Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

  2012-05-04 04:51:21

bianx
 Megumi Kairi
bianx's display avatar
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
FTalkers ♥♥ My Threads!Topic InitiatorSome FTalkers ♥ Me!
Refresh~
house
2347
298

Letters~♥ (of a torpe guy) *Chapter 019 || Sept. 17, '12

[quote][i]Sa buhay ng isang tao, mahihirapan tayong malaman kung ano ba ang dapat unahin sa mga priorities. Pag-aaral? Pamilya? Kaibigan? o.. di inaasahang pag-ibig? Maraming tanong sa buhay. Maraming dapat pang matutunan. pero paano nga ba .. kung hindi ka sigurado sa tinatahak mong daan.[/i][/quote] -- [i]"pre, pwede favor?" "ano yun?" "ikaw naman magsulat oh! ito yung lahat ng sinulat ko sa scratch. isulat mo naman dito sa mga papel nato, tapos isobre mo nadin. bukas bibigyan kita ng sobre." "ano ba to?" "basta! hehehe. yung kinukwento ko sayo!" "ah. oo nga pala. eh bakit ako yung magsusulat?" "eh, wala lang. ang pangit ko kasi magsulat eh. sige na!" "sus. mag-iisang taon na yan ah, bakit hindi kapa kasi umamin dun. di na uso mabagal ngayon pare! hahaha." "hindi ako ganon! sige na ha! salamaaaaaaat!!"[/i] -- [align=center][size=7]CHAPTER 001[/size][/align] [spoiler]Hindi pa ako tapos sa assignments ko!! ano banaman yan. 20 minutes nalang! nandito na si mam! hala nako po, pano to!! Sabi nila.. masaya ang high school, pero parang hindi naman? Daming gawain, daming chechebureche, daming ka-ek-ekan! huhuhuhu. pandalas na ako sa pagsusulat. paano ba ito, ipapasa pa naman to ngayon. bakit ba kasi, kailangang matuto ng calligraphy diba? tinuturo naman ang penmanship noong kinder pa. AAAAAAAAAAAAAH. yoko na! Sampung letra nalang ang kulang sa isusulat ko. yes! malapit nadin .. pero, nako, dumating na yung teacher ko eh. hala.. "let's pray." habang silang lahat nagdadasal, ako itong si pandalas ng pagdedesign. maya maya, may bumato sakin ng papel. tumingin ako sa likod, wala naman akong napagsuspetsahan. sino kaya yung bumato? aaaayst! galing ata sa labas. nako naman oo. mga trip ng mga tao dito. kakayamot! natapos silang lahat magdasal. .. "Miss Imperial, lumabas ka, dalhin mo yang assignment mo, at dun ka magklase mag-isa. nagdadasal kami dito, ikaw patuloy ka sa pagsusulat! wag mong ipapasa sakin yan dahil hindi ko tatanggapin. o sya! lakad!" "pero mam .. " nakatitig padin sakin yung teacher ko. aaaaaaaaaaaaah. gusto ko nang umiyak ! lumabas nalang ako ng classroom, bumaba ng first floor at doon ngumalngal. nung matapos kong mag-emote, inayos ko yung gamit ko sa bag. tinapon ko yung calligraphy na pinaghirapan ko. nakakainis! yung crumpled paper na binato sakin kanina tatapon ko din sana, pero tinignan ko muna kung anong nakasulat. "Kim, si mam nakatingin sayo!" o_O shocks. sinong sumulat nito? hindi ko kilala ang sulat at parang hindi din naman sulat ng mga classmates ko? eh, sino kayang susulat ng ganito? ah, ewan, badtrip. tinapon ko nadin yun at naglakad na, umakyat ulit ako sa third floor. naghintay ako dun sa labas hanggang sa matapos ang Arts namin. ARG! dalawang buwan nalang naman eh. dalawang buwan nalang at hindi ko na titser yaaaan! nung tumayo ako, di ko napansing may dadaan pala kaya nagkabanggaan kami. hindi ko napansin kung sino sya. may nahulog syang portfolio. bumaba na sya ng hagdan kaya hindi ko na sya natawag pa. kinuha ko nalang yung portfolio at dinala hanggang sa pag-uwi ko. YM: Papabear: BUZZ!! : Bhe! di kita nahintay kanina sa gate ha! pasensya kana, nagkayayaan ang tropa eh. love you! text kita. ;) Sus. lagi naman. magiisang linggo nadin akong hindi hinahatid pauwi nitong si Justin. Hindi ko nadin naman feel na magjowa kami. so, paano? break nalang kaya kami!? tsk. dami kong iniisip! kakainis. bigla kong naalala yung portfolio. ah, oonga pala, ano kayang laman? mga sobre. sarado eh, tinignan ko yung likod, nakalagay, To: Kimberly Jane Imperial, Science Class From: HALA? nacurious ako. teka. sakin? baka naman ibang kimberly imperial? andaming sobre nito! sakin kaya talaga lahat to? hala, inisa isa ko, may pink na sobre, may blue, may white, iba iba! lahat To: Kimberly Jane Imperial ang nakalagay. pero lahat parang hindi pa nabubuksan. pwede ko kayang buksan at basahin? tutal, sakin naman nakapangalan eh.. ?[/spoiler]

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 16:52

[ 11 queries - 0.013 second ]
Privacy Policy