“Charlie! Kung bibigyan mo pa ako ng ganitong assignment ulit, papatayin talaga kita. Dudurugin kita!” pabirong sigaw ko habang nilulukot ko ang piraso ng papel at itinapon sa likod ng editor-in-chief naming si Charlie. Sa totoo ‘di ko talaga dama ang magsulat sa mga oras na yun. Wala ako sa mood. Pero wala na akong magawa kundi kumuha na naman ng panibagong papel at magsimulang magsulat ulit para sa school paper namin at sumigaw ng “Hinding-hindi ako susuko sa pagsulat nitong letseng love story! Tsk. Tsk. Bakit pa kasi ako ang pinagtripan nyo, nagbakasyon lang si Vhong sa showtime, ako kaagad ang pinagtulungan ninyo.”
‘Di ko namalayang nasa likod ko na pala si Charlie.Tinapik niya ako sabay sabi “Oh! Oh! Ang pinakapaborito kung si Alexandra Garcia ay dumadanas ng crisis sa pagsusulat. Pahinga ka na muna at sundan mo sa bakasyon si Vhong” .
“ Walang jo-- ka talaga , Charlie. Sa halip na bawasan mo ang tauhan sa opisina natin , mag suggest ka kaya ng solusyon sa problema ko”
“Maghanap ka kaya ng inspiration sa paggawa ng isang romantikong storya. Hahay! Manuod ka G2B!”
“ ‘Di ako nanood noh. ”
“Ahh. Bahala ka nga. Basta bumalik ka dito at gawin mo yung obra maestra mo gaya ng dati sa ating pinakamaganda, kahanga-hanga, havey na havey, tumpak na tumpak -- --”
Binara ko na si Charlie.
“Oo na. Ang “The Beginning” ang pinakamagaling na school paper sa buong mundo.
Hindi ko na ininda ang mga hirit ni Charlie. Bumalik na ako sa pag ta-type sa computer. Pero makalipas ng ilang minuto, binura ko lahat ng nakasulat at sinabing “Oo na, Charlie! Panalo ka na! Kailangan ko na tagalagang manood ng Got to Believe para e praise si Joaqin at kainggitan ni Chichay.”
“Hahaha! Manood ka para makapagsulat ka. Para ma inspire ka ni Daniel ko.”
“Hind--”
“Ano ba yan! Para kang ampalaya, bitter. Basta, dapat ma submit mo na yan sa akin ng maaga.”
“Alam ko. Ako yata ang pinakamaagang mag submit dito kaya ‘wag kang mag-alala. Hindi yan mahuhuli. Sige, alis na ako! Bye!”
Sa bahay ..
“What does that look mean, Alexandra?”
“Ma, wag mo nga akong tatawaging Alexandra. Okay? ALEX. A-L-E-X, Alex!
“So, anong problema, Alexa--”
“Alex.”
“Ou, Alex naman talaga e tatawag ko sayo eh.”
“Ma, kasi , nahihirapan ako mag sulat ng lovestory para sa susunod na issue ng school publication. Eh, ayaw nila ng pag-ibig sa magulang o kaibigan, gusto nila yung romantiko at mapapakilig ang mambabasa. Kung bakit pa kasi, nagkasakit pa si Rhea. ”
Ngumisi ng nakakaloko ang aking ina at ‘di nagtagal ay tumawa na rin.
“Ba’t ka tumatawa, Ma? Anong nakakatawa?”
“Sinong ‘di matatawa diyan sa problema mo? Ganyan ba kapangit lahi natin para walang mangligaw sa’yo? Hahaha”
“Ma, naman oh”
“Si Joaquin at Chichay? Walang epek sayo ang magic nila?”
“Ma, naman. Ikaw lang kaya nanood ng t.v. . Hindi ka ba natutuwa na imbes manood ako ng t.v. shows gaya niyan ay nag-aaral ako.”
