[align=center][size=4]Chapter Two to Eight[/size][/align]
[spoiler]CHAPTER 002
Binuksan ko yung isa. hmm, yung kulay light blue. hehe. favorite color eh!
ang bango nung papel! binasa ko to, sabi,
"Dear Kim,
Kumusta? ngayon ang ika 17 na araw ng pagsusulat ko sayo. Mula nung makilala kita, hindi na naalis sa isip ko ang mahahaba mong pilik mata. Yung.. boses mong mahinhin. Yung.. buhok mong makintab. hehehe. sorry ha, ang baduy ko. pero okay lang, wala naman akong balak ipabasa sayo to sa ngayon eh. Gusto kong malaman mo na .. Lihim akong nagmamahal sayo.
Love: "
TEKAAAAAAAA!! bitin!! babae kaya sumulat nito? baka naman tomboy!! hala?? ang ganda ng sulat eh! haha. wait wait. may secret admirer ako? kailan pa? hala, wala naman kasing date na nakalagay! teka ... hala .. sakin kaya talaga to? eh wala eh, pinakialaman ko na. haha.
nang bubuksan ko pa yung isang sobre,
Papabear: BUZZ!!
online ako ngayon bhe. gusto mo cam tayo?
Nakakainis naman. sinign off ko yung YM ko't niligpit na yung kalat ko. bukas ko nalang ulit titignan yung iba.. pero nakakacurious ha. sino kaya yun.. baka naman kay justin yun? pero bakit hindi ko nakilala yung amoy nung magkabanggaan kami? baka naman ipapaabot nya sa iba? o baka naman may ibang kimberly jane imperial sa school? pero parang wala eh? haha! hmm..
--
Sa school.. as usual, maingay. magulo.. puro sinto sinto ang mga tao. hahaha! ako lang ata matino tino dito eh. "ate kim, pwede po bang paturo nung sa geom? di ko po kasi makuha eh."
approach sakin ni lei, osige, madali naman akong kausap eh. tinuruan ko sya, pero maya maya, may naramdaman nanaman akong bumato sa likod ko. Pansin ko yung mga classmate ko wala naman kahinahinala. TSk! sino ba ksi yun? tinignan ko uli yung binatong papel,
**
"Ngiti ka naman dyan! nakasimangot ka eh!"
**
"ate kim, ano yan?"
"ha? aaa, wala. may nambato sakin ng papel. nakakainis."
tinuloy ko yung pagtuturo ng connect the dots kay Lei, tapos nun, lumabas ako. Hinanap ko yung nambabato sakin. baka kasi binabato nako ng kung sinong adik. tsk. wala tlga akong makita eh, pero sa kamalas malasan, nakita ko si Justin.
"Bhe!" tawag nya. ngumiti sya, ngumiti lang din ako. sakto naman, pumasok na yung next teacher namin. kaya.. di na kami nagkausap pa. Sinara ko nadin yung pagkalaki laking sliding window namin, kasi baka naman may mambato ulit sakin! kakainis. bakit ba kasi dito ako pumwesto sa tabi ng bintana eh.
--
-break time-
"Kim! pakopya assignment sa English!" tsk. to naman kasi tong mga to eh. bakit hindi gumagawa ng assignment. hahaha. infairness ang yabang ko. LOL. kahapon lang naman kasi ako hindi nakagawa eh. pero teka.. yung portfolio nga pala! naiwan ko sa bahay, pano yun, bukas ko nalang nga dadalhin, ibibigay ko nalang sa Lost and Found. pero.. ano eh, diba akin naman yun? sakin nakapangalan eh.
"hoy, bruha, bakit ba ang lalim ata ng iniisip mo?"
"Jessa!!! buti naman at pumasok kana! tanghali na to pumasok eh!" hahahaha. isang linggo kasing nagkasakit tong bruha nato. lol.
"oonga eh, buti magaling na." inilagay nya yung bag nya sa upuan nyat nakipagdaldalan muna sakin.
"oh, anong chika?"
"uy, jes, alam mo ba, may secret admirer ako!"
"ikaw, may secret admirer? sinooooo??"
"ewan ko nga eh."
"eh, alam naba yan ni bhe bhe mo?"
"tsk! yun na nga isang problema. gusto ko na syang ibreak! yung alam mo yun, dami dami ko kasing dapat iprioritize! ineexpect ng mga magulang ko na nasa top padin ako, tapos, minsan, di na ako makagawa ng assignments sa bahay dahil sa kakachat kay justin. tsk."
"ano kaba girl! sayang naman. "
"anong sayang dun?"
"maglilimang buwan na kayo ni justin diba?"
"oo eh.. kaso,"
"ano? dahil sa secret admirer mo?"
"SECRET ADMIRER?" may lalaking sumigaw. pero teka, kilala ko yung boses. HALA. si JUSTIN. pano to????
"oo. may secret admirer kasi tong si Jess eh! diba jesss??" -_- umalis lang sa pagkakasilip sa pintuan namin si justin at bumalik sa room nila. teka, hay! hayaan na nga yun. lintek. naiinis na ako eh.
--
CHAPTER 003
Nagring na ang bell so it means.. uwian na! as usual, ako yung huling lumalabas ng classroom, syempre president, kailangan i-make sure na maayos lahat. pero.. natatakot ako. bigla ngang tumaas mga balahibo ko eh.. para kasing.. ang tahimik.. hala, lagi naman ganito pero bakit ngayon lang ako natakot.?
ang dilim panaman din sa corridor! nagmadali akong nagayos ng gamit, kahit medyo may dumi dumi pa eh hinayaan ko na't nagmadali akong tumakbo palabas. sa kakatakbo ko, at kakatingin sa likod, may nabangga nanaman ako. "ARAY!" sabay hawak sa ulo ko. nauntog kasi ako sa baba nya. ang tangkad nya infairness. hahaha
"Kim?"
Sino to? Kumislap bigla yung mga mata nya pagtingin ko sakanya. Nawala nadin bigla yung kilabot ko. Teka, gabi na eh, dapat umuwi na ko!
"hi! hehe. sige uwi na ako ha!"
"sandali kimberly!" sabi nung lalaki. napahinto ako sa pagtakbo at hinintay ko syang lumapit sakin. "bakit? may kailangan ka po ba kuya?"
"hehe, ako nga pala si Darwin. Section K. diba ikaw si Kimberly Imperial ng science class?"
hmm.. makikipagusap ba ako o ano? eh medyo late nadin eh. nagsunset na din eh. ano ba? madami pa kong gagawin eh.. so, pano? tsk,
"yes. ako nga, hmm, kung gusto mo, itext mo ako, wait lang. eto, 09 bla bla bla okay? bye bye!!"
"sandali! hindi ko nagets!"
hay naman oo. sinulat ko yung number ko at binigay to saknya. nagmadali na ako sa pagtakbo't gagabihin na ako. Sumakay na ako ng jeep at ayun, sa wakas nakauwi nadin! Kumain muna saglit ng hapunan, gumawa ng assignment at naalala ko ulit yung portfolio.. nacurious uli akot binasa yung isa pang sulat.
"Dear Kim,
Pangalawang araw ko ngayon sa pagsusulat! hehe. Ngumiti ka sakin kanina. Sayang nga eh, nahiya akong makipagkilala sayo. Sana makilala mo din ako. Hmm, oo nga pala, nahulog mo yung balat mo ng mentos, kaya pinulot ko to. siguro pag nabasa mo to, nasakin padin yun hanggang ngayon. ingat ka palagi ha!
Love: "
Mejo mapapaluha na sana ako nang makita ko yung isa pang sobre na pinaka kakaiba sa lahat. parang.. birthday card? HAHAHAHAH
"Dear Kim,
Sabi ng teacher namin sa Bio, birthday mo daw. kaya nagmadali akong bumili ng birthday card kanina. nagustuhan mo ba? pinili ko yang may clown para pag nakita mo to, sasaya ka! Happy birthday! ika 7 na araw ko nga pala ng pagsusulat to. naks! consistent ka sakin ha! araw araw nasusulatan kita! para kang assignment na kailangang alalahanin gabi gabi. Sana lang talaga, bago ako ... ay, oonga pala, 15 kana! pwede na tayo!
Love:"
SYET! secret admirer ba to oh stalker? huhuhuu. natatakot na ako.. parang ayoko nang basahin yung iba. bakit ba kasi hindi nya naramdaman na nabagsak to? diba??? para hindi ko nababasa ngayon. para hindi ako nacucurious. para.. heto, hindi ako natatakot. pero.. bakit ganon.. nakakaramdam ako ng lungkot. feeling ko.. malungkot yung secret admirer ko habang sinusulat to.. haaaay. parang gusto ko nadin sya makilala.
--
"Kim, may papel ka? pengeng 1/4"
Ha? pati banaman 1/4 wala sila!!!? sabagay, december na, baka ubos na yung papel nila. pero sana naman diba next year, may papel na ulit sila. nako!!
