Re: Dreamed Love Story (reposted): Chapter 4 & 5
[align=center][b]Chapter 8 -- Text Message part 2[/b][/align]
Ang himbing ng tulog ko at sa sobrang himbing, kinailangan pa akong gisingin ng kuya ko.
"Cheska. [i]*knock knock*[/i] Gumising ka na. Malalate ka niyan" sabi ni kuya Bert.
"[i]*Yawn*[/i] Opo kuya. Gising na po"
Inaantok pa talaga ako. Feeling ko kulang pa rin yung tulog ko kahit ang aga ko ng natulog kagabi. Ayoko pang tumayo, tinatamad na pa ako pero syempre kailangan eh. Ayokong mag-ayos at pumasok sa school pero syempre bawal naman yun.
Kumain. Naligo. Nagtoothbrush. Nagbihis at naghanda na para pumasok.
"Oh Hannah. Napatawag ka?" sagot ko kay Hannah.[i] Tumawag, bakit naman kaya. Magproblema kaya? Gosh! Oo nga pala. Nakalimutan ko siyang tawagan kagabi para sabihin yung nangyare. Panigurado mas nag-alala tong best friend ko.[/i]
"Cheska! Sabay ka sa akin okay? Wag ka ng pumalag. Malapit na ako dyan senyo. Antayin mo na ako sa pintuan niyo. Bye!"
"Ha--" she hung up bago pa ako makapagsalita. Para siguro hindi na ako makaprotesta.
Siguro hindi na niya kayang hindi ako tanungin. Di bale, balak ko naman na talagang ikwento sa kanya eh. Nilagay ko yung cellphone ko sa bag ko at bumaba na ako.
[align=center]-- -- -- -- --[/align]
Sinabi ko lahat kay Hannah nung nasa kotse kami. As in, lahat-lahat ng nangyare nung araw na yun. Simula nung umaga hanggang nung sa rooftop. Buti nga hindi ako umiyak eh. Pero nagtaka ako kung bakit hindi na nagulat si Hannah nung kinuwento ko yung sa rooftop. Ewan ko. Siguro ayaw niya lang na ipakitang nalulungkot din siya para sa akin.
"May natanggap ka bang message kagabi?" tanong niya sa akin right after naming makaupo sa upuan namin. Nakangiti siya. bakit kaya? Anu namang meron sa text na yun na masaya at excited siya sa reaksyon ko?
"Kagabi? Yata. Bakit? Ikaw ba yun? Teka, titignan ko. Hindi ko pa kasi nabubuksan eh" Hinanap ko yung cellphone ko. Kaso nung nakita ko na, dumating naman yung teacher namin. Kaya hindi ko na lang tinuloy at nagfocus na lang ako sa harap.
[align=center]-- -- -- -- --[/align]
Pagkauwi ko ng bahay, pumasok ako agad sa kwarto ko. Kinuha ko yung cellphone ko. Sino naman kaya yung nagtext sa akin at ganun na lang ang naging reaksyon ni Hannah?! I looked at my inbox, unknown number ang nakita ko. Binuksan ko yung message at nanlaki yung mata ko sa nakita ko.
[quote]From: #0926248****
Message: Hi. Gudeve Cheska. It's me, Dave. Hiningi q ung num mo s friend mo. I just want 2 ask u if ur okay. U seems 2 be in pain a while ago. May problema kba?[/quote]
[i]Dave? Dave texted me? Kinuha pa niya kay Hannah yung number ko. Kaya siguro ganun yung best friend kong yun. Pero wait. Kagabi pa tong text na to ah? I've been rude to him. At hindi na tama pag hindi ako nagreply. And I think he's really worried about me. Kasi naman eh. Bakit ba kasi naging ganun pa ako nung mga oras na yun?[/i]
I saved his number and started creating my message for him.
[quote]From: Dave
Message: Hi Dave. Sorry 4 da l8 reply. Ngaun q lng kz nbsa txt mo eh. No need 2 worry. I'm okay. Sorry 4 being rude yesterday. Thanks 4 da concern.[/quote]
And I hit the send button. Nilapag ko yung cellphone sa tabi ko at humiga ako. Nag-aalala sa akin si Dave, nakakatuwa naman. [i]Magreply kaya siya?[/i]
My phone vibrated. 1 Message Received.
[quote]From: Dave
Message: Really? Aus klng tlga? Phew. Buti nman.[/quote]
[quote]To: Dave
Message: Yes! I'm Okay. 101% sure![/quote]
[quote]From: Dave
Message: That's great. Qng gnun, buks dun kna ule s rooftop ka2in ng lunch?[/quote]
[i]Anu daw? Nagulat ako dun ah? Gusto niya akong magspend ng lunch ko sa rooftop? Meaning kasama ko siya?[/i]
[quote]To: Dave
Message: Huh? Bkit nman? Nmiss mo aq noh? Ahahaha. Joke.[/quote]
[i] I said a joke. Lakas ng loob ko noh? Para mabawasan naman yung tension ko at nabawasan na din yung pag-asang namumuo sa akin. Friends. At hanggang dun lang yun. No more no less.[/i]
[quote]From: Dave
Message: Ahahaha. Oo eh. Anthimik n kz nung hnd kna napunta.[/quote]
[quote]To: Dave
Message: Ganun? Tgpg-ingy lng pla aq!? Ahahaha.[/quote]
[quote]From: Dave
Message: Ahahaha. Oh panu, ashan kta buks ah? Lgot k s akn pg hndi k pumunta. And I mean it. Lgot k tlga. Ahaha. Panu, ga2win q p yung homework ko eh. See you tomorrow. Gudnyt.[/quote]
Hindi na ako nagreply. Ayoko na siyang istorborhin eh. Hays! ang saya naman. Nakatext ko siya. At bukas, I"ll spend my lunch break with him. Excited na ko. I can't wait. Ano kayang mangyayare bukas?