One Seat Apart
[quote]Chapter Four - Behind these letters
Second to the last na namin dito sa school at para bang biglang na miss ko na kaagad yung kakulitan namin. Napaka serious kasi namin ngayon sa practice at napakatahimik namin dahil sa mga guro na palaging nakabantay sa'min. Gusto ko pa naman sana magkausap kami ng mga kabarkada ko. Lalo na yung dalawang utol ko na naka upo sa likuran, sina Anthony at Vincent.Tungkol lang naman ni Ms. Red, ang isang misteryosong babae na palaging nagpapadala sa'kin ng love letter.
Sa lahat ng seating arrangement, ito lang talaga ang pinakabago sa'kin; pinaghiwalay yung mga babae sa lalake sa seating arrangement kaya, puro lang talaga lalake ang nasa palagid ko.Naiinip na ako sa pagsali ng practice, halos lahat gagawin namin ay parang kabisadong-kabisado ko na, pwera nalang sa ibang mga kaklase ko na puro kalokohan lang ang nalalaman, kaya naman pabalik-balik kami sa aming ginagawa. Pagod na ako dito, hindi ba nila napapansin? Puno na nga ako ng pawis dito, napakainit pa naman kasi ang panahon ngayon. Eh syempre mainit na talaga ngayon kasi malapit na ang tag-araw dito.
Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko lang pala si Denzel. Si Denzel?!
"Oh Denzel? kanina ka pa bumubulong sa'kin?", ang isang tanong galing sa isang lalake na napahiya sa babae sa kakaisip ng kung anu-ano.
"Ah hindi naman, pero pansin ko habang natutulog ka ay may sinasabi ka ata. Hindi ko naman gaano napansin kung ano talaga yung sinasabi, kasi naman... mas napansin ko yung mga taong dumadaan dito na sobrang lakas ng pagkatitig nila sa atin.", ang sagot ni Denzel na parang nahihiya din makikipagusap sa'kin.
"Pero, hindi mo ba napansin? Tayo nalang dalawa dito sa covered court?",biglang sumingit siya ulit bago ako makasagot sa sinabi niya.
"Ha??",
Hindi ko talaga namalayan na kami lang dalawa, nakatitig lang kasi ako kay Denzel. Habang may sinasabi si Denzel sa'kin, pabigla-bigla ay para bang wala akong paki-alam na sa mga taong naghihinala sa'min dalawa. May isang bahagi talaga sa puso ko na gusto talagang makilala ng husto si Ms. Red! este si Denzel pala...
"Christian?? excuse me?"
"Christian?"
"Ay sorry, ano sinabi mo?"
"ha? Wala ka talagang narinig?Sure ka ba dyan?", ang sagot ni Denzel na para bang nainis sa'kin.
"Oo, sorry talaga. Ganito talaga ako minsan",
"Minsan? Eh para nga palaging kang nag-iisip dyan ng kung anu-ano.",sumingit na naman ulit yung dalawang malalalapit kong kabarkada.
Talaga naman oh, parang sumisingit sila sa mga eksenang hindi dapat abalahin. Napangiti na lang si Denzel at umalis. Gusto ko pa naman sana makipag-usap sa kanya ng masinsinan pero umalis na siya. Pero nakita ko si Lily (yung crush ko), patungo sa aming grupo at nag sabi...
"Excuse me guys. Christian, can I talk to you for a second?",
"Sure. Ahm... Oo naman!",
"hmm..Para sa'yo ito, galing kay Ms. Red... sorry din pala, kasi bigla siyang umalis sa inyong usapan. Nahihiya ata siya sa mga kabarkada mo. Basahin mo sana yang sulat na yan. Huling love letter na ata yan para sa'yo.",
"Ganun ba? Ahh.. sige! Babasahin ko ito at pakisabi naman na gusto ko siyang makausap tungkol dito sa personal. Please lang."
"Salamat Christian. Sige, mauuna na ako sa inyo. Bye!"
"Hehe, bye Lily!"
Nang umalis na si Lily ay papalapit na din yung dalawang magkaibigan ko at kitang-kita ko sa mga mukha nila na naghihinala sila sa aming dalawa ni Lily (crush ko).
"Oy, patingin naman sa pulang papel na yan!", sabi ni Anthony.
"Parang nakita ko na itong pulang papel na itoh ah, siya ba si Ms. Red pare?", sabi ni Vincent na yung mukha ay parang nagulat sa nakikita niya.
"Hindi. Kanina ko lang ito gusto ibahagi sa inyo na balita."
"Sige, sabihin mo na!"
"Si Ms. Red ay si Denzel!"
"Ano?", tanong sa dalawang malalpit kong kaibigan na talaga naman halatang-halata sa mukha nila na isa itong sorpresa sa kanila.
"Kailan mo ba yan nalaman?",tanong ni Vincent.
"isang araw ata, narinig ko lang kasi sila nag-uusap sina Elize at Denzel sa silid-aralan natin tungkol sa misteryosong sender na yan."
Pagkatapos ng aming mahabang pag-uusap sa aming kabarkada ko ay binasa ko na yung huling sulat na galing kay Ms. Red.
Dear Christian,
Huling sulat ko na ito dahil sa ganitong oras na malapit na tayong magkahiwalay ng lugar ay para bang ang katotohanan ay karapatdapat nang lumabas. Gusto ko sana sabihin sa'yo na kahit nagsinungaling ka noong isang araw, doon ko lang din napag-isipan na dapat ko na itong ipakilala sa'yo ang katauhan ni Ms. Red. Akala mo si Ms. Red ay si Lily Denzel. Ngunit ako, si Lily Denzel ay isang secretary lang ni Ms. Red. Hindi talaga ako si Ms. Red na nakilala mo dahil malayo ako sa imahe niya na isang mahinhin at mala-dyosa ang kagandahan.
PS: Nakapagsabi ako na sinungaling ka dahil nakita kitang sumilip noong isang araw, at yung araw na iyon ay nag-uusap kami tungkol sa'yo at nung pulang papel na ito.
Sincerely yours,
Denzel
"Kung hindi si Denzel si Ms. Red? Sino kaya si Ms. Red? wala na akong maisip kung sino! Hmpf."[/quote]