Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

  2012-08-20 22:03:28

bianx
 Megumi Kairi
bianx's display avatar
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
FTalkers ♥♥ My Threads!Topic InitiatorSome FTalkers ♥ Me!
Refresh~
house
2347
298

Letters~♥ (of a torpe guy) *Chapter 019 || Sept. 17, '12

[quote=JaChriz;#275358;1345425214]bumubula ang mga mata ko sa kababasa I like it, I love it and I hate it coz nabitin ako Sana si Darwin nalng yung si clowni UPDATE na bianx[/quote] hahahahaha Thankyou! ♥ :blush: mahilig ka pala magbasa jachriz :thumbsup: sige update ko na :) :thumbsup: [align=center] [size=7]Chapter 15[/size][/align] CHAPTER 015 lumapit sakin si darwin. "ang ganda ano?" sabi nya. napalingon ako pero umiwas sya ng tingin. nakita kong dumapo sa balikat nya ang isang malaking butterfly na color yellow na may spots na black. "ang laki darwin!" tinuro ko ito at tumingin sya sa balikat nya. kinuha nya yung butterfly, inilagay sa palad ko. "ito si darly" sabi nya. natawa ako. darly daw?! pano nyang alam? haha. "darly?" sabi ko. "oo." sabi nya. "Kimberly at Darwin." pahabol nya't.. dug dug. dug dug. bumilis ulit ang tibok ng aking puso. kumislap muli ang kanyang mga mata. Kislap na kagayang kagaya noong una kaming magkita. napatawa ako. napatawa kami pareho. kinuha nya ang kanang kamay ko't tinapat yun sa dibdib nya. Para kaming nasa isang paraiso. Isang pangarap na paraiso. Totoo bang nangyayari ito? "pakinggan mo." sabi nya sakin. "ay, pakiramdaman mo pala." natawa ako't kinikilig nadin. "ang bilis." sabi ko. Ang bilis ng tibok ng puso nya. "ang bilis no?" sabi nya. tumahimik kaming pareho habang hawak hawak nya ang kamay ko na nakatapat sa dibdib nya. nang may marinig kaming nagbukas ng pinto, napabitaw kami't napatingin sa magkaibang dako. Halatang kinabahan kami pareho. "Kimmy!" nakita ko ang isang christmas card na may clown. natawa ako! teka.. naalala ko yung clown na nasa birthday card ng secret admirer ko ah? "teka, si clownii to ah?" sabi ko. "clownii?" sabay na sabi ni jomar at darwin. "sinong clownii?" tanong ni jomar. "ha? ah, wala, yung secret admirer ko kasi, pinadalhan ako nung birthday card na may ganyang ganyan na clown." itinuro ko yung clown na naka pang santa. nagkatinginan sina jomar at darwin. hanggang sa dumapo si Darly sa christmas card na binigay ni jomar. napatingin ako kay darwin, "tignan mo oh!" sabi ko nang ipakita ko sa knya ang nakadapong si darly sa card. "aba, ang cute ano kimmy?" sabi ni jomar. napatingin na lang ako kay darwin at pareho kaming napatawa. "oonga ang cute jomar." sabi ko nalang. -- lumabas na kaming tatlo sa butterfly garden na yun. Kinukwento ni Jomar ang tungkol sa negosyo nilang yun pero hindi ako interesado kaya binulungan ko si darwin. "uuwi naba tayo?" kinailangan pang yumuko ng kaunti ni darwin para marinig nya ako. tumango lang sya't nagkangitian kami. "Teka kimmy.." sabi ni jomar nung napahinto sya sa paglalakad. napahinto din kami ni darwin pero si darwin ay nagprisinta nang mauuna sa kotse. "kung malalaman mo ba kung sino si clownii, anong sasabihin mo sa knya?" seryosong tanong ni jomar. bakit ba parang apektadong apektado sya doon sa secret admirer ko. hehe. "bakit? hmm, ano lang. kumusta, ganon. hehe" "yun lang?" sabi ni jomar. "paano kung.. manligaw sayo si clownii?" pagpapatuloy nya nung magumpisa ulit syang maglakad. "ehdi sasagutin ko sya." sabi ko. Ewan ko din kung yun nga ang gagawin ko. pero kapag nalaman kong si Darwin Silvestre si clownii, for sure yun! pero kung ibang tao.. baka pagiisipan ko ulit. hehe. "talaga?" masayang sabi ni jomar. tumango lang ako't nakita ko na si manong na binuksan yung kotse para saken. umupo na ako at masaya ako dahil hindi kami aabutin ng dilim. hehe --

Last edited by bianx (2012-08-20 22:04:35)

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 04:15

[ 11 queries - 0.014 second ]
Privacy Policy