[i]"Let her go"[/i]
Yan ang payo sakin ng mga kaibigan ko. Yan din naman ang payong kadalasang ako ang nagbibigay sa kanila. Maraming pagkakataon na ako ang nagsasabi nito kesa sa pagkakataong ako ang sasabihan nila. Sila rin ang mga kaibigang palihim kong tinatawanan dahil nagpakatanga sa isang babae. Ni kelanman, hindi ko akalain na ako mismo, makakaranas din ng ganoon.
xx
[i][b]12 years ago[/b][/i]
xx
"Jea" tawag ko sa kanya. Nakatalikod siya sakin ngunit lumingon siya nang marinig niya ang pangalan niya. Ngumiti siya at lumapit.
"Bakit Christian? " tanong niya. Ngumiti siya muli at naramdaman kong tumibok nang mabilis ang puso ko. Natigilan ako at napatitig lamang sa kanya. Tinitigan niya lang din ako nang maalala ko na may tinatanong pala siya sakin.
"H-ha?" sabi ko. Hay, nagmukhang engot na naman ako sa kanya. Tumawa lang siya. Sa tuwing tumatawa siya, sumisingkit lalo yung mga mata niya, namumula ang kanyang mga pisngi at kadalasang tinatakpan ang bibig.
Napakaganda niya. Yan ang tumatakbo sa isip ko habang tinatawanan niya ako. Napakaganda niya talaga kaya bakit kelangang itago ang kanyang mukha sa kanyang mga kamay?
"Tinatawag mo ako di ba?" sabi niya habang may mga ngiti pa sa kanyang labi.
Nang maalala ko ang dahilan kung bakit ko siya tinawag, ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng aking pantalon, nahawakan ko ang kwintas na nais kong ibigay sa kanya.
"Jea?"
"Hmm?"
"A...Kayo na ba ni.. ni Matthew?" Ramdam na ramdam ko puso ko na tila kakawala na sa dibdib ko. Natulala lamang siya. Maya-maya, namula at ibinaba ang kanyang ulo. Hinintay ko siyang magsalita pero nakita kong tumaas at bumaba muli ang kanyang ulo. Pawang tumigil ang oras nung mga panahong iyon.
"I-ibig sabihin, totoo?"
Tumaas-baba muli ang kanyang ulo at narinig ko ang salitang kelanman hindi ko makakalimutan. Isang salita na magbabago sa buhay ko.
[i]"O-oo"[/i]
Nang mga oras na yun, sabihin niyo nang madrama ako, emo, lahat na pero naramdaman kong nawalan ako ng hininga, sinaksak sa dibdib, inapak-apakan, lahat ng sakit naranasan ko nung mga sandaling iyon. Pero kahit ganun, kahit sobrang sakit at nararamdaman kong pagpapawisan na ako sa mata, pinilit kong ngumiti. Ngumiti ako para sa kanya. Hinila ko siya sakin sabay niyakap. Pilit kong sinayahan ang akong tono.
"Ganun ba? Kakausapin ko si Matthew at sasabihin kong ingatan niya best friend ko dahil kung hindi, nako, makakatikim siya ng isang malupit na knuckle sandwich."
Tumawa siya at binalik niya rin ang yakap ko.
"Alam ko Christian. Kaya nga sobrang saya ko at ikaw ang best friend ko dahil alam kong lagi kang andyan para sakin." Kumalas siya sa yakap ko at hinalikan ang aking pisngi.
"I love you best friend."
Yan ang sabi niya sakin habang nakatitig siya sa aking mga mata. Pagkatapos, kumaway siya at tumakbo papunta sa ibang direksyon. Papunta siguro kay Matthew. Nang hindi ko na siya makita, hinila ko ang kwintas mula sa bulsa ko at tinignan ang Deathly Hallows na pendant. Simula dati pa, mahilig na siya sa Harry Potter. Nung una niyang mabasa yung series, nagustuhan niya ito agad at minsan, nakakalimutan na niyang kumain at lagi niyang bitbit ang mga libro niya. Kadalasan, nakakalimutan na niya ako pero sa tuwing nakikita ko yung sigla sa mga mata niya, di ko mapigilang sumaya na rin. Hinawakan ko muli ang pendant bago ko nilagay sa bulsa ng polo ko.
