[quote]Hi, guys. This is my first story on Wattpad and I forgot my password there so I've decided to post and continue it here instead. I hope you enjoy it and have fun reading.
[/quote]
[i]Riiiiiiiiiiiiiiiiiing……..[/i]
My alarm went off. First day of school! How exciting? /sarcasm Ito talaga ang pinakaexciting na day ng life ko. I’m a junior na! Nga pala, bago magpuputak itong bibig ko. Hi, [b]I’m Maureene Ann D. Yu[/b], a junior from San Beda College.They tell me I have it all, mayaman, maganda, sexy, matalino, magaling magvolleyball, name it and I’ll tell you, I’ve heard it. Pero hindi naman talaga ako interesado sa mga lalaki who tell me that eh. I want someone who’d fall for me for who I am, not for how I look like. Gets niyo?
Sh*t. Napatingin ako sa cellphone ko, 6:45 na! Gooosh, ang tagal ko kaya maligo. So I just rushed to the bathroom at dali-daling naligo. Paglabas ko, I thanked God. 7:00 pa. I have 30 minutes. I hate being late.
“Maw, baba ka na! Eat na, baka malate ka pa!” Sabi ni Dad. He’s a single parent, by the way. My mom left us when I was 4, and Kuya? He died two years ago. Sad, but we just had to accept it. So now, it’s just me and Dad.
“Opo, papunta na po!” I shouted. Nakakapagod naman tumakbo hanggang sa dining room, ang haba kaya ng stairs sa bahay namin. Sana nilagyan man lang ng slide or something. Ambisyosa! Hahahaha!
“Bilis, kain na. I’ll give you 10 minutes.” Sabi ni Dad.
“Yes, sir.” Sabi ko at napatawa.. Ganito talaga kami ni Dad, parang katropa lang. Pero never nawala ang respeto ko sa kanya. Sino ba naman ang hindi rerespeto sa CEO ng pinakamalaking company sa buong Pilipinas? Anyways, natapos ko na yung pagkain ko.
“Let’s go?” Yaya ko sa kanya. Bilisan naman kaming pumunta sa labas at tumakbo papunta sa kotse niya. It’s a Porsche 911 Turbo. Ugh, I know. I’m a lucky kid. And I am aware of it.
“Dad, pwede bilisan mo ng konti? Alam niyo naman po ayokong malate eh. Ikaw talaga….*insert more things to say here*” Sabi ko.
“Oo na, Maw, oo na. Chill ka lang.” Ang cool ng dad ko noh? I love him to death talaga. About 30 seconds after, dumating na rin kami.
“Bye, Dad. Love you.” I said as I closed the door. Hmm.. the scent of high school. It amazes me. Naglakad ako papunta ng administration office ng biglang may multong nagsurprise sakin.
“Boo!” Sabi ng mokong. Ay, nga pala. Guys, meet Vincent. John Vincent Alturas. Ughhhh, crush ng buong girl population sa school, maliban sa akin. I know he’s handsome, a good volleyball player and stuff, pero I never found myself attracted to him.
“Alis ka nga!” Sabi ko.
“Eh kung ayaw ko?”
“Di wag!” Sinapak ko siya.
Wala talaga akong paki kung masaktan yang Mokong na yan. Siya rin naman ah, walang pakialam kung anong nararamdaman ko. Napaisip ako bigla, nasan si Reina? Yes, Jan Czareina Sy. We’ve been bestfriends since kinder, kaming tatlo ni Reina at Keanu Angelo Chan. Hindi bakla si Keanu ha? Close lang talaga yung parents namin, kaya wala na kaming choice. Chos! Hahaha.
“Good morning, Mdm. Uy!” I greeted her, I hope she sees that I just want to get my schedule and get out of there.
“Good morning too, Miss Yu. Eto pala schedule mo, Miss. As usual, first section parin. Nasa 3rd floor yung classroom mo. Left wing.” Finally.
“Thank you po, Mdm!” I said.
It feels good. First section parin ako kahit napakasungit at napakakulit ko talaga. As usual, kaklase ko na naman sina Reina at Keanu. Nakakaaliw. Sana seatmates ko sila. Or kahit isa sa kanila, okay na okay na talaga ako. Ayon, nakit ko na ang classroom ko. III-A. *sigh* I feel super good. Kaya ayun, pumasok na ako.
“Why, hello there, Miss Yu. Would you mind explaining why you are late?”
“Obviously, Ma’am.” I waved the schedule right at her face. Serves her right. Napatahimik nga! Bleeeh.
“Okay. You may sit down beside Mr. Oliver Villaflor or Mr. Vincent Alturas.” Duh, obviously. Dun ako kay Oliver. I’d rather die than sit beside that Mokong.
“Thank God, may choice pa ako.” I muttered under my breath as I sat down.
“Uhm, ano yun?” Sabi ni Oliver.
“Ay, wala.” Napatingin ako sa kanya at sh*t. Bakit mas sikat si Vincent? Eh, mas gwapo naman to? Hmm. I swear, sa gwapo niyang yan, di ko talaga siya napansin noon. Antagal ko na kaya dito sa San Beda. I swear, hinding hindi ko pa siya nakita.
“Uhhh, new student ka ba, Oliver?” I asked.
“Errr— oo eh.”
“San galing?”
“I’m actually from Boston.” My jaw dropped. Boston? Sheeeet, kaya pala ang gwapo gwapo niya. Nakakatuwa namaaaan! No ba!