"oh eto"
tapos nagsunod sunod na yung mga nanghihinge saken. ahuhuhu
--
"Bhe!" thursday. Pangalawang araw na sana nya akong hindi papansinin, pero wala eh, malakas talaga dating ko. hindi ako kayang tiisin nito. buwahahaha.
"oh, akala ko ba galit ka?"
"hindi. sorry ha."
"sorry saan?"
"sa.. basta! alam mo na yun!"
Si Justin Lagdameo. Boyfriend kong bulok. nagsosorry? tsk. ang galeng ano po? HAHAHAHAH. matapos nya akong hindi pansinin, hindi ihatid sa bahay at matapos nya akong indianin sa group study dapat namin nung sabado, eh magsosorry sya?
"ok." sabi ko nalang. haaay. ewan ko ba. ano bang problema? ako ba ? siya? Tsk. 3rd year highschool palang kami, pero, heto, dami nang alam! yun oh! hahaha.
"anong ok??!" sabi nya. ano bee?!
"ok. sabi mo sorry diba!"
"ah.. uy, kim kasi.."
"ano?"
"pwede ba ikaw gumawa ng project ko sa Math? ang hirap kasi eh. please??"
AHANOOOOOOOOO? ahuhuhuhuhu. lage nalang ako yung gumagawa ng assignment nya. tsk. inirapan ko syat tinalikuran. pumasok ako ng classroom namin at ibinagsak ko ng todo ang pinto nang malaman nya namang nagagalit ako.
Kitang kita ako sa may upuan ko kaya dun ako sa kalikuran naupo sa tabi ni jessa. May ginugupit si jessa na kung ano, kaya hindi nya ako napansin. Napa tingin lang ako sa ginugupit ni jessa.. aaa.. pampasko pala.
"ano bang christmas wish mo?" sabi ko. weird ko no? hahaha
"christmas wish ka dyan! bakit? haha"
"wala lang. hehe."
"eh ikaw? hmm, hulaan ko, gusto mo na mameet yung secret admirer mo no?"
"bruha! hindi no."
"teka nga.. so, pano ba? i mean, naikwento mo sakin na may sulat chorva. so.. ano yun? baka naman hindi sayo yun?!"
"eh may kakilala kapabang Kimberly Jane Imperial na science class din dito mismo sa school nato pumapasok? ha?!"
"wala. pero malay mo, sa ibang school pumapasok yang kim jane na tinutukoy dun sa sulat.."
"ha? imposible naman! ano yun? magkapangalan na magkapangalan kami? pero .. astig naman kung ganon! haha"
"tss. bruha tlga to! heto tumulong ka sakin maggupit!"
Buti nalang at malapit lapit na ang christmas vacation kaya tinatamad nadin yung mga teacher magturo. Mga.. 1 week nalang siguro at yipeee! bakasyon na, at AAAAAAARG! dahil madami nanaman projects na gagawin -_-
--
CHAPTER 004
"eh, jess.. diba may prom tayo next year?"
"ha? oo. sa february ata. bakit? kala ko ba hindi ka pupunta?"
"oonga sana e .. kaso, parang gusto ko nadin pumunta!"
"hala?! eh magpalista kana!"
Tinawag ko si Cristof, yung babading bading na classmate ko. Sa kanya kasi nagpapalista eh. hala, tama ba tong desisyon ko? eh kasi.. naisip ko.. baka dun ko makita si secret admirer eh.. baka.. ayun nga.. baka dun kami magmeet. ibabalik ko nadin yung mga sulat nya. hindi ko pa naman nabubuksan lahat eh! sa dami banaman nito.
"kim, may nagtext sayo."
tinignan ko yung cellphone ko, buti may lock tong inbox kaya kahit pakialaman ni Bessy eh hindi nya mababasa, games lang talaga. haha.
Sender: *****
Hi! kim, ako to. Si .. Darwin. pasensya kana, ngayon lang ako nakapagtext sayo. Ngayon lang kasi nagkaroon ng extrang load pantxt!
--
Darwin?? .. wait. sinong darwin? ngreply ako..
Si-Nong .. Dar--win .. ?
ni ko napansin sarili ko, nabibigkas ko na pala ng malakas yung text hahaha.
"Dalwin?"
"Bulol!" hahahaha. dalwin daw eh! to tlgang si Jessa!
"eh ano? haha"
"WALA KANA DUN!"
bumalik ako sa upuan ko, duon ako naghintay ng reply ni darwin daw. sino kaya yun? Kumuha ako ng libro sa bag ko. ah, kahit anong libro nalang! magbabasa nalang ako habang wala pang titser. eh.. dapat kasi maaga nilang binibigay yung projects para nagagawa ko na ng mas maaga diba! nakoooooo.
nakasarado ang bintana kaya hindi maingay. pero sa loob ng classromm medyo maingay eh. wala nga kasing teacher. maya maya may kumatok sa bintana. napatingin ako. May lalaking nakangiti. nagkasalubong yung dalawa kong kilay. teka, sino ba to? haha. bumibili ng yelo? LOL.
binuksan ko yung bintana, tapos kinausap sya.
"ano ho yun kuya?"
Nakangiti lang yung lalaki. yung kasama nyang matangkad, parang kilala ko. . hmm, aaaah! alam ko na! yung nakabangga ko kahapon! "kuya? ano ho yun?"
"aaah. miss. kasi, gusto ka makilala nitong best firned ko! (uy darwin! si kim !!)"
mukhang naiilang yung Darwin, teka, darwin? ah! yung nagtext! oo nga pala. nako naman oo.
nagbubulungan silang dalawa eh, nako! nantitrip lang ata tong mga to. sinara ko na ulit yung bintana, umalis na sila pero sinundan ko sila ng tingin, binatukan nung matangkad yung mas maliit. hahaha. loko. baka pinagtripan lang yung darwin. hehe.
--
nang mag-uwian, syempre as usual ..
"kim, una na ako! naghihintay na sakin si Paulo sa gate."
"sige jess. pero wait, pengeng polbo."
nagpolbo muna ako. umalis na si jess at inayos ko na yung mga upuan. sinara yung mga bintana at nagpulot ng maliliit na kalat. medyo maaga pa kaya hindi pa ako natatakot. haha! nung isang araw kasi eh, ah basta! madilim dilim na. lol.
nang bumaba ako ng building. May nag-approach nanaman saking lalaki. hmm .. this time, yung nantrip kanina ang lumapit. pero nakita ko sa may puno hinihintay sya nung best friend nyang matangkad, best friend nga ba? haha.
"miss! Kim, diba?"
tumango lang ako. syempre pahinhin effect. lol. ngumiti tapos, yun.
"ah, eh .. ano. Pwede daw ba mahingi number mo sabi nung best friend ko, ayun sya oh?!" tinuro nya yung darwin. oo. alam ko. best friend nya yun. oh, eh alam na nun number ko eh? nagtext na nga kanina eh. hihingin paden?
"eh, alam na nya number ko."
"ha? ah, eh, talaga?! hehehe. ah, sige!"
mukhang nahiya na yung lalaki. umalis na ako, kasi wala na syang ibang sinabi. hindi na ako lumingon kasi naiinis ako sa mga ganong klaseng tao. lol. ewan ko ba, feeling ko lang ang epal nila. Ang sama ko ba? haha.
--
CHAPTER 005
FRIDAAAAAAAAAY!! yessss. naka pamPE kami. hahaha. ewan ko ba, favorite ko eh! ang sarap kasi gumalaw. haha. Volley Ball ang PE namin, so, ano na? eh hindi naman ako marunong nun. wala nga ata akong alam na kahit anong sports eh. LOL.
"hoy babae!" sabay batok saken ni jessa. kakaasar naman e!
"bakit ba??" agang aga napasimangot tuloy ako. ang sakit kaya.
"eh.. sorry! eh, ano,"
"ano?!"
"WALA! galit kana eh! sige kay sam nalang ako magpapagawa ng assignment!"
tamo tong bruha nato! kakainis. palibhasa irresponsible. haha. puro boys kasi nasaisip ayan tuloy. balita ko nga nung nagkasakit sya eh absent din jowa nya. HAHAHA. ano kayang ginawa ng dalawang yun? lols. anyway,
As usual, pinaggupit nanaman kami ng kung anuanong kaek-ekan. eh para sa foundation day daw. haaay. hindi naman ako aattend nun. lol. Eh nakakatamad kaya! wala din namang gagawin. magrereview nalang ako sa bahay. Pero.. bahala na! kung masaya, aattend nalang.
DARWIN: Hi! Goodmorning!!! >GM<
Biglang tumaas yung mga balahibo ko. anong meron dito sa darwin nato? bakit nakakapangilabot sya. lols. pero teka..
>GM< ?? ano yun. hahaha. GoodMorning na nga GM pa? diba GM din yung goodmorning? hahaha. eh wala akong load eh. di ko nanaman nareplayan yung darwin. ah! syets. dala ko na nga pala yung portfolio!! bakit ko nga ba dinala? hahaha. eh ayoko namang ibigay sa lost and found. curious padin ako sa mga sulat eh. lols.
"Lei!"
