We are moving to Friendster.click
Join us: www.friendster.click/join-friendster
We're also on discord.
Pages: 1
Last edited by aianananalalala (2012-08-13 10:57:55)
[size=6] UPDATE ! UPDATE ! UPDATE ! [/size]
Last edited by jechel.eonni (2012-06-18 07:12:26)
D. Paano na gagawin ko na ito? Atras-abante lang ako sa pinto namin... papasok ba ako o hindi? Haaa... bahala na... hindi muna ako papasok, kay bespren Jackson muna ako pupunta.
palabas na sana ako ng gate namin eh bigla akong tinawag ni itay. Patay na!!!
"Anak... kamusta ang pagpapatingin mo sa doktor?", Oo nga pla nasabi ko sa kanya na magpapatingin ako ngayon. Nagulat pa nga siya eh dati naman daw akong walang pakialam sa health ko.
Pagharap ko sa kanya umiiyak na pala ako.
"Anak... bakit ka umiiyak? Dahil ba yan sa check up mo? Ano daw meron? May cancer ka ba??? Anak naman... sabi ko naman sa'yo pag may idinadain ka eh sabi--", hininto ko siya.
"Tay naman... hindi po ganun, wala po akong sakit.", grabe maka react eh. tss... paano ko naman kaya sasabihin ngayon sa kanya na...
"Eh ano... Buntis ka? Alangan namang ganun.", aray ko po!
"Eh ganun na nga po", 7.7 patay na, yukong-yuko na ako dito, as in yuko. Malamang magagalit din siya.
"WAHAHAHAHAHA XDDDD", huh?! buntis ako tapos wahahahaha?
"Anak naman... wag ka nga magbiro. Paano ka mabubuntis eh wala namag matres ang lalake!!! wahahahaha", grabe ang tawa ni itay, wagas!
"Itay, wag na nga po kayo tumawa, hindi naman po ako nagbibiro eh >.<", ayan, nanahimik ang itay malamang unti-unti na niya naaabsorb ang nasabi ko.
"Hindi? As in hindi ka nga nagbibiro?"
"Hindi po -.-", ang tagal na walang nagsalita.
"Paano na ang nanay mo? Alam mo ba kung anong magiging reaksyon niya? Baka maging halimaw yun"
"Di naman po siguro."
Hindi naman palagalit si Inay, pero malaki kasi expectations niya sa akin eh. ehem. expectations yun, ENGLISH! wew. Buti na lang banal siya di niiya kayang pumatay ng anak. psh. -.- Ano na kaya gagawin ko? Help? Anyone?


Subscribed
", sa kanya lang ako may lakas na loob sabihin ang lahat... kasi... siya ang... bespren ko, hindi ama ng anak ko ok?!
"BAKIT?! BUNTIS KA?!!!!", pano niya nalaman X( nagtext kaya ang itay?
"Paano mo nalaman?!"
"Joke lang! Bakit totoo ba?", psh... joke lang pala, pero walang dapat itago kaya sasabihin ko na.
"Oo T____T", ok tearful na ako...
(((((((((
"Wag ka na umiyak, ok lang yan ok?", hindi eh sira na ang kinabukasan ko
"Sorry, natuluan pa kita ng--"
"Ah ok lang. Teka... buntis ka so... hindi ka na... uhm...", ano ba gusto nito sabihin? Binulong pa sa akin eh. "v-- virgin?", WAHAHAHAHAHA natawa naman ako sa taong ito! hindi virgin pa ako... virgin pa! XDDD
"Huh?! hindi huh! virgin pa ako...", psh... sarcastic na naman ako. hahaha. minsan talaga toh eh hindi nag-iisip.
"Totoo?!", XDDD "Milagrosa ka pala! Naku tiyak ko pagkakaguluhan ka ng media at tao dahil diyan, biruin mo, nabuntis ka pero di ka pa naman nagagalaw?!", hahahahaha!!!
"HAHAHAHAHAHA... ha ha ah... ano? Milagrosa?", teka... minsan talaga pag hindi nag-iisip ang tao na ito may nasasabing kakaiba eh. Tama... alam ko na. "Tara sumama ka sa akin
"
"Huh? San?"
"Sa amin."
"K."
------
Nasa labas si itay at nagdidilig, si inay naman nasa terrace, dinadasalan yung santo na bagong bili niya bago ipasok sa bahay namin.
"Oh anak, nasabi mo na ba sa kanya? Siya ba ang ama?"
"Shhh... tay sasabihin ko na po kay inay
", lakas ng loob ko hanu?
"Ano kamo? Sigurado ka ba?
", shock na shock?!
"HINDI PA ALAM NG NANAY MO?!!!", lakas huh!