“Sige, ikaw na ang pinaka the best anak. Baka love story ko ang makaka inspire sayo. Love story namin ng papa mo. Tsaka habang nagkukwento ako, wag ka munang atat ha. Makinig ka muna sa love story namin ng pinakagwapo mong papa.”
Habang nagkwekwento si Mama ay nagtataka ako kung bakit nga ba wala akong tatay. Itinigil ko ang pag-iisip at nagpokus sa pakikinig”
“Kapatid siya ng klaklase ko nung high school. Pareho lang kami ng paraalan nung elementary at high school. Hindi ko talaga siya feel hanggang sa tumambay ako sa silid-aralan ng pinsan at nakilala ko siya.
Sa una, trip ko lang talagang magpapansin sa kanya kasi nakakatuwa siyang gawan ng kalokohan. Nakakatuwa talaga yung mukha nya kasi para siyang taong bato. Walang emosyon, “poker face” kung baga. Tandang-tanda ko pa nung 2nd year ako, siya naman ay 1st year, pumunta ako sa kanilang room at nag “indian sit” sa harap niya habang nagbabasa ng geometry book. Maya-maya, nagsidatingan na ang barkada niya at ginising siya kasi natutulog siya. Pagkagising niya agad kong sinabi na “Richard, sagutin mo na ako oh? Sige na? Hanggang kailan mo ako pahihintayin?” Huminto ako saglit para mag-aral sa dala kong libro. Maya-maya, sabit ko na naman “Oy, please? Sagutin mo na ako oh? Tutunog na ang bell oh?”
“Ano ba ‘yan nay? Ang desperado mo kay tatay.”
“O.O.. Sabing wag munang atat eh! Hindi kaya. Trip ko lang talaga yun. Ang cute kasi, tinatabunan lang nya yung mukha niya at hindi talaga inangat yung mukha niya. Nung 3rd year naman eh, halos lahat ng ka batch nya alam ginawa ko sa Christmas party nila. Nung college nga lang ako nakadama ng hiya nung ipinaalala sa akin ng kaibigan ko na ka batch din niya ang ginawa ko na umabot sa section nila. Meaning, kumalat talaga yung ginawa kong karantaduhan. Pero hindi yun landi ha, trip ko lang yun.”
“Ano ba ginawa mo sa Christmas Party nila at naging “talk of the school” ka?”
“Iba rin kasi yung trip ng guro naming sa Christmas Party noong 3rd year. Ang theme ay cosplay. E mahal na mahal ko yung anime noon at pangarap kong maging cosplayer kaya gumawa ako ng maid costume out of old clothes. Yung creative juices ko noon e naging 100x active kaya nakagawa ako ng maid costume at ang dating babaeng hindi nanunuklay at walang maayos na hygiene e naging “instant celebrity”. So nung araw na yun ay naka maid costume ako. Habang nag lalaro yung mga kaklase ko ay na bored ako at umalis ako sa party namin na naka maid costume at may dala-dala na camera. Pumunta ako sa kabilang campus kung saan dumadaos din ng kanyang-kanyang party ang mga ibang year levels kabilang na kina Richard. E love na love kung inisin si Richard, pumunta ako sa room ni Richard, kaso , lock yung pinto, pinabukas ko talaga sa kanyang kaklase. Binuksan naman ni kaklase at dali dali kong hinanap si Richard. Lumapit ako sa kanya at duma-an talaga ako sa gitna at sinabing “Richard, papicture tayo!”Di ko namalayan na, nasira ko na pala ang party nila kasi yung atensyon nila nasa sa akin na. Sino ba naman ang di madidistruct kay Maya? Si sir chief nga, tulo laway pa eh. Kinulit ko siya ng kinulit. Lumapit yung president nila at sinabing “Miss, pwedeng umalis ka na? Nakakasira ka na ng party ng may party.” Ako naman ay hindi pa rin natinag. “Lopez, magpicture na kayong dalawa” sabi ni teacher Garbo na guro ko rin sa Math noong 2nd year ako. Sa huli, siya nalang yung kinunan ko ng larawan at umalis kaagad.”