"Bakit ate kim?"
"diba sikat ka sa lower sections?"
"ha? hindi naman! hehe. bakit?"
"may kakilala kang Darwin sa Section K?"
"Darwin .. Silvestre?"
"Silvestre? hindi ko alam. hahaha. basta darwin yung matangkad tapos medyo matangos ilong, tama lang yung pangangatawan, tapos.. hmm, medyo moreno?"
"aaah. yun nga po yun. Bakit? hehe."
"ah , talaga, kilala mo. haha. wala lang, nagtetex kasi sakin eh!"
"oh? hehehe. anong sabi?"
"wala. goodmorning lang. haha!"
"aaa.
"
Nakakainis naman tong si lei. hahaha. Kahinhin hinhin! dami namang tropang lalaki! hahaha. sabagay, di naman masamang magkatropa ng lalaki ang mga girls na mahihinhin eh,. tulad ko? lols.
Hmmm.. Darwin Silvestre. Silvestre pala. Bagay kaya sakin? Kimberly Jane I. Silvestre. Achuchu! landuts! Eh yung kaibigan kaya nya? anong name? ..
nandoon ako sa may upuan ni lei nang mapalingon ako dun sa upuan ko, nakita ko nalang na pinapakialaman ni jessa yung portfolio!!! hala.! nagmadali akong pumunta dun at kinuha ko agad yun.
"HOY! wag yan!!"
"ay, sorry, akala ko dito mo nilagay yung mga pinagupit satin. nasan na?"
"ito oh!" binigay ko sa kanya yung paper bag na pinaglagyan ko ng mga pinagupit. hehehe. may nabasa kaya yung bruhang yun? tsk.
"ano yan?" tanong parin nya sakin nung tinatago ko yung portfolio.
"wala!"
"yan yung mga sulat no??"
Nag-quiet sign nalang ako. tapos nun lumabas sya at ewan ko kung saan nagpunta. Haaaay. boring naman. lumilipas ang buong umaga ko nang walang kalatoy latoy eh. teka nga..
Lumabas nalang ako't nagwalis ng corridor.,habang nagwawalis, napansin kong nakatingin si kuya epal .. teka, bakit hindi nya kasama yung best friend nya? Si.. Darwin Silvestre. haha.
hindi ko sya pinansin. nagwalis lang ako hanggang sa malinis na ang labas, pumasok nako. sinara ko ang bintana, kahit mainit, okay lang. magbabasa nalang ulit ako at bubuksan ko palang ang libro.. tinawag na ako ni lei na nasa may pintuan.
"Ate Kim, si Jomar nga po pala! "
"Hi kim!!" kumindat yung jomar. aaah, sya yung best friend ni Darwin. Darwin Silvestre. LOL. oh eh bakit sya pinapakilala sakin ni lei? haha.
"bakit? hehe." sabi ko. nakapasalubong yung dalawang kilay ko't nakangiti ng pilit ang bibig ko. haha. eh ang weird lang kasi nung jomar eh.
"upo ka dun sa tabi ni ate kim o!" sabi ni lei. uy? ano be?? Si lei talaga!
Sa kakapalan ng mukha nung Jomar, pumasok sya at tumabi nga sakin! umupo sya sa upuan ni leslie, yung kaseatmate ko. aaarg. leslie??.. where are you baaaa...
"hi!"
"hi! " with a pilit smile.
"Kim kasi.. "
"ano? hehehe." kunwari nagbabasa ng book at hindi nakatingin sa kanya.
"Anong oras ka umuuwi??"
"ha? bakit? mga, ano, hmm, 5pm"
"aaah. eh, hmm, alam mo ba taga pook din ako!"
"oh? talaga. magkabaranggay pala tayo."
"hehe. oo nga eh."
--
Nang wala na syang masabi, nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa ng sa Anal Geom. haaay. ang hirap pala ng next lesson namin! buti nakagawa na ako ng math dictionary dito. ipapasa ko nalang sa pasukan. haha. wala na ata akong gagawin sa christmas break a? Sana wala!! Puwera nalang kung next week eh magbibigay pa yung ibang teacher ng ipapagawa.
"uhm, Kim?"
"bakit? hehe. pasensya kana ha, nagrereview kasi ako eh."
"aaah, may quiz bee ulit?"
"ha? nako, wala, para sa next lesson namin!"
"aaa, ang sipag mo naman!"
may nagbukas ng pinto sa harapan, lahat napatingin sa pagbukas ng pintong yun, ah, si mam. Joey pala. lol. kakaiba talaga yun magbukas ng pinto. haha. mabilis na lumabas ng classroom namin si Jomar. pagkatapos nun, balik sa pagkaboring ang buong klase. Values kasi ang subject. inantok lang ako. pero kailangang makinig eh. para sa grades. lol.
--
Pagkalabas na pagkalabas ng classroom namin ng teacher, madaling tumabi sakin si lei. to naman kasing si leslie pagala gala! haha. kung saan saan nagtutungo. lol
"anong sabi sayo ni jomar te?"
"ha? anong sasabihin. wala, magkabaranggay daw kami. hehe. ngayon ko lang nalaman."
"talaga? eh, yun lang?"
"hehe. oo yun lang. bakit?"
"wala. hehehe. ay ate! tinatawag ka ni Kuya Justin oh!"
Lumingon ako sa bintana. ngumiti sakin si justin. sumimangot ako't humarap uli kay lei.
"Hayaan mo sya."
--
CHAPTER 006
Naglalakad ako pababa ng building. nang malapit lapit na ako sa gate. naaninag ko si Darwin, si Darwin Silvestre <3 Me ganon?! haha. kumakaway sya sakin. kinalabit nya si Jomar at lumapit sila.
"Akin na yang bag mo Kim!" nakangiting sabi ni Jomar. Tinignan ko si Darwin. AAAAH. HAHAHA. kinikilig ako. Ang guwapo ni Darwin. Ni Darwin Silvestre. letse. ngayon ko lang sya natitigan ng malapitan!
"bakit? hehe" hindi ko pa binibigay yung bag ko kay jomar. natulala ako kay darwin. lol.
"Basta!" hinablot ni Jomar ang bag ko at naglakad na, sumunod lang si darwin sa kanya at hindi naman ako sumunod sa kanila. napansin ata ni darwin yun kaya lumingon sya't inaya ako.
"Tara!" buka ng bibig nya. To talagang si Darwin Silvestre oh!
lumapit nadin ako kasi medyo malayo layo na sila. nakakainis naman oh! ano ba kasing ginagawa ni Jomar. bakit nya kinuha bag ko! naiwan tuloy tong portfolio sa kamay ko. dapat ito nalang dinala nila.
"Anong pinagbubulungan nyo?" sabi ko. pansin ko kasing nagbubulungan sila habang naglalakad. ako naman tong nasa likod lang. para namang hindi nila ako kasama diba?!
lumingon sakin si Jomar at ngumiti lang. pwe. as if namang kikiligin ako sa dimples nyang malalim. haha. magkasing height lang kami. fair din ang kulay ng balat. clean cut. mukhang may kaya. hmm, yan si jomar. lol. pero ngayon ko lang to nakilala eh, nanghahablot na agad ng bag?
Huminto sila sa paglalakad nang makarating kami ng waiting shed. Wala lang, para kaming tangang tatlo. nakatayo, walang nagsasalita. hmp. bigla biglang may humila sakin. aray! ang sakit ng braso ko! ang higpit ng pagkakahawak sakin ni Justin!
"ARAY ko justin!" pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak ni justin sakin. pero ayaw nyang bumitaw. bigla syang sinuntok ni Darwin. Binaba ni Jomar yung mga gamit ko at pinagtulungan nilang dalawa si Justin. Nabitawan na ako ni Justin nung mga oras na yun.
"tama na!! Darwin! Jomar!! wag! bhe!!"
Pilit akong sumisigaw dahil natatakot akong mag-awat. Nakarinig nalang ako ng pito. Mga baranggay tanod. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Syete. napasama pa ako sa isang gulo. kakatakot.
Nandoon kaming apat sa baranggay hall. Sinermonan yung tatlo. Namumula yung mga kamao ng dalawang magbest friend. si bhe ko, na hawak hawak ko ang nanlalamig na kamay eh namumula ang kaliwang bahagi ng pisngi. tsk tsk. ano ba kasing nangyari? bakit ba kasi sila nagsuntukan!? AH!!!
Ginabi na kami sa pagbyahe, Hinatid ko si Justin sa bahay nila. Nakasimangot akong sinalubong ni tita. Hindi din naman kami nagkausap ni Justin dun sa loob ng Jeep. ayaw nyang kumibo. nakahawak kamay lang kaming dalawa. Nang makapasok na ng bahay si bhe.. Umuwi nadin ako. gabi na ako nakauwi. pinagalitan ako syempre pero okay lang. sana lang talaga hindi nila malaman ang nangyari.