"Now I know where I truly stand." bulong ko sa sarili ko bago ako tumalikod at umalis.
xx
[b][i]10 years ago[/i][/b]
xx
"Christian-hic-ang sakit! Ang-hic-sakit." hagulgol niya sakin habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.
Second year college na kaming pareho. Nag-aaral ako sa UP at siya naman sa UST. Balak ko rin sanang pumasok sa kolehiyo niya ngunit hindi ko kayang makita silang dalawa na laging magkasama. Walong buwan ang lumipas nang tinawagan niya ako. Dinig ko sa telepono ang lungkot sa kanyang boses kung kaya't nagmadali akong umalis ng dorm at pumunta agad sa kanya.
Hinimas ko ang kanyang ulo habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
"Nakita-hic-ko siya-hic- Christian. First boyfriend ko siya at ang tagal-tagal na namin. Magththree years na kami Christian. Ang sakit kasi sa tagal na namin, nagawa niya pa ring mangbabae!"
"Hindi sa kinakampihan ko siya.. pero paano mo ba nasabing nambabae siya?"
Tinignan niya ako nang masama. "Nahuli ko siya Christian. Nahuli ko siyang may kahalikan na ibang babae sa room niya. May kahalikan siya at kung hindi pa ako dumating, paniguradong hindi lang sa ganun matatapos yun"
Humawak siya nang mas mahigpit sa polo ko. Naramdaman kong nabasa muli ang aking balikat pero hindi ko ito pinansin. Inilapit ko siya sakin at hinimas ang kanyang likod habang iyak lamang siya ng iyak. Dalawang oras ang lumipas, naramdaman kong lumalim ang kanyang paghinga. Sinilip ko ang kanyang mukha bago ko siya binuhat at inilapag sa kama ng kanyang condo. Iniayos ko ang kanyang kumot at hinalikan ang kanyang noo. Pinagmasdan ko ang kanyang natutulog na mukha at ang kanyang namumulang ilong. Inayos ko ang kanyang buhok at nang patayo na ako, naramdaman ko ang kanyang kamay hinawakan ang sa akin. Nakadilat kahit namumugto ang kanyang mga mata, hinila niya ako at pinaupo sa tabi niya.
Iniayos kong muli ang buhok niya dahil sa...well, gusto ko lang ayusin. Susulitin ko na rin ang mga pagkakataong kasama ko siya.
"Christian, salamat." sabi niya habang nakatingin sa mata ko.
"Ano ka ba Jea. Best friend kita kaya lagi akong andito para sa'yo."
"Christian..." sambit niya bago niya ako hinila at ko naramdaman ang labi niya dumampi sa labi ko.
Totoo ba 'to? Naramdaman kong bumilis uli tibok ng puso ko. Maya-maya lamang, kumalas ang among mga labi. Nakapikit siya at kelanman hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sakin.
"I love you Christian."
Kahit alam kong iba ang kahulugan niya at iba ang kahulugan ko, napangiti pa rin ako. Gusto kong magpalundag-lundag kahit alam ko yung pagkakaibang yun at ayaw ko siyang magising. Inialis ko ang pagkakahawak niya sakin. Bago ako lumabas ng kanyang kwarto, lumingon ako at sinabi ang mga salitang hindi ko masabi-sabi sa kanya.
"I love you Jea. I love you more than a best friend should." at isinara ko ang pintuan.
xxxx
Umuwi muna ako sa dorm ko at kumuha ng ilang gamit. Inayos ko ang ilang damit ko sa isang bag. Tinignan ko ang drawer sa tabi ng kama ko at binuksan ito. Inilabas ko ito, binuksan at inilagay ko sa aking bulsa.
