We are moving to Friendster.click
Join us: www.friendster.click/join-friendster
We're also on discord.
Pages: 1
You are viewing a post by aianananalalala. View all 19 posts in Buntis Ako... Sino Ang Ina?!!!(C4: Yes Kami Na! Mina Eh Eh Waka Waka Eh ).
D. Paano na gagawin ko na ito? Atras-abante lang ako sa pinto namin... papasok ba ako o hindi? Haaa... bahala na... hindi muna ako papasok, kay bespren Jackson muna ako pupunta.
palabas na sana ako ng gate namin eh bigla akong tinawag ni itay. Patay na!!!
"Anak... kamusta ang pagpapatingin mo sa doktor?", Oo nga pla nasabi ko sa kanya na magpapatingin ako ngayon. Nagulat pa nga siya eh dati naman daw akong walang pakialam sa health ko.
Pagharap ko sa kanya umiiyak na pala ako.
"Anak... bakit ka umiiyak? Dahil ba yan sa check up mo? Ano daw meron? May cancer ka ba??? Anak naman... sabi ko naman sa'yo pag may idinadain ka eh sabi--", hininto ko siya.
"Tay naman... hindi po ganun, wala po akong sakit.", grabe maka react eh. tss... paano ko naman kaya sasabihin ngayon sa kanya na...
"Eh ano... Buntis ka? Alangan namang ganun.", aray ko po!
"Eh ganun na nga po", 7.7 patay na, yukong-yuko na ako dito, as in yuko. Malamang magagalit din siya.
"WAHAHAHAHAHA XDDDD", huh?! buntis ako tapos wahahahaha?
"Anak naman... wag ka nga magbiro. Paano ka mabubuntis eh wala namag matres ang lalake!!! wahahahaha", grabe ang tawa ni itay, wagas!
"Itay, wag na nga po kayo tumawa, hindi naman po ako nagbibiro eh >.<", ayan, nanahimik ang itay malamang unti-unti na niya naaabsorb ang nasabi ko.
"Hindi? As in hindi ka nga nagbibiro?"
"Hindi po -.-", ang tagal na walang nagsalita.
"Paano na ang nanay mo? Alam mo ba kung anong magiging reaksyon niya? Baka maging halimaw yun"
"Di naman po siguro."
Hindi naman palagalit si Inay, pero malaki kasi expectations niya sa akin eh. ehem. expectations yun, ENGLISH! wew. Buti na lang banal siya di niiya kayang pumatay ng anak. psh. -.- Ano na kaya gagawin ko? Help? Anyone?
You are viewing a post by aianananalalala. View all 19 posts in Buntis Ako... Sino Ang Ina?!!!(C4: Yes Kami Na! Mina Eh Eh Waka Waka Eh ).
Pages: 1