap ko siya. "Alam mo ba sinubukan kong kalimutan ka. Lahat ginawa ko para lang mangyari yun pero isang rinig ko lang sa pangalan mo naging back to zero ang pagmomove-on ko. First day palang nun ng makilala kita pero ibang saya na ang dinala mo sa buhay ko at habang tumatagal ay lalo mo kong pinapasaya lalo na kapag napipikon ka sa mga biro ko pero ang malas lang dahil hindi ako ang gusto mo. Ilang beses kong sinubukang sabihin sayo kung ano talaga ang nararamdaman ko baka kahit papaano matutunan mo akong mahalin pero parang may tumututol para mangyari yun--" hindi ko napapansing tumutulo pala ang aking mga luha habang sinasabi ko ito. "Joshua..." putol niya. "Ngayon na siguro ang pagkakataon para malaman mo ang tunay na nararamdaman ko para sayo." sabi ko habang unti-unting nilalapit ang mukha ko sakanya. "I love you... Chapter 6-10 after 50views.. :D[/spoiler]

Last edited by clets_simple (2012-06-20 02:46:11)

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 11:37

[ 9 queries - 0.016 second ]
Privacy Policy