xxxx
Pagkabalik ko sa condo niya, binuksan ko ang pinto at nakita ko si Matthew, nakaluhod sa harapan ni Jea. Katutak na mga bulaklak ang nakakalat sa sahig ng sala niya. Pinupunasan ni Jea ang mga luha sa mata niya at lumabas, ni hindi man lamang ako napansin kahit nakatayo ako sa pintong nilabasan niya. Sinundan siya ni Matthew at sa paglabas niya, tinignan niya ako nang kakaiba. Pagkalabas nilang pareho, napasandak na lamang ako sa pader katabi ng pintuan. Hinila ko ang jewelry box sa aking bulsa at napabuntung-hininga. Binalik ko uli ito at napaupo ako sa sahig, hindi ko mapigilang ilagay ang aking ulo sa aking mga kamay.
xxxx
Anim na buwan na ang nakalipas. Hindi na sila nagkabalikan ni Matthew. Alam kong maaga pa pero may pagkakataon na ba ako?
Kahit anim na buwan na ang lumipas, hindi pa rin masigla si Jea. Nakakalimutan niyang pumasok at unti-unting bumababa ang grades niya. Ni hindi na siya kumakain nang matino at ito ang hindi ko matiis.
"Jea ano ba?! Ganito ka na lang ba habangbuhay?! Magpapadala ka ba sa ginawa niya? Anim na buwan na ang lumipas. Hindi ka pa ba babalik sa dati?" tinignan ko ang gulat niyang mukha. Kumuha ako ng cap sa loob ng kanyang kwarto at sinuot ito sa kanyang ulo. Hinawakan ko ang kanyang kamay
"Tara. Mamamasyal tayo." sabi ko sa kanya at hindi siya umangal.
Nagpunta kaming EK at sinakyan lahat ng rides. Unti-unting bumabalik ang sigla sa mukha ni Jea. Nang gabi na, sinakyan namin ang Ferris wheel at nakita namin ang mga magagandang ilaw ng EK sa gabi.
Habang nasa loob, nakita kong muli ang dati kong Jea. Yung Jea na masayahin at kelanman hindi nagpapadala sa kahit anong masamang pangyayari. Tumingin siya sakin at ningitian ko rin siya. Sasabihin ko na ba ang totoo kong nararamdaman para sa kanya?
"Salamat best friend. Sa lahat. Sa hindi pag-iwan sakin."
Maya-maya pa'y lumapit siya sakin at niyakap niya ako.
"I love you best friend."
Kumirot ang puso ko at tila nabuksan muli ang sugat ko noon. Pero kahit ganun, ngumiti lang ako at niyakap ko siya.
"I love you din...best friend."
xx
[b][i]7 years ago[/i][/b]
xx
Graduation ni Jea ngayon.
Pumunta ako ng college nila para makita siya tulad ng ginawa niya nang grumaduate ako ng Electronic Communications Engineering.
Ngayong siya ang gragraduate, ako naman ang hiyaw nang hiyaw.
"Woo! Go Jea! Woo!"
Tumingin siya at nagthumbs-up bago niya kinamayan ang Dean at kinuha ang diploma niya. Pagkababa niya, tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Labis man ang tuwa ko, alam kong iba ang patutunguhan naming dalawa. Mag-aagency siya at ako naman magboboard exam naman. May halong lungkot ang tuwa ko sa nagbabantang paghihiwalay namin at ang tangi kong mapanghahawakan ay kung mangangako kami sa isa't isa.
"Jea... Malapit na tayo magkahiwalay."
"Christian naman e. Napakamood killer mo talaga kahit kelan."
"Seryoso ako Jea. Magkaiba tayo ng kurso. Mag-aagency ka at ako magboboard. Pero kahit ganun, pwede tayo mangako sa isa't isa?"
Lumuluha si Jea at ayokong nakikita siya ng ganun. Pinunasan ko ang luha niya at tinitigan niya lang ako.
"Ano yun best friend? Kahit ano, basta tayong dalawa, game ako."
Napangiti ako sa sinabi niya. Itinaas ko ang pinky finger ng kaliwang kamay ko.
"Ipangako mo sakin ... na kapag 27 na tayo pareho at wala pa rin tayong asawa.." Tumawa siya "Tayong dalawa nalang, ok?" sabi ko sa kanya na tips napipilitan lang ako pero sa totoo lang, ipinagdarasal ko na sana...sana pumayag siya.
