Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

One Seat Apart

mystic rain
mystic rain's display avatar
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!Decent Thread Starter
Legendairy!
Nightosphere
Pooc, Talisay City
1366
145
2016-04-27

One Seat Apart

[align=center][quote]It's about a guy who can't express directly on his feelings, he's always quite confuse in dealing about love issues and stuffs. There would be two girls who would make him fell in love deeply but in the end, who could be the girl who always stay in his heart? Find out![/quote] [/align] Chapter 1 Gusto ko talaga magka seatmate tayo. Kaso may iba’t ibang klaseng tao sumisingit sa isang upuan talaga. Ganito ba talaga tayo palagi? Hindi ko talaga maiiwasan na hindi kita hahanapin kapag lunch break o dismissal na natin. Bawat galaw mo ay pinagmamasdan ko talaga, ang magagandang mata, ang makinis na balat, ang napakagandang mahabang buhok na sumasabay sa simoy ng hangin at ang mga ngiti na nakapagbibigay sigla ng aking araw. Ganyan kita ka mahal pero di ko talaga masabi sayo sa personal. Bakit? Eh kasi naman ang dami-daming tao nasa paligid mo, nahihiya ako dahil alam ko na hindi talaga ako bagay maging boyfriend sa isang babaeng katulad mo. HINDI TALAGA TAYO BAGAY, yan ang palaging lumalabas sa aking isipan kapag makikita kitang kasama ni Bruno.Ewan ko ba kung ano ang na hanap mo kay Bruno. Gwapo si Bruno pero masama naman ang ugali at hindi pa gaano ka aktibo tuwing may discussion na ang professor namin. “Hay nako”, yan lang talaga ang masasabi ko sa inyo ni Bruno. Pa minsan minsan ay may isang bagay na nakapagbigay tapang para sa’kin na lumaban at hindi natin alam balang araw makapagtapat na talaga ako sa’yo. Balang araw… Palagi lang ako magsasabi na BALANG ARAW masasabi ko na, pero more than three years na akong nagtatago sa aking nararamdaman. Isa pa, malapit na din kaming makatanggap ng aming mga diploma. Kung sasabihin natin malapit na ang araw na yun ibig sabihin, wala na talaga akong pagkakataon na makapagsabi sa kanya ang nararamdaman ko. Kakalungkot naman kung iisipin na walang patutunguhan ang aking pag-ibig ko sa kanya. “Napaka torpe mo talaga Christian!”, Naku, napakaingay talaga itong best friend ko na si Vincent, yan ang palaging sinasabi niya sa’kin. Nasa utak ko yan palagi no! Pero kung torpe talaga ako meron naman akong pag-asa na baguhin yan. Hindi ko lang alam kung paano at saan ako magsimula. Meron naman akong maraming kaibigan na gustong tumulong sa aking problema. Pero. Uhm, karamihan sa kanila eh puro mga masasamang payo makapagbigay, kaya gusto kong manligaw sa mabuting paraan. “Hay eto naman si Christian, napaka bisi palagi sa pag iisip kay Lily”, sabi ni Vincent na napaka bisi din nag aayos sa mga upuan sa covered court nila. “HAHAHA! nagbibigay pantasiya na naman yang si Christian, wala ka ng pag-asa nun, it was like 3 years na nga sila ni Bruno na M.U kaya”, biglang sumingit si Anthony. “Hindi natin alam, si Lily yung babaeng palaging mag bilin ng love letter para sa’kin”, “Ay yung mysterious love letter? Grabe, kasali ba yan sa panaginip mo kagabi? hahaha!”, napaka tuwang tuwa ni Vincent. Sa gitna ng aming usapan, biglang sumingit si Lily. Umiiyak at napaka dumi ng school uniform niya, parang pinagalitan na naman siya kay Bruno. Sigurado akong nagseselos na naman si Bruno sa isa sa mga matalik na kaibigan ni Lily. Hindi naman siya dapat mag-selos hindi pa naman sila, MU nga yung relasyon nila pero hindi yan nagsasabi na may karapatan siyang saktan si Lily na sobrang sobra. Kaya sabay kaming umuwi ni Lily. Kahit kapit bahay kami ni Lily for more than 16 years eh ngayon lang kami nagkasabay na umuwi. Meron kasi akong excuse, ako lang kasi yung nilapitan niya kanina. Kaya eto, pinahiram ko siya sa dating kwarto ni Ate na sa ngayon ay nandoon na sa United States yung ate ko. Marami kasi mga damit doon na pwedeng mahiram ni Lily para sa pag uwi niya… makapagsuot naman siya ng malinis na damit. Kesa uuwi siya na ang school uniform niya ay puno ng putik. Binigyan ko din siya ng first aid treatment kasi may mga pasa siya sa mga binti niya. Napakasama naman ni Bruno, mahal ba talaga niya si Lily? o pinaglalaruan lang niya si Lily? Sana naman hindi, wag naman sana… Kinabukasan, nakatanggap na naman ako sa misteryosong love letter na palagi kong makikita sa ilalim ng desk ko sa school. Ngayon, bago na ang location sa pag bilin ng letter, nasa mailbox na talaga sa’ming bahay! Misteryoso talaga tong sender at parang familiar talaga yung hand writing niya. At noon pa kami palaging nag-uusap sa pamamagitan lang ng isang espesyal na pulang papel na palagi niyang ginagamit… at tyaka, kapag mang iwan siya ng love letter may extra pang pulang papel para sa’king para daw makapagbigay daw ako ng sagot, with NO EXCUSES daw! ((: Kung pagmamasdan yung pag-uusap namin, para bang kilalang kilala ko siya kaso nahihiya lang siya magpakilala sa’kin sa personalan. Mabuti naman, meron akong babaeng unidentified na best friend sa mundo na toh, pareho talaga kami… Parehong torpe sa isa’t isa. Sino ka ba talaga Ms. Red? Sino ka ba talaga sa totoong buhay? Sana naman balang araw lalapit ka sa’kin at magpakilala.