“Ma.” Sambit ko habang nakatakip yung isang kamay sa mukha.
“Naalala ko pa na hanggang sa grumaduate ako. Hindi talaga kami nagkasama sa iisang litrato. Hahahaha”
“So paano ako nabuo?”
“Gusto mo talagang malaman anong pinag-gagagawa namin sa gabing madilim sa---”
“Ma ! Hindi yan gusto kung malaman. Paano nag krus landas nyo ulit?”
“Hmm, nag krus sa cruise.. hehehe. Kasi mayaman na ako, hahaha. After 5 years na pagtratrabaho bilang computer engineer. Nag cruise ako pampawala ng stress at iba pang impurities na na ipon sa loob ng 10 taon. Kasali na ang 5 years sa college. Kala mo di ako marunong magbilang no? Hahahaha. Tapos, di ko inasahang isa pala siya sa mga seaman. Nagkausap at ayon , dala ng lahat ng impurities na na ipon for 25 years eh, may nangyari sa amin. Nasa kama---”
“Mama!”
“Di ka naman mabiro anak. ‘Wag masyadong seryoso okay? Parang one night stand lang naman yun sa amin.”
Di namalayan ni mama na naiyak na pala siya at pinipilit ang sariling ‘wag magpakita ng kalungkutan sa harap ng anak.
“The End.
”
“Kahit wala akong tatay , Ma. Di ko pa rin randam na may kulang.”
Sabi ko para pagaanin ang loob ng ina.
Sumunod na araw...
“Oh, Ayos! Wala na yung sira mo, Alex!”
“Ano ako? Wala sa tamang pag-iisip. Kung makagamit ng salita Charlie.”
“Huwag ka nang magtampo, Alex. Pinatunayan mo na ikaw ang the best employee bawat buwan na dapat na talagang e sabit ang mukha sa dingding dito sa school publication office.”
“E kain mo nalang yan ng Jollibee , Charlie.”
Uupo na sana ako nang maramdaman kong naiihi ako kaya umalis at pumunta sa rest room. Dumaan ako sa powder room at tinitigan ang sarili sa salamin. Simple at karaniwan lamang naman ang itsura ko. ‘Yung tipong di nakakabighani. Palaging t-shirt at pantalon suot kung aalis ng bahay. Sa katunayan nga ay kilos lalaki daw ako sabi ng mama ko. Ang trato ng mga lalaki sakin ay parang isa sa kanila. Kung baga, "that's my tomboy" ng Showtime.
Nabigla ako ng may babaeng nagbigay ng papel.
“Manang, di ko po kailangan ng tissue”
“Ineng, Shunga ka! Tissue ba yan? Sige,try mo kaya ipunas yang notebook sa pwet mo?”
“Sorry po manang. Malalim lang inisip ko”
“Okay lang, ineng. Baka makatulong talaga itong notebook na ito. Isulat kung anong bumabagabag sayo baka makatulong upang hindi mo na mapagkamalang tissue ang notebook.”
Tinanggap ko na rin ang notebook at bumalik sa school publication office. Sinubukan ko ulit magsulat gamit na ang ballpen at yung notebook ni aling tissue.
[i]Isang araw, may isang babaeng may pangalan na Maxine na nakatagpo ng isang matalik na kaibigan sa katauhan ni John. Si John ay isang gwapo at sikat na studyante sa kanilang paaralan. Mga katangian na magkasalungat sila.[/i]
“Alex, nag ri-ring na ang bell. Wala ka bang plano pumasok sa susunod mong klase?” sabi ni Michaela isa sa mga editorial writer.
Dali-dali akong tumakbo sa hallway nang may nakabangga ako.
