Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

He's The One *Updated

He's The One *Updated
luckystar
luckystar's display avatar
» FTalker
FTalk Level: zero
Tropang Kalye 09
215
7
2013-10-24

He's The One *Updated

[i][b][align=center][size=7]HE'S THE ONE[/size][/align][/b][/i] [b]Prologue[/b] [i]"There are 8 billion people in the world." [/i] Sa pilipinas, nasa 105.72 million people na this 2013 ayon sa google. Pero iilan lang ang kakilala mo, marahil nasa libo lang o sabihin natin higit pa . Pero sigurado ko, yung iba dun kilala mo lang sa pangalan o mas malala sa mukha lang Kaya nga ba hindi mo alam kung sino yung maaring para sayo. Maaring hindi mo pa siya nakikilala. Maaring nakita mo na siya sa kalye na tumawid. Maaring nakita mo na siya sa mall, pero sale nun kaya maraming tao. Kaya paano mo malalaman na isa na pala siya doon? Maaring naman na kilala mo na siya sa pangalan o itsura pero di ka naging interesado kilalanin pa siya. O di kaya kilala mo na at nasa tabi mo na. Pero pano mo nga ang masasabing siya na talaga? I smiled at my thoughts. Ang weird talaga ng tadhana. Hindi mo alam na yung nakita mo na pala sa daan ay naging malaking parte na nang buhay mo. At ganun ang naramdaman ko nung nakilala ko siya. And now, nandito na pala ako sa bahay nila, nag doorbell ako at naghintay ng ilang minuto. Lumabas na yung mama niya. Nagulat nang makita ako pero pinagbuksan pa rin ako. "B-bakit.. Bakit ka nandito?" agad na tanong ng mama niya. "Gusto ko po sana makita siya.." "Ganun ba? Sige.. Pero alam mo naman na──" she trailled off then sighed. "Naiintindihan ko po.. Huwag po kayong mag-aalala, di rin naman po ako mag tatagal." she nodded and let me in. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang kwarto niya. Umupo ako sa upuan katabi ng kama. Nakatingin lang ako sa kanya, hindi alam kung ano ang dapat sabihin. Parang ag dami gusto kong sabihin pero may pag-aanlilangan.. Pero nandito na rin naman ako. Kaya lalakasan ko na loob ko. "Uhmmm.. Ano... Kase gusto sana kita makausap...?" Pero wala siyang saggot, nakapikit lang siya. "Alam ko naririnig mo ko.. Kaya.. Ano bang nangyare satin? Bakit.. umabot pa sa ganito? Masaya naman tayo ah... Tapos bigla kang nag desisyon na mag-isa.. Ngayon.. Parang..." Naiiyak nako pero pinunasan ko agad 'to, ayoko kase makita niya o mapansin na umiiyak ako. "Pero umaasa pa rin ako.. Na maging okay ang lahat..kaya sana.. SANA.. Lumaban ka din. Please naman oh?" Tinakpan ko yung bibig ko at pinunasan ulit ang mga luha ko. Pero wala pa rin siyang sagot. Ano pa bang expected ko? Pero hindi ako susuko. Lalaban ako, kaya ko 'to. Kase umaasa ako na kapag ako ang naging matatag para sa aming dalawa. Baka sakaling... Lumaban din siya.. Alam ko at naniniwala ak na di pa huli para sa amin. Nang kumalma nag paalam na ako sa kanya, pati sa mama niya. At umuwe ng bahay. Hihiga na sana ako ng may nahulog mula sa salas. Si mama pala. "Anak.. Nandito ka na pala... Okay ka lang ba?" tumango lang ako at papunta ng kwarto ule. "Nang pinaayos ko nga pala 'tong bahay, nakita ko ito. Alam ko kase importante sayo ito eh." Napatingin ako sa hawak ni Mama.. Importante nga sakin yun kaya kinuha ko mula sa kanya. "Salamat po." Ang tangi kng sinabi. Tumango siya at umalis na rin. Pumunta ako sa terrace at umupo sa sofa doon. Dito kase yung favorite place niyang puntahan. Napatingin ule ako sa hawak ko. Yung photo album namin.. Nandito lahat ng pictures namin. Nung highschool kame, nung college kame hanggang sa nag ka trabaho kame. Nung nag kikita kame sa mall kapag may time o di kaya pag bored yung isa samin. Pero mostly ako naman yung palageng bored. Yung mga times na nag praprank kame, yung ginugulo namin dates ng common friends namin. Nung nag babakasyon kame. Kahit tambay lang sa bahay ko o bahay niya, may pictures kame. Basta nandito lahat yun. Natawa ako pero biglang na lang din lumuha. Hinayaan ko na lang tumulo ito, kanina ko pa kase pinipigilan ang pagbuhos neto. Niyakap ko yung photo album. Kameng dalawa ang gumawa neto. Naalala ko pa ang lahat at parang bumabalik sakin ang mga ito. Nung mula sa umpisa.. [align=center]Sabi nila, [i]every beginning has an ending. [b]Pero is this really the end for us?[/i][/b][/align] [spoiler]Namiss ko na kase ang pag susulat dito. Kaya ito gumawa ako. Sana may mag basa at magustuhan ito. Thank you! :D[/spoiler]

