Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

One Seat Apart

You are viewing a post by mystic rain. View all 10 posts in One Seat Apart.

  2012-05-14 11:33:19

mystic rain
mystic rain's display avatar
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!Decent Thread Starter
Legendairy!
Nightosphere
Pooc, Talisay City
1366
145
2016-04-27

One Seat Apart

[quote=Letsirk;#76256;1336982968]Keribells!! Update!! :3[/quote] [quote=rlanneaye;#76431;1336988293]Looking forward for the next chapter. Go ate Rain![/quote] Thanks for the support guys haha XDD [quote]Chapter 3 - The First Clue Hindi ko akalain dalawang araw nalang ang lilipas ay mga gradwado na kami sa haiskul. Napakabilis lang naman ang oras natin ngayon ah. Napaka-aga kong dumating sa skwelahan para isauli itong pulang papel na naiwan ni Denzel sa unibersidad. Nang dumaan ako sa covered court namin, nakita kong mga kasama kong mga fourth year students ang napaka-bisi nag arrange sa mga upuan para sa aming pasasanay sa aming graduwasyon. Himala! Maagang dumating si Vincent at si Anthony, baka tuwang-tuwa sila sa pag-iisip na sa nalalaang araw ay iiwanan na nila itong pagiging high school student. Kahit hindi ko gusto yung mga guro na namin na puro mga istrikto at mga istrikto ay nakakmiss din yung mga paghuhumyaw nila. Napakasaya naman tingnan ulit yung mga alaala noong mga parang mababait pa kaming estudyante na palaging tahimik sa aming unang klase namin dito. Pero ngayon? Hindi na noh! Napakaingay na namin at sobrang kulit na namin sa mga guro namin. Ang pagiging estudyante sa ikaapat na taong ay isang yugto sa aming mga buhay kung saan dapat namin pahalagahin ang isang bawat araw. Bakit? Dahil ilang araw nalang, ay nasa iba’t ibang unibersidad namin at sa iba’t ibang kurso na aming nagugustuhan. “Oy Christian! Tumulong ka nga dito sa pag-aayos sa mga upuan”, isang pagalit na tono ni Anthony. “Galit ka ba?”, “Hindi naman. Kataka-taka lang dahil naka ngiti ka lang dyan sa pagtitig sa ating mga silid-aralan. Ano ba na naman yung iniisip mo dyan ha?”, tanong ni Anthony, na parang gusto din malaman yung mga sentiments ko tungkol sa pagiging haiskul. “Wala lang, bakit tumatawa ka dyan? Hindi ito tungkol kay Lily noh!. Teka nakita mo ba si Denzel?”, iniba ko yung pinag-uusapan namin para maisauli ko na itong mga pulang papel na ito. “Denzel? Sino ba yun?” “Baka yung isang Lily sa ating klase, tama ba pare?”, sumingit si Vincent na pinagpapawisan sa pag-aayos sa mga upuan. “Oo, siya nga! Nakita ba ninyo si Denzel?” “Napaka bisi din naman yung tao na iyon oh’ nandoon kasi siya sa silid-aralan natin nag aayos sa mga lumang test paper natin para daw i-recycle sa school natin”, ang sagot ni Vincent. “Siya lang ba ang nag-aayos sa mga papel dun?” “Oo”, ang sagot ni Vincent na parang nagtataka siya kung bakit ganito ako. Wala naman akong ka espesyal spesyal na dahilan, kelangan ko lang talaga isauli itong pulang papel. Pero… naging curious talaga ako kung sino talaga si Ms. Red parang si Denzel talaga. Kung tingnan ng maigi ang papel ay para bang nakikita ko na ito araw-araw, na parang bang ginagamit ko ito pangsulat pabalik kay Ms. Red. Palagi ko itong iniisip kung sino talaga si Ms. Red habang patungo pa ako sa silid aralin namin ay nakita ko yung dalawang Lily nag-uusap na para bang kinikilig sa kanilang usapan. Kaya, pinili kong mag-tago muna para marinig ko yung pinag-usapan nila. Hindi naman talaga ako dating usisero pero kelangan ko lang talaga malaman kung sino talaga si Ms. Red na iyon. “Oh Denzel, malapit ka na bang magsulat dyan para kay Christian?”, tanong ni Lily(yung crush ko) na parang kinikilig talaga sobra sa pagbabasa sa isang liham. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Si Denzel ay si Ms. Red! Siya yung babaeng nagkagusto sa’kin na parang stalker na ata! Tama ba talaga ang narinig ko? Dahil sa sobrang gulat ko ay natahimik lang akong papasok sa silid-aralan namin habang sila ay parang na sorpresa sa pagpasok ko. “Oh! Christian? may narinig ka ba?”, tanong ni Denzel. “ha? ang alin?” “Ay wala yun Christian hehe, maiwan ko muna kayo kambal”, ang sabi ni Elize na nagmamadaling iniwan kami sa room namin. Hindi ko naman iniwan si Denzel sa pag-ligpit ng mga lumang test papers. Nagkausap din kami ng masinsinan na habang ako ay nagpapanggap na walang narinig kani-kanina lamang. Hanggang ngayon nagulat talaga ako. Hindi naman sa mapili ako kung sino ang nagkagusto sa’kin. Kasi naman hindi naman gaano pangit si Denzel, hindi lang talaga siya nagtitiwala sa kanyang angking kagandahan na kanyang dinadala. Ewan ko ba kung nararamdaman ba niyang may kararamihan din na mga lalake na nagagandahan din sa kanya. Isa nun ay yung kabarkada ko, si Vincent. Kaya nga kahit saan yan pupunta si Denzel ay para bang alam na alam talaga ni Vincent kung saan siya. STALKER kasi yun. Haaaaaaaaaaay! May isa na naman akong tanong sa aking sarili. Bakit kaya kinikilig si Lily sa pagbaba sa isa liham na iyon. Hindi kaya iyon yung isang bagong replied message ko kay Denzel ay este kay Ms. Red! Ni mention ko pa naman ata yung real name niya dun. Lagot na! |:[/quote]

You are viewing a post by mystic rain. View all 10 posts in One Seat Apart.

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 15:50

[ 12 queries - 0.017 second ]
Privacy Policy