"Hahaha. Deal yan best friend." at ikinabit niya ang pinky niya sa pinky ko. Walang makatutumbas sa sayang naramdaman ko nung araw na yun. Ngumiti ako sa best friend ko at ngumiti rin siya sakin. Alam kong masama pero buong puso kong ipinagdarasal na sana magkatotoo ang pangakong ginawa namin.
[i]Ngunit ang kahilingang iyon...
Ay hanggang kahilingan lamang.[/i]
xx
[b][i]3 years ago[/i][/b]
xx
Habang itinatabi ang mga blueprints na nakakalat sa bahay, umilaw yung phone ko at nakita kong si Carlos ang nagtext. Si Carlos at hindi si Jea. Huling balita ko sa best friend ko ay pinapunta siya sa Amerika ng kanyang kompanya. Ako mismo ang naghatid sa kanya sa airport at kelanman, wala na akong narinig uli sa kanya.
[i]Carlos: Ui tol, nakabalik na si Jea.
Ako: Talaga? Kelan pa?
Carlos: Oo pre.Nakita ko siya sa airport kanina. Nag-hi pa nga siya sakin.
Ako: Saan siya papunta? Natanong mo ba?
Carlos: Papunta ata siya sa magulang niya.
Ako: Sige. Salamat pre.
Carlos: Walang anuman tol.
[/i]
Dahil sobrang malapit ako sa magulang niya, dumiretso na agad ako sa bahay nila. Pagkadating ko sa bahay nila, sinalubong ako ni Ate Puri, ang katulong nila.
"Ui Christian! Buti napadalaw ka."
"Oo nga po e. Siya nga po pala, andyan po ba si Jea?" pagkabanggit ko ng pangalan ni Jea, iniwasan ako ng ringing ni Ate Puri.
"Oo. Andito na si Jea." sabay lakad niya palayo. Sumunod ako sa kanya papasok ng kanilang bahay. Narinig ko ang boses nila tito 't tita at maya-maya lang, narinig ko ang tawa ni Jea. Pumunta ako sa pinanggagalingan ng mga boses nila at nadatnan ko sila sa sala. Una akong napansin nila tito't tita. Ngumiti sila sakin pero yung ngiti nila, may halong lungkot. Bago ko pa man matanong kung ano ang problema, lumingon si Jea sakin at ngumiti siya nang pagkalaki.
"Christian."
Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumakad papunta sakin. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking bewang at inilapit ko rin siya sakin. Naramdaman kong tumataas ang gilid ng labi ko. Burying my face to her hair, I muttered "Buti at naauwi ka na."
Tumawa siya sakin. "Uuwi naman talaga ako e. Ngayon kasi yung best time para sa announcement ko."
Teka.. Announcement? Naaalala niya pa yung pangako namin sa isa't isa noong graduation? Kung ganun, ibig sabihin -
"Buti andito ka na rin Christian. Ipinakilala ko na kina mama't papa si Andrew"
Teka..Andrew?
Tumingin si Jea sa sofa at noon ko lang napansin ang lalaking katabi niya pala bago siya lumapit at niyakap ako. Tumayo si Andrew at lumapit sakin. Iniabot niya ang kamay niya sakin at dahil nakatingin si Jea, kinamayan ko rin siya.
"Ikaw pala si Christian. Lagi kang nababanggit sakin ni Jea."
"Ganun ba..." ang nasagot ko lang sa kanya.
"Oo. Sabi niya pa nga ikaw ang pinakamamahal niyang best friend sa buong mundo." kinuha niya ang kamay niya at inilapit si Jea sa tabi niya. Hinalikan niya ito sa noo bago siya nagsalita uli.
"Nagseselos na nga ako e pero sabi ng fiancee ko, best friend lang turingan niyo. Tama ba babe?" tanong niya kay Jea at ngumiti si Jea sa kanya.
Ouch. Ayos lang sakin na best friend lang tingin niya sakin pero para ipagmalaki pa ng lalaking ito na siya ang mahal ni Jea. Suntukan na lang kaya sa labas para tapos na?