"Alam ang alin", awts. nkakagulat si inay, naka
pa eh katakot. haha
"Ang ano Mildred... ang--"
"Buntis po ako
", haha lakas talaga ng loob ko eh. Si itay naman pagtatakpan pa ako
>
-- muka ni inay
"Opo aling Mildred, pero virgin pa po siya... kaya po siya po si Em-Em Milagrosa ^^ galing po nuh?", hahaha kaya ko sinama si bespren eh
"Milagrosa???
", si inay kakapit na!!!
"Oo Mildred... hindi-- uhm.. hindi ka ba natutuwa sa sinapit ng anak mo? Dahil sa panay dasal ka eh naging milagrosa", sinakyan na rin ni itay
--------
Halos dalawang linggo na akong laman ng balita. Ako si Em-Em Milagrosa na ngayon eh guilty na guilty na sa pinaggagagawa psh. -.-. Paanong hindi... niloloko ko si Jackson, ang mga tao, ang media at ang nanay ko T_____T pati syempre ang kapatid ko. Natatakot kasi ako, paano kapag nalaman ni inay na nabuntis ako ng isang tao na hindi ko naman asawa?
Pasukan na namin. As usual naka sweatshirt ako na kulay green tapos maong tapos sneakers. Badudels ba? Trip ko eh. wafvckels! Tapos nakalugay ako... hahaha malamang alangan naman magtali pa ko ng buhok ang ang ikli na nga nito (yung katulad nung nasa gillid na picture), hindi ko pinaiklian ang buhok ko masyado yung 2X3 kasi ayoko feeling ko ang haba ng leeg ko at saka baka maging kamuka ko si Justin Bieber, oy Beliebers wag kayo magagalit sa akin huh, inagaw niya kasi si Selena bohahaha.
Wew. Ewan ko ba kung maeexcite ako o matatakot sa kung anong gawin sa akin ng mga kaklase ko at kaeskwela, phew, lolokohin ko rin sila.
Ok naman ang first two subjects, nakakaloka nga lang yung pangalawa.
"Oh... miss, diba ikaw si Em-Em Milagrosa? Nice screen name", teacher naming pacute
"Ah hehe... hindi ko naman kasi dapat screen name yun eh."
"Tara dito sa harap wala ka bang sasabihin?"
KDOT. pagsspeechin niya ako, sakyan ko na lang at bored na ako!
"Uhm... ma'am kailangan ba talaga ito? Math tayo eh bat kailangan ng speech?!", sakyan daw oh.
"Ah sige... ahm, dear classmates niya, baka may itatanong kayo", psh
"Em, bat naka sweatshirt ka? Mainit ba?", grrr...
"Inggit ka? Gumaya ka.", wahahaha taray.
HAHAHAHAHA
"Uhm... sorry guys, alam niyo naman pag naglilihi hehe
", sarap mang bara ngayon walang gaganti.
"Em, kamusta ang first night?"
"Aish -.- milagrosa ngaako diba!?", updated ba itong tao na toh?!
Ok. tama na ang flash back. May nagpa autograph pa sakin. ASTIIIIG!
Ang sarap na sana ng kain ko eh kaso biglang may umupo sa harap ko.
"Astig mo huh. maka taas ka ng paa para kang hindi magkakaanak", 0.o oh my...
"GAB?!",
-------------
[/spoiler]
D", muka talagang aircon toh!
"Ayun nga... pagharap niya muntik pa niya ako matapunan aba!!! Si Princess Emarie Munoz pala yun! Akalain mo! Parang kailan lang ang haba ng hair niya tapos may make-up pa siya tapos nag mimini-skirt pa siya biglang ganun na siya. Pag tingin niya nga umalis agad eh, parang di ako nakita di ma lang ako binati eh paparty ko nga yun."
"Ah...", babatukan o na tong babae na to eh.
"Tapos tinanong ko yung current classmate niiya na bestfriend ko nung 1st year si Lowel, nagulat na lang nga daw sila kasi nung 2nd year eh pagpasok ganyan na... sisiga siga pa nga daw yun eh."
"Tapos?"
"Tapos... ayun, gusto ko talagang malaman kung talagang bigay na siya... napagtripan ko siya, pinaabot ko kay Lowel yung gin na matapang tapos nilagyan ko ng pampatulog, inabot ni Lowel kay Emarie aka Em-Em"
"So you planned it?! You wanna taste her?!"
"Hindi naman sa ganun, gusto ko lang siya paaminin, iinterogate nga... bigla siyang bumagsak sa floor tapos pinadala ko siya sa guest room, tapos pinuntahan ko siya dun after ng party sabi ko kay Karen yung friend niya dun na lang muna siya hanggang sa magising siya."