“Pasensya na tala--”
Pagtingin ko pa lang, e parang tumibok ng mabilis ang puso ko sabay tumunog sa isipan ko ang kantang "Buko". ‘Di na matangal ang titig ko sa tao. Hanggang sa nakita ko sa pisikal na anyo nito ang anyo ni John , yung karakter sa kwentong ginawa ko.
“Cabanatuan City!” sabi ng lalaki
“Ha?” nabigla ako
“Gorabels! Sistah! Aabutin ka ng 50 years dyan. Mahuhuli ka na dali.”
Nak ng pating! Beki! Sigaw ng aking utak.
“Gorabels!”
“Havey, sistah. Mag-ingat ka sa susunod ha?”
“Oo, sige sistah. Salamat.”
Sa silid-aralan na alala ko yung si manang tissue. ‘Di ko talaga alam nakatunganga na pala ako.
“Class, we have a new student here. Please, introduce yourself”
“Hello! I’m Chino Castañeda.”
Nagtataka ako kung bakit lumalim bigla ang tinig ni Mr. Cabanatuan City na ngayon si Chino Castañeda pala. Pinaupo si Chino sa tabi ko.
"Ba't ka naging lalake bigla, Mr. Cabanatuan City?
May namumuong lito sa mukha ni Chino.
"Shh.. Wag kang noisy teh. ‘Yaw ko lang mapagtripan ng mga boys dito.” pangiting sabi sabay kindat ni Chino sa akin.
Sa araw na yun, nagsimula ng maging magkaibigan kami ng may pusong mammon na si Chino. Dahil na rin sa pangungumbinsi ko, napasama si Chino sa school publication staff at naging feature writer siya. Enjoy na enjoy akong kasama si Chino sa isang buong linggo para gabayan ‘sya sa mga daan at rooms. Kalaunan hindi ko na alam bakit parang gusto ko nang mag pa impress kay Sistah Chino.
Muntik ko ng malimutang may tatapusin pa pala ako. Kaya nagawa kong umupo sa labas ng silid-aralan kung saan ang walang ingay na lugar. Binalikan ko yung pinagawa ni Charlie at nagsulat.
[i]Nagsimula ng magkagusto si Maxine sa best friend niya pero para hindi masira ang pagkakaibigan nila, hindi niya lang sinasabi ang totoo niyang nararamdaman. Isang araw, nakita niya yung larawan ni Monica Alier, campus’ sweartheart. Kung ikukumpara sa kanya, wala siya sa katiting nito. Di hamak na mas maganda , sikat at matalino ito kaysa sa kanya..[/i]
“Oy, miss nakabangga ko! Di ka pa ba e-evacuate? 4 P.M na teh!” nakita ako ni Chino habang nagsusulat.
“Hoy may pangalan yata ako.Alexandra Garcia, ang pinakamagaling na writer ng The Beginning. Uuwi na.” tanong ko pabalik ni Chino.
“Nakita mo ba yung kaka----“
“Gusto mo sabay tayo pauwi?”
“Ahh.. Come here sistah Alexa---” sabay akbay sakin na ikinagulat ko.
Tumabi ako palayo kay Chino sabay sabing “Remember, I’m Alex. Not Alexa, okay!”
“Teh? You on Drugs bah?” gulat na tinanong ni Chino si Alex.
“A.. ano? Hee! Ewan. Ewan ko ba!” isip ni Alex
Ewan ko ba kung ano yung nakakainis nang yakapin ako ng gwapong lalaki. Ay, gorabels pala! “Chance” na kung baga. Para-para-an lang yan.Ta’s yung Alexa nyang tawag sakin. Sa bagay cute naman pakinggan pag sya ang magbigkas.
“Sige na nga , papayagan kitang tawagin mo akong Alexa” sabay ngiti kay Chino
Yun oh! Sigaw ng puso’t isipan ko.
“ Thank you, Sistah Alexa”
Dumaan ang ilang araw ..
