[align=center][size=7][b]My Secret Notebook[/b][/size][/align]
[align=center][i](c)imagoodchild[/i][/align]
Lagi ako nagdradrawing sa notebook na ito. Tinatawag ko tong secret notebook kahit saan ako magpunta dala-dala ko itong notebook na to.
I’m secretly inlove with this girl named Jessie Angeles, hindi ko alam kung ano ang gender nya kung female ba siya o hemale. May pagkalalake kasi siya minsan kumilos, minsan naman babaeng babae siya kumilos.
Ok ako naman ang magpapakilala. Ako si Louisse Saja, ang lalaking tahimik na may gusto kay Jessie Angeles kahit bilang kaklase lang ang tingin niya sakin.
OJT (On the Job Training) ako ngayon sa school naming, kasabay ko si Jessie na OJT rin pati ang isa naming kaklase na si Rev Allirac at yung isa pa naming kaklase na tambay lang sa admin si Mela Sta. Maria. Naka-upo lang kami, kwentuhan ng Random Topics ng sumali si Mela.
“Ui, Saja bakit break na agad kayo ni Clay? ang bilis nyo talagang magsawang mga lalake kayo.”
“Hindi ah. Ganun lang talaga, hindi na mahal e.” katabi ko naman nun si Jessie na naglalaro sa Cellphone nya.
“Eh sino na Girlfriend mo ngayon?”
“Ito si Angeles, kami na kaya nyan.” Madalas kong binibiro ng ganto si Jessie. Pero sana nga totoo ito.
“Oh kayo na Jessie?! Hindi nyo sinasabe.”
[i][b]AUTHOR[/b]:[/i] Nagulat si Jessie sa sinabi ni Saja at ni Sta. Maria kaya napatigil ito sa ginagawa niya.
“Ano?! Hindi ah, naniniwala ka diyan.”
“Ui, ikaw ah. Tinatanggi mo na ko.”
“Oo na lang.” Hindi naman siya naiinis sa ganyan dahil sanay na rin siya.
Hay nakakaantok naman gusto ko matulog, tinignan ko si Jessie at eto naglalaro lang hanggang ngayon. Sinubukan kong isandal ang ulo ko sa balikat nya, tinignan nya muna ako bago siya nagreak.
“Ui, ano ba? Umayos ka nga!” sabay usog ng ulo ko, inulit ulit hanggang sa nainis siya at lumipat ng upuan. Tumabi ulit ako.
“askhdsakgutktasasldiwjdjsaowoa.” may sinasabi siya sakin pero di ko maintindihan.
“Ano yon hon? Bulong ka ng bulong dyan.” pang aasar ko.
“Ewan ko sayo. Letche to.” at bumalik na siya sa paglalaro.
5:00pm na Uwian na.
“Jessie, una na ako. Ingat.” at umalis na ako.
Ng makauwi na ako, kukuhanin ko sana yung notebook ko ng hindi ko to makita. Hala nawawala! Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang daming drawing don ng mukha ni Jessie, pangalan nya, scribbles ko, at mga salitang gusto kong sabihin pero hindi ko magawa dahil sa takot akong mareject.
Hay, bahala na nga matutulog na ako. Hahanapin ko na lang bukas sa school.
[b]JESSIE POV[/b]
May topak nanaman tong si Saja at kung ano-ano nanaman pinagsasabi. Trip ako neto palagi, pero hinahayaan ko lang siya. Di naman ako ganun ka apektado.
Pero sa tuwing nagiging sweet siya sakin ay parang may mga paro-parong gumagalaw sa tiyan ko.
Uwian na kanina ng may naiwan na notebook sa Admin, kinuha ko to at nakalagay sa cover ng notebook ay “MY SECRET NOTEBOOK”. Inuwi ko yung notebook at bukas ko na lang tatanungin kung sino may ari neto, dahil nga nakalagay “MY SECRET NOTEBOOK” hindi ko to ginalaw hanggang sa makauwi ako.
Gumawa ako ng Assignments at nakita ko yung notebook, hindi ako mapalagay kaya binuksan ko to. Ang nakalagay ay puro pangalan ko na ikinagulat ko at mga drawing ng mukha ko, natawa ako kasi di ko akalain na may nagawa nito. Pero walang pangalan.
AUTHOR: Kinaumagahan sinalubong ni Saja si Jessie.
“Hi Jessie, may nakita ka bang notebook sa admin?”
“Meron. Bakit?” pinagpawisan siya. Nagulat ako sa itsura nya, parang hindi ito maipinta.
“Ah, Patingin ako pwede?” Pinakita ko sa kanya yung notebook. Siya kaya gumawa nito?
“A-a-ay h-hindi akin yan. Sige Jessie! Salamat.” agad siyang tumakbo palayo sakin.
