Re: Textmate (Chapter 7 POV Of Michael)
[quote=jechel.eonni;#178920;1340018291]nice Kathleen
be HONEST ![/quote]
Thanks..
Chapter 1
Kilalanin natin si Kaye Santos..
Ako si Kaye Santos, 18 years old. Nag-iisang anak nila Francis Santos at Yolly Sa ntos. Ako ay cerebral palsy. Hindi man nakakalakad pero ayus lang naman ako dahil punong puno ako ng pagmamahal galing sa mga magulang ko at kapamilya.
Lagi akong nakaupo sa wheel chair. Sa bahay man o sa labas. Kamay ang aking ginagamit kapag kumakain ako, mag-computer, magbanyo at etc.
Masayahin, talented, joker at matalino ang laging sinasabi sa akin at noong debut ko, niregaluhan ako nila Mama ng cellphone.
“Mama, Papa, salamat po sa regalo ninyo pong cellphone.” Masayang sabi ko sa aking magulang.
“Kaye, wala iyon. Basta magpapakabait ka lang ha.” Sabi ng aking Mama na may ngiti sa kanyang mga mata.
Pinag-aralan ko na ito gamit ang aking mga kamay. Kahit hirap man ako sa paggamit at nanginginig sa pagtipa ng aking cellphone, nag-eenjoy naman ako at habang natututo ay lagi ko ng nakaka-text ang aking mga pinsan, tiyo at tiya.
Kapag wala naman si Papa at kapag nasa out of town siya, tinatawagan niya ako.
Minsan, tinawagan niya ako. “Hello Kaye.” Bati niya sa akin.
“Hello Papa, kumusta po?” Masayang pagbati ko kaya Papa.
“Ayus lang Anak.” Sagot niya na nakangiti. “ikaw kumusta na? Anong gusto mong pasalubong?” tanong niya sa akin.
“Papa, ayus lang naman po kami ni Mama. Hindi naman niya ako pinapayaan.” Sagot ko kay Papa. “Pasalubong ? Ngiti mo lang po ayus na.” Biro ko sa aking ama.
“Hahaha. Sige ba. Maasim ba na ngiti o matamis na ngiti?” Biro niya sa akin. “Sige na Anak. May trabaho pa si Papa. Bukas uuwi na ako.” Paalam niya.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga at tinawag ko agad si Mama. “Ma, gising na po ako.”
“Good morning Anak.” Pagbati ni Mama sa akin. “Alam mong maagang uuwi si Papa mo kaya maaga kang nagising noh.” Sabi niya.
“Excited lang po ako para makita si Papa.”
“Tara na. Nagluto ako ng paborito mong hotcake.” Sabi ni Mama.
“Wow.” Sabi ko na may ngiti.
Hinawakan na ako ni Mama, pinalakad papuntang banyo at pagkatapos ay pinunta niya ako sa dining area para kumain.
Habang kumakain, nakita ko bintana na may bumubusina sa tapat ng bahay namin. Maya-maya ay nakita ko na si Papa at may dala-dala.
“Aba. Ang aga mong gumising ng anak ko ah.” Sabi ni Papa. “Anak, para sa iyo.” May inabot sa akin si Papa na paper bag at binuksan ko naman. Ang laman ay pink na blouse.
“Salamat Papa. Ang ganda naman po.” Ani ko na may ngiti.
Ramdam ko talaga ang pagmamahal ng aking mga magulang. Laki ng pasasalamat ko sa Dyos na sila ang naging magulang ko at hindi nila ako pinapabayaan.