[b]CHAPTER ONE[/b]
[i]"Hahalikan na niya ako.... this is it. This is really is it is it." Pinikit ko na ang mata ko habang naghihintay sa matamis na halik ng aking crush. Ang tagal ko ring hinintay to.. After my efforts, I can't believe na matutupad na rin ang pangarap ko.
After 2 minutes...
Uhm...
Pag dilat ko sa mata ko, ibang lalaki nasa harapan ko.. weird thing is, nakatalikod pa sakin. Pero, mukhang gwapo. Matangkad, maputi, hot..
Pero habang unti-unti siyang humaharap sakin, bumibilis ang tibok na puso ko.. I gulped.. Then saw his entire face...
This guy......
This guy has no freaking face!
Tumakbo ako sa kawalan, pero hinabol ako nung lalaking walang mukha. Why is this happening?! Asan na si crush???
"Hazeeeeeeeeel! Gising naaaaaaaaa!" The guy said.
Wait-what?
[/i]
Pag dilat ko sa mata ko, isang malakas na sampal ang sadyang nanggising sa medyo tulog at takot kong diwa.
"OUCH!!!" Sigaw ko sa sakit habang hinihimas pa ang pisngi kong nag init sa sakit. Pag tingin ko, si mama, umiiling-iling pa.
"Gumising ka na! Hindi na walking distance bahay mo sa school mo." Sabi na mama habang binubuksan ang bintana sa kwarto ko.
"Ma, sara mo! Ang lamig e!" Reklamo ko. Pinunasan ko ang laway kong nanuyot na. Huh. What a weird dream. Geez.
Tumayo na ko sa kama ko at derechong bumaba sa dining room. Nakita ko si mama nagbabasa ng dyaryo.
"Hazel, napag isipan namin ni papa mo.."
Kumuha ako ng tinapay at umupo sa harap ni mama. Di ako nagsalita, patunay na nakikinig ako at for the first time ay hindi ako tumututol.
"Tutal last year mo na to sa college, at dahil lumipat tayo ng bahay na malayo sa school mo, at para di ka na rin umaasa samin, at para maranasan mong maging independent at-"
"ANO NGA?"
Ano nanaman ba to?
"Why don't you rent a dorm and live on your own for atleast this year? I mean, preparation na rin yun pag may sarili ka ng trabaho. All your school years, kasama mo kami, and maybe, just maybe, it's time for a change."
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
"Ma, seriously, ang O.A mo talaga mag joke.
"
Binato sakin ni mama yung newspaper. Pero nakuha ko to sa kamay ko. Pag tingin ko sa dyaryo, may mga aparments/dorms for sale na naka highlight.
"Sino ba nagsabing nagjo-joke ako ha? Hazel, seryoso kame ni papa mo. Naka highlight jan sa dyaryo mga pag pipilian mong location, lahat yan malapit lang din sa school mo. Kami bahala sa monthly rent, sa unang buwan, bibigyan ka namin ng allowance mo para pagkain. Pero sa susunod, hindi na. Kelangan mo matutong mag ipon at magtrabaho para may makain ka. Pagtapos mo mamaya sa school, puntahan mo ang napili mong apartment o dorm para may idea ka. Saka ka bumalik dito at ipakita samin yang napili mo." Sabi ni mama at bigla ng nag walk out.
H-huh? Ano daw? Titira akong mag isa? Mag tatrabaho ako para may makain ako?
"MAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!" Sigaw ko ng sobrang lakas dahil hindi ako makapaniwala sa pinagsasasabi ni mama.
"Mag bihis ka na ma le-late ka na!" Sigaw din ni mama saken.
Fak.
--
Pag pasok ko sa classroom, wala pa yung teacher namin. See???? Kahit malayo bahay ko sa school di naman ako nale-late. May dorm dorm pa kasing nalalaman si mama. Yh! Nakakainis! Nakakainis talaga! I mean, ano pa bang independent gusto nila? Nag aaral naman ako ng mabuti, di ako umaasa sa kanila na turuan nila ako, pag may kailangan sa school hindi ko na sila ginagambala tapos-
"Pretzel. Nakikita ko cleavage mo."
"Wow. Meron?! Patingen!"
Huh? Pag tingin ko sa harapan ko, may dalawang lalaking nakatayo at sumisilip sa dibdib ko. Pag hawak ko sa blouse ko, napansin kong hindi ko pala nasara yung dalawang butones sa taas. Agad ko tong sinara.
"Meron nga!" Sabi nung isa, si [b]Eric[/b]."
Umiling na lang yung isa, which is [b]Nathan[/b].
"Dafak are you looking at? Stupid perverts! D-dun nga kayo!" Sabi ko sa kanilang dalawa. Wala na talagang babastos pa sa dalawang to. Si Nathan, na kung magsalita eh walang preno. Kahit ata nasa simbahan kayang sabihin at iexplain ang mga private part ng lalaki at babae. Si Eric naman na halatang sabik na sabik sa kabastusan.
Leche. Bakit ako pa napag tripan nila ngayon?
"Chine-check ko lang naman kung babae ka nga talaga. Babae naman pala. SMP lang." Sabi ni Eric na kumikindat pa.
"S-SMP?"
Tanong ko.
"Suso mo plat." Sabi ni Nathan. "Kaya nga nagulat din kame na meron ka palang hinaharap kahit papano."
Level 10 na pamumula ng pisngi ko ngayon. Ano problema ng mga to? Papatayin ba nila ako sa hiya at insulto?
Naka sage mode na ko at handang handa na kong ipulvorize ang dalawang lalaki ng biglang dumating ang teacher namin.
"GOODMORNING CLASS!"
Swerte swerte lang din. May araw din sila saken.
Nagulat ako ng biglang humarap ulit sakin si Eric, kinindatan ako.
THE NERVE.
--
Pagtapos ng school, dumerecho ako sa apartment na mura ang renta. Kahit labag to sa aking kalooban, alam kong may point din sila mama. Ilang minuto din ang lalakarin ko..
Habang naglalakad, napag isipan ko ang college years ko... Sa sobrang motivation kong mapasa Dean's list every sem, wala akong nakilalang kaibigan. Wala akong social life maliban sa Facebook na mga kamaganak ko lang ang friend. True, nakakalungkot. Pero ayos lang. If I managed to live without friends for almost 3 years, then why can't I this year? It's my future that matters anyway.
Sa lalim ng pag iisip ko, hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng apartment na balak kong puntahan..
Pag tingin ko, napa insta-wow ako. Maganda. Modern. Malaki. Malinis. MURA.
NO NEED TO LOOK NO FURTHER. ITO NA YON. ITO NA ANG AKING APARTMENT THIS YEAR!
--
[b]END[/b]
Last edited by Jhncys (2012-05-21 22:27:49)