Nagpaload ako kay mama. Nagpapaload kasi sya. So, ayun instant load. Pero hindi ako mahilig magtext kaya bihira din ako makapanghingi. Tinext ko pa si Jessa kung paano yung pag-uunli kaya medyo natagalan. Nang makapag-unli na, tinext ko na si Darwin. Si Darwin Silvestre
TO DARWIN: Hello. Kmsta kna? Sorry sa kanina ha! pwede mahingi number ni Jomar? Magsosorry lang din ako. Sorry talga! sna ok lng kyong dlwa!
Mabilis na nagreply si Darwin.
: Hi. oo. okay lang! ikw p! mlkas ka skin eh! hehe. hmm, heto.. 09 bla bla bla. Wag kng magsorry. kami dapat magsorry sau. ndamay kpa!
Hindi na ako nagreply, sa halip ay tinext ko yung number ni jomar. ganon lang din, nagsorry lang ako. Hindi nagreply si Jomar kaya, ayun. nagbukas muna ako ng YM, hindi Online si bhe. Nagmessage padin ako, sigurado namang mababasa nya yun pag nagonline sya.
Haaay.. nahiga lang ako ng kama. tutal, akala lang naman ng magulang ko sa baba na nanunuod ng tv ay nagaaral ako eh. Minsan nga, hindi na ako tinatawag para kumain kasi akala nila super tutok ako sa pagaaral. Pero bumababa din naman ako, pag nagutom.
DARWIN: Hi Kim.
LOL. ang kulit. hahaha. bakit kaya hindi pa nagtetext si Jomar? Di bale na nga, basta si Darwin Silvestre nagtext, ayos na.
K: Hi! Bakit hindi nagrereply si Jomar?
D: ha? ewan ko dun. katext ko naman! teka, ito number nya : 09 bla bla bla 8
tinignan ko sa phonebook kung tama yung number. hala naman. kaya pala. 8 pala ang huling number, 0 ang nakalagay sakin. LOL. tanga tanga.
K: mali pala ang number nya. hehe .sorry. thanks!
D: wala yun. hehe. so, pano, ?
K: ha? anong pano?
D: ehdi hindi mo na ako itetext kasi itetext mo na si jomar
K: hahaha! ang drama! syempre itetext. unli eh!
D: naks! hehe. kinikilig naman ako.
K: bading! bading lang kinikilig. lol.
D: hahaha. nice one.
Tinext ko muna si Jomar, finorward ko lang yung text ko kanina. Mabilis na nagreply si Jomar, Okay lang naman daw with a smiley face at heart. LOL. loko tlga yun. prang close kami ah? haha.
--
CHAPTER 007
hindi ko na sya nareplayan. Pero text padin sya ng text. mga.. Quote ang pinapasa, meron pangang isa survey. tapos kung anuanong mga walang kwetang bagay. Buti pa si Darwin. ang sarap kausap! Ikaw talaga, Darwin Silvestre oh! Hindi ako nagsasawa sa pangalan mo. kung alam mo lang.
K: so, magkabaranggay din tayo?
D: oo! magkapitbahay kami ni Jomar eh.
K: aah. bakit hindi ko kayo nakikita?
D: eh, ewan ko sayo! haha.
K: hahaha. aaah.
D: nakakahiya naman kasi pag lumapit ang mga bobong tulad namin sayo.
K: ha? sino nagsabi nyan. sira ka talaga!
D: lol. totoo naman eh
K: Uy wag kang ganyan. hindi kayo bobo.
D: naks! yan ang gusto ko sayo eh!
K: hehe. baliw!
D: hahaha. may pag-asa ba si Jomar sayo?
K: ha? baliw. may boyfriend ako.
D: aaah. oonga pala. yung fourth year na mayabang kanina. pumatol ka dun?!
K: oo naman! mabait naman kasi yun eh.
D: mabait eh sinaktan ka nga.
K: hehe. eh, oo nga.
D: tsk. ibreak mo na yun! di bagay ang magandang kagaya mo sa mga tipong ganon!
K: nako. eh, pinagiisipan ko din yan. hehe
D: wag mo nang pagisipan! basta pag sinaktan ka ulit non, lagot na samin ni jomar yun!
K: hehehe..
D: so, kumain kanaba??
--
Sabado ng umaga. Naglinis ako ng bahay. Nagbantay ng maliliit na pinsan. Naligo. Kumain. Hanggang sa dumilim ang kalangitan. hehehe. In short. Boring.
nalowbat ang cellphone ko kagabi kaya chinarj ko bago pa dumilim ng tuluyan. Naalala ko one day nga pala yung unli so, baka maexpire na, sayang naman kung hindi ko magagamit agad. Habang nagsasaksak ng charger na ayaw pang gumana eh may kumatok sa pintuan namin.
Yung tita ko ang nagbukas. Si Jomar. May dalang flowers. Nakapolo na kala mo eh aattend ng JS prom. nagulat ako. tinignan ko agad yung reaction ni mama na hawak yung pinapadede nyang kapatid ko. Nakasimangot. lumabas ng garahe, tinawag ata si papa. Pinaupo ni tita si Jomar tapos ayun, tahimik lang kaming dalawa. yung mga pinsan kong bulinggit sa sofa natutulog kaya hindi masyadong makaupo si jomar.
ilang saglit pa, pumasok na si papa. Nakasmangot din. Tumingin lang saglit tapos lumabas din. naguusap sila ni mama. binulungan ko nalang si Jomar.
"Bakit kaba nagpunta dito?"
"Ha? eh heto. para sayo." inabot sakin ni jomar yung hawak nyang bouquet. Ngumiti lang sya, tapos parang kinakabahan na ewan. Bumalik si tita galing sa kusina, may dala nang miryenda. naupo sa tapat ni Jomar. Ako kasi eh nandon sa lapag. nagchacharge nga kasi ako. haha.
"Oh, ijo, kabarkada mo si Justin?"
umiling si Jomar. napakunot noo si tita. "o? eh, kaninong mga bulaklak yan?"
"sakin ho. ay, hindi. para ho kay Kim, pinabibigay ko. hehe ;D" napakamot ulo naman tong si Jomar. nak ng, lagot ako nito eh. Nanliligaw ba tong si Jomar? lol.
"Ha? Teka nga totoy. Hindi mo ba alam na may boyfriend itong si Kimberly namin? ha? at mukhang nanliligaw ka. tsk tsk. patay ka sa tatay nyan!"
"ho? eh, oho. alam ko." tinignan lang ako ni Jomar. mukhang napahiya sya. tumango tango ako. bumulong ng sorry..
"ano iho? tska bakit ka may pasa pasa? saan galing yan?"
umiling lang si Jomar. tapos napangiti. Di nagtagal, nagba-bye nadin.
"Sige ho! una na ako. pasensya na sa abala! Kim! Sa lunes nalang. text mo ako! good night ho!"
Binuksan ko na yung cellphone ko kahit medyo hindi pa puno. Kailangan kong maitext si Jomar. nako, nakakahiya naman, pero bago ko pa maisend yung text ko, naramdaman ko nalang yung sampal ng tatay ko sa mukha ko.
"Bukas na bukas din, hiwalayan mo na si Justin! Ang bata bata mo pa ang landi mo na! ha? ha?! pag-aaral dapat muna ang atupagin mo!" ilang sampal yun. bawat salita ata may sampal. lumuha nalang ako. di ko na napigilan eh. tama naman si papa. ang landi ko.
Umakyat ako ng kuwarto ko pagkatapos ko magcharge. Pagkatingin ko sa cellphone ko, 15 messages. Nagbabasa ako ng mga text habang nagpupunas ng luha. Puro si Darwin. tinignan ko yung isang text. kowt lang.
:Pedro: anong Letra ang kunwari?
Juan: hmm, letrang k?
Pedro: mali!!
Juan: eh ano?
Pedro: ehdi letra letrahan!:
HAHAHAHAHA. ang korni pero pwede nadin. napangiti din naman ako eh. dinelete ko yun. kasi maliit lang memory ng inbox ko. hehe. madami pang nakakatawang text si Darwin. pero lahat puro may >GM< sa huli. kahit yung Gudafternoon? hala. ano ba meaning ng GM?
Nang magtatanong ako kay Darwin kung anong meaning ng GM, checkop na lumabas. nako, nahuli na ako. expired na. Sa susunod nalang ulit Darwin Silvestre
--
CHAPTER 008
Monday, first day ng Foundation day. Nakita ko sa may pintuan namin si Jomar. Ang aga nya pumasok ah? Wala akong nagawa, kinailangang pumasok eh. natatakot na ako sa bahay.
"Hi kim!" nagsmile lang ako. pumasok na ako sa classroom at umupo sa upuan ko. pansin kong pumunta ng room nila si Jomar, pagkalabas nya may hawak na syang silya at papel. umupo sya sa tabi ng bintana. sa tabi ko. binuksan ko nalang yung bintana para makapagusap kami.
pagkaupo nya, nagsulat sya sa papel. nilukot nya yun at binato sakin. natamaan ako sa mata kaya nagsorry sya. sabi ko naman okay lang. haha.
**Ang ganda mo talaga**
AHA! sya pala yung nambabato ng papel palagi!
