Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

"And if not now, then when?"

MimiWP
» n00b
FTalk Level: zero
3
0
2014-07-16

"And if not now, then when?"

[b]Prologue[/b] Sabi nila pantay lahat sa pag-ibig. Pero bakit ganon? Bakit iba ang sitwasyon ko? Umiibig ako sa taong maaring hindi ako mahalin pabalik. Sumasaya lang ako sa kanya kahit na sakit lang ang kanyang naidudulot. Iniiyakan ko siya ngunit wala siyang pakealam. Madaya ang pag-ibig! Kapag sumobra ka, masasaktan ka. Kapag namanhid ka, nagpapakatanga ka. Kapag duwag ka, walang magpapalakas sa'yo. Kapag nadapa ka, mahihirapan kang umahon. Ngunit kahit madaya ang pag-ibig, patuloy pa rin kitang iniibig. Dahil tuwing kasama kita, [i]carpe diem.[/i] ******************* [b]"Baby wait for me naman!"[/b] sigaw ng mangiyak-ngiyak na na babae Sa lakas ng boses niya'y napatingin na ang lahat sa direksyon nila. Kung kanina'y halos lahat ng students na nasa foodcourt ang umu-obserba sa kanila pwes ngayon ay lahat na. Naagaw na nila lahat ng atensyon. [b]"Baby let's talk about this naman! We can make things work!"[/b] sigaw niya nanaman habang patuloy na sinusundan ang kanyang 'baby' na walang ginawa kundi lumakad palayo sa kanya. Ni hindi nga siya nilingon. [b]"Heto nanaman po tayo.."[/b] bulong ni Basya na sinang-ayunan ko naman sa pamamagitan ng pagtango. Agaw eksena talaga siya. Kahit na walang nagdadabog at sumisigaw na babaeng bumubuntot sa kanya ay titignan pa rin siya. Oo siya. Siya kasi si 'the great' Kendrick Billiones, ang kinababaliwan ng kababaihan at nirerespeto naman ng mga kalalakihan. [b]"Talk to me naman baby oh!"[/b] pagpupumilit nanaman ng babae. Napameywang na lang kami ni Basya sa inasal niya. Hindi ko siya kilala dahil na siguro hindi siya taga-department namin ngunit maganda siya, maputi at makinis. With her looks, she can do better. [i]She can really do much better than chasing that boy.[/i] [b]"Ohmygod!"[/b] Napasinghap si Basya habang unti-unting nanlalaki ang mga mata ko sa nagaganap. [b]"She's in trouble now."[/b] aniya. Napailing na kaming dalawa habang patuloy sa pakikinig at pag-oobserba sa kanila. Isang unspoken rule na kasi na kailanman ay hindi pwedeng hawakan in public si Kendrick Billiones maliban na lang kung kaibigan ka niya. Kaya nga isang milagro na kung makikita mo siyang may kaholding hands habang naglalakad sa hallways. [b]"What are we gonna do na? Hinawakan ni Stacey si Kendrick!!"[/b] tarantang sambit ng babae sa kabilang table. Lilingon sana ako sa direksyon nila nang nakita ko si Kendrick na tumalikod para harapin ang kanyang 'baby'. Most boys would actually seem gay kapag tinataas ang isang kilay nila pero it's a different story when he does it. And in a weird sense, mas nadadagdagan ang pagiging lalaki niya. [b]"Let go."[/b] he said [b] "No. Talk to me muna." [/b] Hindi ako sigurado kung kami lang ba ni Basya ang laglag ang panga sa sinabi ng babae. Ilang beses na naming nakikita ang pang-aagaw ng eksena ni Kendrick (at minsan ng mga babae niya) kung saan man siya (sila) pumunta pero first time 'tong ganito.. First time na may babaeng nangahas na hindi sumunod sa kanya. [b]"Look girly. It's either you willingly do what I say or I'll force you to do what I say."[/b] [b]"Baby naman ehh.."