Last edited by luckystar (2013-05-29 08:18:32)

South-Mix[?] likes this topic.

oniongurl
oniongurl's display avatar
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
under your bed
2221
85
2016-01-12

Re: He's The One *Updated

Yiiiiiz. Update mo na!
South-Mix
 Bert
South-Mix's display avatar
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
Decent Thread Starter
Rated SPG
Bukay Pait
728
37
2015-01-17

Re: He's The One *Updated

Wow, you really like a Writer, btw. i like your story. i remember my pocket book, jejejee
luckystar
luckystar's display avatar
» FTalker
FTalk Level: zero
Tropang Kalye 09
215
7
2013-10-24

Re: He's The One *Updated

[quote=oniongurl;#330610;1369733026]Yiiiiiz. Update mo na![/quote] Okayy! :d Thanks. [quote=South-Mix;#330845;1369792876]Wow, you really like a Writer, btw. i like your story. i remember my pocket book, jejejee[/quote] Ohh thanks. I'm flattered and I'm so glad someone like it. :redface:
oniongurl
oniongurl's display avatar
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
under your bed
2221
85
2016-01-12

Re: He's The One *Updated

Update mo na nga hahaha. :D
luckystar
luckystar's display avatar
» FTalker
FTalk Level: zero
Tropang Kalye 09
215
7
2013-10-24

