Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

One Seat Apart

You are viewing a post by mystic rain. View all 10 posts in One Seat Apart.

  2012-05-05 00:02:11

mystic rain
mystic rain's display avatar
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!Decent Thread Starter
Legendairy!
Nightosphere
Pooc, Talisay City
1366
145
2016-04-27

One Seat Apart

Chapter 2 Napakadali na ng panahon na para bang kahapon man lamang ay isa pa akong first year high school student sa skwelahan namin. Ngayon, nasa harapan ako sa isang prestihiyosong unibersidad, nag hahanap na kasi si mama ng skwelahan kung saan ako mag apply bilang college student. Kaya heto, napabilang ako sa mga estudyante na nasa mahabang pila para lang maka take ng entrance exam. Puno ng kaba ang nararamdaman ko tuwing ganitong pangyayari, napakataas kasi ng expectation ni mama. Kaya dapat, palagi ako mapabilang sa top 10 mula noong nasa nursery ako hanggang ngayon. Mas mabuti nga kung nasa pinaka una ako sa listahan para naman masaya palagi si mama at hindi mawawalan ng pagtiwala sa aking kakayahan. Nang pumasok ako sa silid aralan na kung saan ipinagtalaga ang aming eksamin, may nakita akong babaeng natutulog na nasa upuan na may numero 26. Gusto ko sana tatanungin kung ano ang mga alintuntunin para sa eksamin. Eh kasi kami pa lang dalawa yung nasa hilera namin, number 28 ako… Naisip ko na naman si Lily, siya lang kasi yung babae na palagi kong maiisip kapag ganito ang sitwasyon. Sana naman si Lily yung babaeng naka upo sa number 26, para naman pareho pa kaming skwelahan na pag-aaralin. Nag buntong-hininga lang ako sa kakaisip kay Lily. Nang dumaang ilang minuto, dumarami na din mga estudyante na pumasok sa silid-aralan. Napaisip ko bigla na parang ang aga ko naman dumating sa skwelahan na ito para lang sa eksamin. Kaya pala kami lang dalawa kanina nang babaeng iyon si 26. 26 na lang yung tatawagin ko sa kanya, kasi hanggang ngayon tulog pa siya. Baka ang aga talaga niya gumising para lang sa eksamin na to at baka nag overnight talaga sa pag review mga notes niya para dito. “Hahaaaaaaaaaaaay!”, Biglang tumahimik nang may taong dumating na nakasuot na uniform na pang opisina. Para bang isa siya sa mga mababagsik na propesor dito sa unibersidad nila. Napaka estrikta niya tignan, na kung titigan mo talaga ay para bang isa kang kandila na dahan-dahang pinapatay ka din sa titig niya. Sigurado ako, ganito din ang nararamdaman sa mga kasama ko dito sa silid -aralan. Pero si 26! TULOG PA DIN! Naku! Lagot siya! Gusto ko sana gisingin pero ang layo ko naman sa kanya, nasa number 28 kaya ako naka upo. Sana naman yung naka upo sa number 25 o sa number 27 ay may pagmamalasakit sa babae na iyon. Nung dumaan na si ma’am sa aming hilera, bigla napagising niya ata. Napakalakas kasi yung boses niya na para bang kakainin kami ng buhay! Nang tumingin ako kay 26, naghahangad talaga ako na ang makikita ko dun sa upuan na iyon ay si Lily! Pero hind eh, iba yung babae naka upo. Kakabago lang namin mag umpisa sa eksamin namin ay may babae din biglang pumasok sa silid-aralan namin. Sobrang pagod niya ata sa kakatakbo kasi nasa 5th floor yung silid-aralan namin. Gusto ko sana tumingin sa babae kung sino ba pero nagpatuloy ako sa pagsagot. Nagpatuloy nga ako pero lihim akong nagmamasid sa ma’am namin at yung bagong babaeng dumating. Nag-uusap ata sila, parang … nagsasabi yung babae kung bakit siya malapit mahuli sa eksamin. Pagkatapos, biglang sinabi ni ma’am sa’min na… “Wala ba talagang naka upo sa upuan na number 30?”, “wala po”, sagot ng lahat. “Kung ganoon man, dun ka maka upo Ms. Lily”, napakatahimik sa pagkasabi ng propesor. Kahit napakatahimik sa pagkasabi ng propesor ay sobrang dinig ko talaga yung pangalan na iyon! Alam ko naman na maraming babae na may pangalan na Lily pero gusto ko naman makita yung mukha nung Ms. Lily na yun, hindi natin alam si Lily nga iyon na nakilala ko di ba? Pa dahan-dahan akong nakatingin sa babae para naman hindi halata sa propesor namin. Pa dahan-dahan talaga, nang umupo … “Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!”, Hindi pala! Kakilala ko siya pero hindi siya si Lily na yung iniibig ko. Siya yung Lily na kaklase ko. Palagi din siyang naka upo malapit sa’kin sa skwelahan pero hindi talaga nangyari na nagkatabi kami ng upuan palagi lang talaga nakaupo kami sa silid-aralan namin na may tao sa gitna namin. “Kapag tapos na kayo sa pagsagot dyan ay pwede na kayong umuwi, iwanan niyo nalang yung test paper niyo sa upuan at ako na ang bahala kukuha sa mga iyan”,sabi ng propesor namin na para bang mainit yung ulo niya sa’min. Baka nga naiingayan siya sa mga lalake sa likuran, napakaingay kasi… Maaga na din akong nakatapos sa pagsagot sa eksamin na iyon, kaya ako ang pinaka unang lumabas sa silid-aralan. Hindi ko napansin na sa paglabas ko lang ay yung si Lily na kaklase ko ay siya pala ang pinaka una lumabas sa aming grupo doon. Para talaga siyang multo, pa bigla-biglang magpapakita sayo at bigla din naman mawawala sa paningin mo. Para bang may itinatago sa amin na talagang importanteng bagay ang tinatago niya. “Excuse me, pwede bang umupo katabi mo?” “Ikaw naman Christian, para naman hindi tayo kakilala sa ating school. Of course naman hehe!”, panay ngiti ni Lily sa’kin. “Ano ba yang sinusulat mo?” “Ay eto? wala lang…”, sagot niya, pero biglang nakatalikod siya nagsulat. Sumilip ako ng patago.Ayun!Hindi ko naman mabasa yung sinulat niya pero curious lang ako sa color ng papel na ginagamit niya, hindi natin alam … siya pala si Ms. Red. “Lily…” “Wag mo akong tawagin na Lily baka ang nasa isip mo dyan yung crush mo! Hahaha! Yung second name ko nalang ang gagamitin mo” “haha! Sorry, Denzel?” “Yeah, Denzel nga… “ Lily Denzel Paz yung full name niya, pero kahit sinabihan niya akong Denzel nalang yung tatawagin ko sa kanya ay naninibago pa’rin ako. Lily kasi din yung nickname niya sa school namin, samantala si Lily, yung crush ko ay sikat sa first name niya. Elize Lily Palanco naman yung full name ng crush ko. Elize yung palagi ginagamit sa kaklase ko pero Lily yung gusto ko kasi yan ang tinatawag ko sa kanya nung mga bata kami. Heto na naman ako, puro si LILY yung iniisip ko. Hindi ko napansin umalis na pala si Lily, este … si Denzel. Napansin ko din na may naiwan siyang papel, katulad sa papel na ginagamit ni Ms. Red. Hindi kaya si Denzel at si Ms. Red ay iisang tao lamang?

You are viewing a post by mystic rain. View all 10 posts in One Seat Apart.

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 15:43

[ 11 queries - 0.009 second ]
Privacy Policy