"Oh... eh anong nangyari sa interogasyon?"
"Hindi ko siya nainterogate eh... kasi pagupo ko sa kama niyugyog ko siya tapos dumilat siya... tapos umupo siya pero bangag... ako naman hindi ako masyadong uminom, bawal sakin eh, tapos hinilig niya yun ulo niya sa balikat ko... ako naman nakatitig sa kanya... maya-maya magkaharap na kami. Tapos sabi niya 'Ang cute mo talaga... oh Gab Gab Gab... cuuuuuuute!!!''"
"HAHAHAHAHA!!!", ang weird, what's funny!? "Tuloy mo lang haha!"
"Hmmf... tapos pinipisil pa niya yung muka ko... hindi na ako nakapagpigil eh, she's cute! Di ko maidedeny eh."
"So... ayun na nga ang nangyari?"
"Yup!"
"Ang you're planning to..."
"Oo... wala namang masama diba?"
"Ano ka ba Gab, hindi mo siya obligasyon! Pinagtabuyan ka niya sa chool diba? T*nga nga niya at ginawa niya yun, pero mukang masaya siya so... hayaan mo na siya"
"No... Nakapagdecide na ako." Ewan ko rin kung bakit ko gagawin yun, hindi ko siya obligasyon, tama si Jeanie eh. Pero basta, baka may ibang dahilan.
"Uhm... Jean, wait here ha... lalabas na ako, hahanapin ko na yung bahay nina Emarie dito"
Em-Em's POV
"Tsk. Sabi na eh, kaya nga ba... hay naku! Hindi rin naman kasi ako naging mahigpit sa'yo palibhasa ang alam ko wala kang interes sa mga ganun!"
"Itay naman..."
"Si Jackson ba yun?! Anak ng tupa ang itsura... wagas!", wagas?! Wagas nga naka poloshirt na checkered na blue tapos may necktie na spongebob tapos naka maong na butas-butas pa, tapos may dala siya eh ano ba yun?
"Em-Em", bigla siyang lumuhod 0.0 ano ba ito?
"Jackson! Ano ba ang ginagawa mo ", obvious ba? Nakaluhod!
"Em-Em... naaalala mo ba nung bata pa tayo? Nagkakasal kasalan tayo, ako yung groom ikaw yung bride. Tapos gumagawa pa kayo ng boquet... yung plastic ng sigarilyo yung ginagawa niyong wrapper tapos kumukuha tayo ng santan...", iniabot niya sa akin yung dala niya, katulad ng sinabi niyang boquet yun nga lang iba't ibang klase na ng bulaklak may gumamela at rose pa...
"Pasensya ka na di ko kasi afford yung boquet eh"
"Huh... sus, oks lang.. pero sana santan na lang nilagay mo, ang syonget ng ganito eh!!!", nagpapaka cool lang ako pero na tetense ako.
"Ay ganu ba? Sori", tapos may iniabot siya sa akin...yung tangkay ng santan pinagkabit niya tapos tinanggal niya yung petals, tapos nag form siiya ng ring tapos dinikitan niya ng flower ng santan na nagserve na diamond ng ring. Ano ba toh? "Para sa'yo Em."
"Para saan?"
"Para sa baby mo... kasi..."
"Princess... Sino ka?! Bakit ka nakaluhod?", Oh my it's Gab
"Ano na naman ginagawa mo dito? Nahagilap mo pa ako?!", nakapamewang ako na lumapit sa kanya, si Jackson tumayo na.
"Ano mo siya? Ah... teka bago ang lahat...", naglabas siya ng box, tapos pagbukas niya may kumikinang-kinang na sing sing! HUWAW!!! "Will you marry me?"
"Ano'ng... sino ba siya?!", patay na... di siya kilala ni Jackson
"Ako lang naman ang ama ng anak niya,"
"Siya pala yun anak? Aba gwapo!", naloko na
"Itay!"
"Hindi ko gets... paano magkaka ama yan eh--"
"Basta! Princess... ano? papakasalan mo ba ako?"
"Anong Princess!?" >.<
"Ano?!"
"Ano iha? Bakit di mo siya sagutin? Total siya naman pala ang ama ng anak mo eh... Para matigil na ang mga panlolokong ginawa mo."
"Inay"... 0.0
ang ganda nang story ! i like it !