"ikaw?"
"ako ang ano? haha"
"ikaw yung nambabato sakin lagi ng papel?"
"ha? hahaha. aaa. oo, sorry ha! di mo naman kasi binabasa agad. "
"ate kim!!" tawag sakin ni leslie sa pintuan. ano ba yang si les, nasa pinto palang at hindi pa nakakababa ng gamit eh nagtatawag na agad. haha
"bakit?" sinundan ko si leslie ng tingin hanggang sa makaupo sya sa tabi ko. humingal hingal muna sya saglit. "tawag ka ni kuya justin. hintayin kadaw nya sa room nila sa building A"
"ha? bakit daw?"
ewan daw sabi ni les. nagalala ako. iniwan ko na dun si jomar mag-isa. bahala sya dun. haha. nagmadali akong nagpunta sa building A. Pagkadating na pagkadating dun. naglagot sign yung barkada ni Justin. Nakita ko si Justin sa silya nya nakasimangot. pinapasok lang ako ni Kuya Glen. umupo ako dun sa silya ni ate lori. yung seatmate nya. sabi ko "bakit?"
Pinakita ni Justin saken yung Portfolio. OH NO? nakalimutan ko!
oonga pala. yung portfolio. Nasaknya pala. hala?
"basahin mo nalang yung sobreng hindi punit. okay? makakaalis kana."
hindi ako sinubukang tignan ni Justin. Parang napahiya ako sa room nila. lumayas na ako. hawak hawak ko yung portfolio. habang naglalakad papunta sa building namin, tinginan ko yung portfolio. OH NO. ;( lahat ng sobre punit punit. parang.. parang gusto kong maiyak. bakit ginawa to ni justin? may isang sobre na hindi punit. binasa ko yung laman. papel na parang hinugot sa kung saan,
**LOL. salamat sa pagiging tanga at kung anuano pa. salamat sa projects na naka90. Tanga mo no? naniwala kang mahal kita. Sorry pakisabi sa nanay at tatay mo. lol. Break na tayo.
**
hehe. galing din ano? napaluha nalang ako. Napahagulgol ako nung makarating na ako sa hagdanan. habang yung iba nagsasaya sa ibat ibang booth na meron sa school, ako naman tong si ngalngal. Nakita ako ni Jess. Niyakap nya ako. hindi ko naman masabi kung bakit ako umiiyak kahit tanong sya ng tanong kung bakit. Nakita din ako ni lei.. nagtawag panga ata sila ng kung sinusino at uminit sa paligid. dumami ang tao.
Umakyat na kami sa classroom knamin. yakap yakap yung portfolio. Nakita nina jess yung sulat ni justin. may mga sinabi sila na ewan, parang galit sila kay justin, di ko na naintindihan eh. ang alam ko lang sa ngayon, natatangahan ako sa sarili ko. Narinig ko yung phone ko may tumatawag. Darwin? bakit?
K: hello?
D: uy! bakit?
Hihikbi hikbi pa ako nung sumasagot sa knya. medyo paos .. para talagang umiyak. hehe
K: ha? hehe. anong bakit?
D: nandito ako ngayon sa CR.
K: ha? anong ginagawa mo dyan?
D: tinatawagan ka. hindi alam ni jomar. hehe. bakit ka umiyak?!
K: ha? wala!! ano kaba.
D: Bakit nga?
K: wala nga!!
D: Yung gagong fourth year ba?
--
pinatayan ko sya ng phone. aaaaaayst! ayoko pag usapan. Pasensya na talaga Darwin Silvestre huh? :<
nagpasama ako kay lei sa baba, duon sa may tambakan ng basura. inilagay ko nalang dun yung portfolio, naaawa ako sa secret admirer ko. hindi ko man lang nabasa lahat ng pinaghirapan nyang sulatin para sakin.
"ate okay lang yan."
niyakap ko si lei. kahit ambaho dun sa dumpsite. hehe. ayan medyo okay na ako. alam ko namang dito din patutungo yung relasyon namin ni Justin no. oonga pala, may freedom wall ngayon sa building namin! susulat nga ako!
--
To my secret admirer, hello. this is Kim of 3rd year science class. kung sino ka man, na nagsulat ng mga letters for me. sorry ha! nabasa ko na! eh.. thanks nga pala! and godbless. hindi ko na nabasa yung iba eh. kasi may nangyari sa portfolio, sorry talaga! sana makilala kita.
--
Nice! kaya ko din palang pagkasyahin ang sulat ko sa isang sulok. buti malaki tong freedom wall. ang mahal nga lang ng binayad ko. haha. anim na piso. kakainis naman.
inenjoy ko nalang yung araw. kumain ako ng cotton candy, si jomar ibinili ako ng ice cream at lobo, si Darwin naman, patingin tingin sakin. achuchu! ang landeee! hahaha. sana si Darwin nalang manligaw saken!! pwe? ano batong mga sinasabi ko. haha. Kasama ko si Lei, si Jess naman kasi kasama si paulo.
nang mag-uwian, dinaanan namin nina darwin, lei at Jomar yung freedom wall. gusto ko kasing makita kung.. sumagot si secret admirer. Nauna na si Lei. so, hinintay lang ako nung dalawang magbest friend. sa laki ng freedom wall.. hindi ko alam kung sumagot nga oh hindi, kasi naduling ako sa kakahanap. lols. di ko nadin hinanap pa..
Suamakay kaming tatlo sa Jeep, Since mauuna akong bumaba, bumaba nadin silang dalawa, hinatid nila ako sa bahay namin.[/spoiler]
[align=center][size=4]Chapter Nine to Thirteen[/size]
[/align]
[spoiler]--
CHAPTER 009
Bago lumayas yung dalawa, naalala kong tanongin si Darwin.
"oo nga pala! ano ba yung GM?"
"GM?" simangot na simangot si Darwin. parang hindi naintindihan masyado yung sinabi ko.
"General manager meaning nun Kim!" si Jomar yung sumagot. Nagtawanan yung dalawa. nag-high five "Gago!" sabay batok ni Darwin sa Bff. lol
))
"Group Message. " sabi ni Darwin. LOL. may pagroup message group message patong si Darwin. haha. akala ko goodmorning.
"aaaaaaaah." nagkatitigan lang kaming tatlo. natawa sa mga sarili namin at ayun, natauhan sila, umuwi nadin. maaga pa kaya hindi ako pinagalitan. Masaya nadin ako kahit nakipagbreak sakin si Justin. wala nadin namang kwenta kung makikipagbalikan pa ako dun. at isa pa, sinabihan nya ako ng tanga. Yun din naman gusto ni papa eh. at least ngayon, single ulit!
Naalala kong buksan yung YM ko, may message sakin si Justin. hmm..
**Hi. P***** *** mo po.
delete moko dyan! binura na kita dito. ktnx bye.**
LETSE LETSE LETSE!!! tama talaga si darwin eh! dapat hindi ako pumatol sa tulad nitong lalaking to!! letse talaga!
sa kakahampas ko ng computer desk, nahulog yung ballpen na nakapatong. napunta sa ilalim ng kama ko. hinanap hanap ko pa yun. nung mahila ko, may natangay. hala? hala? buti may natirang isaaa!!!
Isang sobre mula kay secret admirer! may Remembrance ako!! yehey!!
"Dear Kim,
Hi! Pang 15 na araw ko to ng pagsusulat sayo! siguro nagtataka kana kung bakit ko binibilang. hehe. wala lang. pag kasi umabot to ng isang daan, at hindi mo pa ako nakilala, ipapadala ko nato sayo. so, baka makalimutan ko kaya ko binibilang eh. hmm, oonga pala! dapat tatawagin kita kanina kaso nahiya ako. magiisip nalang ako ng ibang paraan para mapansin mo ako. tsk! smile lang!
Love:"
--
ang ganda talaga ng sulat ni.. hmm, ano kayang pwede kong itawag kay secret admirer? alam ko na! hmm, Clowniii!! lol. kasi diba bumili sya ng birthday card na may clown.
--
Tuesday,
Umagang umaga nandon si Jomar sa bintana. halatang ako ang hinihintay. ganon padin.
Wednesday
ganon uli. kumain ng pizza. Pinunasan ni Darwin yung catsup sa labi ko. wala kasi si jomar eh, nagCR. hahaha. tawa lang kami ng tawa pag kaming dalawa
Thursday,
Nagbigay si Jomar ng isang rose. inipit ko sa encyclopediang nadampot ko sa bag. haha. hmm, sumakay kami sa chutchut train na gawa ng fourth year. nakita ko doon si Justin, kaholding hands si ate lori. teka, bakit parang ambilis? Pwe. kadiri sya.
Friday. last day of Classes ngayong december. yesss! christmas break naaaaaaaa
"uy" bati sakin ni Jomar na nasa bintana. umupo ako sa upuan ko at binuksan yung bintana. Madaming sinasabi si Jomar pero, text ng text si Darwin kaya natatawa ako. nagpapasa kasi sya ng jokes. naasar ako! hahahaha. natatawa kasi ako, kaya hindi ko maintindihan si jomar eh.