Last edited by mystic rain (2012-04-28 19:53:28)

secretstar635
 Claire Mae
secretstar635's display avatar
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
Daebak!
PANDORAs BOX
Cebu City
873
79
2013-06-12

Re: One Seat Apart

nice :D...update po
mystic rain
mystic rain's display avatar
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!Decent Thread Starter
Legendairy!
Nightosphere
Pooc, Talisay City
1366
145
2016-04-27

Re: One Seat Apart

Chapter 2 Napakadali na ng panahon na para bang kahapon man lamang ay isa pa akong first year high school student sa skwelahan namin. Ngayon, nasa harapan ako sa isang prestihiyosong unibersidad, nag hahanap na kasi si mama ng skwelahan kung saan ako mag apply bilang college student. Kaya heto, napabilang ako sa mga estudyante na nasa mahabang pila para lang maka take ng entrance exam. Puno ng kaba ang nararamdaman ko tuwing ganitong pangyayari, napakataas kasi ng expectation ni mama. Kaya dapat, palagi ako mapabilang sa top 10 mula noong nasa nursery ako hanggang ngayon. Mas mabuti nga kung nasa pinaka una ako sa listahan para naman masaya palagi si mama at hindi mawawalan ng pagtiwala sa aking kakayahan. Nang pumasok ako sa silid aralan na kung saan ipinagtalaga ang aming eksamin, may nakita akong babaeng natutulog na nasa upuan na may numero 26. Gusto ko sana tatanungin kung ano ang mga alintuntunin para sa eksamin. Eh kasi kami pa lang dalawa yung nasa hilera namin, number 28 ako… Naisip ko na naman si Lily, siya lang kasi yung babae na palagi kong maiisip kapag ganito ang sitwasyon. Sana naman si Lily yung babaeng naka upo sa number 26, para naman pareho pa kaming skwelahan na pag-aaralin. Nag buntong-hininga lang ako sa kakaisip kay Lily. Nang dumaang ilang minuto, dumarami na din mga estudyante na pumasok sa silid-aralan. Napaisip ko bigla na parang ang aga ko naman dumating sa skwelahan na ito para lang sa eksamin. Kaya pala kami lang dalawa kanina nang babaeng iyon si 26. 26 na lang yung tatawagin ko sa kanya, kasi hanggang ngayon tulog pa siya. Baka ang aga talaga niya gumising para lang sa eksamin na to at baka nag overnight talaga sa pag review mga notes niya para dito. “Hahaaaaaaaaaaaay!”, Biglang tumahimik nang may taong dumating na nakasuot na uniform na pang opisina. Para bang isa siya sa mga mababagsik na propesor dito sa unibersidad nila. Napaka estrikta niya tignan, na kung titigan mo talaga ay para bang isa kang kandila na dahan-dahang pinapatay ka din sa titig niya. Sigurado ako, ganito din ang nararamdaman sa mga kasama ko dito sa silid -aralan. Pero si 26! TULOG PA DIN! Naku! Lagot siya! Gusto ko sana gisingin pero ang layo ko naman sa kanya, nasa number 28 kaya ako naka upo. Sana naman yung naka upo sa number 25 o sa number 27 ay may pagmamalasakit sa babae na iyon. Nung dumaan na si ma’am sa aming hilera, bigla napagising niya ata. Napakalakas kasi yung boses niya na para bang kakainin kami ng buhay! Nang tumingin ako kay 26, naghahangad talaga ako na ang makikita ko dun sa upuan na iyon ay si Lily! Pero hind eh, iba yung babae naka upo. Kakabago lang namin mag umpisa sa eksamin namin ay may babae din biglang pumasok sa silid-aralan namin. Sobrang pagod niya ata sa kakatakbo kasi nasa 5th floor yung silid-aralan namin. Gusto ko sana