[b]UPDATE ! UPDATE ! UPDATE ![/b]
Ok... so eto ang nangyari pagkatapos nun. Si Inay nagtampo syempre kasi daw niloko ko siya, si Stan yung kapatid ko at yung mga tao, expected ko na na magagalit talaga sila
((((. Kinakausap ko siya(inay) at humihingi ng sorry kaso... ayaw niya akong kausapin, sabi niya pa binigo ko siya. Naguguluhan ako eh!!! Kasi naman ganun din naman diba?! May ama man o wala ang anak ko... ganun pa rin buntis pa rin ako... mahihinto pa rin ako! Kaya nasabi ko sa kanya yun ng hindi sinasadya TT____TT. Lahat kami except si Inay lumabas na, si Jackson umalis na... ng masama ang loob, si Stan kadadating lang galing ng school. Kami nina Itay at Gab ang natira sa labas.
"KASALANAN MO TO EH!!! KUNG HINDI DAHIL SA BUNGANGA MO", na cute :')) "AT AMPLIFIER MONG BOSES",pero astiiiig!!! hahaha. ay kaloka! nababakla talaga ako -.-. "OH DE SANA HINDI GALIT SI INAY NGAYON!!!", tinutulak ko siya, di naman niya ako pinapatulan eh, pero nakasimangot siya, si Itay parang gulong gulo na.
"Iha sandali lang... alam mo hindi maaayos yan kung ganyan kayo... mabuti pa mag-usap kayo.", ah tama... mag-usap nga kami nang mabatukan ko talaga ng wagas na wagas itong tao na toh!
"Tama ang Itay mo, tara."
Masama ang loob ko dahil sa nangyari pero gusto ko pa rin siyang kausapin. 4:40 na pala, ang bilis ng mga pangyayari. Pumunta kami dun sa may likod ng bahay namin para dun mag-usap, umupo lang kami sa ginawang bench-benchan ni itay.
"Ano?!", sunget eh.
"Sorry kung nagalit ang inay mo... pero Emarie pwede bang isipin mo na lang kung hindi pa niya nalaman ang lahat ngayon kailan pa?"
"Hindi naman niya malalaman kahit kailan kung hindi ka dumating eh."
"Sorry but It's just for the right thing, aminin na natin na ito ang tama."
"Bakit hindi mo na lang hayaan na kami ni Jackon ang magpakasal... o kaya manatili ako bilang Em-Em Milagrosa, bakit hindi pa pwedeng ganun? Tapos tustusan mo na lang siya habang lumalaki."
"Syempre ayoko naman ng ganun, gusto ko na lumaki siya na kilala ang real dad niya."
"Ah... walang ibang dahilan?"
"Huh?!"
"I mean, syempre, hindi ka ba nabibigla?"
"*chuckle* Alam mo kasi Emarie..." tapos bigla siya humarap sa akin... palapit siya ng palapit hanggang sa huminto siya, gawd! Ano bang ginagawa niya?! nakakasuka... eww... hahahaha! eww daw! CHE! "I think I like you", tapos naging seryoso ang muka niya, ano ba'ng gagawin ko?! "May sasabihin ako sa'yo eh three words siya."
"A--ano yun?", OMG i love you? GAWWWWD!!! Bakit ba ako ganito? D dapat ako kinikilig eh, siguro natatawa lang ako kasi may nainlove sa akin haha.
"JOKE JOKE JOKE!!! HAHAHAHAHA XDDDD" X((((((((((( isang malaking kasalbahihan!
"Ah... marunong ka na palang magjoke ngayon? Haha. Nakakatawa" ,sabay irap.
"Oo naman, bakit?"
"Ala, muka ka kasing seryoso lagi eh."
"Ah... masasanay ka rin sa akin... So ano? Payag ka na ba sa akin?"
Payag na nga ba ako? Haaay... ang hirap magdesisyon agad-agad, paano na ang future, kung sabagay wala na nun. Haaay. Ahuh! Tama, papayag na ako, kung dati di niya ako pinapansin, pwes time ko naman ngayon para ako na lang ang pansinin niya, gagawin ko ang lahat para maging miserable ang buhay niya. BWAHAHAHA. Kasing miserable simula nung iniwan niya ako
(( haha arte ko talaga eh! Ang OA ko prang yun lang eh.
"Oo malamang, tingin mo? May magagawa pa ba ako?"
"Yes! Ahmmm... Mabuti pa magprepare ka na... ipapakilala kita ngayon sa relatives ko."
"NGAYON 0.o, agad-agad?!"
"Oo, dali!"
"Bakit naman ngayon?!!!!!!! "
"Dapat magpakasal na tayo hanggat maaga ok? At kung gusto mo ng bonggang Wedding eh ayusin na natin hanggat maaga, kung may oras naman tayo eh bakit di natin gamitin yun?", ano ba to? Kakasagot ko lang sa kanya eh, ipapakilala na niya ako agad? Gawd!
--------------------------------
haha... nakakatuwa kayo... salamattt ^_^
Last edited by miczieshane (2012-08-22 05:11:53)
just continue the story..
goodluck
Pages: 1