Pero teka, fiance?
"Huh. Fiance ba kamo?"
"Oo. Kaya umuwi kami rito ni Jea para dito gawin yung wedding." hinawakan ni Andrew yung kamay niya habang si Jea, nakangiti sa direksyon niya.
Alam niyo ba yung nararamdaman ko nung mga pagkakataong iyon? Pakiramdam ko parang hinugot yung puso ko sa kinalulugaran nito. Sobrang sakit dahil akala ko yung pangako namin ang nagpabalik sa kanya rito. Naramdaman ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo pero pinigilan ko ito.
"Ganun ba? Congrats sa inyong dalawa. Sige po tito, tita. Mauuna na po ako. May trabaho pa akong tatapusin" Sabi ko at ni kelanman, hindi ko tinignan si Jea. Nang palabas na ako ng gate nila, narinig ko ang pangalan ko.
"Christian"
Kahit gustong-gusto ko nang umalis, natigilan pa rin ako. Ganun pa rin kalakas ang hila niya sakin. Ganun pa rin ang pagpapahalaga ko sa kanya at hindi ko siya mahindian. Nilingon ko siya at naramdaman kong dinudurog uli puso ko. Sa tinagal ng panahon, kahit pinaikli niya buhok niya at kita na rin sa mukha niya ang kanyang edad, siya pa rin ang Jea na best friend ko.....
.....at ang tanging babae na minahal ko buong buhay ko
"Christian...O.. ok ka lang?" tanong niya. Nakita niya siguro ang itsura ko at nag-alala siya.
Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya.
"Jea, dapat mo ba talagang itanong sakin yan?"
"Oo dahil best frie-"
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtaas ng boses. " Sa tingin mo Jea? Ni wala man lang akong narinig na balita mula sa'yo. Ni hindi ka man lang nag-e-mail o kaya'y tumawag sakin. Tapos nang malaman kong umuwi ka ngayon, akala ko...akala ko ito na. Akala ko, ito na yung panahong tutuparin natin ang pangakong ginawa natin sa isa't isa. Hindi pala. Sobrang layo pala ng dahilan ng pag-uwi mo." napahawak ako sa ulo ko, tila sasabog na siya sa sakit.
Tinignan ko siya sa mga mata niya. "Tapos malalaman kong ito...ito pala ang dahilan ng pag-uwi mo. Hah. Jea, kung best friend mo ako, dapat sinabi mo agad sakin! Hindi ko alam kung ako ang may mali, o kung sadyang manhid...hindi ko na talaga alam!" at nagpa-ikot ikot lang ako sa labas ng gate nila. Nakikita kong nasasaktan si Jea pero yung sakit na naipon sakin, ngayon lang lahat lumalabas.
"Christian...Hindi ko sinasadyang ganito...Pero nakilala ko si Andrew..at siya...siya yung.." narinig ko siyang humihikbi pero pinigilan ko yung sarili ko sa paglapit sa kanya. Ngunit hindi ko ito mapigilan
"Jea tama na.." nilapitan ko siya at nang magkaharap na kami, hinawakan ko ang mukha niya't pinahid ang mga luha niya.
"Mahal na mahal kita Jea.." inilapit ko ang mukha niya sa akin at idinampi ko ang labi ko sa kanya. Maya-maya'y inilayo ko ang mukha ko at unti-unting naglakad palayo habang tinitignan siya. Ngumiti ako sa kanya bago ko sinabi ang mga salitang magbabago sa aming dalawa.
"Paalam."
xx
[i][b]Present[/b][/i]
xx
Tatlong taon na ang nakalipas noon. Ni kelanman hindi na kami nagkausap. Wala akong natanggap na sulat, tawag, text, PM o kaya e-mail mula sa kanya. Kahit ako, hindi na rin nagpaparamdam. Tuluyan na kaming nagkalayo ng best friend ko; ng taong pinakaimportante sa akin.
But life gave us another opportunity to start again.
xxxx
Isang araw, kasabay ng mga bill na dapat bayaran, isang makapal at magarang na envelope ang kasama ng mga ito. Kulay berde ang envelope at mukhang mamahalin din ang papel na ginamit. Inilapag ko ang mga bill sa mesa at umupo ako sa sofang katapat nito. Tinignan ko ang likod ng envelope at nakita kong nakasulat ang buong pangalan ko.