Re: He's The One *Updated

[align=center][b]PART ONE: KEN[/b] [i]"All I'm aware of in this entire roomful of people is hom. Where he is, what's he's doing, who he's talking to." [/i] -Sophie Kinsella, Remember Me?[/align] [b]001[/b] "Diba ikaw yung bestfriens ni Kevin Damesa?" A girl from orher section asked. Lumingon lingon ako sa paligid ko. Nakita ko si Rhea at Vanessa na nasa tabi ko. Nasa may locker kame. "A-ako ba?" Di niya ako pinansin. "Rhea right?" I sighed, I knew it's not me. "Uy, Rhea kinakausap ka." Siniko ni Vanessa si Rhea. "Ay! Yes?" Ngiting sabi ni Rhea dun sa girl. Kinuha ko na yung mga kailangan ko sa locker at sinara agad yung locker ko kase alam ko naman na harang lang ako dun eh. I sighed then started to walk papuntang classroom. Grabe, ang dami ko palang dala. Yan tuloy nahulog mga gamit ko. Hayy.. "Hayy.. Nako naman oh." Pinulot ko isa-isa the may tumulong sakin. Tumingala ako para makita kung sino. "Sabi ko naman sayo mag-ingat ka palage eh." Sabi niya sakin at pinulot din yung iba. Agad ko naman kinuha yun sa kanya at pumasok ng classroom para umupo sa desk ko. Yung lalake yun. NAKAKAIRITA SIYA. Alam kong peke peke niya lang ang pagoging mabait niyang yun. For sure pa nga di niya alam yung pangalan ko eh. Nakita ko nang ginawa niya yun sa maraming babae. Lahat ng classmates naming babae crush siya. Ehh hindi naman siya mabait tas crush nila. Nakakainis, pacute masyado. Oo cute siya pero.. Ang panget ng ugali niya. Gingamit niya yung dimples niya pang pacute. Mga babae naman 'to kontinf pacute lang nagiging crush na nila. Lalo na si Rhea. Sabi niga pa, mahal niya daw 'to. Grabe, grade five pa lang kaya kame mahal agad?! Tsk. Nakakainis talaga mga taong yun. Nasa tabi ko na pala si Rhea ng di namamalayan. Sana naman di ko nasasabi yung mga iniisip ko kundi.. Lagot. "Dahlia." Phew, buti yung isa pa niyang katabi yung kinausa niya. "Oh, Rhea?" Sagot naman ni Dahlia "Mahal ko na siya eh.." See! Kay bata bata. "Pero may nagugustuhan siyang iba eh." "H-huh sino?" Yung mukha pa nila Dahlia parang nagulat. "Sino pa ba? Si Vanessa. Alam ko naman bestfriend lang talaga ang tingin niya sakin eh." "Okay lang yan. Ganun talaga, hinayaan ml na hanggang bestfriends lang kayo eh." AY NAKO. Makapag salita akala mo ang dami ng experienxe at matured na tungkol ganyang bagay. Kainis! Finally uwian na, nakakainis talaga kasr mga kaklase ko. Nag lalakad ako pauwe tutal medyo malapit lang yung sa school yung bahay namin. Napa stop ako sa isang bakery. Ang bango eh. Gusto ko tuloy kumain. Makabili nga. Isang tinapay lang 'tong binili ko para habang mag lalakad pa lang ako maubos ko na. Kakain na ako ng.... "Salamat ah!" Sabi ng impakto at tumakbo. At sa inis ko hinabol ko yung lalakeng pinaka kinaiinisan ko. Nang maabutan ko, binatukan ko agad at hinablot yung tinapay ko. "Oy lalake! Akala mo kung sino la! Hindi ako yung tulad ng ibang babae na pwede mo idaan sa dimples mo! Pwede mo na kunin lahat ng babae huwag lang ang tinapay ko!" Sabi ko at hiningal. Nagulat ako nung bigla siyang tumawa. Tawa lang siya ng tawa kaya binatukan ko siya. "Aray ko ah. Sorry naman. Nakakatawa ka kase eh." Sabi niya na pinipigilan yung tawa. "At bakit naman, aber?!" Tinaasan ko siya ng kilay at nag crossed arms pa. "Ngayon lang kase kita narinig mag salita." Ngiti nya pa na kitang kita yung dimples niya. "OY HINDI MO KO MADADAAN SA PAG PAPACUTE MO!" Tinapon ko sa kanya yung tinapay dahil wala akong mabato. At agad tumakbo. Sa huli, hindi ko rin nakain yung tinpay ko. Ang malala pa dun kahit kagat wala.
oniongurl
oniongurl's display avatar
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
under your bed
2221
85
2016-01-12

Re: He's The One *Updated

Napaka-iritable ni Girl. Hahaha. Sus, baka magkagustuhan din sila niyan ni Kevin hahaha.
South-Mix
 Bert
South-Mix's display avatar
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
Decent Thread Starter
Rated SPG
Bukay Pait
728
37
2015-01-17

Re: He's The One *Updated

[quote=luckystar;#330884;1369800590]Ohh thanks. I'm flattered and I'm so glad someone like it.[/quote] -yeah, you deserved it. And here we go to book 2. (Taray ni Lola dito.) Im just curios what is there faces. :P

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 02:03

[ 13 queries - 0.015 second ]
Privacy Policy