Re: When East Meets West
[b]001 - Secretly 'dating'... nga ba?[/b]
"Nakikipag-away na naman si Danger Queen sa likuran ng Men's Dormitory! Dalawang malalaking senior ang kalaban niya, at mukha silang malakas kase mga 6 footer yung mga lalake!" sigaw ng malakas nung class "PRO" namin pagdating sa mga iba't ibang balita na kumakalat sa paligid ng school.
Danger Queen. Pretty clever nickname, huh?
Kung isa kayo sa klaseng ito at narinig niyo na may isang babaeng nakikipaglaban mag-isa sa dalawang lalakeng 'di hamak na mas malaki sa kanya, marahil magugulat kayo. Tatakbo. Makikinood sa nagaganap na away. Matatakot para sa babaeng iyon.... sa babaeng halos wala pang 5 inches, babaeng maiksi ang buhok at may magandang mukha.... si Danger Queen. Elisha Andrea Sta. Teresa. Pero kung kagaya niyo ako, mananatili lang kayo sa pwesto niyo at magbabasa ng isang magandang nobela, at magiging bingi sa mga bulung-bulungan ng mga kaklase.
Yun lang naman ay kung katulad niyo ako. Bakit nga ba ako kalmado? Isa lang ang rason. Kase alam ko naman kung saan din mauuwi ang pangyayaring ito.
Matapos ang ilang minuto, pumasok na siya sa classroom na wala man lang galos sa katawan. Pinagtitignan siya ng mga kaklase namin, namamangha sa lakas na taglay ng maliit na babaeng ito. Small but terrible ika nga.
Umupo siya sa doon sa pwesto niya ng walang imik. Sa pwesto niya na nasa harapan ko at sa tabi lang din ng bintana. Ilalagay niya yung pisngi niya sa kaliwa niyang kamao at mapapatingin ng absentmindedly sa labas ng bintana.
Nagbabasa ako, pero ang mga mata ko nakatuon sa babaeng ito.
Sino nga ba siya? Simple lang.
Siya lang naman ang girlfriend ko.
Sa tingin niyo ba ay nagbibiro ako? Hindi ahh. Matagal na kaming magkakilala ni East. Matagal na matagal na halos wala ngang panahon sa buhay ko na hindi ko siya nakasama.
Nung mga sanggol pa lang kame. Nung pre-school. Nung elementary. Tapos ngayong high school. Ngayong high school kung saan isang Friday night habang papauwi kami mula sa Christmas party celebration ng batch, 8:39 PM, habang pinagmamasdan ko yung bilog na buwan at napasulyap ako bigla kay East at nakita kong nakatitig din siya sa buwan, habang bumuntong-hininga siya at napatitig sa mukha ko, habang nagtataka ako sa tingin na ibinigay niya sa akin....
Doon. Doon niya sinabi ang mga katagang iyon. "Gustong-gusto kita West. Syotain mo ako kung hindi ipapakulong kita kay Papa sa kasong rejection and breaking a girl's heart."
Napatigin ako sa kanya nung sinabi niya iyon at sinabing 'may ganung kaso ba?' pero natakot ako noon sa talim ng mga mata niya at pagkatapos hinila niya ang collar ng polo ng school uniform ko pagkatapos-
Napasabi tuloy ako na payag na ako. Sa isang iglap, sa isang gabing hindi inaasahan, naging kami.... pero parang wala namang pagkakaiba kumpara noon. Ganun pa rin. Susungitan at tatakutin niya pa rin ako. Matatakot pa rin ako sa kanya. Walang call sign, walang dates, walang hugs, walang kisses....
Pero kami. Sabi niya eh.
Habang tinititigan ko siya, napapaisip ako kung seryoso ba siya sa sinabi niya nung gabing iyon. Kung talaga bang gusto niya ako. Ako? Sino namang magkakagusto sa akin? At ang isang katulad ni East? Magkakagusto sa akin?
Eh magkalayo nga kami sa isa't isa. Total opposites. Parang Black and White. Positive charge and negative charge. Water and oil. Mga bagay na walang attraction. Hindi pwede mag-meet, hindi pwede magkasama. Because... because they are too different from each other.
So it is possible for East to meet West?