[align=center][b]Chapter 6 -- Rooftop[/b][/align]
"Hays, bakit ba kasi ako umaasang makikita ko siya dito" I whispered to myself. [i]Kahit school mate ko siya, imposible pa rin yun. Okay, tama na Cheska. Mukha ka lang ewan sa itsura mo eh. Maging masaya ka na, nakasama mo naman siya kanina ah? Don't be greedy.[/i] I encouraged myself. So I raised my head and [i]*boom* Ouch![/i] I bumped on someone.
[i]Arrggghhh. Grabe ang sakit naman. Ano bang klaseng katawan meron tong nabangga ko? Hindi ata tao nabangga ko, pader ata.[/i]
"A-ahmmm. Aus ka lang ba?" tanong niyang tila nag-aalala.
Tinignan ko siya. "Oo, ayos lang ako" sabay hawak ko sa noo ko. [i]Ansakit ah?[/i]
"masakit ba? Sorry ah?" hahawakan niya sana yung noo ko ng biglang may sumigaw.
"Brixx! Ano ba?!" siya ata yung tinatawag eh.
"Sige na. Puntahan mo na siya. Magalit pa sa iyo gf mo. Ayos lang ako. Ako nga dapat na mag-sorry eh. Sorry ah? Sorry talaga"
"Wala yun. Sorry din nasakatan ka. Sige!" At ayun, umalis na siya. Brixx? Alam ko narinig ko na yung pangalan na yun eh. Hindi ko lang matandaan kung saan. Anyways, kailangan ko ng kumain, nagugutom na ako.
"Saan kaya ako kakain? Hmmm. Ahhh, alam ko na. Sa rooftop na lang. I bet walang tao dun" I murmured to myself.
Narating ko na yung rooftop. Ngayon lang ako nakapunta dito. Ang ganda pala, ang sarap siguro kumain dito. Next time, dito ko na lang yayayain si Hannah.
I inhaled some air. "Hmmm. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin" Umupo ako sa may gitna ng part nung may lilim. Pagkaupo ko, nagulat ako. Sa tabi ng pinto, Andun nakita ko. Si Dave, nakaupo at nakatingin sa akin. Hindi ko siya napansin kanina, natakpan ata ng pinto.
"Hello" bati niya. Hindi ako makapagsalita. Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwalang makikita ko siya dito. Makikita ko siyang muli. Siya ba talaga to? Tumayo siya at lumapit sa akin. Paulit-ulit niyang pinadaan sa mukha ko yung kamay niya.
I snapped. "H-ha?"
He laughed. "Ayan ka nanaman. Ahahaha" tawanan daw ba ako? Pero kung sabagay, para naman kasi akong ewan eh. Anu naman kung andito siya di ba? Anu naman? Waaaa. Nakakaloka kaya. No. I must calm down. Easy Cheska, Umayos ka. Nasa harap mo na yung kanina mo pa hinahanap. Umayos ka. Sabi ko sa sarili ko.
Pasalita na ako nung umupo siya sa tabi ko. Nainip siguro dahil hindi ako nagsasalita. And as usual, he looked at the sky. [i]Ano nanaman bang meron sa langit? Lagi na lang siyang nakatingin dun?[/i]
"Lagi ka ba dito?" tanong ko.
"Oo"
"Ahhh" ang tipid naman ng sagot niya.
"Ang sarap kasi dito eh. Mahangin, kitang kita ang langit at tahimik. But I think it will never be that peaceful again" sabay tingin sa akin. He grinned. [i]Aba. Nang-aasar ba to?[/i]
"Pasensya ah? Don't worry. Bibilisan kong kumain tapos hindi na ako babalik dito. Pasensya na talaga" [i]naku naman. Nakakahiya. Sinira ko yung lugar niya. Sinimulan ko ng kumain. Nakakahiya kasi eh. At I mean it, bibilisan ko talaga.[/i]
He laughed. "Hindi, ayos lang. Ayos lang kung dito ka magspend ng lunch mo, I don't mind" I look at him. Ngumiti siya then, tumingin nanaman sa taas.
