Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

  2012-09-02 23:21:12

bianx
 Megumi Kairi
bianx's display avatar
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
FTalkers ♥♥ My Threads!Topic InitiatorSome FTalkers ♥ Me!
Refresh~
house
2347
298

Re: Letters~♥ (of a torpe guy) *Chapter 019 || Sept. 17, '12

Update!! ^^ [align=center][size=7]Chapter 18~[/size][/align] [spoiler]CHAPTER 018 Paano kung malaman ni Jomar na ako yung nagsulat ng mga sulat na yun? Tsk. ano kayang gagawin nya saken? ipapapatay nya kaya ako? papalayasin? ewan. ayokong isipin. Sa totoo lang, wala pa sa kalahati ng lahat ng sinulat kong sulat ang nakuha ni Kim. Yun lang yung pinasulat ko sa pinsan kong mas magaling sakin magcalligraphy. haha. Wala lang, nung nakaraang buwan kasi, nagpunta kaming Mindoro, sa probinsya, kaya ayun. pinasulat ko sa kanya. Sa kamalas malasan, dinalaw nya ako sa school at binigay nya sakin yung mga sulat. at ayun nga, nadisgrasya! :facepalm: nabasa tuloy ni kim :disappointed: Bumalik na muna ako ng bahay namin. Pumunta ako sa likod namin, doon sa hugasan ng mga plato, dun ko muling hinukay yung baul baulan kuno. Yung mga pinaglagyan ko ng mga sulat ko dati. haha! nakakatuwa ano? heto, hawak ko yung isa, elementary pa ako nun, nakasulat dito, nagkasabay kami sa jeep ni kimberly kaso kasama nya tita nya kaya nahiya akong kausapin sya. nakakatuwa naman. Nakita ko din yung balat ng mentos na tinapon ni kim. haaay.. andami ko na palang pagkakataon na nasayang. Kung hindi pa magkakagusto si Jomar kay kim, hindi nadin ako magkakaron ng pagkakataong makilala ako ng taong mahal ko. putek! Binalik ko na ulit yung sulat sa baul at muli itong ibinaon. Pumunta ako sa higaan ko sa labas. -- "Anak, bakit ka nagiisa dyan? gabi na oh" ngumiti lang ako kay ina. Humiga muna, tapos sabi ko nalang.. "ina, ganda ng mga bituin no?" napabuntong hininga si ina. Ngumiti sya sakin at hinimas yung ulo ko. "o sya.. mamaya pumasok ka na ah? malamig na dito sa labas." "opo." Dati noong mga bata pa kami, palagi akong tumatakas dito sa mga gawain sa mansyon, tapos.. pupunta ako sa kabilang kalye.. syempre para dalawin ng sulyap si kimberly.. Haha! ngayong third year na kami.. ewan ko lang. Pero siguro, napagod nadin ako sa mga pasulyap sulyap. Palagi ko naman nakakasalubong si kim sa school.. pero ewan ko ba.. Hindi ako makagalaw sa tuwing mapapadaan sya sa harapan ko. Parang ang hirap pati huminga! oh, ayan nanaman ako. Nakangiti. Nginingitian ko ang mga bituin. haha! loko!! dinukot ko yung cellphone ko sa bulsa ko, wala namang nagtext :/ Tss.. minsan naiisip kong ang kawawa ko. Ngayon, ako nalang ata ang taong hindi colored ang cellphone eh. Pero syempre.. swerte padin. Simula nung nawala si daddy eh, si ina na nagpatuloy na magpalaki samin. Diba, ang swerte ko kay ina? :) syempre swerte din ako sa mga pamangkin kong mahal na mahal ko.. Sana .. sweretehin din ako kay kim.. --[/spoiler]

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 06:59

[ 11 queries - 0.007 second ]
Privacy Policy