tumingin sa babae kung sino ba pero nagpatuloy ako sa pagsagot. Nagpatuloy nga ako pero lihim akong nagmamasid sa ma’am namin at yung bagong babaeng dumating. Nag-uusap ata sila, parang … nagsasabi yung babae kung bakit siya malapit mahuli sa eksamin. Pagkatapos, biglang sinabi ni ma’am sa’min na… “Wala ba talagang naka upo sa upuan na number 30?”, “wala po”, sagot ng lahat. “Kung ganoon man, dun ka maka upo Ms. Lily”, napakatahimik sa pagkasabi ng propesor. Kahit napakatahimik sa pagkasabi ng propesor ay sobrang dinig ko talaga yung pangalan na iyon! Alam ko naman na maraming babae na may pangalan na Lily pero gusto ko naman makita yung mukha nung Ms. Lily na yun, hindi natin alam si Lily nga iyon na nakilala ko di ba? Pa dahan-dahan akong nakatingin sa babae para naman hindi halata sa propesor namin. Pa dahan-dahan talaga, nang umupo … “Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!”, Hindi pala! Kakilala ko siya pero hindi siya si Lily na yung iniibig ko. Siya yung Lily na kaklase ko. Palagi din siyang naka upo malapit sa’kin sa skwelahan pero hindi talaga nangyari na nagkatabi kami ng upuan palagi lang talaga nakaupo kami sa silid-aralan namin na may tao sa gitna namin. “Kapag tapos na kayo sa pagsagot dyan ay pwede na kayong umuwi, iwanan niyo nalang yung test paper niyo sa upuan at ako na ang bahala kukuha sa mga iyan”,sabi ng propesor namin na para bang mainit yung ulo niya sa’min. Baka nga naiingayan siya sa mga lalake sa likuran, napakaingay kasi… Maaga na din akong nakatapos sa pagsagot sa eksamin na iyon, kaya ako ang pinaka unang lumabas sa silid-aralan. Hindi ko napansin na sa paglabas ko lang ay yung si Lily na kaklase ko ay siya pala ang pinaka una lumabas sa aming grupo doon. Para talaga siyang multo, pa bigla-biglang magpapakita sayo at bigla din naman mawawala sa paningin mo. Para bang may itinatago sa amin na talagang importanteng bagay ang tinatago niya. “Excuse me, pwede bang umupo katabi mo?” “Ikaw naman Christian, para naman hindi tayo kakilala sa ating school. Of course naman hehe!”, panay ngiti ni Lily sa’kin. “Ano ba yang sinusulat mo?” “Ay eto? wala lang…”, sagot niya, pero biglang nakatalikod siya nagsulat. Sumilip ako ng patago.Ayun!Hindi ko naman mabasa yung sinulat niya pero curious lang ako sa color ng papel na ginagamit niya, hindi natin alam … siya pala si Ms. Red. “Lily…” “Wag mo akong tawagin na Lily baka ang nasa isip mo dyan yung crush mo! Hahaha! Yung second name ko nalang ang gagamitin mo” “haha! Sorry, Denzel?” “Yeah, Denzel nga… “ Lily Denzel Paz yung full name niya, pero kahit sinabihan niya akong Denzel nalang yung tatawagin ko sa kanya ay naninibago pa’rin ako. Lily kasi din yung nickname niya sa school namin, samantala si Lily, yung crush ko ay sikat sa first name niya. Elize Lily Palanco naman yung full name ng crush ko. Elize yung palagi ginagamit sa kaklase ko pero Lily yung gusto ko kasi yan ang tinatawag ko sa kanya nung mga bata kami. Heto na naman ako, puro si LILY yung iniisip ko. Hindi ko napansin umalis na pala si Lily, este … si Denzel. Napansin ko din na may naiwan siyang papel, katulad sa papel na ginagamit ni Ms. Red. Hindi kaya si Denzel at si Ms. Red ay iisang tao lamang?
Letsirk
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
738
34

