Announcement

We are moving to Friendster.click

Join us: www.friendster.click/join-friendster

We're also on discord.

discord.gg/8Q2UqfWC9r

  2012-10-08 22:14:12

LoveKat
LoveKat's display avatar
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
Some FTalkers ♥ Me!
Rated SPG
Bataan, PH
1221
219
2017-06-04
Website

Textmate (Chapter 7 POV Of Michael)

[b]Chapter 7 (POV Of Michael)[/b] Ako si Michael, 21 yrs old. IT graduate. May nangyari sa akin noong pagkatapos ko ng college, nadisgrasya ako habang nagmamaneho noong pauwi na ako galing Maynila. Naapektuhan ang paa ko at nakatatlong opera na ako sa kaliwang binti. Ngayon nakasaklay na ako at lagi akong tine-therapy. Noon hindi ako lumalabas ng bahay dahil hindi ko matanggap na nakasaklay na lang ako pero unting-unti ko ito natanggap sa tulong ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko. Ngayon ay nagtratrabaho ako sa bahay bilang technician ng mga cellphone at computer. Nakakatulong naman sa pamilya kahit ganito ako. Ayaw ko naman maging pabigat sa kanila pagkatapos ng aksidente ko. Minsan, nagkainan ang mga kaibigan ko sa bahay namin. May kinukulit akong kaibigan na si Mae. “Mae, tignan ko cellphone mo ha. “Sige. Pictures lang. Wag yung mga messages at mga contacts.” Sagot ni Mae. Tinignan ko ang mga pictures ni Mae. May nakita ako kasama niya sa isang picture, maganda, maputi at singkit. Tinanong ko ito kay Mae. “Sino tong kasama mo sa picture?” “Ahhh.. Pinsan ko yan. Lagi ko yan kasama.” “Anong pangalan?” Pwede ko ba siyang maging textmate?” Tanong ko kay Mae. “Kaye ang pangalan niya, 18 years old. Mabait yan pero hindi ko sa iyo ibibigay ang number niya.” Sagot ni Mae na may alinlangan. “Mae, bakit naman? Makikipagkaibigan lang naman ako sa kanya.” “Baka paiyakin mo lang ang pinsan ko. Wag na. iba na lang.” ang taray na sagot ni Mae. “Ang over protective mo naman. Pero may kilala ka ba na napaiyak ko? Wala naman diba. Kilala mo naman ako. Hindi ako nagpapaiyak ng babae.” “Over protective lang ako sa pinsan ko na si Kaye dahil special siya sa puso namin. Oo nga naman mabait kang tao at wala ka pang napapaiyak na tao. Sige, papag-isipan ko kung bibigay ko sa iyo ang number niya. itetext kita mamayang gabi.” “Sige. Hihintayin ko yan Mae.” Natapos na ang kainan namin ng mga kaibigan ko. Hindi ko tinantanan sa kakatext si Mae. Kinabukasan na siya nagtext. “Sige. Ito na ang number ng pinsan ko: 09*********. Pero wag ka munang magtext dahil magkikita pa kami mamaya. Ayaw ko siyang mabigla dahil baka isipin niya basta basta ko lang ipinapamigay ang number niya.” Sinunod ko naman ang text ni Mae at tinext ko siya kinabukasan. Nakailang miss call at text ako kay Kaye. Buti naman nagreply na noong bandang hapon. Mahiyain at parang may tinatago. Pero kalaunan ay nakikilala ko na siya. Kahit sa text ko lang siya nakilala ay parang close na kami. Hindi ko sinabi na nakasaklay ako dahil nahihiya ako at baka hindi niya ako matanggap. Sasabihin ko ito sa araw ng valentines. Sana ayos lang sa kanya. Noong minsan tinawagan ko siya sa cellphone, dahil sobra kong lungkot noong araw yon. Pinagaan niya ang loob ko. Parang may naramdaman akong kakaiba. Halos araw-araw magkausap kami at magkatext at parang nagustuhan ko siya kahit hindi ko pa siya nakikita ng personal. Tinawagan ko si Mae minsan. Sampung ring na hindi pa din sumasagot. Tinawagan ko uli, salamat sinagot niya din. “Mae, pwede ko bang makita si Kaye?” tanong ko sa kanya. “Michael, hindi pa pwede. Alam ko may may sasabihin siya sa iyo pagkatapos ng isang linggo ninyong magka-text.” “May sasabihin lang ako sa kanya.” “Ano ba yon? I-text mo na lang siya.” Sabi ni Mae na nagsusungit. “May gusto lang akong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung kaya ko itong sabihin dahil sa kalagayan ko.” “Ano ba yon?” Tanong ni Mae. May nararamdaman na akong espesyal sa pinsan mo. Pero nahihiya ako dahil sa kalagayan ko na may saklay ako.” “Alam mo, hindi naman tumitingin si Kaye sa labas na kaanyuan. Sa Feb. 14 may sasabihin siya sa iyo. Matatanggap ka din niya. Malalaman mo din ang sinasabi ko.” Ani ni Mae na tuwinang may tinatago sa akin. Inunawa ko na lang si Mae at hinihintay ko ang araw na may sasabihin sa akin si Kaye. Lagi pa rin kami nagte-text at nagtatawagan. Pero hindi ko pa nasasabi ang nararamdaman ko. Sana matanggap niya ako. Feb. 13: Niyaya ako ng aking tita na kumain sa isang restaurant. Nakita ko doon si Mae na may kasama ang babaeng naka-upo sa wheelchair. Bigla kong naisip na si Kaye ang kasama ni Mae. Gusto ko silang lapitan pero natakot ako. Dahil kung si Kaye nga ang kasama ni Mae, pareho kaming may kakulangan. Paano ko mamahalin ang taong iyo kung halos pareho kami ng kalagayan? Hindi ko siya maaalagaan. Nahihirapan ako at naguguluhan sa mga nakita ko. Kinabukasan, tinawagan ko si Kaye at tinanong ko siya at nalaman ko na nga na siya ang kasama ni Mae kahapon. Nag-text din siya at pinagtapat na niya ang kundisyon niya na may cerebral palsy siya. Nagpasya muna ako na hindi ko muna siya i-text at mag-iisip muna ako kung ipapagpatuloy ko ang especial na pagtingin ko sa kanya.

You are viewing a post by LoveKat. View all 18 posts in Textmate (Chapter 7 POV Of Michael).

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 07:34

[ 11 queries - 0.008 second ]
Privacy Policy