“Hoy sino yung lalaking lumapit sayo kanina? Ba’t mo siya binigyan ng pera? “ di ko namukhaan ang lalaki kaya dineritso ko na si Chino.
“Ahhm, wala yun.”
“Sistah, meron akong sasabihin sayo.” binago ni Chino ang paksa.
Kumakain kami nun ng tanghalian sa cafeteria
“Ano yun?” tanong ko.
“Meron na akong boyfie!” sabi niya na parang napipilitan at nahihiya
“ANO? BOYFRIEND? Kailan pa? ‘Wag ka ngang mag joke. Hindi naman sa wala kang karapatang lumigaya sa piling ng lalaki. Pero--”
“ Chill ka lang , Alexa. Totoo sinasabi ko. Sasabay nga daw siya sa atin pag-uwi.
Gulat na gulat ako at biglang nakadama ng selos. Nagseselos ako dahil may mahal na siyang iba, at sa lalaki pa. Wala na ba talaga itong pag-asa maging lalaki? Nagseselos ako kasi naunahan pa ako nitong makatagpo ng lalaki na kung iisipin na ako yung babae. Nagpatuloy na lang ako sa pagsulat sa kwento upang mabawasan ang tensiyon na kanyang nararamdaman.
[i]Ipinakita ni Maxine kay John ang litrato ni Monica. At ginawa niyang paksa sa kanilang usapan. Sa pagtingin niya sa mga mata ng kaibigan, nakita niya ang pananabik upang makipagkilala kay Monica kaya napagtanto niyang gumawa ng paraan upang e match-mate si Monica at John.
Si Monica ay dating kapitbahay ni Maxine ng 10 taon kaya kilalang-kilala niya ito. Gumawa kaagad ng paraan si Maxine upang makapag date ang dalawa. Sinabi niya kay Monica na gusto mamasyal sila kasama si John pero plano niyang hindi sumipot para silang dalawa ang magkasama. Si John ay parang hindi mapakali kung pag-uusapan nila kung anong gagawin nila sa group date. Anong sasabihin nito kay Monica kung kaya’t sinabi niyang pwede siyang maging rehearsal date upang maging maganda yung daloy ng usap ni Monica at John. Tinanggap naman ni John ang alok ni Maxine. Nagsimula sila nung Saturday sa Ayala kung saan si Maxine ay umaarte na parang si Monica kung nag-uusap sila ni John. Masaya naman yung rehearsal date nila. Sa Linggo, yun na yung date nina John at Monica. [/i]
Sa araw na ito,kasabay namin ni Chino pag uwi ang boyfie nyang si “Jonathan”. Hindi ko na mapigilan ang harutan ng dawala. Gumawa ako ng paraan upang maka alis sa nakakasakal na sitwasyon. Sinabi ko na lang sa kanila na aalis ako dahil gustong gusto ko ng mag CR at sasabog na ang dapat kong ipasabog.
“Pasensya!”
“Okay ka lang miss? Miss, gusto mo bang maupo muna?”
Hindi ko na namamalayang umiiyak na pala ako. Dahil sa bigat na aking nadarama ay naikwento ko na sa babae ang sitwasyon. Donna ang pangalan ng babae.
“Gusto mo bang magpanggap ako na girl friend mo para malaman natin kung talagang walang pakialam yang crush mo este kaibigan mong bakla sayo?
Yun na siguro ang pinakanakakatawang alok sa akin. Pero hindi ako nakapag isip ng rason na aayaw, kaya pumayag na ako. Manang mana talaga ako sa mama ko.
Isang linggo nalang bago ang deadline....
Hey! Alex!
Lumingon ako para alamin kung sino yung tumawag sa akin. Laking gulat ko, dahil ‘di ko inakala na parehong unibersidad pala ang pinasukan namin ni Donna.
“Nasaan si Chino para mabugbug ko at maging barako?” sambit ni Donna.
“Ewan. Baka kasama boyfriend niya.”
