Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

One Seat Apart

You are viewing a post by mystic rain. View all 10 posts in One Seat Apart.

  2012-07-04 06:24:33

mystic rain
mystic rain's display avatar
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!Decent Thread Starter
Legendairy!
Nightosphere
Pooc, Talisay City
1366
145
2016-04-27

One Seat Apart

[quote]Chapter Five - Is it love or infatuation? Maagang-maaga akong gumising sa kahuli-huling pagsasanay para sa aming graduation. Mukha nga akong excited sa pag-uusap namin ni Denzel ngayon, nag gawa na kasi ako ng desisyon na dapat ko na siyang tanungin kung sino ba talaga si Ms. Red. Naka gawa ako ng desisyon ng ganyan dahil huling araw ko na ata itong pagkakataon na magkausap kami ng masinsinan dahil tuwing summer vacation niya ay bumibisita siya sa kanyang mga magulang na nasa Amerika ngayon. Dapat ko na itong malaman dahil sa puso ko ay parang nasasabik atang malaman ang totoong pagkatao nitong misteryosong babae na ito. Kahit nagbibigayan lang kami ng sulat ay gusto ko talaga siyang makilala sa personalan. Parang kilalang kilala ko itong babae na para bang gusto ko na din siyang ligawan. Kung pangit o maganda man siya wala na akong pakialamn doon, kasi bawat araw na binabasa ko ang mga sulat niya ay parang konektadong-konektado yung mga puso namin. Aminin ko, yung nararamdaman ko kay Ms. Red ay mas grabe pa sa nararamdaman ko kay Lily. Kahapon ko lang din ito nalaman, kasi buong gabi ko ito pinag-isipan ang naramramdaman ko kay Ms. Red at ni Lily. Kagabi ko pala nalaman ang malaking kaibahan sa crush at sa salitang love o mahal kung sa tagalog. Maaga akong nakagising kung kaya napag-isipan ko na lang din pumunta sa skwelahan ng maaga. Habang naglalakad na ako patungo sa aming silid-aralan ay kitang-kita ko na ang mga magagandang pananim na pinaganda ni Mang Abel. Isa siyang hardinero sa aming skwelahan, noong unang araw ko pa lamang dito sa skwehalan ay siya rin ang pinakaunang taong nakausap ko dito. Sunod nitong kahali-halinang hardin sa skwelahan ay dumaan din ako sa unang building sa aming skwelahan. Ang unang building namin ay para sa mga nursery pupil hanggang sa elementarya. Ipinagawa ng prinsipal namin ng isang malaking building kasi maraming seksyon kasi sa bawat antas ng grado. Kasunod naman sa building ng elementarya ay isang malaking field. Field na kung saan makapaglaro ako ng soccer. Isang varsity player kasi ako sa soccer kaya ito ang pinakapaborito kong lugar sa skwelahan. Sa paligid nito ay makikita mo din ang di-gaano na maliit na playground para sa mga nursery pupils. Kitang-kita ko talaga ang kagandahan ng aming skwelahan namin kasi naman huling araw ko na ito papasok sa skwelahan na ito. Sa bandang huli sa aming skwelahan ay makikita mo na ang isang malaking building kasing-laki din ito sa unang building na dinaanan ko. Ito na ang aming building! Halatang-halata na sobrang maaga talaga ako dumating ngayon sa skwelahan 6:12 pa sa aking relo ang flag ceremony namin ay naka-schedule na 7:30 magsisimula. Napakatahimik nga naman dito sa aming building. Ako lang naman ang unang estudyante pumasok sa ganitong oras, yan sabi ni Mang Abel kanina nang dinaanan ko siya sa field namin. Lumipas ang oras sa paghihintay ko sa aking kabarkada na dumating ay dahan-dahang dumarami ang mga estudyante na pumapasok sa kani-kanilang silid-aralan. Napansin ko din na ako pa ang lalakeng maagang pumasok sa aming seksyon samantalang sa ibang seksyon naman ay marami na. Mga 7:16 na ata dumating sina Vincent at Anthony sa skwelahan, marami na nga mga estudyante na tumatambay sa field kung saan gaganapin ang aming flag ceremony. Ang mga kabarkada ko ay kasali din sa mga estudyante na tumatambay, malapit lang kami sa building ng elementarya. Napansin ko na si Denzel ay hindi pa dumating. “Nakita niyo ba si Denzel dumating?”, tanong ko kay Anthony. “Aba! Denzel ka na pala ngayon ah? Ayaw mo na ni Lily Elize? hahaha!”, sobrang saya ni Anthony sa pagtatanong sa’kin. “Pare, huwag kang padalos-dalos dyan baka maapakan kita kung sasaktan mo lang si Denzel”, sabi ni Vincent. “Nagseselos ka ba?”, “Hindi naman, biro lamang iyon “ “Talagang biro lamang dapat, kasi si Vincent may girlfriend na!”, sabi ni Anthony. “Kailan? Sino? Saan mo ba yan nahanap Vince?”, tanong ko kay Vincent. “Sa… hmm.. sa ating subdivision ko siya palaging nakikita. Hindi siya dito nag-aaral sa ibang unibseridad.” “Saan? Talagang crush mo nga lang si Denzel, Vince?”, grabe ang pagkabigla kaya ganyan ako makapagtanong kay Vincent. “Hahaha! Oo naman, naakit lang ako sa simpleng kagandahan ni Denzel pero hindi ko naman talaga siya mahal” “Kung sa bagay nga naman iba yung gusto sa mahal. Tama ba?” “Oo naman!”, sagot nina Vincent at Anthony. Tumapos na lang yung pagsasanay namin sa umaga ay hindi pa’rin dumating si Denzel. Kung kailan pa man hinahanap ko na siya ay ngayon din siya mag-aabsent, huwag naman sana. Sana dadating siya mamayang hapon. Pagkatapos sa aming lunch ay bumalik na din kami kaagad sa covered court para sa aming pagsasanay. Ganoon pa’rin, walang Denzel na nakikita ko sa aking mga mata. Bakit kaya nag absent siya?[/quote]

You are viewing a post by mystic rain. View all 10 posts in One Seat Apart.

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 15:19

[ 11 queries - 0.021 second ]
Privacy Policy