Para naming timang yun? Ano kaya nangyari dun? Parang namaligno lang.
[b]
LOUISSE POV[/b]
Sh*t nasa kanya yung SECRET NOTEBOOK. Pano na to?! Nakakaasar! Nasabunot ko ang sarili ko. Pano ko to kukunin?
Nakita ko ang tropa na naglalakad sa Hallway. Tinawag ko sila at kinuwento ko nga ang nangyari.
“So, anon a gagawin mo? Magtatapat ka instant?” tanong ni Ron at nagtawanan naman sila.
“Hindi ko alam gagawin ko. Tinatawanan nyo pa ko, kung tinutulungan nyo na lang sana ako diba?.” Asar kong sabi sa kanila.
“Ganto na lang, ako na lang kukuha ng notebook mo kay Jessie para matahimik ka na dyan at di ka na mag-mukhang baliw dyan. Mukha ka ng ewan.” Buti pa to may natutulong sa problema kesa sa mga abnormal na to.
“Sige Von, maraming salamat. Buti pa to si Von natutulungan ako, eh kayo? Puro kalokohan sinasabi nyo.”
“Ang emo mo dre!” sabay-sabay nilang sabe at tinawanan nanaman ako. Badtrip talaga tong mga to.
Pinuntahan na naming agad si Jessie ni Von para kunin yung notebook ko.
“Hi Jessie! Nasayo ba yung notebook na naiwan ko sa Admin?
“Oo nasa akin. Teka kukunin ko lang.” Umalis saglit si Jessie para kunin yung notebook ko. Tumingin naman sakin si Von at nag thumbs-up pa.
“Ito na pala yung notebook mo.”
“Sige. Maraming salamat.”
“Walang anuman.”
Umalis na si Von at diretso ng nagpunta sakin sa may plantbox at iniabot sakin ung notebook.
“Alam mo dre, nung inabot sa akin yan ni Jessie parang may inaantay siya na sasabihin ko. Di ko alam kung ano e. Pero nung umalis ako parang nadisappoint siya. Ano ba laman niyang notebook nay an at ang O.A mo kanina?”
So. binuklat pala to ni Jessie? Buti na lang at wala tong pangalan kung hindi baka napahiya na ako.
“Ahh ano kasi… May mga drawing ditto ng mukha niya at nakasulat ditto lahat ng nararamdaman ko para sa kanya, na hindi ko kaya sabihin sa harapan niya.” Natawa siya sa sinabi ko kaya tumahimik na lang ako.
“Bakit kasi ayaw mong sabihin sa kanya?”
“Sasabihin pa, wala naman ako dun.” Napabuntong hininga na lang ako.
[b]JESSIE POV[/b]
Biglang lumapit si Von sakin at nagulat ako na kinukuha nya yung Notebook na naiwan nya daw sa Admin. Nagtaka naman ako kasi parang wala lang sa kanya yung kukunin nyang notebook samantalang puro pangalan at mukha ko ang nakalagay sa notebook na yon. At dahil sa nacurious ako sinundan ko siya. Nakita kong kasama na niya c Louisse at nag apir pa sila. Lalo pa ko nagulat ng iabot nya yung notebook na yon kay Louisse. Ibig sabihin kay Louisse ang notebook na yon?! Naguusap sila sa may plantbox. Oo alam ko masama mag eavesdrop pero hindi ko mapigilan na hindi ako making sa paguusapan nila.
“Alam mo dre, nung inabot sa akin yan ni Jessie parang may inaantay siya na sasabihin ko. Di ko alam kung ano e. Pero nung umalis ako parang nadisappoint siya. Ano ba laman niyang notebook nay an at ang O.A mo kanina?”
Sa kanya nga talaga yung Notebook na yon. Hindi ko akalain na siya yung may-ari ng notebook na yon. Hindi ko alam na may skill pala siyang magaling mag-drawing. Akala ko magaling lang siya mag Joke.
“Ahh ano kasi… May mga drawing dito ng mukha niya at nakasulat dito lahat ng nararamdaman ko para sa kanya, na hindi ko kaya sabihin sa harapan niya.”
Bakit ayaw nya kasi itry di ba? Hay nako.
“Bakit kasi ayaw mong sabihin sa kanya?”
“Sasabihin pa, wala naman ako dun.” Yun ang akala nya, sa tuwing nagbibitiw siya ng mga salitang ganun, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko.
Aalis na sana ako ng sumabit yung paa q sa ugat ng puno at nadapa ako. Ito na nga ba ang karma sa pag – eeavesdrop ko e. Ayoko na ulitin to. Ang sakit ng balakang ko.
“Ahhh, ang sakit ng balakang ko.”
“J-j-jessie?” Nanglaki ang mga mata ni Louisse ng makita nya ako. Ako naman sumagot lang ng ngiti sa kanya.
