[align=center][b]Chapter 4: Yes Kami Na! Mina Eh Eh Waka Waka Eh Eh!
[/b][/align]
" bakit parang nagulat ka?"
"Inay...", ayun at nag walk out na siya. Haaay
Ok... so eto ang nangyari pagkatapos nun. Si Inay nagtampo syempre kasi daw niloko ko siya, si Stan yung kapatid ko at yung mga tao, expected ko na na magagalit talaga sila
((((. Kinakausap ko siya(inay) at humihingi ng sorry kaso... ayaw niya akong kausapin, sabi niya pa binigo ko siya. Naguguluhan ako eh!!! Kasi naman ganun din naman diba?! May ama man o wala ang anak ko... ganun pa rin buntis pa rin ako... mahihinto pa rin ako! Kaya nasabi ko sa kanya yun ng hindi sinasadya TT____TT. Lahat kami except si Inay lumabas na, si Jackson umalis na... ng masama ang loob, si Stan kadadating lang galing ng school. Kami nina Itay at Gab ang natira sa labas.
"KASALANAN MO TO EH!!! KUNG HINDI DAHIL SA BUNGANGA MO", na cute :')) "AT AMPLIFIER MONG BOSES",pero astiiiig!!! hahaha. ay kaloka! nababakla talaga ako -.-. "OH DE SANA HINDI GALIT SI INAY NGAYON!!!", tinutulak ko siya, di naman niya ako pinapatulan eh, pero nakasimangot siya, si Itay parang gulong gulo na.
"Iha sandali lang... alam mo hindi maaayos yan kung ganyan kayo... mabuti pa mag-usap kayo.", ah tama... mag-usap nga kami nang mabatukan ko talaga ng wagas na wagas itong tao na toh!
"Tama ang Itay mo, tara."
Masama ang loob ko dahil sa nangyari pero gusto ko pa rin siyang kausapin. 4:40 na pala, ang bilis ng mga pangyayari. Pumunta kami dun sa may likod ng bahay namin para dun mag-usap, umupo lang kami sa ginawang bench-benchan ni itay.
"Ano?!", sunget eh.
"Sorry kung nagalit ang inay mo... pero Emarie pwede bang isipin mo na lang kung hindi pa niya nalaman ang lahat ngayon kailan pa?"
"Hindi naman niya malalaman kahit kailan kung hindi ka dumating eh."
"Sorry but It's just for the right thing, aminin na natin na ito ang tama."
"Bakit hindi mo na lang hayaan na kami ni Jackon ang magpakasal... o kaya manatili ako bilang Em-Em Milagrosa, bakit hindi pa pwedeng ganun? Tapos tustusan mo na lang siya habang lumalaki."
"Syempre ayoko naman ng ganun, gusto ko na lumaki siya na kilala ang real dad niya."
"Ah... walang ibang dahilan?"
"Huh?!"
"I mean, syempre, hindi ka ba nabibigla?"
"*chuckle* Alam mo kasi Emarie..." tapos bigla siya humarap sa akin... palapit siya ng palapit hanggang sa huminto siya, gawd! Ano bang ginagawa niya?! nakakasuka... eww... hahahaha! eww daw! CHE! "I think I like you", tapos naging seryoso ang muka niya, ano ba'ng gagawin ko?! "May sasabihin ako sa'yo eh three words siya."
"A--ano yun?", OMG i love you? GAWWWWD!!! Bakit ba ako ganito? D dapat ako kinikilig eh, siguro natatawa lang ako kasi may nainlove sa akin haha.
"JOKE JOKE JOKE!!! HAHAHAHAHA XDDDD" X((((((((((( isang malaking kasalbahihan!
"Ah... marunong ka na palang magjoke ngayon? Haha. Nakakatawa" ,sabay irap.
"Oo naman, bakit?"
"Ala, muka ka kasing seryoso lagi eh."
"Ah... masasanay ka rin sa akin... So ano? Payag ka na ba sa akin?"
Payag na nga ba ako? Haaay... ang hirap magdesisyon agad-agad, paano na ang future, kung sabagay wala na nun. Haaay. Ahuh! Tama, papayag na ako, kung dati di niya ako pinapansin, pwes time ko naman ngayon para ako na lang ang pansinin niya, gagawin ko ang lahat para maging miserable ang buhay niya. BWAHAHAHA. Kasing miserable simula nung iniwan niya ako
(( haha arte ko talaga eh! Ang OA ko prang yun lang eh.
"Oo malamang, tingin mo? May magagawa pa ba ako?"
"Yes! Ahmmm... Mabuti pa magprepare ka na... ipapakilala kita ngayon sa relatives ko."
"NGAYON 0.o, agad-agad?!"
"Oo, dali!"
"Bakit naman ngayon?!!!!!!! "
"Dapat magpakasal na tayo hanggat maaga ok? At kung gusto mo ng bonggang Wedding eh ayusin na natin hanggat maaga, kung may oras naman tayo eh bakit di natin gamitin yun?", ano ba to? Kakasagot ko lang sa kanya eh, ipapakilala na niya ako agad? Gawd!
--------------------------------
haha... nakakatuwa kayo... salamattt ^_^