“Oh, hi. I’m Maureene. Maw for short.” He chuckled.
“I’m Oliver.” He shook my hand and I don’t know, butterflies all over my stomach. What the @#$%? I slapped my stomach. Maybe it could make them stop.
“Is everything okay?” He asked.
“Errr, yeah.” Ano ba! Bakit ba ako naganito? Bob*ta ka talaga, Maw.
**continuation**
It’s the first day of school today, so nothing new. It’s just introductions, familiarizing with the rules, and stuff. So, wala talagang sobrang nakakaexcite. The bell rang, and finally. Recess.
“Uy, Maw. Okay ka lang?” Reina asked as she waved her hand in front of my beautiful face. Hahahaha!
“Ano na? What’s up?” Sabi ko at napatawa. Tinignan lang nila ako, as if I was speaking Greek or something.
“Guys, seryoso. Anong meron?” Tanong ko ulit.
“Anong meron? Maaaaw, you’ve been spacing out for the past 10 minutes. You’re not saying anything, or answering our questions. Nakadrugs ka ba?” Keanu asked. Ito rin si Keanu, mayaman, medyo marami rami rin ang nagkakagusto sa kanya. Eh, sino ba naman hindi magkakagusto sa captain ng soccer team? Tsaka mayaman pa, at sobrang gwapo. Oo, bestfriend ko yan.
“Hindi ako nakadrugs, Kean. May iniisip ako.”
“Weh? Di nga? Ano naman yun?” Sabi ni Reina.
“Ay, w-w-wala.” I said, and smiled.
“Just tell us, Maw. From the sound of your voice, alam ko talagang there’s something wrong.” This is one thing I dislike about Reina, wala talaga akong matago from her. She knows me too well.
“Alam niyo yung seatmate ko kanina?” Hmm. There’s something weird about this. Pero kailangan kong sabihin sa kanila.
“Ahh, si Oliver?
Ayus yon ah!” Sabi ni Keanu.
“It’s just that, parang I can’t stop thinking about him, like, parang I found my dream boy..” I said with a smile.
“Ako ba yan? Yang dinedescribe niya?” Sabi ni Vincent as he sat down beside me.
“Kapal mo ah! Bakit ka nandito? Kabarkada ka ba namin? Ha?” I said angrily.
“Bakit? May nakalagay ba na exclusive for Maw and her barkada? Ha? Sa susunod, palagyan mo yan para di ako uupo!!!” He almost shouted so I just rolled my eyes. Moment of silence for about 5 minutes.
“Ano ba kailangan mo?” Tanong ko kay Vince Mokong.
“Labas tayo sa Saturday. Just you and me.” sabi niya habang nakatingin sakin. Omg, noooooo~ Ayoko sa kanya noh. Baka mapano lang ako pagkasama ko siya. “Sige na, Maw. Minsan lang naman to eh.” If by minsan, he means about 4 times a week siyang nagyayaya. Since summer & last school year pa. Tinignan ko si Reina, she just mouthed, “[i]Sige nalang. CHANCE.[/i]” I thought of it. For a long time. If 3 minutes is a long time.
“Baka pagalitan ako ni Dad eh.” Sabi ko. Hindi naman strict si Dad when it comes to boys, I just need an excuse.
“Hmm, I’ll ask permission from him if I can take you out.” ANO?! No one has ever tried to do that. I swear, in my 14 years of existence, wala talaga. Hmm, let’s see kung good shot ba siya kay Dad.
“Sure, anytime before Saturday.” I said and flashed an evil smile.
“Yeah. See you.” Sabi niya habang nakangiti. Shoo, alis na. Go go go go. Get out from here, don’t come back. Hahahaha! Ang evil ko noh?
Reina: Are you really gonna go out with him?
Me: Why not? I mean, hindi naman siya manyak.
Keanu: Are you sure?
Me: Ano ba meron senyo? Ba’t super protective nyo ngayon? Hahaha! Hindi masasayang ang mala-dyosa kong beauty. Promise.
Reina: Kean, ipadrug test mo nga to. Mukhang high siya eh. Hahaha!
Nagtawanan kaming tatlo. Nagring na naman yung bell. Ugh. End of recess
Sabay na kaming pumunta sa classroom. Magkaklase lang naman kami eh. Medyo malayo rin ang canteen sa classroom namin, uhh. Dadaan ka pa sa ramp, tapos lakad ng konti, ramp na naman, lakaaaaad, ramp, tas turn left. Makikita mo lang yun. We arrived at the classroom five minutes early for the first subject after recess.
“Hi, Maw.” Sabi ni Oliver.
“Err — h-h-hi.”
“What’s up? You sound nervous.”
“Nothing, nothing. It’s just that.. walaaaa. Ano ba.” I said and smiled.
“You sure? Hahaha! You’re so red. You look like a tomato!!! Haha.” Weh? Really? Ano baaa! Itong Oliver na to eh, pinapakilig ako. I looked at my mirror, sh*t, I do look like a tomato. Tumawa nalang ako para hindi masyadong awkward.
Di ko nalang siya pinansin. Masyado namang nakakahiya sa kanya. I talk to him sometimes, when he talks to me.
Pauwi na ako, when I noticed something. Nagvibrate yung phone ko.
[b]1 message received.[/b]
[b]+639175368738[/b]
[i]Hi Maw. Guess who ?[/i]