Re: One Seat Apart

Keribells!! Update!! :3
rlanneaye
rlanneaye's display avatar
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
what's sulit mama?
303
10
2012-10-21

Re: One Seat Apart

Looking forward for the next chapter. Go ate Rain! :excited:
mystic rain
mystic rain's display avatar
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!Decent Thread Starter
Legendairy!
Nightosphere
Pooc, Talisay City
1366
145
2016-04-27

Re: One Seat Apart

[quote=Letsirk;#76256;1336982968]Keribells!! Update!! :3[/quote] [quote=rlanneaye;#76431;1336988293]Looking forward for the next chapter. Go ate Rain![/quote] Thanks for the support guys haha XDD [quote]Chapter 3 - The First Clue Hindi ko akalain dalawang araw nalang ang lilipas ay mga gradwado na kami sa haiskul. Napakabilis lang naman ang oras natin ngayon ah. Napaka-aga kong dumating sa skwelahan para isauli itong pulang papel na naiwan ni Denzel sa unibersidad. Nang dumaan ako sa covered court namin, nakita kong mga kasama kong mga fourth year students ang napaka-bisi nag arrange sa mga upuan para sa aming pasasanay sa aming graduwasyon. Himala! Maagang dumating si Vincent at si Anthony, baka tuwang-tuwa sila sa pag-iisip na sa nalalaang araw ay iiwanan na nila itong pagiging high school student. Kahit hindi ko gusto yung mga guro na namin na puro mga istrikto at mga istrikto ay nakakmiss din yung mga paghuhumyaw nila. Napakasaya naman tingnan ulit yung mga alaala noong mga parang mababait pa kaming estudyante na palaging tahimik sa aming unang klase namin dito. Pero ngayon? Hindi na noh! Napakaingay na namin at sobrang kulit na namin sa mga guro namin. Ang pagiging estudyante sa ikaapat na taong ay isang yugto sa aming mga buhay kung saan dapat namin pahalagahin ang isang bawat araw. Bakit? Dahil ilang araw nalang, ay nasa iba’t ibang unibersidad namin at sa iba’t ibang kurso na aming nagugustuhan. “Oy Christian! Tumulong ka nga dito sa pag-aayos sa mga upuan”, isang pagalit na tono ni Anthony. “Galit ka ba?”, “Hindi naman. Kataka-taka lang dahil naka ngiti ka lang dyan sa pagtitig sa ating mga silid-aralan. Ano ba na naman yung iniisip mo dyan ha?”, tanong ni Anthony, na parang gusto din malaman yung mga sentiments ko tungkol sa pagiging haiskul. “Wala lang, bakit tumatawa ka dyan? Hindi ito tungkol kay Lily noh!. Teka nakita mo ba si Denzel?”, iniba ko yung pinag-uusapan namin para maisauli ko na itong mga pulang papel na ito. “Denzel? Sino ba yun?” “Baka yung isang Lily sa ating klase, tama ba pare?”, sumingit si Vincent na pinagpapawisan sa pag-aayos sa mga upuan. “Oo, siya nga! Nakita ba ninyo si Denzel?” “Napaka bisi din naman yung tao na iyon oh’ nandoon kasi siya sa silid-aralan natin nag aayos sa mga lumang test paper natin para daw i-recycle sa school natin”, ang sagot