Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

  2012-09-14 04:52:59

LoveKat
LoveKat's display avatar
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!
Rated SPG
Bataan, PH
1221
219
2017-06-04
Website

Textmate (Chapter 7 POV Of Michael)

[spoiler]Sorry for the double post.[/spoiler] [b]Chapter 3[/b] Pagdating ng gabi, may nagtext sa akin habang ako ay nagpapahinga. “Hello. Ako si Michael. Friend ni Ate Mae mo. Sa kanya ko nakuha ang number mo. Sana mag-reply ka naman.” Text ni Michael. Nagdadalawag isip ako kung magre-reply ako o hindi. Natatakot ako. Pano kung malaman niya na ganito ang kalagayan ko, tapos layuan niya ako kapag malapit na kaming magkaibigan. Pero naisip ko din wala naming masama kung ita-try ko, “Hello Michael! Ayan ha. Nag-reply na ako. ” Reply ko sa kanya na pikit ang mata ko sa pag-send. “Salamat naman nag-reply ka na. Hehe. Musta ka?” “Ok lang naman. Kanina kasama ko si Ate Mae.” “Ayus pala. Talagang close kayo ni Mae.” “Oo naman. Bestfriend ko siya at malapit na pinsan.” “Buti naman napilit ka ni Mae na reply-an ako.” “Hahaha. Oo nga. Napilit niya nga ako. Makulit kasi eh.” Magka-textt kami buong gabi. Napakakulit ni Michael pero masarap ka-text. Kinabukasan, pagkagising ko nagtext agad siya ng “Good morning:” Pagkatapos ay pumasok sa kwarto si Mama. “Good morning, Anak. 11:15 na. nagpuyat ka ba kagabi?” Sabi ni Mama sa akin. “Mama, may ka-text po ako. Hindi ko po naramdaman na 1am na nyon noong nagpaalam na po ako sa kanya.” Habang nagtatanghalian ako, tinatanong pa din ako ni Mama kung sino ang ka-text ko. “Anak, sino ba ang ka-text mo?” “Si Michael po. Kaibigan ni Ate Mae.” Sagot ko kay Mama na may ngiti. “Alam niya ba na may cerebral palsy ka?” Tanong ng aking Mama na may pag-alala. “Ma, hindi pa po. Pero sasabihin ko naman po. Hahanap lang po ako ng tyempo.” “Hindi naman ako nagkulang sa iyo sa pagsabi. Baka saktan ka lang ng lalaking iyan. Sabihin mo na hanggat maaga.” Paalala sa akin ni Mama. Napaisip ako sa sinabi ni Mama. Bigla akong natakot sa mangyayari. Pero naisip ko masaya naman ako na may textmate ako. Sasabihin ko kay Michael na meron akong cerebral palsy sa isang lingo. Kahit ano pa ang sabihin niya tatanggapin ko.

You are viewing a post by LoveKat. View all 18 posts in Textmate (Chapter 7 POV Of Michael).

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 21:06

[ 11 queries - 0.011 second ]
Privacy Policy