Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

  2012-08-22 21:13:57

bianx
 Megumi Kairi
bianx's display avatar
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
FTalkers ♥♥ My Threads!Topic InitiatorSome FTalkers ♥ Me!
Refresh~
house
2347
298

Letters~♥ (of a torpe guy) *Chapter 019 || Sept. 17, '12

[quote=JaChriz;#276617;1345603485]pwede next day??[/quote] update ko na ngayon for you :thumbsup: :xixi: [align=center][size=7]Chapter 16[/size][/align] CHAPTER 016 Biglang bigla pagkaandar ng kotse, narinig nila ang kalam ng sikmura ko., ang lakas naman kase eh! "oops" sabi ko. nahiya naman ako ron. seryosong tumingin saken si jomar "hindi kapaba kumakain?" sabi sakin. mga lagpas 4:00 na kaya siguro sobrang gutom na ako. teka, anong siguro? GUTOM na talaga ako! umiling ako kay jomar at sinabi ni jomar kay manong na sa kainan kami dumiretso. Kumain muna ako. Si Jomar, salad ang kinain. sina manong at darwin, cheese burger, at ako, syempre sandamakmak na kanin! haha "sarap mo pala kumain ano kimmy?" sabi ni jomar. pinapanood nya akong kumain pero bahala sya sa buhay nya, basta ako gutom! >< "akala ko mahina kumain ang mga matatalino." sabi ni darwin. nag-high five sila ni jomar at si manong tatawa tawa lang. LOLs "Kim?" may narinig akong tumawag sakin. babaeng boses. lumingon ako, at aba. si ate lori. "Pokpok kaba kim?" huh? ano? anong sabi nya? pakiulit!? "ano yun ate lori?" napatawa si ate lori. binulungan yung kasama nyang babae. LINTEK! naiinis ako. ang arte nila. bumulong sakin si darwin, "wag mo nalang pansinin." sabi nya. "pwede ba kitang makausap in private kim?" bulong sakin ng malanding fourth year na si ate Loraine delos Santos. tss. tumayo nalang ako, nagpunta kaming tatlo sa female's comfort room. tatlo kasi kasama yung friend ni ate lori na maarte din. "ano ba yun ate lori?" sabi ko nang makarating kami sa loob. "Wala lang. ang landi mo kasi eh, dapat wag kang ganon." sabi nya saken. huh?! ako?? ako ang malandi? ano bang sinasabi nito?! "Sabi sakin ni Justin, ah, di bale na nga, basta wag kang pokpok okay?" "Ano bang sinasabi mo dyan?!" sabi ko. nagtawanan sila nung friend nya. gusto ko na halos umiyak. paano ba ako naging pokpok sa paningin nya? "Tignan mo nga itsura mo." mataray na sabi ni LORI. "Mukha kang basahan na pinaliligiran ng mga lalaki." sabi nung friend ni ate lori. tinignan ko yung damit ko, nagbuntong hininga ako. pumikit at hindi na nagsalita. "Alam mo loraine, kaya nakipagbreak si Justin dito eh, tignan mo naman." sabi ulit nung friend nya. Ah, okay? yun lang ba? okay. tapos naba sila? "Oh? bat hindi ka nagsasalita dyan kim?" sabi sakin ni ate lori. napabuntong hininga ulit ako. Iniimagine ko ang sarili ko na sinasabunutan sila pareho. pero ano eh, hindi ko kaya. kaya wag ko nalang gawin. "Tapos naba kayo?" sabi ko nalang. "Lahat ba nung mga kasama mo kanina boyfriend mo?" sabi nung friend. arg! "hindi ko boyfriend yun. okay? mga kaibigan ko sila kaya wala kayong pakialam kung masaya akong kumakain kasama nila. Okay?! tapos naba tayo sa usapang to?" "basta ba wag mo na ulit lalandiin si Justin eh, okay na sakin." sabi ni ate lori. aba, landiin? si Justin nga ang pilit na nagpapapansin sakin eh. Pwede ba?! malapit na magpasko at magbagong taon, sana naman diba, magbagong buhay na tong dalawang to. "hindi ko nilalandi si Justin ate lori. Sayong sayo na yun!" sabi ko't lumabas na ng comfort room.

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 04:51

[ 11 queries - 0.026 second ]
Privacy Policy