"sino ba yang katext mo? hehe"
"ha? ah, wala, pinsan ko, nagpapasa ng jokes eh. natatawa ako. hahaha"
"aaah. so ano na, sa pasko, pupunta ka samen?"
"ha? pasko? hala, hindi, eh, ano, pupunta kami ng ibang lugar eh. "
"saan?"
"saa.. basta hindi ko pa alam sa magulang ko."
napansin ko nalang si darwin sa likod ni jomar, nilalagyan ng sungay yung bff nya, hahaha. ang loko ni darwin!! lol. napansin ni jomar na nakatingin ako sa likod nya kaya tumingin sya sa likod sabay batok kay darwin. ako naman tong si tawa. hahaha.
nagtawanan lang kaming tatlo roon. ganun padin yung sistema namin. sabay sabay padin kaming umuwi. minsan nga feeling ko, nalalayo nako sa mga classmates ko kasi tong dalawang to lang parati kong kasama buong linggo e. hehe.
--
D: hi! ang saya ko ngayong araw!!! GoodNight everyone! >GM<
K: hi darwin. bakit ka masaya? yiiiie~ haha
D: eh syempre. hehe.
K: bakit nga ;P
D: eh, napasaya ko yung taong mahal ko eh.
K: ha? o? hala, daya! hindi nagsheshare!
D: ganon talaga;P
k: sinoo? kilala ko?
D: secret. LOL
K: weh? hahaha
D: oo nga. secret.
K: bahala ka nga !!
D: sus. haha. basta,eh kumusta na kayo ni Jomar?
--
ARGGG!! di na ako nagreply. nabatrips ako. haha. Mood swings ba? Hindi din! Siguro kasi.. Feel kong hindi ako yung tinutukoy ni Darwin Silvestre. katext ko din si Jomar. pero.. hindi ko talaga feel eh. palagi naman kasing boring ang pinaguusapan namin!
minsan may mga sinasabi pa syang hindi ko naiintindihan. Palaging, kumain kanaba? ano gawa? masaya kaba kanina? mga ganon! eh ayoko ng ganon. naboboringan ako.
haha. o baka kasi... hindi ko lang talaga sya gusto. EWAN KO BA.
DARWIN SILVESTRE. bakit ba hindi nalang ako gustuhin mo? may gusto ka napalang tao hindi mo man lang sinasabi sakin! ehdi sana nakapagready ako. para .. masabunutan ko yung taong yun. para.. AAAAAAAAAAAAH! ewan. I HATE YOU NA DARWIN
J: KIMMY!! XD
pagtyagaan ko na nga lang si jomar. ayoko na mahurt kaya ayoko na itext si darwin. lalo lang ako nagkakacrush sa kanya eh.
K: uy jomar ;P
J: kumain kana?
K: oo. hehe. ikaw?
J: Oo din. hehe. no gawa?
K: eto, muni muni. ikaw?
J: hmm, iniiisip kung anong gusto mong regalo.
K: ha? hehe
J: ano ba gusto mo?
K: kahit ano.
J: kahit ano, mahirap yun. gusto mo, hmm, cellphone?
K: cellphone? haha. ayoko. nakakahiya sayo.
J: nahiya pato!!
K: CHEKOP
okay. chekop. hahaha. expired ulit. bukas nalang magload. napapadalas ata paguunli ko ngayon ah. naboringan ako sa loob ng kuwarto. Binuksan ko yung YM ko, at ..
Papabear: BUZZ!!
Buzz? bakit nagbuzz tong mokong? kala ko ba binura nya ako.
Kimmybhe: bakit?
Papabear: namimiss kita ng sobra ;(
Kimmybhe: ganon? eh pano yan. kala ko ba p*tang *na ako?
Papabear: SORRY!! so.. pwede ba tayo?
Kimmybhe: ha?
Papabear: kahit friends lang ulit?
Kimmybhe: pwede naman
TANGA KA KIM. pwede naman? anong sagot yan? aaah. bahala na nga.
--
CHAPTER 010
Papabear: osige. hehe. o eh kumusta kana? kami na ni lori. nga pala.
Kimmybhe: ha? ah. oonga kita ko nga. hehe. ok ako.
Papabear: Buti naman! kayo naba nung mga bec?
Kimmybhe: nako, hindi ah.
Papabear: sila ba yung nagsulat sayo?
Kimmybhe: ha? hindi. si clownii yun.
papabear: sino yun?
Kimmybhe: hindi ko din alam. hahaha
Papabear: ah osige, alamin natin!
Kimmybhe: ayoko nga! baka awayin mo nanaman!
Papabear: hindi ah! napala na ako sa mga pasang natamo ko. haha
Kimmybhe: mapapagkatiwalaan paba kita? sabihan mo banaman akong tanga.
Papabear: sorry naman. nadala lang. mapapagkatiwalaan mo ako no. ako pa. sa dami nating pinagsamahan.
Kimmybhe: sige. help mo kong malaman.
Papabear: sure.
--
Walang cellphone si Justin. Nakikitext lang sya madalas sa ate nya. Hay. bakit kasi nakasampung naiwalang cellphone na sya eh. yan tuloy hindi na sya binili ulit. haha. sige na nga, ako na ang tanga. tama bang makipagfreinds sa taong nagpaiyak sayo? haist. hayaan na nga! sana matulungan nya talaga akong malaman kung sino si clownii.
--
Maaga akong nagising, akala ko may pasok. wala nga pala. Naglinis nalang ako ng bahay. Bigla kong naisipang maglabas ng aso. Nakakita ng babaeng aso si Spot kaya nakarating kami sa kabilang kanto. kakainis eh. haha.
"KIIIIIIIIIIIIIIM!!" may tumawag sakin. paglingon ko, hala si tangkad! haha. Si tangkad Darwin<3 nagblush naman agad ako eh. may hawak hawak pa syang mga itlog. hahahaha. almusal siguro nila.
"oh, darwin." ngumiti lang ako. pahinhin effect. wuhaha
"may aso pala kayo!"
"haha. oo. kita mo naman diba."
"oonga eh. sabi ko nga!"
"hehe. eh, pasensya kana ha, nachekop ako kagabi."
"ayos lang yun. ako din naman nakatulog na. hehehe."
"magshare ka kasi!!"
hindi na sya kumibo. may tumawag sa knya tapos, nahiya na ulit akong sabihin na ishare nya kung sino yung type nyang girl, kaya ayun, sinamahan nya muna akong magpagala gala.
"ituro mo naman kung saan bahay nyo ni Jomar. hindi ko pa alam kung saan kayo dito eh."
"halika. turo ko sayo. pakilala nadin kita sa mga tao dun samin."
naglakad lakad kami. habang sabay kaming naglalakad nitong si Darwin lalo akong nafofall sa kanya. natatawa din ako. haha. kaso, maya maya, bigla nanamang tumakbo si spot, nakipagtahulan sa mga asong nandoon. iiiih, Im afraid na. daming aso! binato bato lang ni Darwin yung mga aso, tapos tinigilan na nilang awayin si spot. OMG, he's my hero talaga. ahuh? ARTE MUCH? haha.
Medyo madami pa kaming nilakad. gubat gubat na pala rito. di ko alam may parteng ganito pala. pero pagbungad naman sakin nung subdivision-like na lugar, namangha ako. ang ganda much ng mga bahay!! nahiya naman ako sa bahay ko. hahaha.
gusgusin naman kasi yung bahay ko eh! dito sobrang kakainggit. Teka, dito din nakatira si Jomar diba? kaya pala hindi ko alam na magkakabaranggay kami eh, sa kasuloksulukan pa sila ng baranggay namin nakatira. Pumasok kami sa gate ng isang malaking bahay. WOW o_O ito yung bahay nina Darwin? weh?
papasok na sana ako sa pintuan pero sabi ni Darwin hindi daw dun. huh? eh saan?
"dito tayo sa likod."
naglakad pa kami ng konti. tapos pumasok sya sa isang parang yerong bahay. "halika! pasok ka sa bahay namin." SERIOUSLY?? -_-
pagpasok ko doon, nakita ko yung mga apat na bata, natutulog pa sa papag. may isang ale dun, nagluluto. "Ate ko nga pala, ate, si.. Kim. kim, ate mercy ko."
"Hi po!" itinali ko muna si spot doon sa may kahoy. nilibot ko ng mata ko ang buong bahay. akala ko talaga dun sa malaking bahay ang bahay ni Darwin.
naupo ako sa kakapiranggot na kahoy dun sa loob. may isang tv na maliit, may isang lamesa, may anim na upuan na nakapalibot sa mesa, kaso may mga damit na hindi pa napaplantsa na nakapatong. haaay. ganito pala.
"uy, Kim, pasensya kana sa bahay namin ha. eh, sandali, gusto mo ng tubig?"
"nako hindi na Darwin!"
"sandali lang ha, pupuntahan ko muna si ina sa bahay nina Jomar."
"bahay nina Jomar?"