ni Vincent. “Siya lang ba ang nag-aayos sa mga papel dun?” “Oo”, ang sagot ni Vincent na parang nagtataka siya kung bakit ganito ako. Wala naman akong ka espesyal spesyal na dahilan, kelangan ko lang talaga isauli itong pulang papel. Pero… naging curious talaga ako kung sino talaga si Ms. Red parang si Denzel talaga. Kung tingnan ng maigi ang papel ay para bang nakikita ko na ito araw-araw, na parang bang ginagamit ko ito pangsulat pabalik kay Ms. Red. Palagi ko itong iniisip kung sino talaga si Ms. Red habang patungo pa ako sa silid aralin namin ay nakita ko yung dalawang Lily nag-uusap na para bang kinikilig sa kanilang usapan. Kaya, pinili kong mag-tago muna para marinig ko yung pinag-usapan nila. Hindi naman talaga ako dating usisero pero kelangan ko lang talaga malaman kung sino talaga si Ms. Red na iyon. “Oh Denzel, malapit ka na bang magsulat dyan para kay Christian?”, tanong ni Lily(yung crush ko) na parang kinikilig talaga sobra sa pagbabasa sa isang liham. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Si Denzel ay si Ms. Red! Siya yung babaeng nagkagusto sa’kin na parang stalker na ata! Tama ba talaga ang narinig ko? Dahil sa sobrang gulat ko ay natahimik lang akong papasok sa silid-aralan namin habang sila ay parang na sorpresa sa pagpasok ko. “Oh! Christian? may narinig ka ba?”, tanong ni Denzel. “ha? ang alin?” “Ay wala yun Christian hehe, maiwan ko muna kayo kambal”, ang sabi ni Elize na nagmamadaling iniwan kami sa room namin. Hindi ko naman iniwan si Denzel sa pag-ligpit ng mga lumang test papers. Nagkausap din kami ng masinsinan na habang ako ay nagpapanggap na walang narinig kani-kanina lamang. Hanggang ngayon nagulat talaga ako. Hindi naman sa mapili ako kung sino ang nagkagusto sa’kin. Kasi naman hindi naman gaano pangit si Denzel, hindi lang talaga siya nagtitiwala sa kanyang angking kagandahan na kanyang dinadala. Ewan ko ba kung nararamdaman ba niyang may kararamihan din na mga lalake na nagagandahan din sa kanya. Isa nun ay yung kabarkada ko, si Vincent. Kaya nga kahit saan yan pupunta si Denzel ay para bang alam na alam talaga ni Vincent kung saan siya. STALKER kasi yun. Haaaaaaaaaaay! May isa na naman akong tanong sa aking sarili. Bakit kaya kinikilig si Lily sa pagbaba sa isa liham na iyon. Hindi kaya iyon yung isang bagong replied message ko kay Denzel ay este kay Ms. Red! Ni mention ko pa naman ata yung real name niya dun. Lagot na! |:[/quote]
PretZel
 zelle
PretZel's display avatar
» FTalkWhiz
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!
2942
191
Website

Re: One Seat Apart

^ Ganda ng story. Update, sis. :)
mystic rain
mystic rain's display avatar
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!Decent Thread Starter
Legendairy!
Nightosphere
Pooc, Talisay City
1366
145
2016-04-27

