Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

  2012-09-02 01:01:30

LoveKat
LoveKat's display avatar
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!
Rated SPG
Bataan, PH
1221
219
2017-06-04
Website

Textmate (Chapter 7 POV Of Michael)

Salamat Je at Jachriz. I really appreciate the comment. :) [b]Chapter 2[/b] Niyaya ako ni Papa lumabas at magpunta sa isang restaurant, para kumain ng tanghalian, “Papa, pupunta po dito si Ate Mae. Bibisitahin po ako.” Sabi ko kay Papa. “ Kaye, isama na lang natin siya. Doon na lang kayo magkwentuhan.” Sagot ng aking Mama. “Sige po.” Ani ko kay Mama sabay ngiti. Si Ate Mae ay pinsan ko na malapit sa aking puso. Lagi niya akong dinadalaw kapag may free time siya. Siya din ang aking best friend. Kapag may secret ko, siya ang unang sinasabihan ko o kapag may dinaramdam o may sumpong ako dahil wala akong magawa sa bahay, tinatawagan agad siya ni Mama para amuhin ako. Sinasabihan din niya ako ng problema at secreto. Salamat laging nandyaan si Ate Mae. Laging umiintindi kahit wala siyang responsibilidad sa akin. Mahal na mahal ko si Ate Mae. 11:am: napaliguan na ako ni Mama tapos tinext ko si Ate Mae. “Ate Mae, nasaan ka na? “Nasa bahay pa lang ako. 1pm pa ako pupunta dyan.” Reply ni Ate Mae. “1pm pa pala pupunta dito si Ate Mae.” Sabi ko kila Mama at Papa na kasama ko sala. “Tara na. sundoin na lang natin siya. Para maaga din tayong makauwi. Itext mo na lang si Ate Mae mo” Sabi ni Mama. “Sige po.” Sabi ko kay Mama sabay ngiti. Itinext ko agad si Ate Mae. “Susunduin ka namin. Kain tayo sa restaurant.” “Sige. Tamang tama ako lang angmag-isa sa bahay.” Reply ni Ate Mae. Pagka-reply niya sa akin, pinalakad na ako ni Mama papuntang kotse, habang si Papa naman ay nilagay sa likod ng kotse ang aking wheelchair. Pagkasundo namin kay Ate Mae, dumeretso na kami sa restaurant. After 30 min. nandoon na kami sa restaurant. Pinapagtinginan ako ng mga tao lalo na ng mga bata. Niyoko ko na lang ang sarili ko habang nahihiya at konting inis sa mga tao. “Kaye, huwag kang yumoko. Alam ko ang iniisip mo. Itaas mo ang ulo mo at smile ka lang. Huwag mo silang pansinin.” Sabi ni Ate Mae na nakangiti. Tinaas nya ang ulo ko at inayos ang buhog ko. “Salamat Ate.” Sabi ko sabay ngati. Tama si Ate Mae dapat huwag akong yumoko at hindi na ako yuyuko kapag madaming nakatingin sa akin. Umorder na sila Mama at Papa ng pagkain. Habang hinihintay namin ang order may kiniwento si Ate Mae sa akin. “May nagpa-missed call ba sa iyo kanina?” Tanong niya “Oo. tapos nagtext. Sabi ikaw ba si Kaye.” Sagot ko. “Michael yun. Schoolmate ko noong high school. Sana sumagot ka.” ”Ayaw ko nga. Hindi ko naman siya kilala.“ “Sige na. Mabait yun. Kaya lang makulit.” “Sige. Kapag nagtext uli siya magre-reply na ako.” Sagot ko na may alangan “Ano ba ang pinapagkwentuhan nyo?” Tanong ni Papa. “Wala po. Kinikwento ko lang kay Kaye ang mga schoolmates ko noong high school po.” Sagot ni Ate Mae kay Papa. “Akala ko mga boys. Parang kinikilig si Kaye habang nagkukwento ka Mae.” Ani ni Mama. Maya-maya ay dumating na ang pagkain order nila Mama. Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami. Hai. Nagpapasalamat ako sa Diyos na sama-sama ang aking mga mahal. Kasama ko silang nagtatawanan at nagkukwentuhan. Napakaswerte ko nandyan lagi sila sa akin na nakasuporta. Hindi nila pinaparamdam sa akin na may kapansanan ako.

You are viewing a post by LoveKat. View all 18 posts in Textmate (Chapter 7 POV Of Michael).

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 03:04

[ 11 queries - 0.015 second ]
Privacy Policy