"oo. bahay nila yung malaking bahay. di ko lang alam kung pwede kang sumama eh. baka kasi pagalitan kami ni ----"
"nako wag na wag na! dito muna ako."
iniwanan ako ni Darwin. mga .. kalahating oras din ako nag-antay, pero umaaraw na masyado, kaya natakot ako baka pagalitan na kasi ako, uuwi na ako. nagpaalam ako kay ate mercy, tapos papalabas na ako ng gate. pero teka.. maling daan ata napuntahan ko. babalik sana ako sa pinanggalingan ko nang may lumabas dun sa butas. Si JOMAR!!! o_O Nakahubaaaaaad!
napatili ako ng malakas. napasigaw din si Jomar. natanggal yung towel nya, aaaaaah. lalo pa akong napasigaw. "KIMMY??!"
Narinig ata nung mga katulong at kung sinusino pa sa loob ng mansyon, nagtinginan silang lahat, tapos, parang galit sila sakin. hala ayan kasi ang ingay ingay ko.
"KIMMY?! bakit ka nandito?" kinausap na ako ni Jomar kaya pumasok na sa loob yung mga nagsilabasan. "eh, inaya kasi ako ni Darwin sa bahay nila. sorry!!!" -_-V
nagmadaling nagsuot ng T-shirt si Jomar, hawak hawak nya kasi yung T-shirt. buti nung matanggal yung towel nya naka shorts na sya. wew. nagulat lang ako kaya medyo mas napalakas ang tili ko. haha
"kimmy, dun kana muna sa bahay nina Darwin, hintayin mo ako dun. dun tayo mag-usap,"
"ha? nako hindi na kailangan, uuwi nadin sana ako eh, kaso mali pala tong nadaanan ko."
"ah ganon ba."
--
CHAPTER 011
"halika, samahan na kita sa gate. aso mo?"
natawa ako. tumango at pahinhin effect syempre. Ang bango ni Jomar. Amoy mayaman talaga. Pero nung mapansin ko, oo nga pala, hindi namin kasama si Darwin.
Medyo awkward. Kasi mas gusto ko si Darwin. Naglalakad lang kaming dalawa. Walang may lakas ng loob kumibo. Gusto kong magtanong ng madami tungkol kay Darwin pero parang dyahe naman yun para kay Jomar. Sya yung nanliligaw sakin, pero kay Darwin ako interesado. Tss. ang hirap naman ng ganito.
"uhm, kimmy.." lumingon lang ako sa kanya. nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad, sinira nya pa ang katahimikan. feel ko panamang pakinggan ang tahol ni spot. lol
"bakit jomar?"
"pwede tawagin kitang.. baby?" baby? bakit? nauulol nanaman to.
"baby ka dyan. sige papa kita.
" ano naman tong sinabi ko? hahaha. iilang araw palang kaming magkakilala nito feeling super close na agad sakin. hehe. Napatawa sya ng konti, pumayag nadin at inagaw sakin yung tali ni spot. Buti hindi sya tinahulan.
--
"Saan ka galing?"
"ah, naglabas lang ho ng aso."
Tumaas ako ng kuwarto ko. duon nanaman ako nagmukmok. as usual.. palagi naman ganito. Cellphone, libro, computer.. Ano pabang pwedeng pagkaabalahan ngayong bakasyon??
*kriiing*
mabilis kong napindot ang cellphone. Si Darwin ang tumawag. Kilig naman ang kalamnan ko! lols. "ang bilis mong sumagot ah?" napatawa ako. syempre pahinhin effect ulit. Ewan ko ba. nasanay na ako magpahinhin effect lalo na sa crush ko.
echosera!
"hawak ko kasi cell ko. hehe. bakit ?"
"wala lang. gusto ko lang makasiguradong nakauwi kang maayos." korny nya. lols. pero yan naman mga type ko. Korny, may sense of humour, matangkad, moreno.. Di kagwapuhan pero may dating. may gusto din kaya sya sakin? Tss.. parang malabo!
"iyon lang? haha" natatawa ako. ewan ko kung bakit. dahil sa kilig? o dahil ang korny nya talaga? lols. "sabi kasi ni jomar, hinatid ka daw nya. ayun." so? anong problema dun. wala ba syang tiwala sa amo nya? este, sa best dude nya? hmm.
"nakauwi na agad si jomar?" ilang saglit bago sya nakasagot. May ginagawa pa ata sya eh. ewan ko kung ano. may kumakausap sa kanya pero heto parin syang si tawag sakin. Saan kaya kumukuha yun ng panload? si Darwin Silvestre talaga o! haha. "uh, Kim, pwede mamaya nalang ulit? may ano eh,"
"ha? oo naman! osige, bbye." nagbye nadin sya't pinatay ko na yung phone.
--
Ilang linggo din ang lumipas pagkatapos nun. Haaay. Boring ano? Wala din naman akong napapala. Si Justin, di nadin naman nagoonline. Si Darwin, nagtetext.. sayang nga di ko mareplyan. Mula kasi nung dumalaw si Jomar dito, di na ulit ako pinapaloadan ng libre. Eh bakasyon naman, wala akong maibayad. Haaaist.. ano kayang pwede kong gawin?
Tatlong araw bago magnoche buena, di ako mapakali. Pansin din ni Tita yun. so.. lumabas ako ng bahay. Kaso.. baka makita ako ni Jomar, sabi ko panaman aalis kami, eh kahit hindi naman. So, ano, lalabas paba ako nito? nasa may gate ako nang makarinig ako ng tumawag sakin. "Kim!" lumingon ako. Aba. Si Darwin Silvestre! Bat sya napadpad samin?
CHAPTER 012
ngumiti ako. Syempre.. alam nyo na, pahinhin effect.
"uy!" inipit ko yung buhok ko sa tenga ko. hanggang balikat lang buhok ko kaya minsan, nakakalimutan ko magpuyod.
"Kim! bat.. bat ka.."
"bat nandito ka Darwin Sil..--, Darwin?"
"huh? Wala lang! masama bang dumalaw?" oo. kasi baka makita ka ng tatay ko dito eh. hehe. Pero basta ikaw, titiisin ko lahat. Sana nga, dito kanalang din tumira. ECHOSERA! Hindi na ako kumibo, tumingin sa kalangitan, at ayun, nagsalita si Darwin Silvestre
"bat di kana nagtetext kimmy?" Kimmy? Nakiki-kimmy nadin sya ha. "Kimmy ka dyan. hehe"
"ay oonga pala. si Jomar lang pala may karapatang tumawag sayo ng kimmy."
"uy, hindi naman! bahala ka nga. haha" hinampas ko sya sa balikat, humawak sya sa balikat nya't napakamot ulo. "Wala kabang gagawin ngayon?" tanong ko. Baka kasi pagalitan sya doon. alam nyo na.. mahirap na maging dahilan ng trouble sa buhay ng crush mo. So,
"Wala kim, ikaw ba? magpapasko na pala ano?"
"Wala din. hehe, boring nga eh." para kaming mga eng eng. Nagkakahiyaan kami eh halos araw araw naman kaming nagkakalokohan sa text lalo na nung may pasok pa. haha. Pero bakit sa personal, di namin mailabas ang tunay na saloobin namin. lols. Ganon ba talaga yun Darwin Silvestre?
"Eh, ano, gusto mo, labas tayo!"
"huh may pera kaba?!" nagsimula akong lumabas ng gate, sinara ko ang gate at umakay kay Darwin. Ano batong ginagawa ko? Napaka walang class ko naman. uh, bahala na nga..
"hehe. syempre meron!" nagsimula kaming maglakad. Awkward kaya bumitaw agad ako sa kanya.
Maya maya..
dugdug.dugdug.
Magkahawak kamay na kaming dalawa. Hinawakan nya kamay ko, pero hindi nya na to binitawan. Tuwang tuwa naman ako at hindi din makabitaw. ang higpit ng hawak nya kaya nahihiya akong unang bumitaw. So, ano na kami? MU? Fling? lols. Echoserang frog! Syempre friends, try ko kayang bumitaw?
Patuloy padin kami sa paglalakad, kwento sya ng kwento ng kung anuanong di ko naman maintindihan. Nakangiti lang ako palagi. oo lang ng oo. Hindi ako makapagconcentrate kasi, natutuwa akong nangyayari to. Yung.. Kawahak kamay ko yung taong gusto ko. Wala na akong ibang maisip kundi.. Thank you Lord. Ang saya ko. At ang swerte ko naman.
Mainit nung mga oras na yun. Natyempong napadaan kami sa isang tindahan, teka, sabi nya lalabas kami ah? ano? ito na yun? HAHA. pero sabagay. okay lang. Kasama ko naman si Mr. Silvestre of my life.
"Palamig?"
nagitla ako. Ano daw? ayan kasi Kim, tulala ka nanaman kasi kay Darwin Silvestre mo. ayan tuloy, nawawala kananaman sa katinuan.
"huh?"