Re: One Seat Apart

[quote]Chapter Four - Behind these letters Second to the last na namin dito sa school at para bang biglang na miss ko na kaagad yung kakulitan namin. Napaka serious kasi namin ngayon sa practice at napakatahimik namin dahil sa mga guro na palaging nakabantay sa'min. Gusto ko pa naman sana magkausap kami ng mga kabarkada ko. Lalo na yung dalawang utol ko na naka upo sa likuran, sina Anthony at Vincent.Tungkol lang naman ni Ms. Red, ang isang misteryosong babae na palaging nagpapadala sa'kin ng love letter. Sa lahat ng seating arrangement, ito lang talaga ang pinakabago sa'kin; pinaghiwalay yung mga babae sa lalake sa seating arrangement kaya, puro lang talaga lalake ang nasa palagid ko.Naiinip na ako sa pagsali ng practice, halos lahat gagawin namin ay parang kabisadong-kabisado ko na, pwera nalang sa ibang mga kaklase ko na puro kalokohan lang ang nalalaman, kaya naman pabalik-balik kami sa aming ginagawa. Pagod na ako dito, hindi ba nila napapansin? Puno na nga ako ng pawis dito, napakainit pa naman kasi ang panahon ngayon. Eh syempre mainit na talaga ngayon kasi malapit na ang tag-araw dito. Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko lang pala si Denzel. Si Denzel?! "Oh Denzel? kanina ka pa bumubulong sa'kin?", ang isang tanong galing sa isang lalake na napahiya sa babae sa kakaisip ng kung anu-ano. "Ah hindi naman, pero pansin ko habang natutulog ka ay may sinasabi ka ata. Hindi ko naman gaano napansin kung ano talaga yung sinasabi, kasi naman... mas napansin ko yung mga taong dumadaan dito na sobrang lakas ng pagkatitig nila sa atin.", ang sagot ni Denzel na parang nahihiya din makikipagusap sa'kin. "Pero, hindi mo ba napansin? Tayo nalang dalawa dito sa covered court?",biglang sumingit siya ulit bago ako makasagot sa sinabi niya. "Ha??", Hindi ko talaga namalayan na kami lang dalawa, nakatitig lang kasi ako kay Denzel. Habang may sinasabi si Denzel sa'kin, pabigla-bigla ay para bang wala akong paki-alam na sa mga taong naghihinala sa'min dalawa. May isang bahagi talaga sa puso ko na gusto talagang makilala ng husto si Ms. Red! este si Denzel pala... "Christian?? excuse me?" "Christian?" "Ay sorry, ano sinabi mo?" "ha? Wala ka talagang narinig?Sure ka ba dyan?", ang sagot ni Denzel na para bang nainis sa'kin. "Oo, sorry talaga. Ganito talaga ako minsan", "Minsan? Eh para nga palaging kang nag-iisip dyan ng kung anu-ano.",sumingit na naman ulit yung dalawang malalalapit kong kabarkada. Talaga naman oh, parang sumisingit sila sa mga eksenang hindi dapat abalahin. Napangiti na lang si Denzel at