[/b] She whined at patuloy niyang hinigpitan ang kapit kay Kendrick Billiones na naging dahilan ng paglapit ng dalawang kaibigan niya. Si Drake Montenegro at Marcus Elizalde. [b]"Whoa don't be such a bitch and just let go." [/b] Binitawan na ni 'Stacey' yung kamay ni Kendrick dahil sa utos ni Drake. [b]"At wag mo na syang tawaging baby dahil si Kenny.."[/b] sabi naman Marcus habang inaakbayan si Kenny at mabilisang hinalikan sa pisngi [b]"ay baby ko lang![/b]" Napailing kaming dalawa ni Basya, siguro kaming lahat ng nanunuod sa foodcourt. Naririnig ko rin ang mga pigil na tawa ng mga nakikinig sa kanila. Nakakatawa naman kasi si Marcus at siya rin yung nagpapa-'lighten' sa mood tuwing may nangyayaring ganito. Bromance kasi kung bromance. At dahil na rin sa ginawa niya ay nakatanggap siya ng suntok sa braso galing kay Kendrick. [b]"Ano pang ginagawa mo dito?"[/b] tanong pa ni Drake kay 'Stacey' [b]"I need to talk to my baby nga!"[/b] she whined [b]"Ako nga lang ang baby ni Kenny!"[/b] pagbo-bromance nanaman ni Marcus na nakatanggap naman ng mahinang suntok galing kay Drake [b]"Look Daisy. Just because you gave your virginity to him doesn't mean he's your baby or your boyfriend for that matter." [/b] sabi ni Drake earning loud gasps from everyone listening. [i]Ohmy, virginity?[/i] [b]"Run along now like the bitch you are."[/b] marahas na utos ni Drake At gaya ng utos niya ay tumakbo palayo si Stacey na umiiyak. Nang nakalabas na siya ay napuno na ng bulung-bulungan ang foodcourt dahil sa narinig nila. [b]"Kabatch natin yung si Stacey..."[/b] kwento ni Basya [b]"Nasa seventeen o eighteen years old lang ang range ng age niya.." [/b] [b]"At nawala na sa kanya ang virginity niya..."[/b] di makapaniwalang sambit ko [b]"At walang patawad na binunyag pa iyon ni Drake.." [/b] [b]"At umaakto sila ngayon na parang walang nangyari.."[/b] sabi ko nang nakita kong may nilahad na pera si Marcus kay Kendrick Billiones [b]"Bakit ganon sila Kadeia?"[/b] tanong ni Basya sakin [b]"Why do they toy with a girl's feelings?"[/b] Umiling ako. Hindi ko rin alam ang sagot. Hindi lang si Stacey ang babaeng napahiya na nila. Marami na pero siya yung ka-una-unahang pinahiya ng ganito, na pati ang pagkawala ng pagkababae ay binulgar.. [i][b]"Why do girls fall for those boys?"[/b][/i]
oniongurl
oniongurl's display avatar
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
under your bed
2221
85
2016-01-12

Re: "And if not now, then when?"

Yep, ako rin minsan natatanong ko sa sarili ko kung bakit yung mga babae nahuhulog sa mga bad boys. Well, anyway, interesting story you've got here! Nakaka-excite. Update na! :)
South-Mix
 Bert
South-Mix's display avatar
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
Decent Thread Starter
Rated SPG
Bukay Pait
728
37
2015-01-17

Re: "And if not now, then when?"

[quote=oniongurl;#331623;1369926730]Yep, ako rin minsan natatanong ko sa sarili ko kung bakit yung mga babae nahuhulog sa mga bad boys. Well, anyway, interesting story you've got here! Nakaka-excite. Update na![/quote] -well well well, Exiting Story, update mo na, [quote=MimiWP;#331619;1369923296]"Why do girls fall for those boys?"[/quote] -cguro may mga katangian sila n wala sa iba n siya ring hinahanap ng girl sa isang boy.
Aiashine
 Aiashine Shin
Aiashine's display avatar
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!
The Scandalers
PH
1037
143

Re: "And if not now, then when?"

UPDATE! Its good.

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 21:54

[ 9 queries - 0.016 second ]
Privacy Policy