"Napapasin ko lang, lagi kang nakatingin sa langit"
"Ako?" nagulat ata siya sa tanong ko.
"Oo. Kahapon, ganyan din yung ginawa mo. Yun nga lang nakapikit ka"
He smiled. "Pag nakatingin kasi ako sa langit, feeling ko malapit lang siya sa akin. Lahat ng nararamdaman ko, masaya man o malungkot, pag nakatingin ako sa langit, feeling ko nasasabi o napaparamdam ko din sa kanya. Tulad kahapon, ipinarating ko sa kanya yung saya ng mabasa ng ulan" He laughed. "I know it may sound korny or whatever and I know pasong-paso na tong linya na to. We all live on the same sky. Though you're on the other side of the world, when I look at it, I know and I believe that you can also see the same part of it. Kaya kahit malayo siya, I know, nalalaman niya lahat. And knowing that makes me feel like she's here beside me"
Natulala ako sa sinabi niya. Nakangiti siya habang sinasabi niya lahat yun. Para bang hindi ako ang kausap niya? Parang sa langit siya nakikipag-usap. No. It's not the sky but the girl he's been referring to. Yung taong tinutukoy niya sa SIYA. *kirot* [i]Ouch. Anu yun? Bakit may kumirot sa puso ko? Parang pinalo ng malakas ng kung ano. Ang sakit. Yumuko ako. Kinuha ko yung soda ko at uminom. Anu ba to?[/i]
My eyes felt strange, they blinked against the uncomfortable feeling. Super uncomfortable. I bit my lip. When I inhaled, I felt something on my throat. Parang may nakabarang ewan. Napapaluha ako dahil dun. Uminom ako, tinry kong tanggalin yung nakabara but napatingin ako sa loob ng bote. Sa liquid na andun, kitang kita ko yung sarili ko, yung itsura ko. [i]D*mn. Para akong batang inagawan ng lollipop at pinipigilang umiyak.[/i]
Patuloy pa rin ako sa pagyuko. Sana hindi niya mapansin yung katahimikan ko at itsura ko. Inubos ko ng mabilis yung pagkain ko habang kinakalma ang sarili ko. [i]Ganito ba talaga? Pag nalaman mong may ibang gusto yung gusto mo?[/i]
[align=center]-- -- -- -- --[/align]
[align=center][b]Chapter 7 -- Text Message[/b][/align]
Patuloy pa rin ako sa pagyuko. Sana hindi niya mapansin yung katahimikan ko at itsura ko. Inubos ko ng mabilis yung pagkain ko habang kinakalma ang sarili ko. [b]Ganito ba talaga? Pag nalaman mong may ibang gusto yung gusto mo?[/b]
[i]Gosh! Hindi ko na talaga kayang pigilan luha ko. Kailangan ko ng umalis.[/i]
Inayos ko yung gamit ko. Ayokong makita niyang ganito ako. Nakakahiya, mamaya isipin pa niyang kasalanan niya o baliw ako, bigla-bigla na lang umiiyak.
"Aalis ka na ba?" [i]Shocks! Bakit pa ba niya ako napansin?[/i] Lumunok ako. Sinisiguro ko kung walang nakabara sa lalamunan ko.
"O-"
[align=center][quote][b]kkkrrrrriiiiinnnnnnnnnggggg!!!![/b][/quote]
[/align]
[i]Yes! Saved by the bell! Buti na lang. Buti na lang. Mamaya, tridorin pa ako ng mata ko eh.[/i]
Tumayo ako at nagmadaling bumalik sa classroom. I know I've been rude. Umalis ako ng hindi man lang nagpapaalam. Ako na nga ang pumunta sa lugar niya, ako pa tong bastos. [i]Pero kasi. Hindi ko na talaga kaya. The more na magstay ako dun, the more na nasasaktan ako. Baka magtanong pa ako ng kung anu-ano. Makapagsalit ng hindi naman dapat.[/i]
Pagkadating ko sa classroom namin, umupo ako agad sa upuan ko. Nilagay ko yung ulo ko sa desk. Kailangan kong kumalma. Ayokong magmoment sa mga kaklase ko noh? Pinakiramdaman ko rin yung puso ko. May konti paring kumikirot pero hindi naman literal na kirot talaga. Ewan ko, hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko. Ngayon lang to nangyare sa akin.
