[quote=JaChriz;#292109;1347799980]aha it's been a long time...i miss this corner lalong-lalo na si Darwin ko[/quote]
[quote=JaChriz;#292109;1347799980]Teka.. Bakit Daddy ang tawag ni Darwin sa father niya? Bat' hindi ama?
Ano kaya buhay ni Darwin before ?
Bianx update na please...medyo nagulohan ako sa life ni Darwin eh...hahaha
wow demanding ko lol...[/quote]
adik mo jachriz
abangan
eto muna oh:
[align=center][size=7]Chapter 19
[/size][/align]
[spoiler]CHAPTER 019
Nagdaan ang pasko. Noche Buena.. Media Noche.. Fireworks..
Sabi ni Jomar, sabi daw ni kim sa kanya nagpunta sila ng Laguna. Kaya ayun. Eh hindi naman ako makapagtext kasi nga walang pasok, yung sweldo ko naman, pinapambili ng mga kailangan sa bahay. Tss..
Isang araw nalang at pasukan nanaman. Ang bilis ng panahon. Kita mo dati rati.. Hindi ako makakibo sa tuwing nakikita ko si kim, o sa tuwing malapit lang kami sa isa't isa.. Pero ngayon. oha.. nagdadamoves na din ako. syempre.. natututo kay Jomar eh.
"darwin, mag-isa ka dyan?"
"oh, jomar, ikaw pala."
"patabi ha?" umupo si Jomar sa tabi ko. Malaki kasi yung duyan nila dito sa garden kaya paborito ko dito tumambay.. Masarap ihip ng hangin.. Masarap makinig ng agos ng tubig mula doon sa kunwaring falls nila sa garden, at ng tunog ng tubig sa pool, tska masarap din pakinggan mga huni ng ibon.
"tignan mo Darwin, dati naman hindi ako nagseseryoso sa mga babae eh, diba?"
"ha? ah, oo nga eh."
"Pero bakit ngayon, si Kim lang talaga iniisip ko. Excited na nga ako bukas eh."
"bakit naman??"
"wala lang. haha! grabe no, ang bilis ng mga pangyayari.."
mabilis talaga..
"pano mo naman nasabi jomar?"
"kasi diba sabi ko sayo, nakita ko lang si kim na tumawid sa may kanto, tapos yun! nung nakita ko sya dun sa room nila na pinapagalitan, binato ko sya ng papel, at yun, mula nun, naging excited na ako araw araw, eh kelan lang ba yun? diba?!"
"ewan ko sayo pare, labo mo!"
"bakit? hahahaha. totoo naman eh!"
nagtawanan lang kami pareho.. hmm, pano nya naman nasabing seryoso nga sya kay kim? Hindi siguro yan.. Si jomar pa, eh sa sobrang pagkaexpert nyan sa pambababae eh hindi na yata marunong magseryoso yan.
"tingin mo, may gusto din kaya si kim sakin?"
"ha? bat sakin mo tinatanong?"
"basta, ano nga tingin mo?"
"hmm, ewan.. sakanya mo kasi tanongin! eh kailan lang ba kayo nagkakilala diba.."
"sabagay.. pero gwapo naman ako kaya imposibleng hindi mahulog sakin yun!"
"yabang mo jomar! hahaha"
"totoo naman eh! wahaha"
"o sya sige, magluluto pa ko ng tanghalian natin. dyan ka lang,"
tumayo nako't pinalo sa binti si Jomar na nakahiga sa duyan. haay.. Nung makatalikod ako sa kanya biglang naging seryoso yung nakatawang mukha ko kanina. tsk tsk, kailan kasi ako makakadiskarte eh? Mahirap kapag ang kakumpetensya mo mas mayaman at mas gwapo sayo. ano ba to. kakayamot.
January, first day of school [3rd quarter]
"Darwin bilisan mo!!"
nalate ako ng gising dahil late na ako nakatulog kagabi kakaisip ng kung anuanong mga bagay bagay. haaaist! pano ba to, kakaligo ko palang, nagpipippip na sina jomar sa labas. mauna nalang nga sila!
"Jomar, una na kayo, magbbyahe nalang ako."
"sigurado ka?"
"oo, sige!"
pinaandar na ni manong yung pajero, haist,. dami ko pa gagawin,
Jomar, 08:32am *pare, bilisan mo, absent si kim eh, *
nagmadali na akong nagpaalam kay ina at ate mercy. Sumakay na ako sa jeep at ayun, nasa school na ako.
"kim? a.. e, ano,,"
"ano kaba darwin, para kang nakakita ng multo! haha, tara."
sabay kami naglakad sa pathway. tuwang tuwa ako. kasi, pagkababa na pagkababa ko ng jeep, kasakay ko pala sya hindi ko alam. nandun kasi ako sa unahan sa tabi ng driver.. talaga naman oh! kami talaga yata ang nakatadhana sa isa't isa eh XD
"kumusta naman bakasyon mo dar? haha"
"eto, ok naman. ikaw ba? balita ko naglaguna kayo ah?"
"oo eh, ayun, ok lang din."
napaka ganda talaga ng mukha ni kim. Akala mo half breed sya ng kung anong lahi sa europe pero wala eh, sabi nya pure pinay naman sya. haist. Yun nga lang, mukhang manang at masungit, kaya natatakot mga lalaki lumapit sa kanya eh! kagaya ko. lol.[/spoiler]