"sabi ko palamig gusto mo?" binitawan nya na yung kamay ko nung mga oras na sinasabi nya yun.. Aray ko naman diba. Ouch din yun. Akala ko, hindi nya na to bibitawan. OA?! haha. napahawak ako sa kanang kamay ko. tinitigan ko to, napangiti ako't napatingin sa kanya. naghihintay parin pala sya ng isasagot ko. "uh, ah, oo, sige palamig."
--
Nakatayo kami dung umiinom ng palamig, nagkakangitian lang. Bumili lang din sya ng sky flakes. Chos! Ang cheap pero ang saya. Natatawa lang ako kasi ang simple lang ng araw na ito. Pero, ano.. ang romantic din. Ito na ang first official date namin! Palaka ba?
Oo, palaka na kung palaka. Echosera nga diba, pero hayaan nyo na, dito lang ako masaya. December 21. Favorite day ko na yun. Date kasi namin ni Darwin Silvestre eh. Date namin ng taong mahal ko..
Woot. o_O MAHAL?
CHAPTER 013
"ano bang iniisip mo dyan kim? " natatawang sabi ni Darwin. Napatitig lang ako sa kanya.
Tinignan ko yung labi nya. Syoks! ang manyak ko, umiiling ako, napakusot ng mata.
"wala wala." sabi ko nalang. umupo na kami sa bench na kanina pa namin pinagdidiskitahan upuan. Kanina pa kasi kami nagpaparamdam sa magtatay na mataba na gusto na naming makiupo pero hindi padin sila nakakaramdam. buti umalis sila't nakaupo na kami nitong si Silvestre.
Anyway, umupo kami't ubos na namin ang palamig namin. Nasa silong ang bench kaya hindi problema ang sinag ng araw. pagkaupong pagkaupo ni Darwin mula sa pagkakatapon nya ng basura naming dalawa, biglang bigla nagring ang cell nya. kinausap nya muna yun at umupo na agad sa tabi ko. napatingin ako sa cellphone ko't alas tres na pala.
"hindi ka paba nanananghalian?" tanong ko. Naalala ko din kasing di padin ako naglulunch. bukod sa sky flakes at palamig, wala pa akong kinakain magbuhat noong umalis ako ng bahay. "Almusal ko tanghalian ko. ay! eh ikaw ba? gutom kana no? tara.. kain tayo!" napatawa ako. eh, nakakahiya naman. wala akong dalang pera.
"Tara nalang kaya sa bahay namin." sabi ko. Nag isip sya, nagisip din ako. Tama ba tong ginagawa ko? Baka naman mapagalitan nanaman ako nito. Hindi kaya nakakahiya sa pamilya ko? ang yayain si Darwin kumain ng tanghalian sa bahay namin? Eh.. bakit, wala namang masama dun eh.. kaso, paano kung pagalitan ako? Pano kaya. hmm..
"bawal naman ata eh." sabi nya. Pansin nya din kasing napaisip ako. "oonga, wag nalang." nagngitian nanaman kami. Nagkahiyaan ulit. ngayon, di na magkahawak mga kamay namin. Gustong gusto ko itong hawakan ulit pero, paano? ganito naba ang sinasabing mahal? hala. Hindi panaman siguro. Hindi. Hindi, hindi ko pa mahal si Darwin, siguro, nababaitan lang ako sa kanya kaya ganon. Pero bakit..
bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Eh.. palagi naman ganito. Sana, si clownii nalang si Darwin Silvestre ko.
Sana kasi, sya nalang secret admirer ko.
*beep* *beep*
napatingin kami pareho sa sasakyang pumarada't bumusina sa harapan namin. Unti unting bumukas ang bintana nito. "Darwin! nandyan ka lang pala!" tawag ni Manong. Unti unti ding bumukas yung bintana nung sa may likod. Si Jomar nandoon. Tumayo na si Darwin nang makita namin si Jomar. Ang tangkad grabe!
"Kimmy! magkasama pala kayo nitong si Dar!" lumapit si Darwin, hindi sya nagpaalam sakin nang magbulungan sila ni Jomar. Bumalik sya't binulungan ako. "Kim, pwede kaba ngayon?" napaisip ulit ako. hapon na kasi eh, baka pagalitan ako. teka.. bakit nga ba ito ang iniisip ko. Palagi naman akong sunod sa utos kaya baka, okay lang akong sumuway kahit isang araw lang.?
"oo, bakit?" tanong ko. Malapit ng husto ang mukha ni Darwin sakin. Ang sarap amuyin ng hininga nya. Sana, bulungan nya pa ulit ako ng isa. Ngumiti sya, hinawakan nyang muli ang kamay ko't.. "tara!" sabi nya. tumayo ako, hawak nya ang kamay ko nung pinasakay ako ni Jomar sa likod. Si Darwin, sa harapan umupo, sa tabi ni manong. Tsk.
Ngumiti sakin si Jomar, kinumusta ako, at kung ano anong mga tanong pa ang tinanong nya. natahimik sya. Nung tumingin ako sa bintana, nakalayo na pala yung sasakyan, di ko man lang napansin.
"Saan kaba pupunta? Saan nga ba tayo pupunta?" oo nga pala. Sa sobrang pagkawala ko sa sarili ko, di ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga to.[/spoiler]
[align=center][size=7]Chapter 14~♥[/size][/align]
[spoiler][align=center][b]CHAPTER 014[/b][/align]
Ngumiti lang ang mabangong si Jomar. Tumingin ako kay Darwin, hindi sya lumingon. Di hamak naman na mas maporma ng husto si Jomar kay Darwin. Si Darwin, simple lang. Maong pants, blue shirt, yun lang. Itong si Jomar, ewan ko kung saang disco club pupunta. Pormang porma!
"kaya ko nga pinapunta si Darwin eh!" huh? hindi ko to maintindihan. Pinapunta nya si Darwin? saan? ano? teka.
"huh?" sabi ko. takang taka ako, palagi akong tumitingin kay Darwin pero hindi naman sya lumilingon. Kahit doon sa salamin hindi sya tumitingin para makita kami sa likod.
"Pinasundo kita kay Dar! hehehe. ayos ba?" ano ba to? nahulog ako sa patibong nitong si Jomar ah. teka, paano kung pagalitan ako?
"hala! ano kaba Jomar!" hinampas ko si Jomar, at doon, lumingon si Darwin. Tumingin ako kay Darwin, ngumiti lang sya, mabilis syang bumalik sa dating puwesto nya. Si Jomar, kung anuanong sinasabi habang hindi ko naman sya pinapansin. Haaay. Tangek tangek mo talaga Kim! Bahala ka nalang kim kung mapapagalitan ka mamaya.
"Huy kimmy?!" hindi nakatiis si Jomar nang biglang tumahimik ang buong sasakyan nya. pinindot pindot nya pisngi ko't napangiti nalang din ako. Eh, wala na eh, enjoyin nalang. Ito rin naman ang pinili ko. Pero akala ko kasi.. Si silvestre ang may pakana nito. Yun naman pala.. tss.
"baby. bati na tayo ha?" tinignan ko ang salamin. Nakita ko ang mata ni Darwin, umiwas ng tingin. aha! tinitignan nya kami! teka, "papa. wag kang malikot." sabi ko. kinalabit ko si Darwin, lumingon sya't nagtanong ng bakit. Ako naman tong si tanga, sabing wala lang.
pansin kong biglang tumamlay si Darwin kesa nung kaming dalawa lang ang magkasama. "nandito na tayo!" masayang sabi ni Jomar. Mabilis syang bumaba ng kotse nya't pinagbuksan ako ng pintuan. tumingin muna ako sa unahan ng kotse bago bumaba, hindi padin lumingon si darwin, sa halip ay bumaba na sya kaya bumaba nadin ako. nandoon kami sa isang garden.
"ano to jomar?" sabi ko. Naka puruntong lang ako na pambahay at naka maluwag na t-shirt. haaay. "pasok tayo." sabi nya saken ng hawakan nya kamay ko. napalingon ako sa likod at nandoon si darwin, ngumiti sakin. ngumiti din ako. alam kong kasunod namin ni jomar si darwin na naglakad. kaya sumaya ako.
dugdug. biglang bilis ng tibok ang puso ko nang huminto kami ni jomar sa paglalakad at tumabi sakin si darwin sa pagtayo. nakahawak padin ang kamay ni jomar sakin habang nagbubukas ng pinto, pero si darwin.. "Kim, pasensya kana." binulungan nya ako. ngumiti ako sa kanya at gustong gusto kong sabihing akala ko sya ang may pakana at sya nalang sana ang may pakana.
ngumiti ako't sinabing.. "okay lang." pumasok na kami doon sa pintong binuksan ni jomar. Pagpasok namin, bumungad sakin ang puro bulaklak na taniman at napaka daming paru-paro. namangha ako kaya nabitawan ko kamay ni jomar sa kakahabol ng isang paru-paro. napakaganda nya!
"ay, teka lang kimmy, may kukunin lang ako sa kotse." sabi ni jomar. tumango ako't tuwang tuwa padin sa nakita ko.[/spoiler]