May humawak sa balikan ko.
"Cheska, ayos ka lang?" Si Hannah. Nakalimutan ko siya, nalimutan kong pag nakita niya akong ganito, panigurado, mag-aalala yun. Nagbunting-hiniga muna ako bago tumingin sa kanya. Tama ako, she looks so worried.
"Oo naman" then, I smiled. I know I can't fool Hannah. She's been my best friend since kinder. And she knows me so well, inside and out. Pero kilala ko din siya. She's the type of friend na hindi nangungulit kong tingin niyang hindi mo kayang sabihin. Kaya niyang mag-antay but I know na mag-aalala siya ng sobra. I'll give her some credits. As soon as I got home, I'll give her a call and tell her everything that happened.
She smiled. "Okay" then, pinched my nose.
She went on her chair and started reading our homework. Bago ako tuluyang tumingin sa blackboard, nakita ko si Sean na nakatingin sa akin. Ewan ko, hindi ako sigurado kung sa akin nga kaya I ignored it and my eyes proceeded on the window. Tinignan ko yung langit, ang napakalawak at magandang kalangitan.
[align=center]-- -- -- -- --[/align]
Ang bilis natapos ng araw. Buti naman. Gusto ko ng umuwi agad. Buti na lang sabay kami ni Hannah ngayon. Niyaya niya akong sumabay sa kanya. Hays! She's really worried about me. I felt guilty not telling her what happened. Kailangan masabi ko sa kanya mamaya.
Inantay ko siya, nagCR kasi muna siya eh. Pero alam ko, kinausap niya si Ace na hindi muna sila sabay ngayon. As I wait for her I tried solving our homework in Math. Solve. Solve. Solve. Para irewrite ko na lang pagkauwi ko ng bahay. Sulat ako ng sulat ng mga numbers hanggang may nasulat akong 143. WTH? Anong kaepalan to? I checked my answer. Takte! pinagloloko ba ako ng Math na to? Nangaasar pa ata eh. Pero hindi ko namalayan, yung kamay ko pala sinulat yung pangalan niya right under those numbers.
[align=center][quote][b]143
Dave[/b][/quote]
[/align]
[i]Hays. Gusto ko na talaga siya. Gustong-gusto. [/i]
"Halika na Cheska!" nagulat ako. Sinara ko agad yung notebook at nilagay sa bag ko.
"Tara!"
[align=center]-- -- -- -- --[/align]
Pagkatapos kong kumain, toothbrush, at magpalit ng damit pangtulog, humiga na ako sa kama ko. I feel so exhausted. Feeling ko ang daming nangyare kahit isa lang naman yung nangyareng tingin ko napagod ako. I feel so dead tired.
I closed my eyes and there again, I saw his face. As clear as if I'm there sitting beside him, staring right at his face. He's looking at the sky like he's in love with it. I envy that girl. Such a lucky girl to own his heart.
"Hays. Tama na nga! Makatulog na nga lang" sabi ko sa sarili ko. At natulog na nga ako.
I felt something vibrated. Yung cellphone ko ata pero sobra na akong inaantok para buksan pa ang mata ko at tignan kung sino yun. Bukas na lang. I think si Hannah yung nagtext, saying Goodnight, si ko kasi siya natawagan eh. Wala na kasi akong lakas para gawin yun.
[align=center][quote][b]1 message received![/b][/quote]
[/align]
Last edited by ECKAdoodles (2012-10-13 19:40:00)