“ ‘Yan bang Jonathan na yan ang boyfriend ng crush mo?” sabay turo sa lalaki.
“Shhh.. hinaan mo yung boses mo. Baka may makarinig. Ou. Siya yung Jonathan. Teka lang ba’t mo alam?”
“Naku, uso na talaga ang “My husband’s lover” peg dito sa campus no?
“ Sige, una na ako.” Napatawa ako sa sinabi ni Donna.
Sa vacant time na ng araw na iyon, pinagpatuloy ko ang naisulat na kwento.
[i]Tinanong ni Maxine si Monica kung may gusto ba siya kay John at anong nangyari sa date nilang dalawa. Sinabi ni Monica na gwapo at athletic si John pero si Ricky yung gusto niya. Naramdaman ni Maxine na parang nabawasan ng tinik ang kanyang puso sa sinabi nito. Ngunit, nalulungkot siya paano kung malalaman ni John na may ibang gusto na pala si Monica. Kahit na masasaktan ang kaibigan ,dapat sabihin nya kay John na may ibang gusto si Monica.
[/i]
“Alex! Alex!” kinukuha ni Chino atensyon ko.
“Anong problema, Chino? Inaway ka ba?”
Naisip ko agad na baka niloko lang ito ng boyfriend at nag break ang dawala
“Sinaktan ka ba ni Jonathan?”
Niyakap ko si Chino *girl da moves :3
3 araw bago ang DEADLINE
Hindi na pumasok si Chino sa paaralan ng 2 araw. Napilitan akong pumunta sa publication office para magsulat.
[i]Labis ang kabang nadarama ni Maxine. Sa kanyang isip, ito na ang katapusan. Dapat malaman na ni John na .. na.. si Ricky ang gusto ni Monica at hindi siya.
“Kung si Monica ang kadahilan ng kalungkutan mo ngayon, sorry, hindi ko alam.”
“Ano?” sinuklay ni John gamit ang kanyang kamay ang kanyang buhok.
“Wala talaga akong alam. Gusto ko lang naman na magkamabutihan kay---”
“Ano bang sinasabi mo?” naguguluhang sabi ni John
“Wala talaga akong alam na si Mo-Monica at si Ricky ay magkasintahan na. Gustong-gusto ko pa naman kayong dalawa magkasama. Sa palagay ko , nab---“
“Teka muna.” Hinawakan ni John ang kamay ni Maxine. “Bakit mo gustong kami ni Monica ang magkasama?” dagdag niya
“Dahil nakita kong interesado ka sa kanya nung nakita mo yung larawan niya.”
TInignan ni Maxine si John
“Bakit ka nakangiti diyan? Oyyy. Ba't tumatawa kana? Ha?”
Pinagtritripan pa siya nito. Baka nag dru-drugs na ito.
“Ikaw at ang palpak mong Match making plans.” habang titig na titig ito sa kanya.
Iniiwasan niya ang mga titig nito pero talagang nahahagilap pa rin nito ang mata niya.
“Bakit sumakay ka naman ?” sabit niya.
[/i]
“Alex!” sambit ni Chino na naghahabol ng hininga. Hindi ko na rin makikitaan ng pagkabakla ang boses nito.
“Tapos, kana ba sa kwento mo?”
“Malapit n--”
Pagtingin niya dito parang iba na ito. Lalaking-lalaki. Hindi mo makikitaan ng kabaklaan.
“Anong nakain?” tanong ko sa sarili.
“Teka nga. Bakit ibang-iba ka na ngayon? Lalaking laki ka na ha? Sa’n na yung boyfriend mo?
“Ikaw, bakit napaka saya mo ngayon? Sa’an na yung girlfriend mo?
“Girlfriend? Sinong girl---?”
“Si Donna. Gf sya ni Jonathan pero nagbreak na sila nitong linggo pa lang . Sabi niya girlfriend mo daw siya.”