umalis. Gusto ko pa naman sana makipag-usap sa kanya ng masinsinan pero umalis na siya. Pero nakita ko si Lily (yung crush ko), patungo sa aming grupo at nag sabi... "Excuse me guys. Christian, can I talk to you for a second?", "Sure. Ahm... Oo naman!", "hmm..Para sa'yo ito, galing kay Ms. Red... sorry din pala, kasi bigla siyang umalis sa inyong usapan. Nahihiya ata siya sa mga kabarkada mo. Basahin mo sana yang sulat na yan. Huling love letter na ata yan para sa'yo.", "Ganun ba? Ahh.. sige! Babasahin ko ito at pakisabi naman na gusto ko siyang makausap tungkol dito sa personal. Please lang." "Salamat Christian. Sige, mauuna na ako sa inyo. Bye!" "Hehe, bye Lily!" Nang umalis na si Lily ay papalapit na din yung dalawang magkaibigan ko at kitang-kita ko sa mga mukha nila na naghihinala sila sa aming dalawa ni Lily (crush ko). "Oy, patingin naman sa pulang papel na yan!", sabi ni Anthony. "Parang nakita ko na itong pulang papel na itoh ah, siya ba si Ms. Red pare?", sabi ni Vincent na yung mukha ay parang nagulat sa nakikita niya. "Hindi. Kanina ko lang ito gusto ibahagi sa inyo na balita." "Sige, sabihin mo na!" "Si Ms. Red ay si Denzel!" "Ano?", tanong sa dalawang malalpit kong kaibigan na talaga naman halatang-halata sa mukha nila na isa itong sorpresa sa kanila. "Kailan mo ba yan nalaman?",tanong ni Vincent. "isang araw ata, narinig ko lang kasi sila nag-uusap sina Elize at Denzel sa silid-aralan natin tungkol sa misteryosong sender na yan." Pagkatapos ng aming mahabang pag-uusap sa aming kabarkada ko ay binasa ko na yung huling sulat na galing kay Ms. Red. Dear Christian, Huling sulat ko na ito dahil sa ganitong oras na malapit na tayong magkahiwalay ng lugar ay para bang ang katotohanan ay karapatdapat nang lumabas. Gusto ko sana sabihin sa'yo na kahit nagsinungaling ka noong isang araw, doon ko lang din napag-isipan na dapat ko na itong ipakilala sa'yo ang katauhan ni Ms. Red. Akala mo si Ms. Red ay si Lily Denzel. Ngunit ako, si Lily Denzel ay isang secretary lang ni Ms. Red. Hindi talaga ako si Ms. Red na nakilala mo dahil malayo ako sa imahe niya na isang mahinhin at mala-dyosa ang kagandahan. PS: Nakapagsabi ako na sinungaling ka dahil nakita kitang sumilip noong isang araw, at yung araw na iyon ay nag-uusap kami tungkol sa'yo at nung pulang papel na ito. Sincerely yours, Denzel "Kung hindi si Denzel si Ms. Red? Sino kaya si Ms. Red? wala na akong maisip kung sino! Hmpf."[/quote]
iSuperman
 3g
iSuperman's display avatar
» FTalkElite
FTalk Level: zero
Everyone ♥♥♥ Me!Topic InitiatorSome FTalkers ♥ My Threads!
4452
644

