Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

  2012-10-07 06:06:58

LoveKat
LoveKat's display avatar
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!
Rated SPG
Bataan, PH
1221
219
2017-06-04
Website

Textmate (Chapter 7 POV Of Michael)

[b]Chapter 5[/b] Isang araw, tumatawag si Michael sa akin, hindi ko sinagot dahil kabado ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o baka hindi niya ako maintindihan. “Bakit hindi mo ako sinagot?” Tanong ni Michael sa text. “Akala ko miss call lang iyon.” Sabay kamot sa ulo. “Tawagan uli kita.” Habang nagri-ring ang cellphone ko, nag-relax muna ako at baka mautal-utal ako. Sa ilang segundo kong pag-relax ay sinagot ko na ang tawag ni Michael. “Hhhello.” Sagot ko na kabang-kaba. “Hello Kaye. Buti naman sinagot mo ang phone mo.” ang sabi ni Michael na lalaking-lalaking boses. “Oo, sinagot ko na dahil makulit ka kasi.” “Hahaha. Napatawa mo tuloy ako kahit na may…” napatigil siya sa sinasabi at parang may problema siya. “Kumain ka na ba ng dinner?” “Anong kahit na? May sinasabi ka kanina. Hindi mo lang tinuloy.” “Ayaw ko sanang sabihin sa ito pero sasabihin ko na din.” Ano bay un? Baka kasi matulungan kita at mapagaan ang loob mo.” “May problema lang naman ako sa kapatid ko. Nawalan kasi siya ng trabaho ilang buwan na ang nakakaraan. Lagi kaming nag-aaway dahil wala na namang pera si Kuya at humihingi siya sa akin ng pang-yosi. Ayon, nagkasagutan na kami.” Matamlay niyang sagot. “Magkakaayos din kayo ng kuya mo. Kausapin mo na lang minsan kung bakit mo siya hindi binigyan ng pangyosi.” “Oo nga. Hindi ko lang naman siya binigyan dahil sa makakasama sa kanya ito.” Inabot kami ng ilang oras ni Michael mag-usap at iba’t ibang topics ang napapag-usapan namin. Natutuwa ako at sinabihan niya ako ng problema. Magaan siyang kausap at noong natapos na kaming mag-usap ay tinext niya ako. “Kaye, salamat sa oras at salamat napagaan mo ang loob ko. Nakalimutan ko tuloy ang problema ko. Good night and sweet dreams.” “Wala yun. Good night na din.” Napakasaya ko at palihim na kinikilig habang kausap ko siya. Napasaya niya ang araw ko. Sana mag-usap uli kami. [b]Chapter 6[/b] Araw-araw kaming magkatext ni Michael at halos gabi ay tinatawagan niya ako. Alam na namin ang mga ayaw at gusto namin sa mga tao at bagay. Kilala na namin ang isa’t isa. Pero nakaka-guilty minsan dahil hindi ko pa sa kanya sinasabi na may cerebral palsy ako. Binabalak ko na sanang sabihin sa kanya pero natatakot ako at baka hindi na siya mag-reply. Isang linggo na kaming magka-text ni Michael at araw ngayon ng mga puso. Balak ko ng sabihin sa kanya ang totoo. “Good morning, Kaye! Pwede ko ba ikaw tawagan mamaya?” Ang text ni Michael. “Good morning din! Mamaya ka na tumawag, pagkatapos ko na lang kumain. Pwede ka ng tumawag.” Sagot ko. Iniisip ko kung bakit niya ako hindi binati ng happy valentine. Lagi naman naming pinapag-usapan na malapit na ang valentine noong mga nakakaraang araw. “Good morning! Happy Valentine’s Day, anak.” Bati ni Mama sa akin. “Happy valentines din po Mama.” “Mukha ka yatang may problema. Umagang umaga nakasimangot ka.” Napansin niya sa akin. “Ma, wala po ito. Nagtataka lang kay Michael kung bakit hindi niya pa ako binabati. Pero gusto niya daw akong tawagan pagkakain ko.” “Baka gusto ka niyang batiin habang kausap ka. Mas sweet yon.” “Opo nga noh. Mas sweet.” Ang sagot ko kay Mama habang kinikilig. Pagkatapos kong kumain ng almusal at ilang minuto pa lang ang nakakaraan ay nag-text na si Michael. “Tapos ka na bang kumain? Pwede ko na ba ikaw tawagan?” at ang sagot ko, “Sige, pwede mo na akong tawagan.” Agad-agad ay tumawag na siya sa akin. “Happy valentines, Kaye.” “Sa iyo din.” “May tanong sana ako. Okay lang ba?” Sabi ni Mchael na parang nagdududa. “Ano yon?” Kinakabahan ako sa sasabihin niya. “May pinuntahan ka ba kagabi?” “Oo. Sa restaurant na malapit lang dito. Bakit mo naitanong?” “Wala. May nakita ko lang si Ate Mae mo na may kasamang naka-wheel chair. Ang weird nga pero may bigla lang akong naisip. Pero imposibleng ikaw yon, Kaye.” Ani ni Michael na parang malungkot. Pagkasabi ni Michael ay binaba na niya ang cellphone. Alam na niya ang sikreto ko. Nakita niya kami ni Ate Mae na magkasama kagabi. Tina-try kong tawagan siya pero hindi niya ito sinasagot. Tinext ko na lang siya. “Hello Michael. Oo, Ako ang kasama ni Ate Mae. May cerebral palsy ako at hindi nakakalakad. Sasabihin ko talaga sa iyo ang tungkol dito pero natatakot ako dahil kapag nalaman mo i-reject mo na lang ako.” Ilang oras na at hindi pa din si Michael nagre-reply. Ang sama-sama ng loob ko habang hinihintay ko ang text niya. Pakiramdam ko niloko ko siya at galit din kay Michael. Iniisip ko na hindi niya ako matanggap na ganito ang kalagayan ko. Noong gabi, dumalaw sa akin si Ate Mae at dinala ako sa kwarto ko. “Anong nangyari? Tinext lang ako ni Tita na buong araw kang nakasimangot.” Sabi ni Ate Mae na alalang-alala. “Ate, nakita tayo ni Michael kagabi.” Sagot ko “Alam na niya?” gulat na gulat niyang tinanong sa akin. “Siguro. Dahil kausap ko siya at sabi niya nakita ka niya na may kasamang naka-wheel, ibinaba na niya ang telephono. Tinext ko din siya at sinabi ko na ganito ako.” Sagot ko habang malungkot at umiiyak. “Nag-reply naman ba?” “Hindi pa nga. Nakatatlong miss call na din ako.” “Hayaan mo na, Kaye. Huwag mo ng isipin ang mga walang kwentang tao at makikitid ang utak.” Niyakap ako ni Ate Mae at pinatahan. Sobrang nasaktan ako sa mga nangyari. Galit ako kay Michael pero naniniwala ako na may eksplenasyon ang lahat. Nagpapasalamat na lang ako na nandito si Ate Mae na nakadamay sa akin.

You are viewing a post by LoveKat. View all 18 posts in Textmate (Chapter 7 POV Of Michael).

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 17:15

[ 11 queries - 0.011 second ]
Privacy Policy