Christian de Guzman.
Nanginginig kong binuksan ang envelope kahit alam ko na kung ano ang nakasulat dito. Binasa ko ito nang buo bago ko ito ipinatong din sa mesa kasama ng mga bill. Inilagay ko ang aking mukha sa aking mga palad.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.
xxxx
Nakatayo ako sa harap ng altar. Lahat kami nakatingin sa pintong alam naming dadaanan niya't sa paglabas niya, iba na ang buhay naming dalawa. Napatingin ako sa sapatos ko at maya-maya pa'y tumugtog na ang piano. Ipinagdasal ko na sana bilisan ng iba ang paglalakad nila. Nang siya na ang papalapit sa altar, ipinagdasal ko naman na sana bumagal ang oras. Natatakpan ng belo ang kanyang mukha pero kita kong nakangiti siya. Yung ngiti niya abot hanggang langit at ako rin, nadala ng ngiti niya.
Nakita kong binibilisan niya ang paglalakad at nang makaabot sa akin, niyakap niya ako nang mahigpit. Ibinalik ko rin ang yakap niya.
"Akala ko hindi ka makakarating." sabi niya sakin, may luha sa tono niya.
"Ano ka ba. Ako, mawawala sa kasal mo? Papayagan ko bang mawalan ka ng best man? Punasan mo nga yang luha mo" sabi ko sa kanya habang nakangiti pa rin ako.
Tumawa siya sakin habang pinupunasan niya yung luha niya. Inalalayan ko siya at inabot ang kamay niya kay Andrew.
"Alagaan mo ang best friend ko ha kung hindi, lagot ka." tapik ko sa balikat ni Andrew.
Ngumiti si Andrew sakin "Oo. Aalagaan ko siya." sagot niya at nagtinginan silang dalawa. May mga ngiti sa kanilang labi at tila wala na silang ibang napansin kundi silang dalawa lang.
"Let her go" ang kadalasang naririnig kong payo mula sa mga kaibigan ko pati na rin sa ibang tao. Madali mang sabihin na nagawa ko yun, sa totoo lang, hindi siya madaling gawin. Napakalaking parte niya sa buhay ko at kelanman hindi ko mabibitiwan yun.
Sa reception nila, may bahagi kung saan nagsasayawan ang lahat. Hiningi ko ang kamay ni Jea mula sa kanyang ama. Ngumiti siya sakin at ningitian ko rin si tito. Tinapik niya ako sa balikat tsaka naglakad papunta sa buffet.
Habang nagsasayaw kami, inilabas ko ang kwintas na tinago ko 12 years na ang nakalipas. Makinang at maayos pa rin ang itsura nito kahit sa tinagal na ng panahon. Tinignan ito ni Jea at kita sa kanyang mga mata ang saya habang tumutulo na naman ang kanyang luha. Isinuot ko ito sa kanya at nagpatuloy kami sa pagsayaw.
"Salamat at andito ka Christian. Hindi ako magiging ganito kasaya kung wala ka." sabi niya sakin habang sumusunod sa tono ng kantang sinasayaw namin.
"Masaya din ako Jea. Masaya ako at naging bahagi ako ng kasiyahan mo."
Alam kong ikadudurog ng puso ko ang pagpunta sa kasal niya pero alam ko rin na dito ko lang makukuha ang closure. Hindi ko kayang iwan siya. Siya ang kasama ko sa mga panahong masasaya at malulungkot.
[i]
Closure does not mean stopping oneself from loving. For my part, closure means letting go of yourself and, despite of all the hurt, the trials, the difficulties, you try to do what you can to make her happy. Mahal na mahal ko pa rin siya at sa pagmamahal ko na yun I'll always be present in her life, I'll love her right this time.
[/i]
[spoiler]this can also be found in my wattpad. Please vote for it there. Thank you!
[/spoiler]
Last edited by michiiella (2013-10-31 04:15:40)