Re: One Seat Apart

Hmmm, update :eh:
mystic rain
mystic rain's display avatar
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!Decent Thread Starter
Legendairy!
Nightosphere
Pooc, Talisay City
1366
145
2016-04-27

Re: One Seat Apart

[quote]Chapter Five - Is it love or infatuation? Maagang-maaga akong gumising sa kahuli-huling pagsasanay para sa aming graduation. Mukha nga akong excited sa pag-uusap namin ni Denzel ngayon, nag gawa na kasi ako ng desisyon na dapat ko na siyang tanungin kung sino ba talaga si Ms. Red. Naka gawa ako ng desisyon ng ganyan dahil huling araw ko na ata itong pagkakataon na magkausap kami ng masinsinan dahil tuwing summer vacation niya ay bumibisita siya sa kanyang mga magulang na nasa Amerika ngayon. Dapat ko na itong malaman dahil sa puso ko ay parang nasasabik atang malaman ang totoong pagkatao nitong misteryosong babae na ito. Kahit nagbibigayan lang kami ng sulat ay gusto ko talaga siyang makilala sa personalan. Parang kilalang kilala ko itong babae na para bang gusto ko na din siyang ligawan. Kung pangit o maganda man siya wala na akong pakialamn doon, kasi bawat araw na binabasa ko ang mga sulat niya ay parang konektadong-konektado yung mga puso namin. Aminin ko, yung nararamdaman ko kay Ms. Red ay mas grabe pa sa nararamdaman ko kay Lily. Kahapon ko lang din ito nalaman, kasi buong gabi ko ito pinag-isipan ang naramramdaman ko kay Ms. Red at ni Lily. Kagabi ko pala nalaman ang malaking kaibahan sa crush at sa salitang love o mahal kung sa tagalog. Maaga akong nakagising kung kaya napag-isipan ko na lang din pumunta sa skwelahan ng maaga. Habang naglalakad na ako patungo sa aming silid-aralan ay kitang-kita ko na ang mga magagandang pananim na pinaganda ni Mang Abel. Isa siyang hardinero sa aming skwelahan, noong unang araw ko pa lamang dito sa skwehalan ay siya rin ang pinakaunang taong nakausap ko dito. Sunod nitong kahali-halinang hardin sa skwelahan ay dumaan din ako sa unang building sa aming skwelahan. Ang unang building namin ay para sa mga nursery pupil hanggang sa elementarya. Ipinagawa ng prinsipal namin ng isang malaking building kasi maraming seksyon kasi sa bawat antas ng grado. Kasunod naman sa building ng elementarya ay isang malaking field. Field na kung saan makapaglaro ako ng soccer. Isang varsity player kasi ako sa soccer kaya ito ang pinakapaborito kong lugar sa skwelahan. Sa paligid nito ay makikita mo din ang di-gaano na maliit na playground para sa mga nursery pupils. Kitang-kita ko talaga ang kagandahan ng aming skwelahan namin kasi naman huling araw ko na ito papasok sa skwelahan na ito. Sa bandang huli sa aming skwelahan ay makikita mo na ang isang malaking building kasing-laki din ito sa unang building na dinaanan ko. Ito na ang aming building! Halatang-halata na sobrang maaga talaga ako dumating ngayon sa skwelahan 6:12 pa sa aking relo ang flag ceremony namin ay naka-schedule na 7:30 magsisimula. Napakatahimik nga naman dito sa aming building. Ako lang naman ang unang estudyante pumasok sa ganitong oras, yan sabi ni Mang Abel kanina nang dinaanan ko siya sa field namin. Lumipas ang oras sa paghihintay ko sa aking kabarkada na dumating ay dahan-dahang dumarami ang mga estudyante na pumapasok sa kani-kanilang silid-aralan. Napansin ko din na ako pa ang lalakeng maagang pumasok sa aming seksyon samantalang sa ibang seksyon naman ay marami na. Mga 7:16 na ata dumating sina Vincent at Anthony sa skwelahan, marami na nga mga estudyante na tumatambay sa field kung saan gaganapin ang aming flag ceremony. Ang mga kabarkada ko ay kasali din sa mga estudyante na tumatambay, malapit lang kami sa building ng elementarya. Napansin ko na si Denzel ay hindi pa dumating. “Nakita niyo ba si Denzel dumating?”, tanong ko kay Anthony. “Aba! Denzel ka na pala ngayon ah? Ayaw mo na ni Lily Elize? hahaha!”, sobrang saya ni Anthony sa pagtatanong sa’kin. “Pare, huwag kang padalos-dalos dyan baka maapakan kita kung sasaktan mo lang si Denzel”, sabi ni Vincent. “Nagseselos ka ba?”, “Hindi naman, biro lamang iyon “ “Talagang biro lamang dapat, kasi si Vincent may girlfriend na!”, sabi ni Anthony. “Kailan? Sino? Saan mo ba yan nahanap Vince?”, tanong ko kay Vincent. “Sa… hmm.. sa ating subdivision ko siya palaging nakikita. Hindi siya dito nag-aaral sa ibang unibseridad.” “Saan? Talagang crush mo nga lang si Denzel, Vince?”, grabe ang pagkabigla kaya ganyan ako makapagtanong kay Vincent. “Hahaha! Oo naman, naakit lang ako sa simpleng kagandahan ni Denzel pero hindi ko naman talaga siya mahal” “Kung sa bagay nga naman iba yung gusto sa mahal. Tama ba?” “Oo naman!”, sagot nina Vincent at Anthony. Tumapos na lang yung pagsasanay namin sa umaga ay hindi pa’rin dumating si Denzel. Kung kailan pa man hinahanap ko na siya ay ngayon din siya mag-aabsent, huwag naman sana. Sana dadating siya mamayang hapon. Pagkatapos sa aming lunch ay bumalik na din kami kaagad sa covered court para sa aming pagsasanay. Ganoon pa’rin, walang Denzel na nakikita ko sa aking mga mata. Bakit kaya nag absent siya?[/quote]

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 10:53

[ 9 queries - 0.020 second ]
Privacy Policy