Parang na jetlag na ako sa mga pangyayari. Hindi dali-daling naka tawid ‘tong utak ko from my imagination to reality. Hinahanap ko sa isipan kung sino si Donna. Ahh, kaya pala. Naisahan pala ako ng Donnang ito. Parang na jetlag na ako sa mga pangyayari . Hindi dahil naisahan ako kundi dahil bakit wala lang kay Chino iyon.
“Ahh si Donna, yung babae sa park. Girlfriend siya ni Jonathan? Bakit parang wala lang sa iyo?”
“ Wag mong ibahin ang issue dito. Isang tanong, isang sagot. Lesbian ka ba?”
“Hindi.”
Niyakap ako ni Chino . Hindi na ako nakapalag , maliban sa gusto ko ang pangyayari, nabigla ako sa ginawa niya.
Nang kumalma na ako, sumanib ang kaluluwa ni Sherlock Holmes.
“Sino ba tagala sina Jonathan , ha Chino?
“Pinsan ko.”
“Bakit ka nagpapanggap na bakla?”
“Ganun kasi yun! Nagpustahan kasi kami ng pinsan ko na dapat may isang tao kaming mapapaniwala na ako at ang kambal kung girlie na si Chin ay iisa. Kaya sinamantala ko na lang ang pagkakataon nang unang araw nating pagkikita. Akala mo kasi ako si Chin. Kaya nag usap kami ng kambal ko. Muntik mo na nga kaming nabuko eh pero mabuti’t nakahanap agad ako ng rason. Pero di ko na talaga mapigilan. Hindi ko rin naman inasahan na..... magkakagusto pala ako sayo”
Hindi ko inakala na alam na pala ni Chino ang nararamdaman ko sa kanya. Malamang sinabi lahat ni Donna ang saloobin ko.
“Alam mo Alex, sana.. kaw nalang naging sapatos ko.."
"Bakit?" Pangiti kong tinanong.
"Para maging SHOE ta na kita!
Pwede ba maging tayo? Patuloy ni Chino.
“Bago ko sagutin yan, tataposin ko muna tong kwento ha?”
[i]“Dahil...” nag-aalangang sasabihin ba o hindi
“Dahil?” tanong ni Maxine kay John
“Gusto mo talagang malaman?”
“Gusto”
“Noong nag date kami ni Monica, wala akong laging sambit kundi ikaw. Yung mga ginawa natin. Yung.. YUNG TAYO! Kung bakit ako pumayag na mag rehearsal date tayo dahil, gusto kong sungaban ang pagkakataong makasama ka, na mas magiging mapalapit ako sayo.
“Anong sabi mo?”
“I Love You”
“Ano?” Parang nabibingi na si Maxine sa tibok ng kanyang puso.
“Aw, come on, don’t make me say it again?” protesta niya.
Yung mukha niya papalapit ng papalapit na. . .[/i]
Hindi ko namalayang naisabi ko na pala ang huling linya ng aking kwento .
[i]“I’m your girl from now on.”[/i]
Lumaki ang tsinitong mata ni Chino at dahan dahang sinasamantalang nakawan ako ng halik ni Alex.
“Miss! Miss! Gising na! Tapos na klase mo.”
Nagising ako sa pagkakatulog ng mahimbing sa Calculus 2 namin.
Iniabot ni kuyang istorbo ang notebook ko tapos inilagay ko sa bag.
Nakapagtataka na hindi siya umalis.
Maya-maya ay inabutan niya ako ng tissue. Sa isip ko, “Hala! Tissue? Parang sa panaginip ko inabutan ako ni manang tissue ng tissue na notebook pala.
Dali-dali kong inangat mukha ko at nabigla ako ng makita ko ang mukha niya.Siya si Chino sa panaginip ko.
Magtatanong na sana ako kung bakit binigyan niya ako ng tissue ng..
“Miss tissue oh. Pakipunas ng laway mo.”
WAKAS
Last edited by miczieshane (2014-02-23 01:22:46)