“Ahh, Maiwan ko na muna kayo.” sabi naman ni Von, at umalis na ito.
“Kanina ka pa ba andyan?” patay ako nito. --____--“
“ahh, ano hindi naman. Medyo lang. Hahaha” tumawa ako ng fake para hindi halata.
“Narinig mo ba lahat?” Napabuntong hininga siya at tinulungan akong tumayo.
“Ahh, Medyo. Hindi ko naman sinasadya kasi ano e. nacurious lang kasi ako. Sorry ah. Sige alis na ako.”
“Hindi ok lang. Wag ka muna umalis may sasabihin sana ako sayo.”
“S-s-sige.”
[b]LOUISSE POV[/b]
Biglang may kumaluskos sa likod naming ni Von, nagkatinginan pa nga kami dahil nakakatakot ng biglang may matumba at sumigaw at si Jessie naman. Nagulat ako kung bakit andun siya. Nakikinig ata siya sa usapan namin.
Iniwan muna kami ni Von, alam nya naman dahilan. Tinulungan ko siyang tumayo, dahil nasasaktan siya sa tuwing tatayo siya, siguro may bali siya sa paa o sa balakang malakas rin kasi ang pagkakabagsak niya. After ko siya maitayo, nagpaalam na siyang umalis pero pinigilan ko siya, gusto ko na sabihin yung date ko pang nararamdaman para sa kanya.
“Ahh, Jessie may gusto sana ako sabihin sayo.”
“Ano yun?” medyo nacoconfused siya kasi nga hindi niya alam.
“Hindi ko alam kung pano ko sasabihin to sayo. Hindi ko alam kung maniniwala ka sakin. Alam ko hindi ka maniniwala kasi nga lagi kita pinagtri-tripan pero this time seryoso ako Jessie. Gusto kita dati pa, hindi ko alam kung pano, kung bakit, at kung kelan nangyare tong bagay na to. Ang alam ko lang isang araw nagising ako minamahal na kita. Maniwala ka man o hindi mahal kita Jessie. Gusto kita. Pero kung hindi mo ako kaya tanggapin OK lang. Basta ipapakita ko sayo kung gano kita kamahal at kagusto.”
“Ahh.. Ano kasi Louisse –“
“HAHAHA. Wag ka mag-alala Jessie, Alam ko naman umpisa pa lang wala na ako sayo. Gusto ko lang to sabihin sayo since narinig mo nanaman lahat. Kaya eto nagkaroon na ako ng lakas ng loob para sabihin sayo kung ano yung nararamdaman ko.”
Buong lakas ng loob ang binaon ko ditto, kahit alam kong wala akong pagasa para sa kanya pero eto. Sinabi ko pa rin narinig nya nanaman eh. Edi ganun na rin yun mas OK na sabihin ko na kesa maging puzzle na lang to para sa kanya.
Ngiti lang isinagot nya sakin. Sabi ko na nga ba wala ako naman ako mapapala e. Ganun talaga buhay. We must accept the fact when it comes to LOVE.
“Sayo na lang itong Notebook ko na to. Itago mo to ha. Iningatan ko kasi yan ng ilang taon, Sana wag mo pabayaan o itapon. Kung ayaw mo naman pwede mo naman yan ibalik sakin. Pero hiling ko sana itago mo yan tulad ng ginawa ko dati, mahalaga sakin yang notebook na yan pero ibibigay ko yan sayo, dahil para rin sayo yan kung bakit ko yan ginagawa. Sige Jessie aalis na ako. Pasensya ka na ha. Sana walang magbago sa pagkakaibigan nating dalawa. Ingat.”
Aalis na sana ako ng bigla nya kong tinawag.
“Louisse”
“Aasdkhaskuwlacamakgjhgasd”
Nagulat na lang ako ng bigla niyang hilain ang kwelyo ko at halikan nya ako. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko aakalain ang ganto, bumitaw na siya sa pagkakahalik niya sakin, at sumabay dito ang buhas ng ulan.
“Jessie..”
“Hahaha, Sorry ah. Nabigla ka ba? Yan ang nararamdaman ko para sayo Louisse Saja.”
Ang laki ng ngiti nya, at natuwa naman ako dahil hindi ko aakalain na ang katulad niya ay magkakagusto sa isang tulad ko. Umuwi kami ng magkahawak ang kamay sa ilalim ng ulan, at ang saya sa pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo. Pinakilala niya ako sa magulang niya at pinakilala ko rin sa mga magulang ko. At parehas naman ang parent’s namin na tanggap kung ano man ang meron samin.
[b][i]~End~[/i][/b]
[b]A/N:[/b] [i]This is a work of fiction. Everything written are are just products of the writer. Any resemblance to names, place, or any events are just co-incidence. [/i]
Last edited by imagoodchild (2014-04-14 22:46:57)